Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang lipunan

1. ANO NGA BA ANG LIPUNAN?

2. “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.”(Mooney, 2011) EMILE DURKHEIM

3. “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-


aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang- yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. ”(Panopio, 2007) KARL MARX

4. “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan


at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan.”(Mooney, 2011) CHARLES COOLEY

5. ANO ANG LIPUNAN? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa
isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Binubuo ng
iba’t ibang institusyon, ugnayan at kultura.

6. ANO ANG BUMUBUO SA LIPUNAN 1. Istrukturang Panlipunan 2. Kultura

7. MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN 1. Institusyon - isang organisadong


sistema ng ugnayan sa isang lipunan. a. pamilya b. edukasyon c. ekonomiya d. relihiyon e.
pamahalaan

8. 2. SOCIAL GROUP - ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
2 uri ng Social Group 1. Primary group – tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga
indibidwal. 2. Secondary group – binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa
isa’t isa.

9. 3. STATUS - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. 2 uri: 1.


Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipanganak. Hindi ito
kontrolado ng isang indibiduwal. 2. Achieved Status - nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng
kaniyang pagsusumikap. Maaaring magbago ang isang indibiduwal ang kaniyang achieved
status.

10. 4. GAMPANIN (ROLES) - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at
mga inaasahan ng lipunang kanyang ginagalawan. - ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunanng kanyang ginagalawan.
11. B. KULTURA ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay
kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. (
Andersen at Taylor ) ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang
batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao. (Panopio) tumutukoy sa kahulugan
at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. (Mooney)

12. DALAWANG URI NG KULTURA 1. Materyal - binubuo ito ng mga gusali, likhang – sining,
kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. - ang mga
bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag- unawa ng kultura ng isang lipunan. 2. Hindi
Materyal – kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala at norms ng isang grupo ng tao. -
hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. - ito ay bahagi ng pang
araw – araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan.

13. MGA ELEMENTO NG KULTURA 1. Paniniwala ( Beliefs ) - tumutukoy ito sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinanggap na totoo. - maituturing itong batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. 2. Pagpapahalaga ( Values ) - maituturing
itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung
ano ang hindi. Batayan kung ano ang tama o mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat.

14. 3.Norms - tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa
isang lipunan. - nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang indibiduwal sa
lipunang kaniyang kinabibilangan. Dalawang Uri: a. Folkways – ang pangkalahatang batayan ng
kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. b. Mores – tumutukoy sa mas
mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mores ay magdudulot ng mga legal na
parusa.

15. 4. Simbolo ( Symbols ) - ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumamit
dito. - kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible
ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.

16. Kabuuan LIPUNAN ISYU ISTRUKTURANG PANLIPUNAN KULTURA INSTITUSYON SOCIAL


STATUS STATUS GAMPANIN (ROLES) SIMBOLO NORMS PAGPAPAHALAGA PANINIWALA

You might also like