Panitikan Assign

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANITIKAN

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik- an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at
hulaping "an". At sa salitang " titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature) , na ang literatura ay
galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.

Pinagmulan/Kasaysayan

Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao
noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela , Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga
may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.

Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mgapangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na
nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.

Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong
metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo
sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Uri ng Panitikan

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.

Katuturan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinihan ng lahing ating pinagmulan.

2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya
ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.

3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.

4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.

5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an
gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan


Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan . Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan .

Anekdota -isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawabng mga tao.

Nobela -o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo , naging istilo nito ang lumang pagibig at naging
bahagi ng mga pangunahing literary genre . Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o
maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa
isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa
pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.

Pabula - ( Ingles : fable, Kastila : fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral naaral
para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral .

Parabula -o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong
maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay
walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita
gaya ng tao . Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad
ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni
Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos .

Maikling kwento -isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalaga ng pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela
at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyongisang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng
Maikling Kuwento."

Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isangtanghalan o entablado.

Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglala man ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysay an ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na
tala, pangyayari o impormasyon.

Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob atlabas ng ating bansa.

Kwentong bayan - ( Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito
ang alamat at mga mito .
Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan.

Awit at Korido -Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng
makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan,
inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita ( liriko ), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-
musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga
awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa . Ang mgasalita ay ang liriko. Ang korido ay
isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat
na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng
pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Epiko-uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng ka bayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga
Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko(may titik o sa huli,
isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani , samantalangang epika (may titik a sa huli, isang
pangngalan ) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.

Balad -Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

1. idioma , isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

2. moto , parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ngmga tao.

3. salawikain , mga kasabihan o kawikaan.

Salawikain -Ang mga salawikain , kawikaan kasabihan , wikain , o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na
lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-

araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Bugtong -Ang bugtong , pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan
na nilulutas bilang isang palaisipan ( tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga
talinghaga (oenigma , bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora
o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga
palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Sa panitikang
Pilipino , nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa bansa.

Tanaga - Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod
at pitong (7) pantig kada taludtod.
Impluwensya ng Panitikan

Bibliya - Ang Biblia ay mula sa bansang Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Ito ay naging banal
sapagkat ito’y kinasihan ng banal na ispiritu.

Koran - Mula sa bansang Arabia na nagtataglay ng mga kaisipan at kautusan siyang sinusunod hanggang sa ngayon
ng mga Mohammedan. Ito ay mula sa salitang arabic na ang ibig sabihin ay isang pagbasa. Naglalaman ng mga
paniniwala na galing kay Allah na ibinigay kay Muhammad. May 114 na kabanata na may iba’t ibang pamagat.

Mahabharata - ay “Great King Bharata” Binubuo ang tula ng 220,000 taludtod na hinati sa 18 sections kung saan
naidagdag ang suplementaryong “HARIVAMSA”. Nakapaloob dito ang “ BHAGAVADGITA”awit ng Panginoon-
nag-iisang pinakamahalagang kasulatang relihiyon ng Hinduism. Nagpapakita rin ito ng “DHARMA” (codes of
conduct)

Book of the Dead - ay kayamanang pangliteratura ng Ehipto. Ito’y produkto ng mga lumang kulto nabuo sa
kabihasnan ng lumang Ehipto. Ito ay koleksyon ng mahigit 100 na sulat tungkol sa mahika, dasal at awit sa mga
anito tulad ni Amon-Re at Osiris. Ang sulating ito ay may malaking impluwensyang panrelihiyon at ang mga ito ay
may istrakturang patula

The Divine Comedy - Ang La Divine Commedia (Italian) ay isa sa mga haligi ng panitikan ng Europa. Itinuturing
ito na isa sa mga dakilang gawa sa kasaysayan ng literatura. Ang obra-maestra na ito ni Dante Alighieri ay naisulat
noong 1310-1314. Naging popular ito noong ika-labinglimang siglo kung kaya’t tinaguriang siyang divino poeta o
divine poet.

Iliad at Odyssey - Mula sa bansang Gresya na isinulat ni Homer. Ang Iliad ay tumatalakay sa mga
pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Tulang epiko na tungkol sa salaysay ng pagsakop
ng mga Griyego sa Lungsod ng Troy. Pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya. Ang Odyssey ay isinulat
patapos na ang 8th Century B.C. Tumatalakay sa mahabang paglalakbay ni Odysseus isang bayaning Griyego
pabalik sa Ithaca pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Itinuturing ito na isang salaysayin ng pagmamahalan o mga
katangiang makaromansa.

El Cid Compeador - Nagpapakita ng katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang alamat at kasaysayang
pambansa noong unang panahon. Ito’y isang tulang pasalaysay na kung saan malaking bahagi ng tula ay base sa
katotohanan. Si Rodrigo Diaz de Bivar ang tinuturing na pambansang bayani sa Espanya. Ang ibig sabihin ng El Cid
ay Diyos ng digmaan o pakikipaglaban.

Awit ni Rolando – La Chanson de Roland ang pinakamatanda at pinakadakilang tula na naisulat sa wikang pranses
noong kalagitnaang panahon. Ayon sa mga iskolar ang tula ay naisulat sa pagitan ng taong 1098-1100. Sa ibang mga
iskolar ang tulang ito ay isang propaganda upang hikayatin ang mga kristiyano na kalabanin ang islam.

Canterbury tales - ay koleksyon ng mga salaysayin na sinulat ni Geoffrey Chaucer noong ika-labing apat na siglo.
Ito’y binubuo ng 24 na salaysayin – ang dalawa rito ay naisulat ng tuluyan at ang iba ay nasa patula. Ang Canterbury
ay isang lugar sa Inglatera na kung saan ang mga kuwentong ito ay mula sa mga taong naglalakbay patungo sa shrine
ni St.Thomas a Becket. Paglalakbay na may kasamang musika, kuwento na kahit malayo ang paglalakad papunta sa
shrine ay hindi ito iniinda ng mga tao dahil sa saya ng kanilang paglalakbay. Nagpapalitan sila ng mga kuwento,
tawanan at kung minsan may sagutan dahil sa pasikatan.

Uncle Toms Cabin - Ang akda ito ay naglalaman ng nakakahindik na kaalipinan ng mga itim sa bansang Amerika.
Ito ay paseryeng ipinalabas sa “National Era”, isang sa dalawampung wika, nakabenta ng higit sa 300,000 kopya sa
Amerika. Ang aklat na ito ay naging daan ng Digmaang Sibil sa Amerika. Ang kahulugan ng pamagat ay “The Life
of a Lowly”

You might also like