Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKALUSUGAN

 sobrang katabaan, kanser (Taasan ang buwis sa mga softdrinks pati na ang sa
powdered Juice drink para pigilan ang isa sa mga sanhi ng diabetes at katabaan).

Sa ngayon, ang isyu ng stunting at malnourishment ay ilan sa mga bumabagabag sa


sektor ng kalusugan. Base sa pinakahuling survey ng Food and Nutrition Research
Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), nasa 26.2% ang
chronic malnutrition rate sa mga batang may edad 0 to 2 sa ating bansa. Ito ay
pinakamataas na antas sa loob ng sampung taon. Ang chronic malnutrition, or stunting
rate naman sa mga batang limang taon pababa ay nasa 33.5%. Tumaas ito ng 30.5%
mula 2013.

Kaya nga’t ang kalusugan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat. Lahat tayo ay
konektado, lahat tayo ay interdependent, kahit pa hindi natin ito nais o matanggap.
Ayon nga sa Gaudium et Spes: “Every day, human interdependence grows more tightly
drawn and spreads by degrees over the whole world… Every social group must take
account of the needs and legitimate aspirations of other groups, and even of the
general welfare of the entire human family.” Kaya nga’t napakahalaga kapanalig, ng
ating pagkakaisa, na ayon na rin sa Gadium et Spes: “It is imperative that no
one…indulge in a merely individualistic morality. The best way to fulfill one’s
obligations of justice and love is to contribute to the common good according to one’s
means and the needs of others, and also to promote and help public and private
organizations devoted to bettering the conditions of life.” Ang estado ng ating
kalusugan, kapanalig, ay isang panawagan para sa pag-ibig at katarungan. Dinggin natin
ito.
MGA KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKAPALIGIRAN:

 mga polusyon (tubig, hangin, ingay, at iba pa)

Kalamidad

 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng


malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan
nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang
mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge, paglindol,
tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.
 Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na humahanga sa
mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan nitong makabangon agad mula sa
dagok ng matitinding kalamidad.

Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,


kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang waste management,
mining, quarrying, deforestation, at flash flood.

Ang biglaang pagbaha o flash flood ay isang mabilis na pagragasa ng tubig


hanggang sa bumaha o umapaw ang tubig at makapaminsala ito sa
mabababang lugar.

Maraming dahilan at salik ang nagdudulot ng flash flood. Ilan sa mga ito ay
ang pagbagyo, kawalan ng maayos na lusutan ng tubig, urbanisasyon,
pagkatunaw ng yelo, pagkasira ng mga dam at dike.

Ang flash flood ay nagdudulot ng malaking pinsala o pagkasira sa lipunan,


kabuhayan, kapaligiran, kalusugan, kalikasan at iba pa
Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan:

Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,


kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong udyok ng
pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang panteknolohiya.

Bagamat mayroon pa ring mga balakid, unti-unting nagkakaroon ng malayang palitan


ng kaalaman, mga tao, at puhunan o kapital, mga produkto, serbisyo, at iba pa.

Ipinalalagay na ang globalisasyon ay nagsimula noong ika-11 siglo sa Asya (particular


sa China), hindi man sinasadya, ito ay naipagpatuloy noong Panahon ng Pagtuklas ng
mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ang pang-ekonomiya, pampulitika, at sosyokultural
na pinagmulan ng globalisasyon ay maiuugnay rin sa mga pangyayaring ito.

Ang pag-iiral ng kalakalan ay may maraming dahilan. Nang dahil sa pagpapakadalubhasa


at pagkakahati ng paggawa, karamihan sa mga tao ay nakatutok sa maliit na aspekto
ng produksiyon, pangangalakal para sa ibang mga produkto. Umiiral ang kalakalan sa
pagitan ng mga rehiyon dahil ang iba't ibang rehiyon ay may mga pahambing na
kainaman sa produksiyon ng ibang kalakal, o dahil sa lawak ng iba't ibang rehiyon na
pinapahintulutan para sa benepisyo ng maramihang produksiyong tulad ng mga presyo
sa pamilihan sa pagitan ng mga kinaroroonan ay napapakinabangan ng parehong lunan.

Ang pangangalakal ay tumutukoy rin sa mga aksiyon na ginagampanan ng mga


mangangalakal at ang mga ibang ahenteng pangkalakalan sa mga kalakalang
pampananalapi.

You might also like