Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF LIBERAL ARTS


GRADUATE SCHOOL STUDIES

Pangalan: ELIZAR C. ABDULLAH


MAFIL – I
FILIPINO 205
Guro: Prof. Nena C. Abdurajak, MA

Pagsubok I. Ipaliwanag/ talakayin ang mga sumusunod na salita o pahayag.

1. Kurikulum
>ito ay tinatawag din puso ng edukasyon samakatuwid, ang kurikulum ay nagmula sa salitang latin
na “kurere” na ang ibig sabihin sa ingles ay to run. Ang kurikulum ayon sa aking pagkakaintindi ay
isang disenyo ng edukasyon na ang layunin nito ay mapaunlad ang mga mag-aaral sa loob man o
labas ng kanilang paaralan.

2. Kaugnayan ng kultura sa kurikulum


>Malaki ang kaugnayan ng dalawang larangan na ito pagdating sa pagpapaunlad ng pagkatuto,
Ang kultura ay sumasalamin sa buhay ng tao,samakatuwid dito natin nalalaman ang
pagkakakilanlan ng pinagmulan ng bawat pangkat ng tao.
Ang kurikulum naman ay masasabi natin desenyo o pattern ng edukasyon, kaakibat ng pagbubuo
at pagpapaunlad ng kurikulum ay binabatay din sa kultura upang maging mapadali ang
pagkatutong maganap sa loob at labas ng paaralan.

3. Subject-centered
 Sa aking palagay ang subject-centered learning ay mga pagkatuto ng nakatuon lamang sa kung
ano ang nilalaman ng kurikulum at hindi nakabatay sa pagkatuto ng bawat mag-aaral
samakatuwid ito ay tradisyunal na pagkatuto.

4. Student-centered
 Student-centered learning o mas kilala sa tawag na 21st century learning ang layunin naman
ng kurikulum na ito ay mapaunlad o madagdagan pa lalo ang kahusayan ng mag-aaral sa
kanilang larang na tinatahak, ang student-centered ay nakatuon sa pagkatuto ng mga
bata,hinahayaan silang gumawa ng mga estratehiya o pagkatuto na nagaganap sa totoong
sitwasyon,di tulad ng sa tradisyunal na pagkatuto nalilimita lamang ang pagkatuto sa kung
ano meron sa loob ng aklat.

5. Framework ng K-12
Ang framework na ito ay tumatalakay sa pag-unlad ng isang mag-aaral, ang pinakasentro ng framework
ay ang mag-aaral ang unang pag-unlad ay “being ang becoming a whole person” ito ay nagaganap bago
xa makarating ng secondarya ay kailangan makamit ng bata ang ganitong pag-unlad,natatalakay ang
bawat pag-unlad na ito sa ibat-ibang teorya na ginawa ng mga eksperto, ang sunod na pag-unlad ay ang
ibat-ibang kakayahan na matatamo ng isang mag-aaral sa sekondarya, sa yugto na ito nalalaman ng ng
mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa larangan kung saan sila may kalakasan at kahinaan upang sa
ganun ay matukoy ng mag-aaral kung ano kanilang tatahakin pagkuha ng kursong kanilang ninanais, ang
sunod na yugto ay pagpapaunlad ng sarili patungo sa realidad,na kung saan nakapokus ang kanilang
atensyon sa mga pangangailangan ng lipunan samakatuwid ay real life situation na ang kanilangan
ginagampanan ditto pumapasok ang k-12 learning, ang huling yugto ay pagmamaster ng kanilang
kahusayan at kalakasan sa larangan na kanilang gagampanan upang sila ay maging handa sa mga
sitwasyon na kanilangan tatahakin at maging kapaki-pakinabang sa lipunan at maging globally
competitive.

6. MTB-MLE
 Mother tongue-base multilingual education Ang kurikulum na ito ay nakabatay sa unang wika
ng bata sa kanilang pagkatuto, dahil batay sa mga pag-aaral na ginawa ng mga eksperto ang
mga bata daw ay madaling matuto sa pamamagitan ng kanilang wika na ginagamit sa kanilang
bahay, layunin ng karikulum na ito na paunlarin ang pagkaintindi ng mga bata sa basic na
pagkatuto sa 4 na makrong kasanayan. Sa una at ikatlong taon ng bata sa paaralan ay
nangyayari ang pagpapaunlad na ito dahil sa mga panahon na iyon ay sinasabing mas
tumitibay ang pundasyon ng bata sa pagkatuto ng mga paksa kanilang pinag-aaralan,maliban
sa pagkatuto naipapakita din sa mga mag-aaral na tangkilikin ang sariling wika nang sag anon
ay hindi ito mawala sa kanilang kultura.

7. Differentiated instruction
 Para mas lalong mapagtibay ang pagkatuto na nagaganap sa loob ng silid aralan kailangan ng
ganitong pilosopiya upang mapagtagumpayan ang layunin ng edukasyon sa tulong ng
differentiated instruction, dahil ang mga mag-aaral sa 21st century ay madali ng mabagot lalo
na kung ang mga paksa ay pauulit ulit na lang tinuturo ng sa parehong pamamaraan, may mga
pagkatuto na hindi lamang sa pagbabasa nagaganap, kailangan din maganda at nabibigyan ng
interesado ang mga bata sa pag-aaral upang maging masaya at hindi mabagot sa kanilang
pagkatuto,Malaki ang naiaambag ng ganitong pilosopiya sa mga makabagong mag-aaral dahil
nagkakaroon sila ang kasayahan sa pag-aaral. Halimbawa na lang ditto ay ang pagpapakita sa
kanila ng ibat-ibang larawan,pagpapadala ng mga halimbawang specimen at pag-bibigay sa
kanilang ng makabagong impormasyon na kung saan sila-sila mismo ang makakatuklas.

8. Simbolikong Berbal
 Kumakatawan sa simbolong kahulugan ng mga salita o ideya. Ang bawat
pagpapakahulugan ay may kaugnayan sa isa pang salita. Mayroon itong iba’t ibang
proseso sa pagbibigay ng pagpapakahulugan sa mga ideya, kasama ditto ang Semanti
mapping, Association o word network, clinning at clustering.

9. Ang Kasalukuyang kurikulum sa Kinder/Elementarya/Sekondarya/Tersyarya

 Ang bawat bata sa pilipinas ay kailangan dumaan muna sa kinder sa edad na 6 bago sila
makatungtong sa elementarya yan ang bagong panukala ng kagawan sa edukasyon, layunin
ng panukala na ito na dapat magkaroon ang bata ng lakas ng loob na makisalamuha sa ibang
bata upang sila ay matutong mapag-isa,dito tinuturo ang mga unang pagpapaunlad na
kailangan matamo ng bata gaya ng pagsulat at mabuting disiplina.
 Sa elementarya naman ay nakapokus ang pagpapaunlad sa 4 na makrong kasanayan ng mag-
aaral, pagbasa,pagsulat,pakikinig,pagsasalita at ang bagong kasayan na panonood at pag-
iisip,dito sinusubok ang kanilang kahusayan sa ibat-ibang larang
 Sa sekondarya naman ay patuloy na pagdedebelop ng kanilang kasanayan upang mas lalong
mahasa ang kanilang kakayahan sa ibat-ibang larang,mas binibigyan din ang kanilang
kakayahang komunikatibo upang magkaroon sila ng tiwala sa sarili sa pakikipagtalastasan.
 Sa tersarya ay patuloy parin ang idinidevelop ng kanilang kahusayan ngunit ang mga paksa ay
mataas na ang lebel, kung ikukumpara ang mga paksa sa sekondarya.

10. Mga Sanligan sa Pagbabago ng Kurikulum

 Ang kurikulum ay hindi perpekto kung kaya’t palagi itong nagbabago sa paglipas ng panahon.
Ang mga stakeholders,kagaya ng mga guro, mga magulang mga ahensya ng pamahalaan atbp.
ay malaking ambag sa pagbuo ng maayos at kapakipakinabang na kurikulum sa kasalukuyan.

11. Mga Pamamaraan sa Pagbabago ng Kurikulum.

 ang paghahambing (curriculum crosswalk) at pagmamapa (curriculum mapping) ng mga


nilalaman nito. Nilalayon nito na (1) malaman ang mga ispesipikong pagbabago; (2) matiyak
ang spiral progression; (3) masuri at maaral ang mga puwang na maaaring maidulot ng
pagbabago at nang sa gayon ay mapunan; at (4) masiguro ang integrasyon ng mga
kinakailangang nilalaman ng partikular na disiplina (Jacobs, 2009).
 Ang pagbabago ng ating kurikulum ay kaakibat na rin ng pagbabago sa ating lipunan, dahil sa
pagbabago na nagaganap sa ating lipunan sa paglipas ng panahon ay kasabay nito ang
pagbabagong nagaganap sa kurikulum ng edukasyon, ang mga paraan na ito ay naging
sandata ng kagawaran ng edukasyon upang makamit ang mahusay at maayos na kurikulum
sa larangan ng edukasyon.

12. 21st Century Learning


 Ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon, ang mga mag-aaral ng 21st
century ay mga panahon na kung saan ang mga kagamitan ay makabago na, kung kaya’t ang
mga mag-aaral ng 21st century ay masyado ng maunlad dahil dito dapat ang mga kaguruan ay
handa sa mga hamon para mas mahusay nilang maituro ang mga pagkatuto na kailangan
matutunan ng mga mag-aaral. Kung pag-uusapan naman ang mag-aaral kailangan maging
globally-competitive sila ng sa ganon ay kaya nilang humarap sa mga hamon na kanilang
haharapin sa bansa pati na rin sa ibang panig ng daigdig.

13. Lokal na Kayamanan


 Ang local na kayaman ay matatawag din na mga ipinagmamalaki nating yaman sa ating bansa,
sa panahon ngayon mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang kayaman ng ibang lahi kesa sa ating
yaman,hindi natin maiwawaksi na ang ganitong kaugalian ay namana din natin sa mga
banyagang sumakop sa atin, sa larangan ng pagkatuto mahalagang maipakita sa bawat mag-
aaral ang mga kayamanan na makikita dito sa ating bansa upang mas tangkilikin natin ang
sariling atin.
 Ang ganitong uri ng pagkatuto ay tinatawag na Culture-Based Education.

14. Cone of Experience


 Cone of experience ay nagpapakita ng biswal na representasyon ng karanasan na may
labing isang hakbang, ayon kay dale na isang eksperto sa pag-uugali ang bawat hakbangin
ay sumisimbolo sa pang araw-araw na ginagawa ng tao at kung paano ito napapaunlad
batay sa kanyang ginagawa. Ang mga karanasan sa bawat yugto ay maaaring
magkahalintulad at magkakaugnay na nagpapatatag ng mas makabuluhang pag-aaral.

15. Mga Laro

 Mahalaga ang laro sa pagkatuto basta siguraduhin na angkop ang laro sa paksa na
tinatalakay sa klasrum, Malaki ang naitutulong ng laro upang hindi mabagot ang mga bata
sa talakayan sa klase at magkaroon sila ng pagkakataon na makisalamuha sa isat-isa ang
gumalaw ang kanilang katawan ng paminsan-minsan,nagbibigay din ng kaligayahan sa
mga mag-aaral ang laro dahil doon ay mas tumitibay ang pagkatutong nagaganap sa loob
ng silid aralan.
16. Mock-up

 Ito ay para ding pagmomodelo o panggagaya, subalit ang mock up ay panggagaya lamang
sa ilang bahagi at hindi nlmg kabuuan.

17. Ispesimen

 Ito ay mga tunay na bagay o real-facts tulad ng mga antigong barya, na mula sa ibang
bansa, mga bato mga halaman, at iba pa.

18. Tableau
 Ang salitang Ingles na Tableau ay nangangahulugan at tumutukoy sa isang grupo ng mga
modelo o mga pigurin na hindi gumagalaw upang ilarawan ang isang eksena mula sa
nakaraan o maaaring mula sa isang kuwento.

19. Role-playing
 Role-playing/Dramatizing o dula-dulaan, ito ay pagsasadula ng tekstong natalakay upang
lubusang maunawaan.

20. 4A’s

 Ang 4A’s (ACTIVITY, ANALYSIS, ABSTRACTION, APPLICATION) sinasabing ang ganitong uri
ng banghay aralin ay isang mabisang paraan para sa isang makabuluhan na talakayan sa
loob ng klase.
 Importante sa pagtuturo ang pagkakaroon ng banghay aralin, ito ay pagpaplano ng aralin
sa araw ng pagtuturuan,mahalaga rin na ang banghay aralin ay nagtataglay ng 4a’s upang
mas maging matibay ang pagkatutong maibigay sa bawat mag-aaral. Ang 4a’s ay parang
pagkain kumpletos rekados ang handaan ng aralin.

Pagsubok II.

Panuto: Ihanay ang hinihingi ng bawat isa. Siguraduhing tig-5 ang mga hanay napapaloob/naibibigay sa
mga nabanggit sa ibaba.

1. Mabuting maidudulot ng Sabayang Pagbigkas.

Nalilinawan sa pag-unawa sa isang paksa.


Nalilinang ditto ang wastong pagbigkas ng tula.
Sa pamamagitan ng pagbigkas naisasagawa ang kaisahan ng tono at tamang himig ng mga
salita.
Nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na makihalubilo sa iba.
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng
pagsasadula.
2. Kabutihang Maidudulot ng mga kagamitang pampagtututro.
Nagging kasiya-siya ang pagkatuto ng mga mag-aaral
Nakakawala ng bagot sa mga mag-aaral.
Ang guro ay nagiging malikhain sa pagtuturo.
Nabubuhay ang interes ng mga mag-aaral.
Nanghihikayat ng mas malapit na komunikasyon ng mag-aaral at guro.

3. Ang Paglalakbay at ang Exsibit bilang kagamitang pampagtuturo.


Nabibigyang pagkataon ang mga mag-aaral na balikan ang nakaraan.
Naipapakita sa pamamagitan ng eksibit ang mga magagandang gawa ng mga-aaral.
Naipamamalas ang talent sa pamamagitan ng pagsali sa eksibit.
Nabibigyang-pansin ang mga mahalagang pangyayari sa kasaysayan.
Nakikilala ang mga mahalalagang tao sa likod ng mga magagandang gawa.

You might also like