You are on page 1of 2

MA . TERESA A.

LOPEZ RETORIKA PEBRERO,2015


BSIE-HE 1A TALUMPATI MS.MARS

PAGMAMAHAL SA BAYAN
Isang mabuting araw sa inyong lahat!. Nabasa ko nga pala ang isang napakagandandang
tula na isinulat ni Andres C. Bonifacio na ang pamagat ay ‘‘Pag-ibig sa tinubuang Lupa’’
Napakaganda ng tulang ito, ipinapakita rito ang pagka-makabayan ni Bonifacio. Sinasabi nya
rito na dapat mahalin natin ang bayan natin. Pero bakit nga ba kailangan mahalin ang sarili
nating bayan?
Isa itong napakagandang tanong na dapat sagutin. Para sa akin, utang ko ang buhay ko sa
bansang aking kinalakihan. Ito ang bayang umaruga sa akin, nagturo at nagpalaki. Andito ako
ngayon buhay at isang maayos at responsableng mamayanan ng dahil sa mga kulturang
kinagisnang. At isa pa, kung ikaw mismo na ipinanganak at namuhay sa sarili mong bayan ay
di mo ito pahahalagahan at mamahalin, sino pa ang gagawa nun para sayo?.
Kung mahal mo ang bansa mo, kaya mo dapat gawin ang lahat kahit ialay mo pa ang
buhay mo para maligtas ito. Mahirap gawin pero para sa taong gagawin iyo, tulad ni Bonifacio,
ay matuturing na bayani ng ating bayan. Napaka ganda nga ng sinabi nya sa huling talata ng
tula. Sinasabi nya roon na dapat natin ialay ang ating pag-ibig pati narin hanggang
kahulihulinang patak ng dugo natin para sa kaligtasan at kaayusan ng bayan natin.
Mahirap nga namang gawin ang tulad ng ginawa ni Bonifacio at bihira lang ang
makakagawa nito. Di lang naman ito ang paraan para maipakita natin ang pagmamahal natin
sa bayan. Marami simpleng paraan ang pwedeng gawin ng bawa’t isa sa atin. Isang simpleng
paraan ang maipapakita natin ang pagmamahal natin sa bayan ang Ipagmalaki natin ang
gawang atin at wag ito ikahiya. Alagaan natin an gating kapaligiran at tulungan ang mga kapwa
pilipinong nangangailangan. Maaring maliit o simple lng ang hakbang na ito ngunit sapat din
ito kung ito’y ginagawa ng bukal sa iyong puso.
Bilang isang kabataan masasabi mo nga rin bang Pag-asa ka ng bayan? Ano nga ba ang
takbo ng buhay ng kabataan ngyon?, Isa ka ba sa mga kabataang makikita sa computerShop
naglalaro at nag-aaksaya ng pera, kabataang makikita sa madilim na eskinita at humihithit ng
marijuana at lulong sa masamang droga at kabataang murang edad pa lamang ay may sarili ng
pamilya.
Ang tunay na kahulugan ng pag-asa ay hindi rin makikita kahit anu man. Bagkus ito ay
nagsisimula tamang gawa sariling sikap upang matulungan ang atin sarili na ikakaunlad ng
bansa. Kung ikaw kabataan masasabi mo na bang may nagawa kana para sa ating bayan At
maging isang kabataan na may paninindigan at prinsipyo.
Kaya kabataan tayo ay magtulungan at inaasahan tayo ng ating magulang aahon sa
kanila sa putik ng kahirapan ang panahon ng pagkilos ay ngayon. Marahil kinabukasan
masasabi mo “Ako ang kabataan.Pag-asa ng bayan”.

You might also like