Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Singapore

Kultura
Ito ay sentro ng sining at kultura at mayaman sa aspekto ng teatro at musika.Ang kanilang lutuin ay sadya ring de-
kalidad. Ang mga tao ay nakasanayangmaging disiplinado at hindi lumalabag ng batas. Kaya naman isa angSingapore sa
mga pinakamaunlad na bansa.
Bilang dating kolonya ng Britanya at parte ng ng Timog-Silangang Asya at, ang Singapore ay may kulturang
pinagsamang pang-silangan at pang-kanluran.
1. Iba’t-ibang lahi
Ang mga pangunahing grupong etniko sa Singapore ay ang mga Malay, Tsino, at Indiyano. Ang islang ito sa dulo ng
Malaysia ay naging sentro ng kalakaran; dahil ginamit itong daungan ng mga barko ng Britanya na papunta sa India.
Noon pa ma’y nakipagsapalaran na ang mga manggagawang Tsino at Indiyano upang magtrabaho sa Singapore.Sa
kasalukuyan, laganap na ang industriyalisasyon sa bansa. Hanggang ngayon ay lumalawig ang populasyon ng mga
dayuhang nagtratrabaho at namamalagi sa Singapore. Nagdudulot ito ng napakayaman at nagkahalo-halong kultura mula
sa iba’t-ibang grupong etniko.
2. Sari-saring paniniwala
Ang iba’t-ibang lahi ay may sari-sariling pinaniniwalaan relihiyon na itinuturo mula sa murang edad. Laganap ang
Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, Taoismo, at marami pang iba. Dahil dito ay napakaraming mga engrandeng
gusali ang itinatag para sa ang iba-t ibang relihiyon. Ang mga bumibisita sa mga gusaling ito ay kailangang sumunod sa
mga ipinaiiral na paniniwala ng relihiyon, tulad ng pagtakip sa buhok ng mga babae sa mga mosque.
3. Kakaibang batas
May mga batas na sadyang pinapatupad at nangingibaw Singapore, at hindi matatagpuan sa ibang karatig-bansa. Ang mga
ipinagbabawal na ito ay may kaakibat na malaking multa o pagkakakulong: bubble gum, pagdura, pagkakalat, pagtawid sa
hindi tamang tawiran, paninigarilyo sa loob ng gusali, paglalasing sa publiko, pagmamaneho ng lasing, droga, at iba pa.
Ang pagmamay-ari ng katiting na droga ay maaring maging basehan upang patawan ng parusang kamatayan.
4. Modernong pamumuhay
Karamihan sa mga namamalagi sa Singapore ay mga dayuhan at negosyante. Mababa ang buwis dito kaya
nakakaengganyong magpatayo ng negosyo. Maganda ang mga serbisyong publiko at maunlad ang imprastraktura, ngunit
‘di maikakailang malaki ang gastusin upang mamuhay sa bansang ito.
Paniniwala
Ang Singapore ay isang multikultural na lupain kung saan ang mga tao ay magkakaiba ang mga sinusundang relihiyosong
gawi. Kabilang na dito ang populasyon ng Chinese, na Budismo at Taoism ang pangunahing sinusundang paniniwala.
Mayroon din naman mga Kristiyano at iilang Katoliko. Ang mga Malay naman sa bansa ay mga Hinduismo ang
paniniwala. Mayroon ding mga “free-thinkers o mga “atheists “. Gayunman, ang bansa ay pinapahalagahan ang etikal na
pamantayan ng Cofucianism.

Tradisyon
Malaking bahagi ng tradisyon ng mga taga-Singapore ang pagiging sentro ng sining at kultura pati ng teatro at musika.
Gustung-gusto nila ang mga pagkain lalo na ang mga lamang dagat at maging ito ay nakaukit na rin sa kasaysayan at
tradisyon nila.

Lugar
Ang Limang tema ng Heograpiya ng bansang Singapore:
1. Lokasyon ng Singapore: Latitude 1" 22" North
longitude: 103 48' East
2. Paggalaw o Movement: Pangalawa ito sa Globalisasyon. Ang transportasyon nila ay sa pamamagitan ng perokaril o
railroad, highway at waterways. Ang mga kayamanan nito ay langis, kemikal,pagkain,tubig, elektrisidad at mga gamot.
3. Interaksyon ng tao at kapaligiran- Dahil malapit lang sa ekwador ang lokasyon ng bansa, gumawa ng mga opisina ang
mga taga-Singapore na may malamig na temperatura dahil ang mga empleyadong nagtatrabaho ay naksuot ng mainit na
uniporme.
4. Lugar- May 57 na isla ang bansang Singapore. Ito ay 12o na milya mula sa baybaying-dagat. Merong mahigit 840 na
klase ng halamang namumulaklak at lampas 500 na klase ng hayop ang lugar.
5. Rehiyon- ang rehiyon ay may 2 balaklaot o monsoon, tropikal at tag-ulan ang klima dito. Ang paglaki ng kanilang
populasyon ay 1.34% lamang bawat taon.

Teknolohiya
Kilala rin ang Singapore sa pagkakaroon ng advanced transport and infrastructure systems at convenient housing. Kilala
ang Singapore bilang isa sa pinakamaganda at pinakamaulad na daungan s Timog-Silangang asya

Ang paraan ng pamumuhay sa Singapore ay medyo maunlad kumpara sa ibang bansa sapagkat may suportang
natatanggap ang mga tao sa gobyerno dahil na rin maunlad ang kanilang ekonomiya. Aktibo sa larangan ng industriya at
elektroniko ang bansa kaya naman hindi nahuhuli sa mga makabagong teknolohiya ang bansa na malaking tulong sa
pagpapagaan ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao roon. Isa pa, halos lahat ng tao sa bansa ay nakapag aral dahil
sa paniniwalang ang edukasyon ang susi sa kaunlaran. Kaya naman ang mga tao roon ay may maayos at magagandang
trabaho na siyang nagbibigay sustento sa kanilang pamumuhay. Maganda rin ang pamamalakad ng gobyerno kaya
napapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong bansa.

Mga batas
Marami ang nagagandahan sa Singapore dahil sa kanyang pagiging maunlad. Ang Singapore ngayon ay isang masiglang
cosmopolitan city na mayroong maraming high-rise buildings at landscaped gardens. Bagamat maliit lamang na bansa,
Singapore commands an enormous presence in the world today with its free trade economy and highly efficient workforce.
Bukod dito, ang strategic location ng Singapore sa region ang dahilan kung bakit isa siyang central sea port along major
shipping routes.
Ganunpaman, linggit sa kaalaman ng maraming Pinoy na mahigpit ang pagpapatupad ng batas sa Singapore. Ang corporal
punishment (canning o pagpapalo gamit ng cane) at capital punishment (by hanging o bitay) parin ang mga kaparusahan sa
mga serious offences. Mahigit 400 na tao na-execute sa Singapore, mostly for drug trafficking, between 1991 and 2004.
Statistically, ang Singapore ay mayroong isa sa pinakamataas na execution rates sa mundo base relative sa kanyang
population, na mas mataas pa kaysa sa Saudi Arabia.
Puwera sa mga serious offences tulad ng drug trafficking, may mga naiibang batas din sa Singapore na dapat malaman ng
mga dayuhang Pinoy:
1. Bawal magkalat (Littering) sa kalye. Ipinagmamalaki ng Singapore ang kanyang kalinisan. Mula pa noong 1968,
mahigpit na ipinapagbawal ang pagkakalat sa pampublikong lugar. Ang multa ay umaabot ng SGD$500.
2. Bawal magbenta o kumain ng chewing gum sa Singapore – Upang maiwasan ang magkalat o magdikit ng chewing gum
kung saan saan sa pampublikong lugar, ipinagbabawal ng Singapore Government ang magbenta ng chewing gum.
("Regulation of Imports and Exports (Chewing Gum) Regulations") Maaari lamang makabili ng mga chewing gum
nakakapagpagaling ng sakit o may “therapeutic value” sa doctor. Maaari kang kumain ng chewing gum na prinescribe ng
doctor tulad ng mga “therapeutic chewing gum”, ngunit dapat mong itapon ang chewing gum sa tamang basurahan at
nahulihan, kung hindi ay maari kang mahuli at magmumulta.
3. Maging maingat sa paggamit ng Wifi ng kapitbahay. Noong November 2006, 17 year old Garyl Tan Jia Luo, was
arrested for tapping into his neighbour's wireless Internet.
4. Bawal makitang nakahubad sa publiko (public nudity) – Mukang common sense itong batas na ito, dahil wala namang
matinong Pinoy ang maglalakad sa kalye ng hubad, kahit na nasa Pilipinas pa. Ngunit sa Singapore, kahit na nasa loob ka
ng bahay o hotel, kapat may nakakita sa iyo na kapit bahay na nakahubad, maaari kang i-report. Sa Singapore maaari kang
makulong o magbayad ng fine dahil sa pornography, kaya’t bawal ang mga XXX magazines tulad ng Playboy, Penthouse,
atbp…
5. Bawal ang hindi mag-flush ng toilet pagkatapos gamitin. Ang mga police officers ay nag-rarandom check ang mga
public toilets sa Singapore at maaari kang multahan kapag nahulihan na hindi mag-flush ng toilet. (Environmental Public
Health (Public Cleansing) Regulations (Cap. 95, Rg. 3, 2000), rg. 16.)
6. Maging maingat sa pananalita tungkol sa gobyerno, relihiyon o mga ibang lahi (racist comments). Maaari kang
makasuhan ng “Sedition” (Sedition Act, Chapter 290, Statutes of Singapore) kapag nahulihan kang nagsasalita ng hindi
maganda tungkol sa ibang relihiyon, ibang lahi o sa gobyerno. Tandaan na may iba’t ibang lahi ng tao ang nasa Singapore
(Chinese, Malay, Indians, etc.) at 40% ng population ng Singapore ay foreigners. Kahit ang pag-post ng mga di magandang
comments tungkol s relihiyon, ibang lahi o gobyerno sa Internet ay ipinapagbawal. Noong September 2005, mayroong 2
lalaki ang na-sentence dahil sa pag-post ng racist comments sa Internet forums.
7. Maging maingat sa papakilala sa iba ng taong hindi mo lubusang kilala. Sa Singapore, kapag may pinakilala kang tao
sa iba at bini-build up mo sya na hindi naman pala totoo, maaari kang ma-convict ng “abetment”. Halimbawa, kung ang
taong pinakilala mo ay sinabing isa siyang lawyer, ngunit hindi pala totoo, maaari kang kasuhan dahil dito. Kaya’t wag
basta basta mag-endorse ng ibang taong di mo lubusang kilala. (Penal Code Chapter V Abetment)
8. Bawal ang Durian sa MRT sa Singapore. Pwera sa bawal kumain, manigarilyo at pagdadala ng mga flammable goods,
bawal din ang pagdala ng Durian sa MRT.

Simula sa taong 2017, kailangan ay tuluyan nang walang makikitang mga naka-display na sigarilyo sa mga tindahan, at
pati na rin ang anumang advertisements tungkol dito, kabilang na ang online ads.
Ginawa ito ng Singapore para mas mapaigting pa nila ang pagbabawas sa nakakasamang bisyo ng paninigarilyo sa
kanilang bansa, kahit pa ang bansang ito ay isa na sa may pinakamababang smoking rates sa buong mundo.
Bukod sa mismong mga pakete ng sigarilyo at mga advertisement, ipagbabawal na rin ang pagdi-display ng electronic-
cigarettes.
Ayon kay Senior Minister of State for Health Amy Khor, bagaman mapalad sila na ang kanilang bansa ay isa sa may
pinakamababang smoking prevalence, hindi sila dapat maging kampante.
Batid din aniya nila na mas nagiging agresibo na ang bentahan ng sigarilyo maging sa mga kabataan, kaya kailangan na
nilang mas paigtingin pa ang pag-protekta nila sa kalusugan ng kanilang mga mamamayan.
Dagdag pa ni Khor, noong taong 2004 ay bumagsak sa all-time law ang smoking rate nila na nasa 12.6 percent, ngunit
unti unti rin itong umakyat ng 13.3 percent pagdating ng 2013.
Ang Singapore ay kabilang sa mga bansang may pinakamababang smoking rates sa buong mundo dahil sa pinagsama-
samang mga batas tulad ng nicotine taxes, ban sa print at broadcast advertising, at mas mahigpit na mga batas tungkol sa
pagsi-sindi ng sigarilyo sa maraming bahagi ng lungsod.

You might also like