Professional Documents
Culture Documents
Canal de La Reina
Canal de La Reina
Canal de La Reina
NILALAMAN NG AKDA
Canal de la Reina
I. PANIMULA
Ang Canal dela Reina na kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A.
Arceo na ipinanganak noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang pamilya ng mga
manunulat ay kaayon ng daang Juan Luna at karugtong ng maikling lansangang
Fajardo. Nasaksihan ni Arceo ang maraming taong nakalipas, ang estero ng Canal
de la Reina ay mabughaw-bughaw, malinaw, malinis, at walang amoy ang tubig.
Ganoon din ang paglalarawan sa sa nobela kung saan bago sumapit ang panahon ng
Martial Law noong 1972. Ito’y isang nobelang likhang sining na tumatalakay sa
mga isyung panlipunan na nagaganap pa rin hanggang sa kasalukuyan at isang lipon
ng mga bahaging naglalarawan sa tunay na kalagayan ng mga mahihirap at
mayayaman sa sariling bayan na ang mahihirap ay lalong nasasadlak sa kahirapan
at ang mayayaman ay lalong umaangat sa buhay. Pangunahing tinatalakay dito
ang kalagayang pulitikal na kung saan pinangingibabaw ang lakas ng kapangyarihan
ng mga tauhan maging ang sosyolohikal na pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t
isa. Maging ang mahusay na pagpili sa tagpuan na inilarawan mismo ng may-akda.
Simbolo ito ng kahirapan sa panahon ng aktibismo sa mga mag-aaral sa kolehiyo
at unibersidad. Binigyan buhay rin nito ang mabilis na pagbangon ng tao sa
Gitnang Luzon at Kamaynilaan dahil sa malaking pagbaha noong hunyo 27-31,
1972 na inilarawan din sa nobela. Ipinababatid sa nobelang ito na ang lahat ng
suliranin ng tao ay napawi at nabigyan ng panibagong simula nang dahil sa baha na
luminis hindi lamang sa lugar, kundi pati na rin sa pagkatao ng mga kinasasakupan
ng Canal de la Reina. Malaking bahagi rin nito ang kasaysayang pumukaw sa
interes ng may-akda upang sulatin ang nobelang ito na sa pag-inog ng panahon ay
patuloy siyang nangangarap na magkaroon ng pagbabago sa kanyang kinagisnang
lugar.
A.PAKSA
Ang Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo ay tumatalakay sa
mga tunay na nangyayari sa lipunan. Pumapaksa rin ang nobelang ito sa
tunay na kalagayan ng mamamayan sa ilalim ng bulok na sistema ng
pamahalaan, at katayuan nga ng bawat isa o antas ng pamumuhay sa
lipunan. Ito’y tungkol din sa kung paano nairaraos ng mga pangkaraniwang
tao ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa lungsod at sa
pananakop ng mga banyaga sa ating bansa na nag-iwan ng mga kaugaliaan
at gawi sa atin. Tungkol rin ito sa responsibilidad at pananagutan ng bawat
isa sa mga ipinagkaloob at ipinaubaya sa atin.
B. PAMAGAT
CANAL DE LA REINA ni Liwayway A. Arceo
C. TAUHAN
Caridad- isang napakabuti at napakamaunawaing ina at may-bahay
- may malakas at matibay na loob
- hindi nagpapatinag sa mga hamon ng buhay
- may-ari ng lupa sa Canal de la Reina
- pangunahing tauhan
Salvador - ang padre de pamilya at asawa ni ni Caridad
- tahimik at madalang magsalita pero kapag nagsalita ay
malalim at makahulugan
- nasa likod parati ni caridad anuman ang mangyari
Leni - panganay na anak nina Caridad
- isang doktora
- matalino at nakakuha ng unang pwesto sa board exam
- mabait na ate at anak
Junior - bunsong anak nina Caridad
- kumukuha ng kursong architecture
- nais kumuha ng kursong law
- mahilig makipag-uasap lalo na kung tungkol sa lipunan at
pamahalaan
- masunurin sa magulang
Nyora Tentay- nanay ni victor
- nangangangkin ng lupa sa Canal de la Reina
- manlalamang sa kapwa
- matapobre
- may magandang pamumuhay dahil sa pagpapatubo ng labis sa
mga isinasangla sa kanya
- may maruming hanapbuhay
Victor- anak ni Nyora Tentay
- walang sariling desisyon
- hiwalay sa asawang si Gracia
- ama ni Geronimo/Gerry
Gracia- hiwalay sa asawang si Victor
- mabuting ina ni Gerry
- tumulong kay Caridad sa kaso tungkol sa lupa sa Canal de la Reina
- hindi kasundo ang biyenang si Nyora Tentay
Gerry- anak nina Gracia at Victor
- nasa propesyong medisina rin
- mabuting anak
- may pag-ibig kay Leni
Osyong - katiwala ng magulang ni Caridad sa lupa
- ginipit ni Nyora Tentay upang makuha ang lupa nina Caridad
Tisya - byuda ni Osyong
Dado - humingi ng tulong kay Nyora Tentay para sa pagkamatay ng
kanyang asawang si Paz
Ingga - katulong ni Nyora Tentay
- nakaranas ng kalupitan kay Nyora Tentay
- tumulong sa kaso ni caridad sa lupa
Aling Asyang- nagdala ng magsasangla kay Nyora Tentay
Atty. Agulto- abugado nina Caridad
Inyang- malapit at mapagkakatiwalaang katulong nina Caridad
Mga barkada ni Jun
- Ben
- Dodi
- Dante
- Beth
D.TAGPUAN
CANAL DE LA REINA – isang maburak, mabaho, at pinamumutikang
iskwater
- pinag-aagawang lupa nina Nyora Tentay at
Caridad
-matatagpuan sa tondo maynila
TAHANAN NINA CARIDAD- maayos at binubuo ng dalawang palapag.
HUKUMAN- dito’y kung saan nilitis ang kaso tungkol sa lupa ni
Caridad.
E. SULIRANIN
Nang magbalik si Caridad sa lugar ng Canal de la Reyna at sinubukan
nitong kunin ang lupa ng kanyang magulang na inaangkin ni Nyora Tentay na
sinasabing nabili na n’ya ang lupa.
F. SIMBOLISMO
T- shirt na tila ibos ng sumang itinapal sa katawan, at lumitaw ang
pusod.
Tila sinaksak ng matalim at matulis na bagay ang kanyang dibdib.
(MASASAKIT NA SALITANG BINITIWAN)
Sumulak ang dugo sa kanyang mga pisngi. (NAHIYA)
Bantay salakay. (LAGING NAKAMASID)
At tilang multong gumuhit sa kanyang gunita ang larawan ni Nyora
Tentay. (BIGLANG NAGPAALA-ALA)
Mga bahay at barung-baraong na tila ngiping sungki-sungki.
(LAPIT-LAPIT AT DIKIT-DIKIT NA BAHAY)
Mainit ang araw pero putikan. (WALANG PAGBABAGO LUMIPAS
MAN ANG PANAHON)
Maitutulad yan sa lastiko na sa biglang pagkabanat ay umigkas nang
bitiwan, hindi na makapanumbalik sa dating kaanyuan. (HINDI
MADALING PROSESO)
Sandali ng pakikipagtunggali sa kamatayan. (NAG-AAGAW-
BUHAY)
Bayong. (SIMBOLO NG KAYAMANAN)
Tulad sa isang musmos na napalo. (KAAWA-AWA)
Hindi naiilarawan ang mga kataga ang pamimighati. (KAHIT HINDI
SABIHIN AY NARARAMDAMAN)
Isang hindi mapag-aalinlanganang tagumpay ng kanyang
pagkukunwari.(PAGBABALATKAYO)
Lahat ng sinasabi ng ina , pikit- matang sinusunod. (SUNUD-
SUNURAN/WALANG SARILING DESISYON)
Ang larawang ng isang babae sa kanyang isipan ay mananatiling
walang mukha. (AYAW ALALAHANIN)
Ang aso ay isang sagisag. (TAGABANTAY)
Tinik sa dibdib.(SAMA NG LOOB/PROBLEMA)
Pinatigas ng panahon ang kanyang loob. (PINATATAG O
PINATIBAY)
Mas malakas ang hangin at bagyo sa husgado. (MAS MALAKING
USAPIN)
Isang katotohanang nakapait lunukin. (AYAW TANGGAPIN ANG
KATOTOHANAN)
Tulad siya sa isang nakikipaglaban na naisandal sa pader. (WALANG
LABAN)
G. PAHIWATIG
Malamig ang simoy ng hangin.
Malalim na nakalapat na mga mata at namamarak ang mga
namumutlang mga pisngi.
Mga taong nabubuhay ng katulad sa hayop… tabing tabi sa kaluluwa.
Sa kapirasong paligid niyon ay nagaganap ang dula ng buhay pati ang
pasaglit-saglit na paglasap ng luwalhati ng pag-ibig.
Pamumutlang abu-abo.
Tila iniihaw sa pagkahiga, ngunit malamig na malamig na palad.
Ang luhang kangina pa nakabakod sa mga mata ni Dado ay minsang
pang gumawa ng landas sa kanyang pisngi.
H. MAGAGANDANG PAHAYAG
“Ito ba? Ito ba ang lugar na sinilangan ko? Hindi lamang namamatay na
ito… ito’y patay na! -Caridad
"Walang kwenta ' yang mga handa-handa, e. Ipinamana lang 'yan sa 'tin ng
mga umaalipin sa'tin para tayo gumastos. Sa gano'n din naman, mabibili ang
kanilang produkto. Tayo naman, suckers kagat tayo nang kagat. Kaya mahina
ang asenso natin, e... bilang tao, bilang lahi at bilang bansa!" -Junior
"Tingnan mo, ate," at kinalabit pa siya nito, " anong tinuturo sa'tin tungkol
sa'ting bayan? Ang Pilipinas, kung inilalarawan, ay dalawang bundok, may isang
bahay -kubo. May palayan. Ibig sabihin, sakahan tayo. Hindi maaaring maging
bansang industriyalista. Pa'no. . . ikinukundisyon tayo noon pa man na ang
Pilipinas ay tagabili lang ang hindi maaaring magbili. Suckers . . . Suckers . . ."
- Junior
"Alam n'yo ba na pati itong inyong lote ay wala na sa talagang sukat? Un-
kuwarto na 'ata ng ilog ang nakuha, e! Ewan ko kung may nakapagsabi na sa
inyo, pero masama ho ang pinapatay ang estero. Marunong hong maghiganti
'yan, baka 'kala n'yo!"
-Isa sa kinatawan ng agrimensor ng gobyerno.
"Darating ang araw," pahayag niyon, lakip din ang hindi ganap na pag sang-
ayon," 'yong espesyalistang titingin sa kanang butas ng ilong ay hindi na
titingin at gagamot sa kaliwa. Gayun din sa mata: iba ang espesyalista sa
kanang mata, iba sa kaliwang mata!" -Propesor
Pag may utang sa kanya nang walang maibigay na prenda o kolateral, 'yong
barung-barong ang kukunin pag hindi nakabayad. Pauupahan naman sa iba. At
nainiwala ba kayo. . .agawan pa? Ganyan kalubba ang pangangailangan ng tao sa
puwang. . ." - Social Worker
"Hindi lahat ng gusto mo'y nakukuha mo". . . "at hindi lahat ng nakukuha mo
ay gusto mo". - Gimas at geronimo
Patay na ang demokrasya sa bayang ito. . .nasa kabaong na! Ang bayang ito ay
magiging dakilang muli? Pero saan napupunta ang bayang ito? Sa mga aso. . .sa
mga tuta. . . -narinig na tinig ni Elmo
" Kung sa bagay, ang alam ko'y nagsasalita ang pera." -Caridad
"Ngunit dumating din! Ngayon naman siguro, kung naging puno man ng
kawayan ang ina ng iyong ama, yumuko na rin s'ya." -Gracia
"Ang itatayo natin dito, Dad," patuloy ni Junior, "ay isang simbolo sana ng
pagtindig ng isang bagong pamayanan . . . na malaya!" – Junior
I. TEORYANG PAMPANITIKAN
Moralistiko
Ito’y sumususuri at tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit
pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang
nakapaloob sa akda.
Imahismo
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa
larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa
akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
Feminismo
tinitingnan ang imahen, paglalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob
ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae
sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploysyon , at
operasyon sa kababaihan.
Realismo
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na
buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon,
katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa
lipunan at gobyerno.
Marxismo o Markismo
Ito’y nagpapakita ng pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat
na puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi.
Eksistensyalismo
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at
gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili
upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon
sa lipunan
Naturalismo
Ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at
mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang kalagayan sa mga
tauhan. Ito'y isa sa mga teoryang namamayagpag sa Kasalukuyan.
Arketipo/Arkitaypal
- Ito’y gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng
akda nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda
sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang
maipabatid ang pinakamensahe ng akda.
ARAL
- Matapos naming basahin ang nobelang Canal de la Reina ay nakita namin
na ang kahirapan ang dahilan kung bakit may mga taong nang-aalipin at
nanghahamak sa kanilang kapwa-tao at ang kahirapan din ang isa
dahilan kung bakit may ilang taong nagpapaalipin kapalit ng kaunting
kaginhawahan sa buhay. Natutunan din namin na kahit anong pagtatakip
sa mga kasalanang iyong nagawa ay lalabas pa rin ang katotohanan. May
mga pagkakataon din na kakailanganin nating gumawa ng desisyon ngunit
sa mga pagkakataong iyon ay dapat na isaalang-alang natin ang ating
kapwa-tao. Sinabi rin ng may akda na kahit ang mundo’y pinapaikot ng
salapi’y nararapat lamang na hindi tayo magpatangay dito bagkus ay
matuto tayong rumespeto at huwag maging mapagsamantala sa
kalagayan ng ating kapwa.
III- BUOD
Matapos ang ilang taon mula nang lisanin ni Caridad de los Angeles ang
kanilang lugar dulot ng sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig,ay muli niyang binalikan o tinunton ang lugar ng kanyang kamusmusan,
ang Canal de la Reina. Nang makababa si Caridad sa kotse ay waring kidlat na
gumuhit sa kanyang paningin ang napakalaking pagbabagao- ang lugar na tila
paraiso ng kanyang kapaslitan ay naging isang bangungungot na nabuhay sa
kanyang kasalukuyan. Naging larawan na ito ng kahirapan dahil sa mga iskwater,
mabahong amoy at parang tinakluban ng maitim na tela ang buong lugar.
Kasama ang kanyang asawa na si Salvador at ang dalawa niyang anak na sina
Leni at Junior ay pinuntahan nila ang Canal de la Reina upang bisitahin ang
kanilang lupa na ipinamana at ipinagkatiwala ng kanyang mga ninuno kay Osyong.
Nalaman ni Caridad na ang lupang ipinamana sa kanya ay ipinagbili na ni Osyong
kay Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Dito nagsimula ang suliraning
kinaharap ng mga tauhan sa kuwento upang magkaroon ang bawat isa ng
pagkakaugnayan. Ipinakita lamang na mahalaga para sa isang tao ang lugar na
kanyang kinamulatan upang balikan ang pugad na nagpalaki at nag-aruga sa
kanyang kamusmusan.At agad na nagsampa ng kaso si Caridad upang mabawi ang
kanyang lupa kasama ng kanyang mapagmahal na asawa at mga anak ngunit hindi
ito inurungan ni Nyora Tentay. Nangangahulugan na hindi naging balakid ang
kanilang pagigiging babae upang lumaban at pasiklabin ang namamayaning
damdamin para sa bawat isa.
Nagkasundo ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial mula nang
maikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at
Gracia na si Gery.
Pinayagan na si Junior na kumuha ng kursong abogasya matapos ang
kasalukuyang kursong arkitektura. At si Ingga naman ay bumalik na sa kanyang
probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at Gracia
naman ay nagkasundo na rin at muling binuhay ang wagas na pagmamahalan.
ISUNULIT NINA:
ALQUISOLA,RICA
MANAOG, MEYNARD
PUERTA, LALAINE
MANDRIQUE, SHARMAINE
BSED FILIPINO
ISINULIT KAY:
JONAH M. LATORRE
GURO