Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LALAWIGAN NG TARLAC )S.S.


LUNGSOD NG TARLAC )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si WILLIAM BALMORES OBIENA, may sapat na taong gulang,


mamamayang Pilipino, may asawa at kasalukuyang naninirahan at may pahatirang sulat
sa San Bartolome, St. Estipona, Pura, Tarlac, matapos manumpa ng naaayon sa batas
ay kusang loon na nagsasaad:
Na ako ay nag-apply sa “Agency” na Concept Placement Resources Inc. kung
saan nakaalis ako ng bansa noong Agosto 8, 2017, bilang isang “General Electrician” at
tinalaga sa kompanyang “Advance Vision Co. Electro Mechanical Works LTD. na
matatagpuan sa Jeddah, KSA.
Na matapos ang tatlong (3) araw mula sa aming pagdating, ako at ang aking mga
kasamahan ay pina-medikal at kasabay nito ay binigyan ng “allowance” ng halagang 500
RIYAL, gayun din matapos ang ilang araw ay nagsimula ng magtrabaho sa kumpanyang
Advance Vision Co. Electro Mechanical Works LTD.
Na makalipas ang tatlong buwan kong pagtatrabaho sa kumpanyang Advance
Vision Co. Electro Mechanical Works LTD., ako ay hindi pa pinasahod at noon lamang
Disyembre 23, 2017 saka pa lamang ako nakakuha ng aking unang sahod.
Na makalipas din ng nasabing panahon, ako ay hindi nabigyan ng kaukulang
“Residence Permit” o “Iqama” at dahil ditto ako at ang aking mga kasamahan ay napilitang
tumigil sa aming trabaho sa takot na ako ay mahuli ng pulis at makulong doon.
Na ganun din ang nasasaad sa aking kontrata na “Food Allowance”, ‘Overtime
Pay” at iba pang benepisyo ay hindi natupad o hindi pumasok at doon ay humingi na ako
ng tulong mula sa POLO-OWWA at PHILIPPINE EMBASSY sa Jeddah, K.S.A. para
ipaalam ang mga pangyayari.
Na noong nakaraang Mayo 22, 2018 ako ay matiwasay na nakuwi ng Pilipinas
dahil sa tulong na mula sa POLO-OWWA at PHILIPPINE EMBASSY sa Jeddah, K.S.A.
Na kusang loob at malaya kong ginawa ang sinumpaang salaysay na ito upang
patunayan ang nasasaad sa itaas.
Sa kayunayan ng lahat ng ito, ako ay lumagda ngayong ika-28 ng Mayo, 2018 sa
Lungsod ng Tarlac, Lalawigan ng Tarlac.

WILLIAM BALMORES OBIENA


Nagsasalaysay
Nilagdaan at nanumpa sa harap ko ngayong ika-28 ng Mayo, 2018 dito sa
Lungsod ng Tarlac, Lalawigan ng Tarlac, ang nagsasalaysay na si William Balmores
Obiena, pinakita ang kanyang pagkakakilanlan na Passport No. EC5168943 na
pinagkaloob noong ika-1 ng Setyembre, 2015 sa DFA Pampanga.

KAS. BLG. _____;


DAHON BLG. _____;
AKLAT BLG. _____;
TAON NG 2018.

You might also like