Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lalaking nag-aayos ng tubo,

patay nang matabunan ng


lupa
Ria Galiste, ABS-CBN News
Posted at Jun 04 2018 07:25 PM

VIGAN CITY - Patay ang isang 25 taong gulang na lalaking empleyado


ng Metro Vigan Water District matapos matabunan ng lupa habang nag-
aayos ng tubo sa Barangay 1, Vigan City Sabado.
Kinilala ang biktima na si Ariel Abigania. Naisugod pa siya sa ospital
pero namatay rin habang ginagamot.
Pinangunahan ng special rescue unit ng Bureau of Fire Protection ng
Vigan City ang operasyon para iligtas si Abigania.
Gumamit rin sila ng backhoe para mabilis na matanggal ang lupang
nakatabon sa biktima.
Ayon kay SFO1 Regie Retialo, lumambot ang lupa habang nasa hukay si
Abigania.
"Lumambot ang lupa, bumigay, tapos siya, nasa baba siya. Hindi niya
napansin na bumigay 'yung lupa," aniya.
Tinatayang nasa 8 talampakan ang lalim ng hukay.
Naka-half-mast ang bandila sa opisina ng Metro Vigan Water District at
nangako ang pamunuan nitong tutulong sa naiwang pamilya ng biktima.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Source: http://news.abs-cbn.com/news/06/04/18/lalaking-nag-aayos-ng-tubo-patay-nang-matabunan-
ng-lupa

You might also like