Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Title: Pulangi : Ang Ilog na Humubog sa Maraming Henerasyon Linggo 37

Awtor: “Sipi Mula sa Regional Profiles : People and Places (Adarna House, 2009)”

Matatalinhagang salita:

Umiinog - umiikot

Lolo sa tuhod - Lolo ng nanay o tatay

Galeon - barko

Buod:

Hanggang kamakailan lamang ay sa Ilog Pulangi umiinog ang mundo ng mga taga-
Gitnang Mindanao. May dalawang pangunahing direksiyon lamang ang Maguindanao:
ilog; pababang agos; at laya, pasalungat sa agos. May ilog dito na tinatawag ring Rio Grande de
Mindanao ay tumatawid pababa sa kanlurang bahagi ng Lungsod Cotabato, at pasalungat na
sumusuot sa agos–pasilangan, pahilaga, at patimog–sa mga lalawigan ng Maguindanao,
Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, Bukidnon, at Agusan. Ang mga lalawigang ito, maliban sa
Bukidnon at Agusan, ang bumubuo sa dating binansagang Imperyo ng Lalawigang Cotabato.
Para sa mga bata noong dekada-70, pugad ito ng pagsasaya sa pagligo, pamamangka, paghuli ng
ibon at pamimingwit. Kapag tag-araw, isinasama kami ng aking ama sa paghahatid ng mga
pasahero’t produkto gamit ang mga bangka mula sa Lungsod ng Cotabato at sa Datu Piang.
Minana ito ng aking ama, mula sa aking lolo, ang ama ng aking Inang. Hindi lang mga
kargamento’t pasahero kundi pati mga guro at mga aklat pampaaralan ang itinatawid ng mga
bangka sa buong rehiyon namin. Kahit na nagbigay ng trabaho ang industriya ng transportasyon,
umusbong din sa Ilog Pulangi ang ilang industriyang masamâ para sa kalikasan. Napakaraming
bangka ang humila ng balsa-balsang troso-ipinaaanod sa agos ng ilog hanggang makarating sa
bukas na dagat. Naramdaman lamang ang mga epekto ng labis na pagputol ng mga punongkahoy
sa balanseng ekolohiko pagkalipas ng isang henerasyon. Naghihingalo na ang ilog. Umaapaw na
ito dahil sa pagguho ng lupa sa pampang nito, na dulot naman ng patuloy na pagkalbo sa
kagubatan. Hindi na kailanman masasaksihan ng aking henerasyon at ng mga susunod pa ang
ganda at ang biyaya ng Ilog Pulangi.

You might also like