Kon Klus Yon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na
kongklusyon:

a. Ang pangunahing dahilan ng aming mga respondente kung bakit nagtayo ng tindahang sari sari
ay para magkaroon ng pagkakakitaan.
b. Karamihan sa aming respondente ay nasa taon palang ang natayong tindahang sari sari.
c. Ang puhunang nagamit ng aming mga respondente sa pagtatayo ng tindahang Sari Sari ay
karaniwang umaabot sa libo.
d. Halos kalahating porsyento ng aming mga respondente ay ang kumikita ng dalawang libo(2000)
at ang iba ay higit pa
e. Karamihan sa aming mga respondente ay naging sapat ang kanilang kita upang matugunan ang
kanilang pang araw araw na pangangailangan.
f. Karamihan sa aming mga responde ang nagsabi na mas mababang presyo ang nilagay sa
produkto upang mas tangkilikin ang kanilang produkto sa iba pang tindahan.
g. Karamihan sa aming mga responde ang paraan na kanilang ginamit upang mas mapanatiling
kumikita ang sari-sari store ay gawing mas mababa ang presyo ng produkto.
h. Karamihan sa aming mga responde ang nagsabi na upang mas mapalago pa ang kanilang
negosyo ay kailangan nilang magdagdag pa ng iba’t ibang klase ng produkto.
i. Karaniwang nakukuha ng mga responde na benipisyo ng sari sari store ay nakakapagtapos sila
ng pag-aaral.
j. Karamihan sa mga responde ang nagsabi na sa tabi ng kanilang bahay nakapwesto ang sari sari
store.

REKOMENDASYON

Kaugnay sa mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga


mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Hindi lang dapat para kumita ang dahilan kung bakit nagtayo ng tindahang sari sari bagkus para
“masatisfy” natin ang mga mamimili.

b. Para mas tumagal ang negosyo kailangan nating panatilihing pokus tayo sa ating negosyo

c. Para sa mas maunlad na negosyo kapag mas malaki ang puhunan mas maraming pwedeng
maibenta ang isang tindahang sari sari, mas maraming napagpipilian ang mga mamimili.

d. Para sa mas malaking kita dapat marunong tayo magpaikot ng pera, subukan din nating dumalo
ng mga seminar patungkol sa negosyo para mas nagkakaroon tayo ng mas malawak na
kaalaman sa mabisang pagnenegosyo.
e. Para mas maging sapat ang kinikita ng tindahan dapat nakatutok tayo dito at kahit tayo mismo
ay nagbabayad din para masubaybayan natin ang paglago n gating tindahan.

f. Hindi lang dapat mababa ang presyo ng produkto, kailangan din nilang ipraktis ang pagdesenyo
ng kanilang sari-sari store na kaakit akit sa mga mata ng mamimili.

g. Hindli lang dapat nila mapanatili ang kanilang kita bagkus dapat ay gumamit ng iba’t ibang
istratihiya na maaring gamitin sa pagpapalaki ng kita.

h. Para mas mapalago pa nila ang kanilang negosyo dapat din nila alamin kung ano ba ang mga
“indemand” na produkto sa kanilang lugar.

i. Kahit nakapagpatapos na sila nang pag-aaral, kailangan pa rin nilang pagbutihan ang pagtakbo
ng sari sari store ng sagayo’y magkaroon pa sila ng karagdagang kita.

j. Para mas makilala pa ang kanilang sari sari store sa tabi ng bahay kailangan nilang gumawa ng
“signage” na nagtuturo na ang bahay na ito may sari sari store.

You might also like