Panimulang Linggwistika 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

SILABUS NG KURSO
sa
PANIMULANG LINGGWISTIKA
T.P. 2018-2019

Pamagat ng Kurso: Panimulang Linggwistika


Yunit: 3
Kowd ng Kurso: FI 112
Deskripsyon ng Kurso:
Bibigyang pansin ng kursong ito ang kasaysayan, panimula, kahulugan at kahalagahan ng linggwistika. May pagsasaliksik at pagbabasa tungkol sa simula ng wika,
mga prinsipal na sangkap at angkan ng mga wika. Lilinawin at pag-aaralan ang pagsasalita, ponolohiya, palabaybayan, palabigkasan at palatuldikan. Nakapaloob dito
ang esensya ng pag-aaral ng wika bilang behikulo ng mabuti, maayos at kapakipakinabang na komunikasyon.

Layunin ng Kurso:
Sa kursong ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
Pangkaisipan:
1. Matutuhan ang proseso o interaksyong umiiral sa mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao
2. Matutuhan ang pangkalahatang paraan sa pagbubuo ng salita
Pandamdamin:
1. Mapahalagahan ang mga tuntunin sa tamang pagbubuo ng mga salita at pangungusap
2. Mapahalagahan ang mga bahagi ng katawan na kasangkot sa pananalita
Pangsikomotor
1. Makapagsalita nang mabisa sa lahat ng pagkakataon
2. Makapagpahayag ng damdamin sa maayos na pamamaraan

Linggo Nilalaman/Paksa Inaasahang Bunga/Resulta ng Mga Gawain Paraan ng Pagtataya


Pagkatuto Pagtuturo-Pagkatuto
1 Oryentasyon sa Kurso
A. Nilalaman  Nagagamit ang mga
B. Rekwayrment ng nalalaman at natutuhan sa
kurso oryentasyon sa
C. Paraan ng pagsasakatuparan ng kurso
pagmamarka
D. Alituntunin sa loob
ng klase
2 Ang Wika
A. Angkan ng Wika  Natatalakay ang kahulugan  Malaya at  Papel ng pagninilay  Pagsulat/paglikha
B. Wika at Dalubwika ng wika, mga angkan nito at interaktibong tungkol sa mga isyung ng repleksyon
C. Wika at Kultura ang kaugnayan nito sa mga
talakayan pangwikang tinalakay
dalubwika at sa kultura
 Nailalahad ang sariling  Round table (maaaring pasulat,
pananaw at saloobin hinggil discussion: pagguhit, organayser
sa mga paksang tinalakay Isyung Pangwika atbp.)
patungkol sa wika (Kaugnayan ng
Wika at Kultura)

3 Kasaysayan ng
Linggwistka
A. Kasaysayan ng  Naisasalaysay ang  Malaya at  Pangkatang Gawain:  Paglalahad/Pag-
Linggwistika sa kasaysayan ng linggwistika interaktibog Paglalahad ng klase sisintesays (oral)
sa daigdig at sa Pilipinas talakayan patungkol sa  Maikling
 Time line chart kahalagahan ng pagsusulit
Daigdig at sa  Natatalakay ang kahalagahan natutuhan sa pag-aaral
Pilipinas ng pag-aaral ng kasaysayan ng kasaysayan ng
ng linggwistika linggwistika
 Maikling pagsusulit
4-5 Gramatika,  Natatalakay ang gramatikang  Masusing  Pagtukoy sa kahulugan  Pagsusuri ng mga
Talasalitaan at Filipino pagbasa: ng mga salita mula sa Akdang
Leksikon  Naiisa-isa ang mga paraan sa Paglinang sa mga akdang Pilipino Pampanitikan
paglinang sa talasalitaan talasalitaan mula gamit ang iba’t ibang
 Natatalakay ang leksikon sa sa mga akdang paraan sa paglinang sa
Filipino Pilipino talasalitaan
 Natutukoy ang kahulugan ng  Malaya at
mga salita mula sa mga interaktibong
akdang Pilipino gamit ang talakayan
iba’t ibang paraan sa
paglinang sa talasalitaan
PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
Ang Pagsasalita
A. Pagbikas ng mga  Natatalakay ang mga bagay  Malaya at  Pagbigkas ng isang  Pagbigkas
Tunog na nakaaapekto sa interaktibong piyesa
B. Pagkontrol sa Tono pagsasalita ng isang tao talakayan
 Nakabibigkas ng talumpati o  Drill: Pagbigkas
ng Tinig
tula na kakikitaan ng ng mga salita
C. Ang mga pagsunod sa mga
Patunugan pamantayan sa pagbigkas ng
mga ito
Punto at Paraan ng  Natutukoy ang punto at  Pagsusuri:  Maikling pagsusulit  Maikling
Artikulasyon paraan ng artikulasyon Halimbawang patungkol sa paksang pagsusulit
 Nasusuri ang mga salitang salita na may tinalakay
Klaster at Diptonggo nabibilang sa klaster at klaster,  Pagtatala ng  Pagsusuri ng
diptonggo at pares minimal diptonggo at halimbawa ng mga akda
Pares Minimal pares minimal salitang may klaseter,
diptonggo at pares
 Malaya at minimal mula sa isang
interaktibong akda
gawain
 Isahang gawain
Ponemiko
A. Makabulugan at Di-  Natatalakay at nakilala ang 
Gallery Walk:  Maikling pagsusulit  Maikling
makabuluhang ponemiko, alopono, ponema, Pagbibigay ng (pagbibigay ng tamang pagsusulit
Tunog morpema mas malalim na kahulugan sa mga  Gallery walk
B. Ponemiko at  Nasusuri at naipaliliwanag pagpapaliwanag salita depende paraan  Oral recitation
Ponetikong tunog ang paksang tinalakay sa sa mga tinalakay ng pagbigkas nito)
C. Ang Alopono pamamagitan ng gallery  Audio/Video  Pagsagot sa mga
D. Ang Ponema walk Clip (pakikinig tanong patungkol sa
E. Ang Morpema ng tamang paksang ibinigay sa
pagbigkas ng Gallery Walk
mga salita)
PANGGITNANG PAGSUSULIT
Pagsusuri sa Dalawang  Naisasalaysay ang  Malaya at  Pagsusuri: Pagkakaiba  Venn Diagram
Modelong kasaysayan ng dalawang interaktibong ng dalawang modelo ni (Think-Pair-
Panggramatika ni modelo ng linggwistika talakayan Chomsky Share)
Chomsky  Nailalahad ang kahalagahan  Pangkatang
ng dalawang modelo sa gawain
larangan ng linggwistika (Paglalahad ng
balyus ng
dalawang teorya
sa larangan ng
linggwistika)

Mga Bahagi ng
Pananalita  Natutukoy at nasusuri ang  Pagsasagawa ng  Mga pagsasanay na  Mga Pagsasanay
A. Pangngalan bahagi ng pananalita sa drills makapagdedebelop ng  Mahabang
B. Panghalip pangungusap  Malaya at kaalaman hinggil sa Pagsusulit
C. Pandiwa  Nailalapat nang tama ang interaktibong mga bahagi ng
D. Pangatnig mga alituntunin ng talakayan pananalita
E. Pang-ukol paggamit ng bawat bahagi  Mahabang pagsusulit
F. Pang-angkop ng pananalita sa na magsisilbing
G. Pang-uri pangungusap aplikasyon ng mga
H. Pang-abay  Nailalahad ang natutuhan hinggil sa
I. Pantukoy kahalagahan ng mga mga paksang tinalakay
bahagi ng pananalita sa
epektibong komunikasyon

PANGHULING PAGSUSULIT

Mga Sanggunian ng Kurso:


Panimulang Linggwistika. 1979. Santiago, Alfonso O. Metro Manila: Rex Book Store
Mga Kagamitang Pampagtuturo:
Powerpoint Presentation
Mga Kagamitang Biswal
Video/ Audio Clips (dokumentaryo/motibasyonal)
Pamantayan sa Pagmamarka:
Makabuluhang Partisipasyon sa klase 40%
Mga Terminong Pagsusulit 40%
Mga Tuntunin sa Loob ng Silid-Aralan:
1. Ang markang “INC.” ang awtomatikong makukuha ng sinumang mag-aaral na hindi makapagpapasa ng mga kahingian ng kurso sa itinakdang araw at
oras ngunit maaaring mapalitan ng pasadong marka ang “INC.” sa sandaling makumpleto ng mga mag-aaral ang itinakdang kahingian na hindi
lalampas ng isang taon na naaayon sa itinakdang tuntunin ng Registrar’s Office ng paaralan;
2. Walang espesyal na pagsusulit (maikli o mahabang pagsusulit) sa mga mag-aaaral na hindi nakakuha nang naturang pagsusulit sa oras at araw na
itinakda maliban na lamang sa mga espesyal na kadahilanang mapapatunayan ng mga katibayan;
3. Ang may nais na makipag-usap sa guro para sa konsultasyon ng mga gawain at proyekto ay magtungo lamang sa silid konsultasyon ng pamantasan sa
oras na ito ay bakante;
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase maliban na lamang kung may pahintulot ng guro;
5. Obligasyon ng mga mag-aaral na alamin ang mga paksang tinalakay sa panahong siya ay liban, gayundin ang paghanap sa mga babasahing may
kaugnayan sa paksang ito; at
6. Ang iba pang mga tuntunin ay maaaring pag-usapan sa loob ng klase.

Inihanda ni:

Bb. Desserie Mae E. Garan

Binigyang-pansin ni:

Wenifreda R. Templonuevo, Ph.D.


Dekana

You might also like