Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Nanggaling ang salitang panitikan mula

sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang


unlaping pang- at hulaping -an sa ugat
na titik. At ang titik ay
nangangahulugang "literatura".
Nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga
tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.
“Ang Panitikan ay Bungang-isip na
isinatitik.”( G. Abadilla )
“Ang Panitikan ay nagpapahayag
ng damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan sa
lipunan at sa kaugnayan ng
kanilang kaluluwa sa Dakilang
Lumikha”. (G. Azarias )
MGA AKDANG TULUYAN
a. ALAMAT
b. ANEKDOTA
c. NOBELA O KATHAMBUHAY
d. PABULA
e. PARABULA
f. MAIKLING KWENTO
g. DULA
h. SANAYSAY
i. TALAMBUHAY
j. TALUMPATI
k. KWENTONG-BAYAN
l. BALITA
MGA AKDANG PATULA

1. TULANG PASALAYSAY
a. EPIKO
b. AWIT at KORIDO

2. TULANG LIRIKO
a. AWITING BAYAN
3. TULANG PANTANGHALAN
a. SARSWELA
b. MORO-MORO
c. SENAKULO

4. TULANG PATNIGAN
a. BALAGTASAN
b. BATUTIAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG
PANITIKANG PILIPINO
Mabatid ang kaugalian, tradisyon at
kultura
Maipagmalaki ang manunulat na
Pilipino
Mabatid ang mga akdang Pilipino
Mabatid ang sariling kahusayan,
kapintasan at kahinaan
Tuklasin ang kakayahan at
pagkakilanlan
Makilala at madama ang pagiging
Pilipino
Maipakita ang Pagmamahal sa
panitikang Pilipino
TULANG FILIPINO BAGO
DUMATING ANG MGA
KASTILA
Inihanda ni Gng. Pia Angela A. Josef
FIL 241 (Folklore and Poetry)
Ang Panitikang Pilipino Noong Panahon ng
Katutubo
Mga Negrito, Indones at Malay ang
mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.
Mayroon nang sariling pamahalaan (sa
kanyang barangay), may sariling batas,
pananampalataya, sining,
panitikan, alibata at wika. At ang
kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag
na Alibata
KARUNUNGANG BAYAN
Ang karunungang bayan ay isang
sangay ng panitikan kung saan
nagigigng daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na napapabilang sa bawat
kultura ng isang tribo.
MGA KARUNUNGANG BAYAN

BUGTONG
SALAWIKAIN
SAWIKAIN/IDYOMA
KASABIHAN/KAWIKAAN
PALAISIPAN
BUGTONG
Ang mga ito ay nagtataglay
ng butil ng karunungang hinabi sa
maikli at patugmang pahayag
upang ipasagot sa iba.
BUGTONG

Likido ang ikinabubuhay niya


Hangin ang ikinamamatay niya

LAMPARA
BUGTONG
Ito namang pinsan ko
Saka lang kikilos kung pinapalo

PAKO
BUGTONG
Bahay ni Donya Ines
Napaliligiran ng butones

ATIS
BUGTONG
Sagot:

atis
BUGTONG
Isang baging
Iisa ang dahon

SARANGGOLA
BUGTONG
Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo

PUSA
ANG MGA SALAWIKAIN
 Matalinghagang mga salita na nagpapahayag ng mga
aral na magiging batayan sa magandang pag-uugali.

 Nakaugalian na itong sabihin at nagsisilbing


tagapagpaalala ng mga tuntunin ng kagandahang-
asal.

 Ang mga ito ay ipinahahayag sa anyong taludtod.


SALAWIKAIN
Kung walang tiyaga
Walang nilaga
Ang maagang gumigising
Siyang maraming aanihin
Ang hindi pinaghirapan
Madali ka niyang tatakasan
Sa paghahangad ng kagitna
Isang salop ang nawala
Kung gusto mong marating ang langit
Sa hirap, ikaw muna ay magtiis
SAWIKAIN/IDYOMA
masasabing mga salitang eupemistiko,
patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag.
1. Anak-dalita - mahirap
2. Alilang-kanin - utusang walang
sweldo,pagkain lang
3. Balik-harap - pabuti sa
harap,taksil sa likuran
4. Bungang-tulog - panaginip
5. Dalawa ang bibig -
mabunganga,madaldal
Kasabihan
katangian, ugali, gawa/gawi, kilos

Magkulang ka na sa magulang
Huwag lamang sa iyong biyenan.
Kung ano ang puno
Siya ang bunga.
Kung ano ang itinanim,
ay siyang aanihin.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Mahirap man o mayaman,
pantay-pantay sa libingan.
PALAISIPAN
Isang paraan ng pagpukaw ng
isipan ng tao. Mga suliraning
binibigkas ng tuluyan at
naghahanap ng kasagutan.

You might also like