Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang kasaysayan ng MISAMIS ORIENTAL

Ang Misamis Oriental, mayroon lamang itong 357,010 hektaryang lawak ng lupain, binubuo ito ng
kawha’g upat ka lungsod.Ang Misamis Oriental ay binubo ng tatlong dakbayan, ang Cagayan (kapital), El
Salvador at ang Ginoog . Sinasakupan din ng Misamis Oriental ang humigit kumulang na 1,126,215 tao
base sa 2007 census population.

Bago maging Misamis Oriental, nagsimula muna ang lalawigan bilang Misamis. Nagmula sa mga Kastila
ang pangalang ito na nangangahulugang Kuyamis , na ang ibig sabihin matamis na niyog, na siya raw
nagsilbing sinaunang pagkain ng mga sinaunang katutubong nanirahan dito.

Nagsimula ang kasaysayan ng Misamis noong 1818 panahon ng mga Kastila. Noong April 7, 1900
nagkaroong ng digmaang Pilipino at Amerikano na pinamumunuan ni General Nicolas Capistrano.
Pagkatapos nito, nagkaroon na naman ng “ Battle of Makahambus” na pinamumunuan ni Don Apolinario
Velez noong June 4, 1900. Pagsapit ng 1929 naipasa ang Legislative Act No. 3537 na nagsasaad ng
paghahati sa Misamis sa dalawa noong Nobyembre 2, `1929, makalipas ang sampung taon, taong 1939
ganap na nahati na ang Misamis sa Misamis Oriental at Misamis Occidental at ang unang gobernador ng
Misamis Oriental ay si Don Gregorio Palaez. Noong June 15, 1950 ay naging syudad ang Cagayan de
Misamis at naging Cagayan de Oro City dahil sa Congressman na si Don Gregorio Pelaez.

Mindanao Product Showroom- Isang showroom sa Cagayan de Oro, kung saan naka display ang iba’t-
ibang handicrafts sa buong Hilagang Mindanao.

Ostrich and Crocodile Farm- Matatagpuan ito sa Opol, Misamis Oriental. Pagmamay-ari ng mga Filipino-
Chinese na negosyante.

Mindanao Slik Mulberry Farm- Matatagpuan sa Claveria, Misamis Oriental. Binabahay nito ang
Philippine Textile Research Institute Mindanao Office.

PHIVIDEC Industrial Estate- Matatagpuan sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ceramic Making- Sa Bulua, Cagayan de Oro. Gawaan ito ng mga paso, plato, banga at iba pang
ornamental.

APTPCO- Sa Ginoog City. Ang produkto ay plywood.

INDO PHIL. OIL MILL- Sa Medina, Misamis Oriental. Gumagawa ng Coconut Oil.

\ Cagayan de Oro ang nagsisilbing kapital na kalakalan ng industriyang nag-iimbes sa Hilagang Mindanao,
bagkus ito rin ang may pinaka modernong kapaligiran at kabuhayan sa buong rehiyon.

Bukod sa pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ng Misamis Oriental, kilala rin ito sa mga pasyalan at
iba’t-ibang festivals. Nariyan ang mga likas yamang talon tulad ng Talon ng San Isidro/Sagpolon, Palalan
at Tiklas. Mga Cold Spring tulad ng Sapong Spring at mga kweba tulad ng kuweba ng Macahambus.
Tinatangkilik din ng husto ang mga masining na pista ditto tulad ng Kagay-an Festival sa Cagayan de Oro
na idinaraos tuwing Agosto 26. Isa itong pagdiriwang para sa pagbibigay pugay kay Santo Agustine. Ang
Kaliga Festival sa Ginoog City na idinaraos naman tuwing Hulyo 23 na idinaraos naman para alalahanin
ang anibersaryo ng City Charter. Ang lubi-Lubi Festival sa Ginoog City rin tuwing ika-22 ng Mayo ay
selebrasyon naman ng pista ni Sta. Rita. Karaniwang gumagamit ng mga kostyum ang mga mananayaw
sa selebrasyon na gawa sa mga coconut. At ang Hudyaka Festival na ikinukumpara na tila Maskara
Festival daw ng mga tiga Bacolod, Sinulog ng Cebu at Kadayawan ng Davao at iba pang uri ng pista na
nagsasadula ng pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng lugar bilang pagtatanghal.

You might also like