Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

YUNIT III: ISTRUKTURA AT KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO

Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema


Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita
Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap
Semantika - ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika

PONEMA - makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog ay pinagsama- sama upang makabuo ng
mga salita. Halimbawa: maestro- maestra abogado – abogada tindero – tindera Angelito – Angelita

Ang wikang Filipino ay binubuo ng : 2 uri ng Ponema


1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental

15 katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ, w, ˀ / / ˀ / -pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin / ŋ / - kumakatawan sa titik na /ng / Ang
Filipino ay may… 21 Ponemang Segmental 5 patinig - /a, e, i, o, u/

2. Ponemang Suprasegmental
1. TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita. Halimbawa: Ikaw. – (may katiyakan) Ikaw? –(hindi
sigurado/nagtatanong)
2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita. Halimbawa: BUkas - buKAS PIto - piTO SAya - saYA Upo - uPO
3. ANTALA - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang ipinahahayag. Halimbawa: Bigkasin
at huminto kapag nakita ang / . •Si Mark Anthony / at ako // •Si Mark / Anthony / at ako //.
Halimbawa: Hindi siya si Jomar // Hindi / siya si Jomar // Hindi siya / si Jomar // Hindi ako ang gumawa. // Hindi / Ako ang gumawa. //

DIPTONGGO - alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. - ang mga diptonggo sa Filipino ay /y/ - ay, ey,
oy, uy /w/ - aw, ew, iw, ow, uw
Halimbawa: /aw / agaw dalaw ibabaw lugaw ginaw kalabaw nakaw sabaw takaw dilaw halimaw palayaw anahaw hikaw sabaw tanaw apaw galaw
hilaw sitaw araw bughaw langaw ayaw ihaw sigaw tunaw ikaw ligaw uhaw ginaw ilaw litawhataw kalabaw
Halimbawa: /iw / aliw sisiw baliw giliw paksiw
Halimbawa: /ay / bahay buhay tulay sabay palay tunay gulay kulay away bagay itay/inay panday alay akbay patnubay paypay hukay lagay saklay
pilay tangay tibay pantay lakbay husay sampay patay
Halimbawa: /oy / kahoy tuloy langoy daloy abuloy baboy kasoy palaboy taboy apoy simoy tukoy amoy langoy unggoy biloy
Halimbawa: /ey / /uy / reyna aruy keyk baduy beyk beysbol

Mga Tulang may Diptonggo


Ibig kong marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong maabot ang langit na bughaw
Lupang malalawak sana ay malakbay,
Dagat na malalim ay mapaglanguyan.
Kaluluwa nati’t buhay
Sa Diyos natin iaalay
Nang tayo ay makinabang
Nang lubos na katuwaan
Doon sa langit na bayan.
Paalam na sintang lupang tinubuan
Bayang masagana sa init ng araw
Edeng maligayang sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Kambal-Katinig /KLASTER - ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig. - ito ay maaaring makikita sa unahan, sa gitna o sa
hulihang pantig ng salita.
Pares - Minimal - pares ng salitang magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang pinagkaiba ng kanilang kahulugan. - ginagamit ito
upang maipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig ngunit magkaiba ang ponem at kahulugan.
Ponemang Malayang Nagpapalitan - ito ang mga ponemang e, i, o, u na maaaring magkapalit ng gamit ngunit walang nagbabago sa kahulugan.

MORPOLOHIYA - pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika. - pag-aaral ng morpema /morfim

MORPEMA /Morfim - ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan Halimbawa: makahoy–(2 morpema) ma(ang pagkakaroon) at
kahoy

Mga Anyong Morpema / Morfim


1. Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa babae. Gayundin, ang ponemang o ay nauukol sa lalaki. Ang morpema ay
maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.
Halimbawa: doktor–doktora senador- senadora dekano- dekana senyorito – senyorita Taliwas: ang mga ito ay para sa babae o lalaki: artista bata
manggagawa manghuhula
2. Binubuo ng salitang-ugat. -ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag ding malayang morpema sapagkat may
sariling kahulugan at makatatayong mag- isa. -mga payak itong salita dahil walang panlapi.
3. Binubuo ng panlapi. -maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. -ang mga panlapi ay may sariling kahulugan kayat bawat isa ay isang morfim /morpema.

Ang morpema ay maaari ring:

1. May Kahulugang Leksikal – kung ang salita ay pang nilalaman


Halimbawa: Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag); (mosque, Tausug) Panghalip: ako, ikaw,
siya, kayo, tayo, kami, sila
Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalis
Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahal
Pang- abay: kahapon, kanina, doon, diyan, madalas, araw – araw, bukas, madaling araw, takipsilim

2. Pangkayarian - walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan.
Halimbawa: Pang-angkop: na, ng
Pangatnig: at, o saka, at iba pa
Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa
Pananda: ang, sa, si/sina, ni/nina, kay / kina

Wastong Gamit ng mga Salita

1. May/Mayroon
may- ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nasa pangngalan
Hal. May kompyuter sa kanilang bahay.
*ginagamit din sa pandiwa
Hal. May naglilinis sa labas.
*ginagamit din sa panghalip na paari (akin, kanila)
Hal. May lalaking naghihintay sa akin sa labas.
mayroon - kapag ang sinusundang salita ay panghalip na palagyo
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon siyang kotse.
* kung sinusundan ng kataga o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?

2. Ng / Nang ng (of) – gamit bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa


Halimbawa: Ang dahon ng kahoy ay malago.
Nagsipilyo siya ng ngipin bago matulog.
*Ginagamit na pang-ukol na tagaganap ng pandiwa
Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
Ginagamit na pananda sa tuwirang layon na pandiwang panlipat
Halimbawa: Nag-aral siya ng leksyon para sa nalalapit na
nang- “when” Hal: Kumakain kami ng hapunan nang dumating ang mga panauhin.
Katumbas na so that o in order to sa Ingles
Hal: Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo ay makapasa
Magsikap ka nang ang buhay mo ay guminhawa.

3. Na + ng / nang
Hal: Kumain na ng lugaw ang batang maysakit.
Kapag napapagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Hal: takbo nang takbo ; sulat nang sulat, kain nang kain

4. daw/din at raw/rin daw/din – kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa malapatinig ma (y at w).
Hal: May pangarap daw siyang makapagtrabaho sa Canada.
raw/rin -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at (y at w).
Hal: Sasakay raw sila sa eroplano. Buhay raw ng asawa niya ang nakasalalay dito.

5. Kung/ Kong Kung – ginagamit sa pangatnig na pasubali at karaniwang ginagamit sa hugnayan na pangungusap.
Hal: Kung aalis ka sasama ako. Matutulog ako kung papatayin mo ang ilaw.
kong – panghalip na panao
Hal : Gusto kong manood ng sine. Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.
6. Pahiran/Pahirin
Pahiran – lagyan
Hal: Pahiran mo ng langis ang kanyang paa.
Pahirin - alisin o tanggalin (wipe off)
Hal: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mata.

7. Operahan / Operahin
Operahan – tumutukoy sa tao hindi sa bahagi ng katawan
Hal: Siya ay ooperahan sa paggamutan.
Operahin - tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan
Hal: Ang bukol sa kanyang dibdib ay ooperahin.

8. Subukan/ Subukin
Subukan- malihim na pag- oobserba (to see secretly)
Hal: Subukan nating tikman ang kanilang pagkain.
Subukin- pagsisiyasat sa lakas (to test or try)
Hal: Subukin mong gamitin ang kutsilyong iyan kung matalas.

9. Walisan/Walisin
Walisan- lugar
Hal: Walisan natin ang ating silid-aralan.
Walisin - tumutukoy sa bagay na aalisin
Hal: Walisin mo ang alikabok.

10. Binasag/ Nabasag


Binasag - sinadya
Hal: Binasag niya ang baso sa sobrang galit.
Nabasag - di sinasadya
Hal: Nabasag ang salamin dahil sa away nila.

11. Pinto/ Pintuan


Pinto – “door” Hal: May kumakatok sa pinto.
Pintuan – “doorway”
Hal: Huwag kayong magsisiksikan sa pintuan.

Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan -pagsasama- sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. -pag-aaral ng palatanungan,
palabuuan at talasalitaan; -mga pagsasanay tungkol sa pagpili ng maayos na pangungusap, na may isa lamang maliwanag na kahulugan.

Pangungusap Ayon saTungkulin


1. Paturol o Pasalaysay / Declarative - pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag ng isang bagay na paturol o pasalaysay. Ito ay maaaring
nasa karaniwang ayos na gaya ng mga pangungusap na sumusunod. Ang bantas na ginagamit sa pangungusap na pasalaysay ay tuldok. Hal: a.
Siya ay tanghaling dumating. b. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.
2. Patanong/ Interrogative – pangungusap na nagtatanong ng isang bagay o mga bagay. Gumagamit ng tandang pananong (?). Hal: Kailan ang
kaarawan mo? Saan nagtungo si Kaye? Dadalaw ka ba sa ospital?
3. Pautos / Imperative - pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang bagay. Ito ay may dalawang uri. Hal: Pedro, tawagin mo si Nene.
Samahan mo si Lea, Pat.
Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay yaong nakikiusap na gawin ang isang bagay. Ang uri ng pauos na ito’y karaniwang gumagamit ng
panlaping ipaki at ng salitang maaari. Hal: Pakibigay mo nga ang litratong ito kay Kathy. Maaari bang buksan mo ang pinto, Nelia?
4. Padamdam / Exclamatory -pangungusap na nagpapahayag ng di- karaniwang damdamin. Ang pangungusap na ito ay maaaring magpahayag
ng malaking galak, takot, o galit, kaakit-akit. Ginagamitan ng tandang padamdam (!). Hal: Mayaman na ako ngayon! Nakamit ko na ang tagumpay!

Mga Pangungusap na Walang Paksa


1.Pangungusap na Eksistensyal - nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa.Pinangungunahan ito ng may o
mayroon. Hal: May mga turista ngayon sa Baguio.
2. Pangungusap na Pahanga -nagpapahayag ng damdamin ng paghanga. Hal: Kay gara ng bago mong damit. Ang bait mo pala.
3. Mga Maikling Sambitla - tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Hal: Aray! Aruy! Ay!
4. Mga Pangungusap na Pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Hal: alas-tres malamig ngayon umaaraw tanghali na
5. Formulasyong Panlipunan -mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Hal: Magandang gabi po. Tao po.
Mano po. Makikiraan po.

You might also like