Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSRICE
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Province of Quezon
Lucena City

ANACLETO OBLEA LADINES,


Complainant, I.S. No. IV-09-INV-15F-00298
FOR VIOLATION OF R.A. 8048
-versus-
RONALD NEVERA,
BENITO LUNAR and
MICHAEL LADINES,
Respondents,
x--------------------------------------x

PINAG-ISANG KONTRA-SALAYSAY
AT KONTRA-DEMANDA

Kami, RONALD NEVERA nasa hustong gulang, may-asawa,


mamayan ng Pilipinas, at residente ng Brgy. Nagsinamo, Lucban,
Quezon, at BENITO LUNAR, nasa hustong gulang, binata at
residente din ng Brgy. Nagsinamo, Lucban, Quezon, matapos
makapanumpa sang-ayon sa batas, ay malaya at kusang loob na
nagpapahayag ng mga sumusunod –

1. Kami ay mga respondents sa isang preliminary investigation,


I.S. No. IV-09-INV-15F-00298 na isinampa ni Anacleto Oblea
Ladines sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lucena City,
sapamamagitan ng mga kasinungalingan na ang layon lamang
ay manggulang at maiwasan na ibalik ang perang ibinigay
namin sa kanilang mag-ama, Anacleto at Micahel Ladines.

2. Labis namin na pinasisinungalingan ang mga bintang ni


PAGE 1 OF 3 - KONTRA SALAYSAY AT KONTRA-DEMANDA

Anacleto Oblea Ladines sa kanyang Sinumpaang Salaysay


dahil kailan-man ay hindi kami nagputol ng niyog sa kanya
diumanong lupain sa Brgy. Nagsinamo, Lucban, Quezon.
Hindi nga din niya masabi kung kailan at kung sa anong
paraan kami nagputol.

3. Ang totoong pang-yayari ay niloko at tinangay ng mag-amang


Anacleto Oblea Ladines at Michael Ladines mula sa amin ang
kabuuang halaga na PHP35,000.00 na ibinayad namin sa
kanila noong May 27 at May 29, 2015 matapos na kami ay
pangakuan na bebentahan ng niyog mula sa diumano ay lupa
nila sa “Brgy. San Miguel” sa Mauban, Quezon.
4. Sabi ng mag-ama na sila Anacleto Oblea Ladines at Michael
Ladines, noong May 27, 2015 sa isang meeting sa G. Del Pilar
Street, Lucban, Quezon sa bahay ni Alfredo Laco, ay silang
mag-ama daw ang bahala sa permit sa magiging pagbebenta
nila ng niyog sa amin mula sa diumano ay lupain nila sa Brgy.
San Miguel, Mauban, Quezon. Kaya kami ay nakumbinse na
magbayad sa kanila ng downpayment na PHP5,000.00.

5. Noong May 29, 2015 muling nakipagkita ang mag-ama na sina


Anacleto Oblea Ladines at Michael Ladines sa amin sa G. Del
Pilar Street, Lucban, Quezon sa bahay ni Alfredo Laco, upang
kuhanin ang balanseng PHP30,000.00; diumano ay kailangan
na nila upang ayusin ang permit sa pagbebenta ng niyog mula
sa Brgy. San Miguel, Mauban, Quezon.

6. Ibinayad namin sa mag-amang Anacleto Oblea Ladines at


Michael Ladines ang dawnpayment na PHP5,000.00 ng cash;
at ang balanseng PHP30,000.00 ay kinuha sa tseke mula sa
aming financier na si Charlie Quabel. Iyon tseke a na-good
noong din araw na iyon kaya na-encash ng mag-ama. Sa
kabuuan ay PHP35,000.00 ang nakuha sa amin ng mag-amang
Anacleto Oblea Ladines at Michael Ladines.

7. Lumipas ang tatlong lingo mula ng magbayad kami, hindi man


lang kami kinakausap o pinupuntahan ng mag-ama. Kaya ng
makita namin sila muli sa G. Del Pilar Street, Lucban, Quezon
ay sinabi namin na kung wala talaga silang ibebentang niyog
sa amin ay ibalik na lang nila ang pera namin. Saubalit hindi
naman kami pinansin.

8. Napag-alaman namin na wala palang lupa o niyogan ang


Anacleto Oblea Ladines at Michael Ladines sa Brgy. San
Miguel, Mauban, Quezon. Kung kaya malinaw na niloko lang
kami ng mag-amang Anacleto Oblea Ladines at Michael
Ladines. Kung kaya aming inihahabla sila Anacleto Oblea
Ladines at Michael Ladines sa kasong ESTAFA dahil niloko
nila kami at nakuhanan ng PHP35,000.00 matapos
papaniwalain na sila ay may ibebentang mga niyog mula sa
San Miguel, Muban, Quezon, at sila diumano ang kukuha ng
PAGE 2 OF 3 - KONTRA SALAYSAY AT KONTRA-DEMANDA

permit para dito. Subalit matapos nilang makuha ang pera sa


amin ay hindi na nila kami hinarap o kinausap man lamang.
Kalakip dito ang kopya ng kasulatang pinirmahan ni Michael
Ladines noong May 27, 2015 kasama si Anacleto Oblea
Ladines para sa paunang bayad na PHP5,000.00; at ang kopya
ng tseke kung saan kinuha ang ibinayad namin na balanseng
PHP30,000.00.

9. Malinaw din na ang ginawang paghahabla ni Anacleto Oblea


Ladines sa amin ay paraan niya lamang upang baligtarin ang
katotohanan. Kataka-taka at hindi kapani-paniwala na naputol
ang diumano ay 208 na puno ng niyog sa diumano ay lupain
niya sa Brgy. Nagsinamo, Lucban, Quezon ng hindi niya alam.
Ang sabi niya ay may mga tauhan siya doon. Paanong hindi
niya nalaman kung ganoon. Napakatagal bago maputol ang
208 na puno. Malamang ay siya rin mismo ang nakinabang
doon at pilit niya lang ibinabaling sa ibaba ang kasalanan,
para hindi namin mabawi sa kanila an aming ibinigay na
halaga.

BILANG PATUNAY dito sa mga pahayag namin ay aming


nilagdaan at pinanumpaan ito ngayong ________________________
sa ________________________.

RONALD NEVERA BENITO LUNAR


Nagsalaysay Nagsalaysay

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayon


____________________ nila Ronald Nevera may
___________________ ID. No. ____________________ issued at
_____________, issued on _________;
at Benito Lunar may ___________________ ID. No.
____________________ issued at _____________, issued on
_________;

Doc No. _______;


Page No._______;
Book No._______;
Series of 2015.
PAGE 3 OF 3 - KONTRA SALAYSAY AT KONTRA-DEMANDA

You might also like