Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

A Fairly Tale II

“Underwear For Sale”


(Welcome to the Philippine Mainstream Ideology)
Lubha na bang nagiging napakababaw nating mga Pilipino na kahit sa alin mang larangan ng
bagay eh pinapatulan na natin? For the sake of intellectual gratification per se ba o sunod sa
uso lang talaga tayong mga Pinoy? Nagiging kritiko at mapanuri tayo ng mga bagay na wala
naman talagang kwenta sa magiging kinahinatnan ng pang-araw-araw na buhay kung kaya
naman nagtataka lang ako kung bakit kelangan pag aksayahan ng oras ang mga ganitong bagay.
Hindi nga, wala ka lang ba talagang magawa o wala ka lang talagang alam gawin?

Nga pala, napansin nyo ba yung spelling ng Filipino kanina, imbes na F ay naging P ang simula.
Naku, pupusta ko yung kaliwang itlog ko, hindi mo nahalata o napansing mali iyon. Payo lang
parekoy, magbasa ka na lang nga muna ng History book mo habang nasa dibdib yang kaliwang
kamay mo, at wag na wag mong pamumukha iyang pinoy pride mo tuwing napapanood mong
pinapadapa ni Pacman yung kalaban nyang Mehikano o pag may nananalong Fil-Am sa
America’s Got Talent, dahil sigurado akong colonial mentality ang pinaiiral mo, hindi ang
pagiging patriotiko!

Real talk ba kamo? Ano na ba ang naimbag mo sa mundong ibabaw na worth it o may silbi
maliban sa pag-utot mo sa halaman na syang nagbibigay ng carbon dioxide na responsable
naman sa pag aambag ng oxygen sa atin? Yun bang pag-post mo ng mga recycled at retarded
quotes mo na wala man lang proper attribution sa may orihinal na may akda? Damn,
intellectual property rights na yan, isa kang masugid na copy-paster sa aking palagay!

O yung pag-upload mo ba ng mga vanity shots mo sa Facebook na mistulang motion picture sa


dami at walang pagkakaiba ng angle sa lahat ng previous photos mo? Hiyang hiya naman si Neil
Armstrong na wala pang sampu ang kuha sa sarili nung nasa moon sa dami ng selfie mo sa loob
pa lang ng banyo! Dinaig mo pa ung super high-tech na frame by frame slow motion replay
monitor ng NBA sa milyon milyong pictures mo sa isang background!

Ah alam ko na, sumali ka ng Fun Run nung isang linggo kasi concern ka sa kapaligiran mo di
ba? Kaya nga bawat kanto, may kuha ka ng litrato suot ang marathon jersey mo na may Nike na
logo at running shoes mong Adidas na binili mo sa Divisoria nung kasagsagan ng raid. Tapos
sasabihin mong Sale kaya nabili mo ng mura-mura? King ina mo, smuggled yang nabili mo eh!
Nga pala, kung titignan naman natin, hindi ka naman talaga interesado manalo, gusto mo lang
mangharbat ng chix o kaya ipagyabang yung bagong shades mo na padala ng nanay mo mula sa
A Fairly Tale II

Saudi. Hirap na hirap kumayod magulang mo para pantustos ng pang aral mo, samantalang ang
ginagawa mo lang eh magpakajejemon at mangarap ng forever.

Ano nga ba ang problema ko? Wala lang! Fuck you ka to the highest level lang naman kung
panatiko ka ng isang malaking kalokohang idealismo. At fuck you more, kasi marami akong
katanungan na gusto kong sagutin ng isang taong matino mag isip kung meron pa mang ganung
tao sa ngayon; Handa ka na ba?

Una, bakit nga ba mas interesado tayo sa six-pack abs ni Lee Min Ho, yung walang zipper na
salawal ni Jake Cuenca nung Bench Fashion Show, ung mala-Justin Bieber na buhok ni Chariz
Pempengco o sa mala-Venus o Aphrodite na katawan ni Scarlett Johannson at Marian Rivera?
(kahit hindi naman)

Sabi mo idol mo si Bob Ong pero wattpad sex at slutty stories inspired ni Marcelo Santos III ang
binabasa mo? Para sa hopeless romantic, para sa brokenhearted, ged demet, wala bang para sa
retarded na gaya ng baklang writer na ito? (Pardon my homophobic slur) Putang ina, siya ata
yung may kagagawan kung bakit nabuntis yung 12 year old na babae ayon sa nabasa ko, siguro
dahil sa mga landi at forever quotes nya.

Wide reader ka ba kamo? Eh bakit roughly 90% nang binasa mong aklat eh kung hindi galing sa
bitchy wattpad stories eh nagmula lang sa mga copy-pasted ideas sa mga social sites gaya ng
Facebook at Twitter? Ano yan, pagkatapos ng Twilight series, mga gangster related novels
naman ang papatulan natin? She’s dating the gangster, don’t talk back to a gangster, my
boyfriend is a gangster, putang ina, ano pa bang gangster ang susunod na babasahin mo, ah
alam ko na, ung crossover ng bagong libro ngayon. Ano na nga ba ulit yun, ah 50 shades of
gangster?! Kaya pala pakantot ka na mag-isip ngayon!

Saka bakit mas gusto natin malaman kung sino ang artistang gaganap sa telenobela o pelikula
kesa sa plot o storyline nito? Dadalhin lang ba ng star power o mukha ng celebrity ang buong
palabas na para bang “wow, ang galing naman ni Kim Chiu, bagay ung mukha nya sa role
nya”! “Hindi bagay ni Pokwang magdrama, ang chaka nya kaya.” Eto pa, napansin ko lang,
bakit nga ba puro love story plot na lang palagi ang mainstream local cinema producer natin?
Cheap na budget? Incompetent na script staff/producer? O di kaya naman nincompoop na
audience? Sa madaling salita, ISTUPIDO! TANGA! HUNGHANG! BOBO! Alin kaya sa tatlo? I
say both, este all of the above!

Pinagpipiyestahan natin ang lovelife at wedding plan ni Marian Rivera, ang paboritong pabango
ni Kathryn Bernardo, binubusisi natin ang kasarian ni Piolo Pascual, pinag-aawayan natin kung
A Fairly Tale II

sino mas pogi kina Daniel Padilla at Jhong Hilario este Enrique Gil, at kung sino mas angat kina
Kim Chiu at Maja Salvador, pinagpapasa-pasahan ang sex video ni Chito at Paolo Bediones,
(meron ako nyan) pinagdedebatehan kung sino ang No. 1 sa dalawang higanteng istasyon ng
bansa (ABS-CBN, GMA), pati na rin ata laki, kulay, at dimensyon ng tae ni Joshua Armesto at
kung anu-ano pang kalokohan eh pinag-uukulan natin ng pansin! Dun nga sa comment section
ng Yahoo articles tungkol kay Christine Reyes ba yun. Pinagtatalunan nila kung virgin pa sya o
hindi. Isang simpleng dayalogo lang na man ang nangyari nung una. Hanggang sa nagkainitan
na kasi mali spelling ng isa sa lengguwaheng ingles na ginamit. Kung hindi ako nagkakamali
“ashhole” ata yun na imbes na “asshole”. Kaya ang reply ng mala-iskolar na matalino at makata
ng bagong milenyo, and I quote, “My gush, You ca’nt even spell asshole you son of a bietch.
Studies you’re English first before u posted stupid things here. Its embarrassing!” Ah, Kaya
naman pala… Kahit ako walang ideya, hindi ko alam kung joke yun.

Ngunit sakabilang banda, nasaan tayo matapos ang isang taong pananalasa ng bagyong Yolanda
sa Kabisayaan? Kumusta na kaya sila ano? Saka concern ka ba sa kapahamakang kayang idulot
kung sakaling pumasok na sa bansa natin ang Ebola Virus? Anak ng bagoong, busy ka nga pala
magselfie kasama ang bagong bili mong pussy. Nakapag-orbit na ng rocket ang Tsina sa
outerspace for the first time, nadiskubre na ng mga siyentipiko ang Higgs Boson gamit ang
sopistikadong atomic smasher, may naimbentong gamot na ang kanser (joke lang), naging isang
ganap na bansa na ang Scotland (joke ulit), may asawa na si Kim Kardashian (para manahimik
na siya), nahuli at napatay na sina Osama Bin Laden at Saddam Hussein, at nakakarecover na
ang Ozone Layer, pero samantalang tayo? Hindi pa rin makaget-over sa mabuhok na dibdib at
abs ni Tom Rodriguez, sa mga kaepalan ni Kris Aquino, sa mga lame love quotes ni Ramon
Bautista at kung anu ano pa.

Oh God bakit ganun? Siguro nga, life is too unfair. Ika nga ng tanyag sa paningin nyang si
Joshua Armesto;

“Ang hustisya ay para bagang itlog ng lalaki, hindi maikakailang hindi pantay!”

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” sabi nga ng malibog ngunit magiting na bayaning si
Jose Rizal. Malamang eto ang reply ng mga dakilang tambay at pilosopong mga baklang kalye sa
sa mga kanto, “Tang ina mo Rizal, patsupa naman! May hirit din yung mga ala Totoy Brown na
kadalasa’y nagcucutting classes, “Dota na lang tayo Pepe, ang baduy ng libro mo!”

Marahil kung nabubuhay pa ngayon si Rizal, mapapamura na lang siya kung bakit nasabi nya
yung kataga nya. Mukhang mas mauuna pang magkatotoo na magkaroon tayo ng black pope
A Fairly Tale II

kesa sa walang kwentang quote ni Rizal. At teka hula ko, dala na rin ng lungkot, inggit at puot sa
mga magiging contemporary writers nya ng panahong ito dahil wala nang nagbubuklat ng aklat
nya, eh makikipagsabayan na rin sya sa pagiging Jologs at Jejemon sa pagsusulat. Mula sa
Florante at Laura, ang magiging title na ng aklat nya ay “Ang Gangster na si Florante at ang
Ms.Pervert na si Laura.” At jan na magsisimula yung part II at part III nya na babaon sa
kaibuturan ng kalandian ng tao. Boom Panis ang ending!

Sabi ng isang libro na nabasa ko mula sa satirikong writer at blogger na ewan ko kung saan nya
rin kinuha, “our country is still in the state of becoming.” It is not being yet but rather a
seemingly timeless struggle to try and find its own identity. Ganyan tayong mga Pinoy nga kung
tutuusin, wala pa tayong sariling identity o pagkakakilanlan sa sarili. Kaya nga kontento tayo sa
kung ano ang meron sa atin, mula sa mga rip-off o panggagaya sa ibang kultura at paniniwala ng
mga dayuhan. “Imitation is the best form of flattery”, ika nga.

Tila sa sobra atang pagkahumaling natin sa mainstream popular culture kung bakit ang ibang
mga mas may makabuluhang bagay, mas makakapagyabong sa pagkakakilanlan natin, mas
mag-aangat ng magandang kultura at tradisyon o mas may sense sa atin ay nakakaligtaan o
naisasawalang bahala na lang natin. Appeal to popularity tayo kumbaga, kung saan agos ang
daloy ng alon, dun tayo nakikitampisaw at nakikisabay. Hindi natin pinapansin kung ano ang
mas makakatulong sa pag-unlad ng ating indibidwalismo at ng sosyo-ekonomiko at politikong
interes sa pangkabuuan! Mas interesado pa ata tayo sa size ng underwear ni Bong Revilla kesa
sa halaga ng nakulimbat nyang PDAF sa taumbayan. Ayaw nyo maniwala? Magkano dinugas ni
Bong Revilla? Sirit! Kitam!

May test ako, ano kaya pag nagkataong tinanong tayo kung ano nga ba ang tatlong pangunahing
kulay meron sa real world:

Blue

Yellow

Red

Tama hindi ba?

MALI! Pero yun ang sabi ng titser natin nung elementary diba? Teka, ipopost ko sa Twitter baka
magreply si Michael Faraday. Yung mga 19th – 20th century ang pag-iisip eh sasabihin ngang
tama yun! Kahit pa nanggaling kay Newton yan hindi ibig sabihin eh kung ano ang tama noon
eh pwede pa ring maging tama ngayon. Ang tamang pangunahing kulay lang naman ay ang
yellow, cyan, at magenta. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pangunahing kulay o primary colors?
A Fairly Tale II

Eto lang naman yung mga kulay na hindi pwedeng mabuo kung ipagsasama sa ibang kulay.
Kung ayaw nyong maniwala, tignan nyo yung printer nyo, hindi blue o red ang pangunahing
kulay na kung saan pag hinalo sa iba eh makakabuo ng sekondarya at ibang kabuuang kulay sa
mundo dahil sila mismo ay sekondarya rin lang. Ayon sa subtractive color mixing concept, ang
blue ay ang pinagsamang tamang halo ng cyan at magenta, samantalang ang red ay pinaghalong
yellow at magenta. Samakatuwid, hindi pwedeng maging pangunahing kulay ang blue at red.
Kita mo? Awesome! Pero mas gugustuhin mo pa rin makipag-away sa comment section kung
alin ang mas magandang brand ng cellphone sa dalawa, kung Samsung ba o Apple. Eto pa, are
black and white colors? Alam nyo ba ang sagot? Yes and No lang naman! Teka papanong
nangyari yun? Tang ina, iGMG mo kasi! (iGoogle Mo Gago!) Tinatamad na ko mag explain,
wala namang bayad.

Sinubukan ko rin palang itest yung basic scientific prowess ng mga random na taong
nakakausap ko. Sabi nga ng mga eksperto sa larangan, likas na matanong at curious ang ating
persona. Tignan nga natin. Let’s start the test!

Iningles ko pa nga yun kung natatandaan ko. “Assuming you were on the 10th Floor of Makati
Parking Building worth over 2 billion pesos in structure; (never mind the price, anyways this is
not mathematics), on your right hand, you are holding no other than VP Binay weighing 90
kilograms (including all of his robbed and bribed money hidden in his big pocket), and on the
other hand is simply Kris Aquino, a slutty whore whose diet of plainly eating Argentina Corned
Beef render her weightless, 10 kilograms not to be exaggerated. Afterwards, the two objects
(persons) were subject for falling to test whoever among este between the two would hit the floor
hard (and burst into pieces) first. The key hint here is your knowledge of gravity. Who hit the
ground floor first? The clue here is J-Lo is not the answer.

Guess what? Majority of the respondents answered VP Binay. (I don’t know if this was due to
majority of my surveyed respondents being male or that their instinctive nature to save the
damsel in distress applies here or whatsoever). Nonetheless, the results are disappointing to
sum it all.

On the other hand, never mind my English!

Kung talagang isa kang matalinong nilalang, taglay mo ang inquisitive and curious nature, at
hindi lang puro kababawan ang isinasaisip mo, ireresearch mo yun. At pag sinabi kong research,
wag lang naman si pareng Google ang gamitin mo, marami namang mas reliable na references
sa mga library kahit papano.
A Fairly Tale II

Sa panahon ng Youtube at Facebook ngayon kung saan mas maraming gusto manood ng
Gangnam Style ni Psy at magpost ng love quotes ni Vhong Navarro, tila nababawasan na rin
ang interaksyong pang-sosyal natin maliban sa obvious na shortening attention span ng
henerasyon na ito. Sabi lang naman ng the greatest scientist of our time na si Einstein, (no
offense kay Newton) “I fear the day that technology will someday surpass our human
interactions. The world will have a generation of idiots.” Gets mo? Sa madaling sabi, putang
ina mo raw at nakuha mo pang magpicture habang kumamakain kayo sa Jollibee, putang ina mo
raw dahil imbes na magkikita kayo sa Luneta eh gumawa ka na lang ng pekeng background
kasama sya gamit ang Camera 360, at putang ina mo raw kasi kaharap mo na yung kausap mo
eh itetext mo pa! Fuck you!

Sa panahong ito, parang mas gusto ko na lang mabuhay na yun bang nagpoprotesta sa Edsa
para babaan ang presyo ng okra at talong, yung singil sa 39ers ng Jollibee ay gawing 30 pesos na
lang, at saka mas abot kaya sa bulsang sachet ng fabric conditioner. At ang wildest dream ko,
makapagtinda ng salawal o underwear ng babae para ako mismo susukat sa bust size at
mamimili ng babagay na kulay sa kanila. Dream on!

Gusto ko rin palang maging presidente ng Pilipinas. Unang araw ko sa trabaho, papaligpit ko
lahat ng hindi bumoto sakin kasi ibig sabihin mga hunghang at haters lahat ng mga iyon. At
least, mababawasan na rin ng mga epal at tanga sa mundo kahit konti lang.

Pati na rin pala ang pagsalsal pag mag-isa sa bahay habang nakatingin sa life size poster ni Maui
Taylor na centerfold sa dyaryong Sagad, kahit medyo old school ang tema. Nakakasawa na rin
kasing pagmasdan yung Facebook profile ng crush ko eh, puro copy pasted na love quotes lang
din naman kasi ang alam nya. Landi pa more! Ikwekwento ko pa naman sana yung napanood
kong movie tungkol sa “The Wolf of Wall Street” ni Leonardo Di Caprio para ipagyabang yung
stock (pun intended) knowledge ko pero mas gusto nyang pag usapan naming yung concert ni
Enrique Gil. Baduy pa naman sumayaw yun pag nakaunderwear lang. Hay ewan!

Huling katanungan bago ko tapusin ang aking lubos na pagkabagot at pagiging delusional, what
does the fox say nga ba talaga? Kasi ako wala talaga akong ideya…

P.S
Nga pala, mas pogi ako kay Daniel Padilla. Haters gonna hate, pero this is an established fact.

JQA
Panggap na Blogger/Writer

You might also like