Professional Documents
Culture Documents
AP 6 Unang Markahan Unang Linggo
AP 6 Unang Markahan Unang Linggo
Unang Markahan
I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa Panimulang Pagtataya
III. Pamaraan
A. Pagganyak
B. Pagpapaliwanag ng mga panuto at panuntunan sa pagsusulit
C. Pagbibigay ng pagsusulit
D. Pagsagot ng mga bata sa pagsusulit
E. Pagsubaybay at pagmamasid ng guro sa mga bata habang
nagsusulit
F. Pagwawasto ng pagsusulit
G. Pagtatala ng resulta
H. Pagkuha ng Mean, SD at MPS
Araling Panlipunan 6
Unang Markahan
Unang Linggo
Aralin 1
I. LAYUNIN:
1.1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas sa mundo
gamit ang mapa at globo batay sa “absolute location” nito
1.2. Naituturo ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang
mapa at globo batay sa ‘absolute location” nito
1.3. Napahahalagahan ang katangi-tanging kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo.
II. NILALAMAN:
Kinalalagyan ng Pilipinas at Paglaganap ng Malayang Kaisipan
sa Mundo
Batayang Heograpiya
1. Absolute na lokasyon gamit ang mapa at globo
IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral (Pahulaan)
a. Anong G ang maliit na modelo ng daigdig?
b. Anong M ang patag na representasyon ng daigdig?
c. Anong PM ang ang nasa sero digri longhitud?
d. Anong E ang nasa sero digri latitud?
e. Anong M ang guhit mula hilagang polo patungong
hanggang timog polo?
3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon, sagutin at
piliin ang titik ng wastong sagot.
1. May iba‟t ibang imahinaryang guhit sa globo. Saang
imahinaryang guhit sa globo matatagpuan ang bansang
Pilipinas?
A. nasa ibabang bahagi ng ekwador
B. sa itaas na bahagi ng ekwador
C. sa tagiliran ng ekwador
D. sa timog ng ekwador
2. Kung ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas ay sa pagitan ng
4 digri at 21digri H latitud, saang espesyal na guhit ito
matatagpuan?
A. Tropiko ng Kanser C. Kabilugang Antarktiko
B. Kabilugang Artiko D. Tropiko ng Kaprikornyo
3. Si G. Garcia ay nasa Pilipinas. Hinahanap niya sa mapa kung
anong bansa ang nasa Kanluran ng Pilipinas. Alin ito?
A. Tsina B. Brunei C. Vietnam D. Hongkong
4. Kung pagbabatayan ang pangalawang direksyon,
matutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas na napapaligiran
ng ______________ sa hilagang-silangan.
A. Dagat ng Pilipinas C. Dagat Tsina
B. Dagat Celebes D. Dagat Sulu
5. Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa
mga karatig bansa nito. Ano ang tawag sa lokasyon ng
isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit
nitong lugar?
A. Lokasyong Bisinal C. Rehiyong Lokasyon
B. Lokasyong Insular D. Relatibong Lokasyon
Sagot: 1. B. 2. A 3. C 4. A 5. D
B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak
Ipakita ang larawan at magtatanong ang guro sa mga mag-
aaral.
http://www.digilearn.com.ph/epub/books/gs4_ap01/Text/08_aralin2.html
http://www-istp.gsfc.nasa.gov/stargaze/Slatlong.htm
http://www.slideshare.net/ApHUB2013/bahagi-ng-globo-reports-quarter-1-3rd-year
http://www.slideshare.net/chikath26/unang-markahan
http://www.myschoolhouse.com/courses/O/1/74.asp
Pangkat II
Kagamitan: activity sheet, marker, Kayamanan 5 p. 4 - 8
Panuto: Sundin at gawin ang mga panutong nakasaad sa
activity card.
a. Punan ang bawat kahon ng mga espesyal na guhit latitude.
b. Magtakda ng kasaping mag-uulat ng ginawa ng pangkat.
https://quizlet.com/50143191/continents-oceans-regions-latitude-longitude-flash-
cards/
Inaasahang Sagot:
Pangkat III
Kagamitan: activity sheet, compass rose, marker, Kayamanan
5 p. 4 - 8
Panuto: Sundin at gawin ang mga panutong nakasaad sa
activity card.
a. Gumamit ng compass rose.
b. Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Sumangguni sa
larawang nasa ibaba.
http://www.worldatlas.com/webimage/countrys/asia/seasiatm.htm
Inaasahang Sagot:
Pagtatalakayan
Iuulat ng mga bata ang kanilang ginawang awtput
Sagutin ang mga tanong:
1. Saang hatingglobo matatagpuan ang Pilipinas?
2. Saan saang guhit latitude matatagpuan ang Pilipinas?
3. Ano ang tiyak na sukat ng kinaroroonan ng Pilipinas sa mga
guhit na latitude at longhitud?
4. Gamit ang pangunahing direksiyon, ano ano ang mga
bansang nakapaligid sa Pilipinas sa Timog? Hilaga? Silangan?
Kanluran?
5. Gamit ang pangalawang direksiyon, anong bansa ang nasa
Timog-Kanluran ng Pilipinas?
6. Gamit ang pangalawang direksiyon, anong Isla ang nasa
Timog-Silangan ng Pilipinas?
7. Gamit ang pangalawang direksiyon, anong bansa ang nasa
Timog-Kanluran ng Pilipinas?
(Maaaring magbigay pa ang guro ng mga karagdagang gawain
para sa pagpapalawig ng talakayan at kaalaman ng mga
mag-aaral).
8. Batay sa inyong pangkatang-gawaing isinagawa, ano ang
kahalagahan ng mga guhit latitud at longhitud at mga espesyal
na guhit sa kinaroroonan ng isang bansa? Bakit?
F. Paglalapat
Gamit ang globo, ipatuturo sa mga mag-aaral ang
kinalalagyan ng Pilipinas batay sa absolute na lokasyon nito.
Gamit ang compass rose, ipatuturo sa mapa ang mga
bansang nakapaligid sa Pilipinas gamit ang pangunahin at
pangalawang direksiyon.
Ang Pilipinas ay nagtataglay ng magagandang katangian.
Bilang kabataang Pilipino, paano mo maipagmamalaki ang
ating bansa?
G. Paglalahat ng Aralin
Ang Pilipinas ay may tiyak na kinalalagyan sa mapa ng
mundo. Ito ay matatagpuan sa Hilagang Hatingglobo at nasa
pagitan ng ekwador at ng Tropiko ng Cancer. Ito ay may tiyak
na sukat na matatagpuan sa pagitan ng 4 ͦ at 21 ͦ hilagang
latitud at ng 116 ͦ at 127 ͦ silangang longhitud.
Sa pamamagitan ng mga pangunahing direksiyon, ang
Pilipinas ay napaliligiran ng mga bansang China, Taiwan,
Japan sa Hilaga, Marianas, Guam, Micronesia sa Silangan,
mga bansang Malaysia, Brunei, at Indonesia sa Timog na
bahagi, at mga bansang Laos, Thailand, Vietnam at
Cambodia sa Kanluran.
Ang ilan naman sa mga bansa at islang nakapaligid sa
Pilipinas gamit ang pangalawang direksiyon ay ang mga
sumusunod: Isla ng Paracel, Macau, Myanmar, at Hongkong
sa Hilagang-Kanluran, mga bansang Brunei, Singapore, at
Malaysia sa Timog-Kanluran, Papua New Guinea at Isla ng
Palau sa Timog-Silangan, at Japan sa Hilagang-Silangan.
H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang ekwador ay imahinaryang guhit na matatagpuan sa gitna
ng globo. Saang hatingglobo matatagpuan ang bansang
Pilipinas?
A. sa timog hatingglobo
B. sa silangang hatingglobo
C. nasa hilagang hatingglobo
D. sa kanlurang bahagi ng ekwador
2. Upang malaman ang tiyak na kiaroroonan ng PIlipinas ay
mahalagang malaman ang tiyak na sukat nito. Ano ang tiyak
na sukat o absolute na location ng Pilipinas?
A. 6 ͦ at 26 ͦ timog latitud at 106 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud
B. 4 ͦ at 21 ͦ hilagang latitud at 116 ͦ at 127 ͦ silangang longhitud
C. 6 ͦ at 26 ͦ hilagang latitud at 116 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud
D. 6 ͦ at 36 ͦ silangang latitud at 126 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud
3. Mahalagang malaman ang tiyak na kinaroroonan ng Pilipinas
sa pamamagitan ng mga bansang nakapaligid dito. Alin sa
mga sumusunod na bansa ang matatagpuan sa hilagang
bahagi ng Pilipinas gamit ang pangunahing direksiyon?
A. Indonesia B. Thailand C. Taiwan D. Guam
4. Ang Pilipinas ay tinaguriang isang bansang tropical dahil ito ay
matatagpuan sa Tropiko ng Kanser na kung saan ito ang
bahagi ng mundo na tuwirang nasisinagan ng araw. Ano ang
wastong dahilan nito?
A. Dahil marami na ang naninirahan sa Pilipinas kung kaya ang
Pilipinas ay tinaguriang Bansang Tropikal.
B. Dahil ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay kabilang din
sa mga bansang Tropikal.
C. Dahil laganap ang polusyon sa Pilipinas kaya tinawag na
bansang Tropikal.
D. Dahil malapit ang Pilipinas sa Ekwador na may mainit na klima.
5. Pangarap mong makarating at mamasyal sa bansang
Thailand. Kung ikaw ay manggagaling sa Pilipinas, saang
direksiyon patungo ang eroplanong iyong sasakyan?
A. Hilaga B. Timog C. Kanluran D. Silangan
Sagot: 1.C 2. B 3. C 4. D 5. D
I. LAYUNIN:
2.1.1. Natutukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo ng sakop
ng Pilipinas ayon sa kasaysayan
2.1.2. Naituturo ang hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng
Pilipinas sa globo at mapang politikal
2.1.3. Napahahalagahan ang teritoryong sakop ng Pilipinas.
II. NILALAMAN:
Teritoryo ng Pilipinas Batay sa Kasaysayan tulad ng Treaty of Paris of
1898, Cession Treaty of 1900/Kasunduan sa Washington At
Kasunduan sa Estados Unidos at Gran Britanya
IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu
2. Balik aral (Pass It to Win it)
Magpapatugtog ng awitin habang ipinapasa ang
kahon na may lamang mga tanong. Kung kanino huminto ang
kahon sa pagtigil ng tugtog, siya ay kukuha ng rolled paper na
nasa loob ng kahon upang basahin at sagutin ang tanong.
1. Ilang kilometro kuwadrado ang kabuuang sukat ng
kapuluang Pilipinas?
2. Ano ang ginagamit sa paghahanap ng tiyak na
lokasyon ng isang lugar tulad ng layong pahilaga o
patimog ng isang lugar mula sa ekwador?
3. Anong guhit ang nagtatagpo mula sa polong hilaga
patungong polong timog?
4. Paano ipinagmamalaki an gang katangi –tanging
kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo?
5. Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas gamit ang
longhitud at latitude?
3. Panimulang Pagtataya
1. Ano ang naging batayan ng pagkatukoy ng mga
hangganan at teritoryo ng ating bansa?
A. Mapa at globo
B. sa paggamit ng kasulatan o kasunduan
C. sa paggamit ng mapang politikal at grid sa
globo
D. sa tulong ng mga taong may kaalaman sa
pagtukoy ng hangganan.
(Ref: www.gop.com.ph)
Kasunduan sa Washington
E. Paglinang sa Kabihasaan
(TGA Activity-Tell, Guide, Act)
Gawain 1Pangkatang Gawain
SULATIN NATIN
G. Paglalahat ng Aralin
H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang baitang anim ay naglakbay aral tungkol sa teretoryo ng
bansa. Alin sa ibaba ang angkop na gamitin upang matukoy
ang hangganan at lawak nito?
A. Mapa at globo
B. Mapang pang-Klima
C. Mapang Pangkabuhayan
D. Mapa ng Rehiyon sa Bansa
I. LAYUNIN:
2.2.1. Natutukoy ang teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas
ng 1987
2.2.2. Napahahalagahan ang mga teritoryo ng Pilipinas na
nasasaad sa Saligang Batas ng 1987
2.2.3. Naitatala ang ilang mga teritoryong saklaw ng ating bansa
ayon sa Saligang Batas ng 1987
II. NILALAMAN:
Teritoryo ng Pilipinas Batay sa Saligang Batas
IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
1. Anu-anong kasulatan ang nagsasaad ng laki, lawak at
hangganan ng Pilipinas?
2. Anong pulo ang napadagdag sa teritoryo ng Pilipinas sa
bisa ng Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya?
3. Ano ang isinasaad ng Treaty of Paris of 1898 tungkol sa
teritoryo ng Pilipinas?
3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Anong Artikulo ng Saligang Batas 1987 ang nagtatadhana
ng pambansang teritoryo ng Pilipinas?
A. Artikulo I C. Artikulo III
B. Artikulo II D. Artikulo IV
2. Ilang milyang palabas papuntang dagat ang hangganan
ng teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas 1987?
A. 2 C. 4
B. 3 D. 5
3. Ang kapuluan ng Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo
at karagatang nakapalibot dito ay teritoryo ng Pilipinas.
Saan nakapaloob ang katotohanang ito?
A. Kasaysayan C. Atas ng Pangulo
B. Saligang Batas D. Doktrinang Kapuluan
4. Ang mga sumusunod ay bumubuo sa pambansang
teritoryo ng Pilipinas maliban sa isa. Alin ito?
A. dagat teritoryal
B. kalawakang panghimpapawid
C. ilalim ng dagat at kailaliman ng lupa
D. iba pang teritoryo na wala sa hurisdiksyon ng Pilipinas
5. Ang Sulu Sea at Celebes Sea ay mga dagat na
matatagpuan sa Pilipinas. Ito ba ay kasama sa teritoryo na
ari ng Pilipinas? Bakit?
A. Oo, nasasaad sa Doktrinang Pangkapuluan ng Pilipinas
B. Oo, ang mga ito ay pag-aari ng Pilipinas batay sa
Kasaysayan
C. Oo, kabilang ang mga ito sa teritoryong nasasaad sa
Atas ng Pangulo Blg. 1596
D. Oo, itinatadhana ng Saligang Batas na lahat ng ilalim
ng lupa at dagat na sakop ng Pilipinas ay kasama sa
teritoryo nito.
Sagot:
1. A 2. B 3. B 4. D 5. D
B. Pagganyak
ASLGNGAI ATASB
C. Paglalahad ng Aralin
Sa pamamagitan ng slides ilahad ito sa mga bata. Ipabasa at
ipaunawain ang isinasaad nito.
Gawain I
Punan ang concept map
Gawain 2
Pangkat I
Panuto: Isa-isahin ang bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas ayon sa
Saligang Batas
Pangkat 2
Punan ng impormasyon ang talahanayan. Sundan ang
halimbawa
Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng
Kailaliman ng lupa Tumutukoy sa lupang nasa ilalim ng
kalupaan
Pangkat 3
Buuin ang sumusunod na talata
E. Paglinang sa Kabihasaan
Pag-uulat ng bawat pangkat ng kanilang awput.
Anong kasulatan ang nagtatadhanan ng pambansang
teritoryo ng Pilipinas?
Ano ang isinasaad sa Saligang Batas 1987 tungkol sa teritoryo
ng ating bansa?
G. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang mga bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas ayon sa
Saligang Batas ng 1987?
H. Pagtataya ng Aralin
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot.
Sagot:
1. A 2. B C. B 4. C 5. D
I. LAYUNIN:
3.1. Natatalakay ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa
ekonomiya at politika ng Asya at ng mundo.
II. NILALAMAN:
Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Ekonomiya at Politika ng
Asya at Mundo
IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu
2. Balik Aral
Ano ang isinasaad ng ating Saligang Batas ukol sa ating
pambansang teritoryo?
3. Panimulang Pagtataya
1. Dahil sa estratehiyang lokasyon ng Pilipinas, ditto ninais
ng Estados Unidos na magtayo ng kanilang base-militar.
Ano ang hangarin ng Estados Unidos sa pagtayo nila ng
Base Militar sa Pilipinas?
A. pampulitikal C. pangkaligtasan
B. pangkabuhayan D. pakikipagkaibigan
2. Ang Pilipinas ay malapit sa Ekwador. Ito ay kabilang sa
mga bansang matatagpuan sa “Low Latitude”. Dahil sa
lokasyon nito, naging mahalaga ito sa Asya. Naging ruta
ito ng mga nandayuhan sa bansa dahil na rin sa anyong
tubig na nakapalibot dito. Ano ang naging pakay ng
mga nandarayuhan sa Pilipinas?
A. Pakikisama C. Pakikipagkilala
B. Pakikidigma D. Pakikipagkalakalan
3. Isa sa nakapgpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa
ang pakikipagkalakalan nito. Ang lokasyon ng Pilipinas ay
napakahalaga sa rutang pangkalakalan sapagkat ito ay
nagiging daungan ng mga barkong nagdadala ng ____.
A. iskolar C. pasahero
B. kalakal D. mandirigma
4. Ang Pilipinas ay isang bansang may mahabang
baybayin. Ano ang mabuting epekto nito sa
kabuhayan ng mga mamamayan nito?
A. Madali itong napapasok ng mga kalaban.
B. Maraming lugar na pwedeng pagtapunan ng
basura.
C. Dito kumukuha ng ikabubuhay ang ating mga
kababayan
D. Maraming lupaing maipagbibili ang ating bansa sa
mga dayuhan.
5. Malaki ang naitulong ng lokasyon ng Pilipinas sa
pagpapaunlad hindi lang ng ekonomiya nito kundi
maging sa ibang karatig bansa nito sa Asya at maging
sa buong mundo. Sa papaanong paraan?
A. Ito ang nagsilbing taguan ng mga rebelde mula sa
ibang bansa.
C. Maraming dayuhan ang ninais na magtrabaho dito.
D. Ito ay nagsilbing daungan ng mga bansang
nakikipagkalakalan na ang ruta ay dumaraan sa
Karagatang Pasipiko.
E. Ito ang nagsisilbing puntahan ng mga dayuhang nais
magtayo ng malalaking base-militar nila sa Pilipinas.
EKONOMIYA POLITIKA
3 2 1
E. Paglinang sa Kabihasnan
Paano ninyo ilalarawan ang lokasyon ng ating bansa?
Bakit sinasabing estratehiko ang lokasyon ng ating bansa?
Sa anong larangan nakatutulong ang lokasyon ng Pilipinas sa
bansa sa Asya at sa mundo?
Anu-ano ang mga kahalagahan sa ekonomiya at politika ng
Asya at mundo ng lokasyon ng Pilipinas?
Lokasyon ng Pilipinas
Ay mahalaga
Sa ekonomiya
Maging sa politika
Ng Asya at mundo
Dulot nito’y pag-unlad
Dito ay madaming
Mga daungan
At saka meron pang
Mga paliparan
Base-militar
Dito’y mainam
Ang paligid nito
Isang kayamanan
H. Pagtataya ng Aralin
Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin ang titik ng
wastong sagot.
1. Ang Pilipinas ay sentro at ruta ng mga sasakyang pandagat at
panghimpapawid na pang-internasyunal. Bakit kaya?
A. Dahil dito may ibat-ibang anyong lupa at anyong tubig
B. Dahil sa kapuluan, maraming daungan at paliparan dito.
C. Dahil ito ay isang kapuluan kaya maraming pulong
matitirahan.
D. Dahil ito ang paboritong daanan ng mga namumuhunan
2. Ipinagmamalaki ng ating bansa ang mga daungan at
paliparan nito. Bakit mahalaga ang mga daungan at paliparan
sa bansa?
A. Napapadali ng mga ito ang paglalayag
B Dahil dito lumalabas at pumapasok ang mga nais
mangibang bansa.
C. Dahil ito ang mahalagang ruta ng kalakalan patungo sa
ibat-ibang panig ng mundo
D. Dahil ang mga ito ang nagbibigay ng magandang
lokasyong nakaaakit sa mga dayuhang namumuhunan
3. Ang Pilipinas ang Sentro ng Bansang Asyano kaya’t madaling
marating ito ng mga bansang nakapaligid dito. Hindi gaanong
naging hadlang sa paglalakbay ang klima dito dahil sa
kinalalagyang latitud nito. Anong klima mayroon sa bansa?
A. Maulap C. Malamig
B. Tropikal D. Mahangin
4. Malaki ang naitutulong ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya
ng Asya at ng mundo. Bakit?
A. sapagkat ito ang nagsisilbing pook-pasyalan ng mga
turista sa lahat ng panig ng mundo.
B. sapagkat nagsilbi itong ruta ng mga bansang dumaraan
sa Karagatang Pasipiko upang makipagkalakalan sa iba
pang panig ng mundo.
C. dahil sa lokasyon ng Pilipinas, maraming dayuhan ang
nagnais sakupin ang ating bansa at pamahalaan ang
mga likas na yaman dito.
D. dahil sa lokasyon ng bansa, nagpumilit ang ilang mga
bansa sa Asya at sa buong mundo na dalahin dito sa
Pilipinas ang lahat ng kanilang negosyo.
5. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas, hindi
nakakapagtakang maraming estado ang nagkaroon ng
pansariling hangarin sa ating bansa. Ano ang nararapat
nating gawin ukol dito?
A. Hayaan sila sa kanilang hangarin sapagkat nakatutulong
din naman sila sa ating kalagayang pang-ekonomiya.
B. Isumbong sa mga awtoridad kapag may nakitang
dayuhang may masamang hanagarin sa ating bansa.
C. Hikayatin ang mga kababayang Pilipino na magtungo
din sa ibang bansa upang gawin sa kanila ang anumang
nais nilang gawin sa ating bansa.
D. Tungkulin ng bawat mamamayang Pilipinong
pahalagahan, ipagtanggol at proteksiyunan ang ating
bansa at ang bawat bahagi ng nasasakupan nito sa
anumang panganib.
Sagot: 1. B 2. C 3. B 4. B 5. D