Si Aphrodite o Venus ay ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Anak siya nina
Zeus at Dion. Asawa ni Hephaestus at naging kalaguyo ni Ares dulot ng pagtataksil. Ang kanyang mga simbolo ay kalapati, rosas, salamin, kabibe at sisne.
Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba
nila si Aphrodite. Mayroon siyang matamis na ngiti at mahiligin sa paghalakhak. Mayroon siyang isang hindi magandang katangian nagiging pagtuya ang kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihan lumipol o manira.