Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Southern Luzon State University

College of Teacher Education


Lucena City National High School
Lucena City

Mula sa aming pagdating sa paaralan na ito noong ika-15 ng Enero 2018 ay nagbigay na
sa akin ng maraming karanasan. Nagsimula sa pagpapakilala sa amin sa iba’t ibang pasilidad at
mga kaguruan sa naturang paaralan. Binigyan nila kami ng mainit na pagtanggap sa kanilang
paaralan na Lucena City National High School.

Sa aking unang shifting ng pagtuturo ay tinalaga ako sa Grado 7 mula sa patnubay ni


Mrs. Jannette Urciana. Mula sa akin naging obserbasyon ay nakita ko na mahusay na guro ang
aking cooperating teacher. Tinitiyak niya malinis muna ang silid-aralan bago siya magsimula sa
pagtuturo. Tinitiyak din niya na ma-uugnay ang aralin sa pangkasalukuyang mga isyu
panlipunan upang mas lalo magabayan ang mga bata. Inaamin ko na sa unang beses ng aking
pagtuturo ay halo kaba at pananabik ang aking nararamdaman. Kaba sapagkat unang beses ko na
magtuturo sa mga bata ng pampublikong paaralan at pananabik sapagkat isa ito hamon mula sa
akin. Ito ang magsisilbi ko pagsasanay sa pagtuturo para sa pormal ko na pagtuturo. Sa pagtuturo
ko ng Grado 7 ay marami ako nabaon na mga aral at masasaya karanasan kapiling ang mga
pangkat ng Politeness, Love, Charity, at Kindness. Mula sa pagdidisenyo ng mga kagamitang
panturo na para sa akin ay napakalaki pagsubok sa akin sapagkat alam ko sa sarili ko na hindi
ako magaling sa Sining. Natutuhan ko kung paano magkaroon ng kahit konti kaalaman sa Sining.
Natutuhan ko din ang pagkakaroon ng maraming pasensya sapagkat ang tinuturuan ko ay mga
bata pa. Hangga’t maari iniiwasan ko magalit ng sobra sa kanila dahil sa bukod na ayaw ko sila
pagalitan ay naapektuhan ang daloy ng pagtuturo ko. Sa kabuuan isa masaya karanasan ang
maging nanay ng mga batang ito kahit na magkakaiba sila.

Sa ikalawang shifting ng aking pagtuturo ay napakalaki adjustment mula sa akin sapagkat


Grado 10 ang aking tuturuan mula sa patnubay ni Mrs. Salinaya Recaro. Mula sa mga bata na
aking tinuturuan ay malilipat ako sa mga dalaga at binata. Ito din ang unang beses na
makapagtuturo ako ng Grado 10. Mabuti na lamang at may pagkakataon ako para sa obserbasyon
ng tatlong araw para magkaroon ng background sa mga mag-aaral na aking tuturuan. Ang mga
seksyon na aking tuturuan ay Integrity, Industry, Worthy at Amithy. Sa unang beses na
naobserbahan ko sila ay marami pagkakaiba buhat sa dati ko tinuruan. Ang isa sa mga kalakasan
lang kapag Grado 10 ang tuturuan ay mabilis nila nakukuha ang pagtalakay ng guro. Napahanga
din ako ng aking cooperating teacher sa classroom management na pinapakita niya. Sa kabila ng
mga bata na medyo kakaiba sumagot sa guro ay pinapakita niya ang awtoridad. Sa pagtuturo ko
sa Grado 10 ay hindi ko inaasahan na maeenjoy ko ng sobra. Bukod sa napakalaki respeto na
binibigay nila sa akin ay hindi sila mahirap turuan. Madalas din nila ako napapatawa sa mga
kwento nila kakaiba at biro.. Natutuhan ko mula sa mga bata na ang puso nga ng pagtuturo ay
magmumula sa kanila. Sa aming talakayan ay palagi ko sila pinaparangalan sapagkat alam ko sa
edad nila ay nandito ang napakalaki isyu pansarili. Palagi ko pinaaalalahanan na mahalaga ang
edukasyon. Sa kabuuan ang mga bata ito ay nag-iwan ng malaki marka sa akin.

Para sa aking pinal na pakitang-turo ay pinili ko ang Grado 10- Integrity. Ang aking
paksa ay tungkol sa mitolohiya ng Roma kung saan tatalakayin ang akdang Cupid at Psyche.
Napili ko ang mitolohiya sapagkat malaki ang interes ko sa paksa ito. Sa mga aktibiti na inisip ko
ay sinikap ko ang maging sento ay ang mga mag-aaral sapagkat ito ang layunin ng kurikulum sa
panahon ngayon. Karamihan ay pangkatang mga Gawain ang aking pinagawa sa kanila tulad ng
pagbabalita, malikhaing pagbasa ng dayalogo, pakikipanayam at game show. Sa buo paglalahad
ng aking aralin ay naging maayos at sa kabuuan ay naging facilitator lang ako. Ang mga
kagamitang pampagtuturo ay sinikap ko na pagandahin at tiniyak ko na mapupukaw ang
atensyon ng mga mag-aaral. Sinubukan ko din magkaroon ng integrasyon ang Agham at
Matematika sa paksa tinatalakay ko. Sa kabuuan ay naging maayos ang pinal na pakitang turo
ko.

You might also like