Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Notre Dame of Dadiangas University

Senior High School Department


General Santos City

Pamumuhay ng mga Badjao:


Isang Pananaliksik

Isang Pananaliksik sa Pangangailangan sa Pagsulat sa Piling Larang


(Akademik)

Ipinasa nina:
Avila, Mitch
Frediles, Joan
Locaberte, Aldion
Robinos, Charles
Salazar, Mels
Tacogue, Lhord
HUNYO 2018

II. PAGKILALA

Taos-pusong pasasalamat ang nais ipabatid ng mga mananaliksik na

nagsagawa ng akademikong sulating ito sa mga sumusunod na tao na

kailanma’y hindi sumuko sa pagbibigay ng tulong at suporta upang maging

posible at matagumpay ang proyektong ito.

Una sa lahat, nais nilang bigyan ng papuri ang ating Panginoon para sa

kanyang walang pasubaling gabay, karunungan at presensya.

Pangalawa, sa kanilang guro sa “Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

(Akademik”) na si Ginoong John Lester D. Combong na nag-ambag para sa

ikabubuti ng kanilang pag-aaral. Ang kanyang pananaw, komento at payo ay

mahalaga at nakakaimpluwensiya sa ganitong uri ng sulatin.

At panghuli, nais ibigay ng mga mananaliksik ang labis nilang

pasasalamat sa kanilang ibang kaklase, guro at maging sa kanilang

magulang na nagbigay ng kakaunting impormasyon at tulong na maari naring

makonsidera bilang isang malaking bahagi upang gawing epektibo at posible

ang pag-aaral na ito.


III. PANIMULA

Introduksyon

Ang mga Badjao ay naging kilala bilang kasapi ng isang pangkat ng tao na

naninirahan sa ibat-ibang lugar at palipat-lipat sa ibang karatig-lugar. Sila ay mga

taong-dagat, na ang naging karaniwang pamumuhay ay ang pakikipagkalakalan

at pangingisda.Karamihan sa kanila ay kinokonsidera ang mga sarili bilang hindi

aggresibong tao. Pinipili nilang maging malapit sa dagat kaya’t patuloy ang

pagpapatayo nila ng kanilang bahay sa mismong ibabaw nito. Sila ay karaniwang

nagmula sa Timog-Dagat ng Pilipinas.

Mayroong tinatayang 370 milyong bilang ng Indigenous People sa buong

mundo. Sila ay naninirahan sa mismong 90 bansa nito. Masasabing ang 5

bahagdan ng populasyon ng mundo ay sakop nila. Pinatunayan ng

Organisasyong Panlipunan ang kalikasan ng dignidad, pagkapantay-pantay, at

‘di makataong karapatan ng miyembro ng Makataong Pamilya. Ang karapatan ng

bawat kasapi ng Indigenous People ay nakasaad o nakatala sa deklarasyong ito

bilang bahagi ng kultura ng isang grupo o bansa (Welker, Indigenous People

Literature, 2017).
Ang Indigenous People sa Pilipinas ay may tinatayang bilang na 12

hanggang 15 milyon na nabibilang sa tinatawag na “ethno-linguistic groups”.

Mayroong 33 bahagdan sa Luzon at 16 bahagdan sa Mindanao, samantala ang

Visayas ay kilala bilang tahanan ng karamihan sa Indigenous People. Halos

lahat sa kanila ay naging biktima ng diskriminasyon at pagbubukod sa ilang parte

at larangan kabilang na ang akses sa lupa, edukasyon, kalusugan at maging sa

patisipasyon sa politika. Ang FIAN Philippines ay nagsusuporta sa demand ng

mga Indigenous People para sa kanilang karapatan sa pamamagitan ng

pagpapatunay ng implemetasyon ng legal na proteksyon para sa kanila maging

sa pandaigdigan o pampansang antas (Bitalac, 2015).

Ang General Santos ay isa sa mga lungsod na may tumataas na

populasyon ng mga taong Badjao mula oras-oras. Sila ay karaniwang

matatagpuan sa mga kalye. Ang mga Badjao ay nabibilang sa pangkat ng

Indigenous People (I.P) at karamihan sa kanila ay natutugunan ang

pangangailangan sa pamamagitan ng panglilimos ng pera o kita ng ibang mga

tao. Wala silang permanenteng trabaho at karamihan sa kanila ay hindi

nakaranas na pumasok sa paaralan dahil sa ilang mga kadahilanan. Ang mga ito

ay maaaring tawaging hindi gaanong pinapaboran ng gobyerno dahil sa ang ilan

sa kanila ay hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at walang tirahan.

Marami sa kanila ang namamatay nang maaga dahil sa sakit at istarbasyon.

Hindi nila pinapahalagahan ang kanilang pagkain. Gayundin, umiinom sila ng

tubig nang hindi nag-iisip kung ito ay kontaminado. Ang mga paraan ng
pamumuhay ng mga Badjao People ay hindi madali. Ang ilan sa mga batang

Badjao ay nakaranas at nahihirapan na sa kanilang buhay.

Ang mga Badjao ay isinasaalang-alang bilang bahagi ng labintatlong

porma ng Moro ethno-linguistic sa Mindanao. Sila ay karaniwang minamaliit at

inaapi. Sila ay naging biktima ng Moro-Aggression na kinabibilangan ng marahas

na militanteng grupo. Marami sa kanila ang lumikas upang maiwasan ang

kanilang kinasasangkutang sitwasyon sa kanilang dating lupain at natagpuan

ang kanilang daan sa iba't ibang lugar. Ang ilan ay napadpad sa mga lungsod at

nagpasiya na manirahan doon. Sa paglipas ng panahon, ang mga Badjao ay

karaniwang kinikilala bilang mga pulubi at nakaranas sila’t nakakaranas pa rin ng

pagbabago sa kanilang sariling kultura at pagkakakilanlan. Ang kanilang kultura,

mga gawaing pang-ekonomiya, mga grupo ng panlipunan, paniniwala, at sining

ay nagbago kasama ng pagbabago ng mga sitwasyon at kalagayan (Ursabia,

2010).

Ang mga taong Badjao ay kilala sa pagkakaroon ng iba't ibang

natatanging paraan ng pangingisda kung saan madali nilang nahuhuli ang mga

isda sa pamamagitan pagpigil ng kanilang hininga at paglalakad sa sahig ng

dagat. Karamihan sa kanila ay hindi kinikilala ng gobyerno at walang akses sa

pangangalagang pangkalusugan at edukasyon, kaya marami sa mga batang

Badjao ngayon ang nakakaranas ng mahirap na pamumuhay sa murang edad.

Ang Badjao ay naninirahan sa mga simpleng bahay na kahoy sa gitna ng


mababaw na dagat, kadalasang malapit sa maliliit na pulo sa baybayin ng

Borneo (MCGuire, 2015).

Ang mga mananaliksik ay nagpasyang gumawa ng pag-aaral para sa mga

Badjao upang lubos na maunawaan ang mga rason kung bakit karamihan sa

kanila ay nagpasyang manirahan sa lansangan kaysa sa isang pormal na

tahanan. Ang pagtira sa lansangan ay hindi madali. Walang permanenteng

tahanan para sa kanila. Sila ay nakatira sa mga lugar o espasyo kung saan nila

gusto, na hindi iniisip ang legalidad nito sa batas panlipunan. Sila ay kilala sa

pagkakaroon ng ilegal na pagkakakitaan na kung saan sila ay namamalimos ng

pera o pagkain sa ibang tao kahit na alam nila na taliwas ito sa nakasaad sa

batas. Ang rason kung bakit gustong ipagpatuloy ng mga mananaliksik ang

ganitong pag-aaral ay dahil gusto nilang makamit ang kanilang layunin na

magbigay ng pagbabago sa impresyon at pananaw ng ibang tao sa mga Badjao.

Nais nilang maging kilala ang mga Badjao bilang importanteng tao ng isang

lipunan na maaari ring magbahagi ng kanilang ipinagmamalaking kultura’t

tradisyon para sa ikauusbong ng ating bansa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman, matuklasan at ma-interpreta

ang mga sumusunod na suliranin:


1. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na pamumuhay

ng mga Badjao na nakatira sa lansangan ng Lungsod ng Heneral Santos?

2. Anu-ano ang mga pamamaraan na ginagawa ng mga Badjao upang

malagpasan ang ganitong klaseng suliranin?

3. Ano ang epekto nito bilang isang pag-aaral patungkol sa Implikasyong

Sosyolohikal sa isang lipunan?

Ang sandigan nito:

Bukod sa pagiging magulo sa kanilang tinitirahan, mahirap ang nagiging

pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Badjao. Ito ang nagtulak sa mga

magulang na Badjao upang lisanin ito. Napadpad sila sa ibat-ibang lugar sa

Pilipinas kung saan ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay pangingisda.

Hindi naging madali ang buhay para sa mga Badjao lalo pa’t nadagdagan ang

kanilang mga supling kaya naman napipilitan ang iilang pamilya na hayaang

gumala ang kanilang anak sa lansangan o kaya naman ay pumunta sa bawat

tahanan upang manghingi ng barya. Inisip nilang ito na ang magiging buhay ng

kanilang mga anak; araw araw sa lansangan, salat sa kaalaman at uhaw sa

kagandahang asal. Ngunit tulad ng lahat ng mga magulang hangad nila na

makapag-aral ang kanilang mga anak. Naging biktima rin sila ng tinatawag

nating “deskriminasyon”. Dahil dito, ‘di nila masasabing parte sila ng isang

lipunang ginagalawan ng mga normal na mamamayan (DepEd Philippines, 2016)


Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga katutubong pangkat ng mga tao

partikular na sa mga Badjao. Nakapokus ito sa mga suliraning karaniwang

kinakaharap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Badjao na nakatira sa

lansangan ng Lungsod ng Heneral Santos. Ang lugar kung saan ang pag-aaral

ay isasagawa ay limitado lamang sa nasabing lungsod. Ang mga mananaliksik

ay inaasahang magtaas ng mga pinagtibay na mga katanungang sensitibo sa

kultura at kung saan maaari nilang sagutin ng kumportable. Gayundin, ang

pag-aaral ay para lamang sa mga Badjao na may edad na 18 taong gulang

pataas dahil sa mas hasa at kabisado nila ang ganitong konteksto ng kanilang

pamumuhay.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang iba pang mahahalagang

detalye’t impormasyon na may kinalaman sa konteksto ng pamumuhay ng mga

Badjao na nakatira sa lansangan ng Lungsod ng Heneral Santos. Ito ay

nagsusuri sa mga suliranin na karaniwang kinakaharap ng mga Badjao sa

pangaraw-araw.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga sumusunod

na sektor panlipunan:
Para sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay maaring maging isang boses

para sa pamahalaan upang magsagawa ng programa na may kinalaman sa

mga Badjao at iba pang katutubong grupo.

Para sa Komunidad​. Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong sa mga

mamamayan para malaman at labis na maunawaan ang pamumuhay ng mga

Badjao at nang sa hinaharap ay maituring sila na isang normal na mamamayan

ng komunidad.

Para sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng

impormasyon tungkol sa mga Badjao. Kabilang na rin ang pagbubukas ng

opportunidad para sa mga Badjao upang magkaroon ng akses sa larangan ng

edukasyon. Panghuli, ito rin ay maaaring makatulong sa pagbukas ng pintuan

upang maunawaan ng lahat ang kultura at tradisyon ng mga Badjao.

Para sa mga Katutubong Badjao. Ang pag-aaral na ito ay maaaring

makatulong upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa

pang-araw-araw na gawain at karanasan sa lansangan.

Para sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay sa

studyante ng ideya patungkol sa konteksto ng pamumuhay ng mga Badjao at

para maging bukas ang kanilang puso sa pagtanggap ng pagkakaiba-iba ng

bawat isa lalong-lalo na upang mawala ang mga negatibong impresyon

patungkol sa mga Badjao.


Para sa mga Mananaliksik​. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang

gawing “mature” at “culturally sensitive” ang mga mananaliksik. At para naman

sa mga mananaliksik sa hinaharap, ang pag-aaral na ito ay maaaring gawin

nilang batayan kung nais nilang magsagawa ng pananaliksik na may kinalaman

sa katutubong grupo ng tao.

IV. TALATANUNGAN

Pangalan(Opsyonal):

Edad:

Kasapi ng anong Barangay sa Lungsod ng Heneral Santos:


Kasarian:

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungang nakapaloob sa sarbey form

na binuo ng mga mananaliksik.

1. Anu-ano ang mga suliraning karaniwan niyong kinakaharap sa pang-araw-

araw na pamumuhay?

2. Paano niyo kinakaya/nilalabanan ang mga hamong ito?

3. Bakit mas pinili niyong manirahan sa kalye kaysa sa isang pormal na

bahay?

4. Ano ang pakiramdam na sa buong buhay niyo ay lagi kayong

pinabubulag ng ibang tao??

5. Ano ang gusto niyong iparating/ipabatid sa mga kasapi ng lipunan

kabilang na ang mga mamamayan at nanunungkulan sa pamahalaan patungkol

sa inyong pamumuhay?

Lagda bilang Patunay

V. CURRICULUM VITAE

Pangalan:
Contact No.:
E- mail:
Address:

Edukasyon:
Pangunahing Antas ng Edukasyon(Elementary Level)
Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga parangal na natanggap:

Pangalawang Antas ng Edukasyon(Secondary/High School Level)


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Senior High School


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Espesyal na Kasanyan at Talento:


Kasanayan:

Talento:

Mga Hilig at Pinagkakaabalahan:


Pagkain:
Kulay:
Pelikula:
Pamagat ng Aklat:
Asignatura:
Pampalipas Oras:

Karagdagang impormasyon tungkol sa sarili:


* _
V. CURRICULUM VITAE

Pangalan:
Contact No.:
F- mail:
Address:

Edukasyon:
Pangunahing Antas ng Edukasyon(Elementary Level)
Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga parangal na natanggap:

Pangalawang Antas ng Edukasyon(Secondary/High School Level)


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Senior High School


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Espesyal na Kasanyan at Talento:


Kasanayan:

Talento:

Mga Hilig at Pinagkakaabalahan:


Pagkain:
Kulay:
Pelikula:
Pamagat ng Aklat:
Asignatura:
Pampalipas Oras:

Karagdagang impormasyon tungkol sa sarili:


* _
V. CURRICULUM VITAE

Pangalan:
Contact No.:
G- mail:
Address:

Edukasyon:
Pangunahing Antas ng Edukasyon(Elementary Level)
Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga parangal na natanggap:

Pangalawang Antas ng Edukasyon(Secondary/High School Level)


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Senior High School


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Espesyal na Kasanyan at Talento:


Kasanayan:

Talento:

Mga Hilig at Pinagkakaabalahan:


Pagkain:
Kulay:
Pelikula:
Pamagat ng Aklat:
Asignatura:
Pampalipas Oras:

Karagdagang impormasyon tungkol sa sarili:


* _

V. CURRICULUM VITAE

Pangalan:
Contact No.:
H- mail:
Address:

Edukasyon:
Pangunahing Antas ng Edukasyon(Elementary Level)
Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga parangal na natanggap:

Pangalawang Antas ng Edukasyon(Secondary/High School Level)


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Senior High School


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Espesyal na Kasanyan at Talento:


Kasanayan:

Talento:

Mga Hilig at Pinagkakaabalahan:


Pagkain:
Kulay:
Pelikula:
Pamagat ng Aklat:
Asignatura:
Pampalipas Oras:

Karagdagang impormasyon tungkol sa sarili:


* _

V. CURRICULUM VITAE

Pangalan:
Contact No.:
I- mail:
Address:

Edukasyon:
Pangunahing Antas ng Edukasyon(Elementary Level)
Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga parangal na natanggap:

Pangalawang Antas ng Edukasyon(Secondary/High School Level)


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Senior High School


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Espesyal na Kasanyan at Talento:


Kasanayan:

Talento:

Mga Hilig at Pinagkakaabalahan:


Pagkain:
Kulay:
Pelikula:
Pamagat ng Aklat:
Asignatura:
Pampalipas Oras:

Karagdagang impormasyon tungkol sa sarili:


* _

V. CURRICULUM VITAE

Pangalan:
Contact No.:
J- mail:
Address:

Edukasyon:
Pangunahing Antas ng Edukasyon(Elementary Level)
Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga parangal na natanggap:

Pangalawang Antas ng Edukasyon(Secondary/High School Level)


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Senior High School


Pangalan ng Paaralan:
Address:
Mga Parangal na natanggap:

Espesyal na Kasanyan at Talento:


Kasanayan:

Talento:

Mga Hilig at Pinagkakaabalahan:


Pagkain:
Kulay:
Pelikula:
Pamagat ng Aklat:
Asignatura:
Pampalipas Oras:

Karagdagang impormasyon tungkol sa sarili:


* _

BIBLIOGRAPIYA

Bitalac, J. (2015, July 22). Approved on Third and Final Reading: An Ordinance

Institutionalizing the Celebration of July 22 of Every Year as the

Indigenous Peoples’ B’laan Day in the City of General Santos. Retrieved

February 21, 2018, from Sangguniang Panlungsod:

http://www.spgensantos.ph/approved-on-third-and-final-reading-an-​ordin

ance-institutionalizing-the-celebration-of-july-22-of-every-year-as-the-indi

genous-peoples-blaan-day-in-the-city-of-general-santos/.
MCGuire, C. (2015, October 18). Real life water babies! Stunning pictures show

the nomadic sea tribe of Borneo whose way of life may soon vanish

forever. Retrieved February 21, 2018, from MailOnline:

http://www.dailymail.co.uk/travel/travel_news/article-3276145/Real-life-

water-babies-Beautiful-portraits-nomadic-sea-tribe-Borneo-way-life-

disappearing-fast.html.

Ursabia, V. (2010, February 22). JPG. Retrieved February 2, 2018, from Badjao:

Philippines sea gypsies: ​https://jpgmag.com/stories/14972​.

Welker, G. (2017, August 5). Retrieved February 21, 2018, from Indigenous

Culture: http://www.indigenouspeople.net/.

You might also like