Professional Documents
Culture Documents
Mga Halimbawang Pananaliksik Sa Filipin1
Mga Halimbawang Pananaliksik Sa Filipin1
Layunin:
Pananaliksik
• Ayon kay Fred Kerlinger ( 1973 ), ang pananaiksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na
imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.
Sistematiko ang isang pananaliksik, sapagkat mayroong mga tiyak na hakbang na dapat sundin, kontrolado, at ang
bawat hakbang ay nakaplano.
Layunin ng Pananaliksik
Sinasabi na ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang pagpapanatili at higit pag pagpapabuti ng
pamumuhayng tao. Samakatuwid, ang pangunahing layunin ito ay kailangang maging gabay ng mananaliksik sa
kaniyang pagsasagawa ng pananaliksik.
Ayon kay Jose Calderon at Expectacion Gonzalez( 1993 ), ang ilang tiyak na layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:
Makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena
Makakakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon
Layunin ng Pananaliksik
Mapapabuti ang mga umiiral na teknik at makabuo ng mga bagong instrumento o produkto.
Makatuklas ng hindi pa nakikilalang bagay at elemento.
Layunin ng Pananaliksik
Makakalikha ng batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
Mabigyang lugod ang kuryosidad ng mananaliksik
Mapapalawak o mapapatunayan ang mga umiiral na kaalaman
Gamit ng Pananaliksik
Akademikong gawain
Bahaging gawain ng mga mag – aaral, tinatawag na suating pananaliksik o kaya ay pamanahunang papel.
Pagnenegosyo
Kailangan munang magsagawa ng feasibility study bago pasukin ang isang negosyo upang malaman ang potensyal
sa pag – unlad ng negosyong pinaplano.
Mga Institusyon ng Pamahalaan
Likas na gawain ng mga institusyon ng pamahalaan ang pag sasagawa ng pananaliksik para sa mga proyektong
pinaplano at iba pa.
Iba pang Institusyon
Maraming pampribadong institusyon at mga non – governmental organization (NGO) ang nagsasagawa ng mga
pananaliksik para din sa kaniang mga proyekto at iba pang mga plano.
Metodo ng Pananaliksik
Kwantitatibong Metodo
Ang metodong kwantitatibo ay ginagamit upang masukat o makalkula ang mga nakalap na datos. Narito ang ilang
paraang maaring magamit:
1. SURVEY
2. CORRELATIONAL
3. CASUAL – COMPARATIVE
4. EXPERIMENTAL
Kwalitatibong Metodo
Ang kwalitatibong metodo ay pangangalap ng anumang impormasyong hindi numerikal. Ito ay nakatuon sa
paglalarawan o deskripsyon ng mga datos. Narito ang ilang paraan:
1. PHENOMONOLOGY
2. ETHNOGRAPHY
3. HISTORICAL
4. CASE STUDY
Mga Paalala
• Laging isipin kung ano ang maaring maitulong sa lipunan ng pinaplanong isasagawang pananaliksik
• Pag isipan ding mabuti kung ano ang angkop na metodo para sa pananaliksik na isasagawa, upang maiwansan ang
pag uuit.
Mahahalagang Kaalaman
Ayon kay Fred Kerlinger ( 1973 ), ang pananaiksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na
imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.
Sistematiko ang isang pananaliksik, sapagkat mayroong mga tiyak na hakbang na dapat sundin, kontrolado, at ang
bawat hakbang ay nakaplano
Ang metodo ng pananaliksik ay tumutukoy sa pilisopikal, teoritikal, konseptwal at analitikal na pagtingin sa
pananaliksik. Ito ay maaring kwatitatibo, kwalitatibo o magkasamang kwantitatibo at kwanlitatibong metodo. Bawat
metodo ay mayroon pa ring mga paraan kung paano ito isasagawa.
Iba pang kaugnay na konseptong kaugnay sa pananaliksik
Layunin:
Pagkatapos ng araling ito,dapat na nagagawa mo nang wasto ang mga unang bahagi ng pananaliksik.
Paksa ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay binubuo ng mag bahagi,bawat bahagi ay mayroong malaking ginagampanan sa magandang
ibubunga ng pananaliksik.
Panimula
• Ang panimula ay ang paglalarawan sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa napiling paksa.Sa pagsulat
nito ay mahalagang tandaan na kinakailangang makapaglahad ang mananaliksik ng matitibay na puntong
makakakuha ng interes ng mambabasa upang basahin ang kabuuan ng pag-aaral.Ang unang bahagi ay
binubuo ng mga sumusunod:
1. Kaligirang Pangkasaysayan
2. Paglalahad ng Suliranin
3. Saklaw at Limitasyon
4. Kahalagahan ng Pag-aaral
5. Balangkas Teoretikal
6. Balangkas Konseptwal
7. Kahulugan ng mga Terminong Ginamit
Kaligirang Pangkasaysayan
Paglalahad ng Suliranin
• Ang mga pangunahing suliraning ilalahad sa pananaliksik ay batay mismo sa paksang napili.