Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Kahulugan ng Pagsusulat
a. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng
panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong
mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita.
b. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit
upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may
layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng
sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-
eenkoda.
c. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.
d. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng
maayos na sulati; isang kasanayan.
e. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong
konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin
kayang sabihin
f. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at
makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
g. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan
ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
h. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan
ng tao.
Reperensya: https://www.scribd.com/pagsulat
Ayon kina Alejo et al. (2008), may iba't ibang kahulugan ang pagsulat gaya ng mga sumusunod:
• Angpagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra ng
alpabeto.
• Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para
katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika.
• Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning
makabuo ng mga salita.

Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya ang tahasang pagsasanay ay dapat
na gawin upang malinang nang husto ang kasanayan sa pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga
na magkaroon muna ng kaalaman sa iba't ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat.
Sosyo- Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat.

Reprensya: https://www.facebook.com/Filipino-104

Akademikong Pagsulat

ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito
tinawag na intelektwal na pagsulat. ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab
report at iba pa.

(source: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_akademikong_pagsusulat)

Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito layunin nito
ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginwa. (source:
http://myschoolworks.wordpress.com/category/komunikasyon-sa-akademikong-
pilipino/)

Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan.


Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at
pagtataya.

(source: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_akademikong_teksto)

You might also like