Professional Documents
Culture Documents
José Rizal
José Rizal
José Rizal
Mga nilalaman
[itago]
2Pag-aaral
3Personal na Buhay
o 3.1Leonor Rivera
o 3.2Josephine Bracken
o 5.1Pagpapatapon sa Dapitan
o 5.2Pagbaril sa Bagumbayan
6Mga Katha
7Mga Pamanang-lahi
8Tingnan din
9Mga sanggunian
10Ugnay panlabas
Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) [9] at ni Teodora Morales Alonzo y
Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"),
[10]
na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at
kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal:
sina Saturnina (Neneng) (1850–1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939),
Olympia (1855–1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–
1896), Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining)
(1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng
ika-17 dantaon.[11] Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon.[12]
Mayroon din lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay
kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo. [13] Ang kanyang
lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay
tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya
sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang
buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling
pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano
Rizal at ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio
Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak".
[14]
Ginawa ang pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang
kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza.
Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga
kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. [note 6][note
7]
Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga
patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba
pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga
sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.
Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong
ikadalawampu ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang
lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding
ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya
ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na
ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya
matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong
mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid,
kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente"
(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.
Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang
klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang
isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal
na nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Por
tuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Personal na Buhay
Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19
siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya. [16] Halos bawat detalye sa
kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at
dahil din sa kaniyang pagiging manunulat, at karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili
pa rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng kaniyang mga likha dahil sa ugali ni
Rizal na pagpapalit ng wika.
Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating
sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa,
Hapon at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.
Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang
isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa
Tondo, Maynila. Sinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, isang 14-
taong Batangueña mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga
mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na
gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya
ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay
Manuel Luz.[17]
Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa
Blng 2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar,
Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon
hanggang 6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang
kaniyang mga pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na
taga Londres, Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at
Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang
kaniyang naunang mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang
kaniyang panliligaw sa kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan
ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me Tangere.
Leonor Rivera
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya
ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan
kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang
kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni
Rizal.
Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara
sa Noli me Tangere at El FIlibusterismo.[18] Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14
taong gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera
ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si
Rizal ng tula para kay Rivera na namamaalam.[19]
Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang
pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila
ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884,
binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang
apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa insomnia.
Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang
pamilya sa Dagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco
Mercado na makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib,
dahil sa mga araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang filibustero o
mapanghimagsik[19] dahil sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si
Rivera habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli,
pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit
hindi naganap ang pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay
Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang
dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na
nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas
sinasang-ayunan ng ina ni Rivera.[19][20] Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang
nagpakasal na si Rivera kay Kipping.
Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang
mga guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na
may guhit at sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang
Rizal.
Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga
y Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ng Museong Britanya kung saan siya naging regular na
panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres,
kung saan binansagan siya bilang "hiyas ng isang tao".[16][note 8]
Josephine Bracken
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng
mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo
ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang
huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o
kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay
Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon
kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan
ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at
Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga
sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mata
Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga
kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni
Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni
Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa
pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan
of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa
pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29
Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa
pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni
Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa
mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni
Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong 27 Pebrero. Makikita ang
lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin
na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa
Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa
kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na
pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala
ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni
Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.
Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong
Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang
kaniyang mga mata kay Rizal.[21] Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at
Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa
kaniyang mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na
ikasal sila liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu.
Hindi sila makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo. [22]
Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya
bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa
pamilya ni Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil,
upang hindi mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang
makakuha ng pahintulot mula sa isang Obispo.[23] Naikasal si Rizal at Josephine sa
pamamagitan ng kasalang sibil sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak
na nagngangalang Francisco, na namatay din agad pagkasilang.[24]
Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong
Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda
upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway.[31] Kinunan ng manggagamot ng Hukbong
Kastila ang pulso ni Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo
noong nagsimula na silang sumigaw ng "Viva" at iba pang mga katagang pabor sa Kastila
kasama ang mga manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang
kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: "Consummatum est"—natapos
na.[4][32][note 10]
Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco sa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot
ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong
baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na
maaaring ito nga ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa
taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni Rizal na
pabaliktad.
Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulang Mi ultimo adios na pinaniniwalaang sinulat
ilang araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan
niyang mga natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin.
[33]:91
Sa kanilang pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles
na mayroong isang bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Taveras na ibabalik din
pagkabitay, upang bigyang diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan
din ang aking sapatos", kung saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang
kaniyang labi noong Agosto 1898, sa panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman
na hindi siya isinilid sa ataul, at nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang
nakasiksik sa kaniyang sapatos ay nalusaw.[27]
Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat: "Turingan ang may-edad nating
magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30
Disyembre, 1896."[16] Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang
libing: "Ilibing ninyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng
kapanganakan ko at kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking
libingan maaari niyong gawin. Walang paggunita."[34]
Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt: "Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay
inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na
konsiyensiya."[16] Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay
dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay
matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang
aklat sa isang matalik at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa
Leimeritz siya ay umiyak.
Mga Katha
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag
sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala
sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng
El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap
na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at
hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging
daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang
malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng
Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng
ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin: