Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

LEGAL NETWORK
FOR TRUTHFUL ELECTIONS

SINO SI LENTE?
Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay itinatag noong 2007
bilang pagtugon sa malawakan at sistematikong pandaraya sa mga nakalipas na eleksy-
on.

MISYON
Ang LENTE ay magsisikap masigurado ang isang makatotohanang eleksiyon at
makubuluhang pakikibahagi sa eleksiyon para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino.

PANANAW
Tinatanaw ng LENTE ang isang totoo at mapagbahaging lipunang Pilipino na
may kaalaman at tungkulin ng pagkamamamayan kung saan ang LENTE ang magsisil-
bing gabay para sa kapani-paniwalang sistemang panghalalan.

LAYUNIN
 Magsagawa ng mga gawain para sa pampublikong edukasyon tungkol sa sistemang
panghalalan.
 Manguna sa mga reporma sa halalan na makapagseseguro ng kredibilidad ng mga
prosesong panghalalan at makapagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayang Pilipi-
no sa demokrasya.
 Itulak ang kriminal at administratibong kaso laban sa mga lumalabag sa batas na


panghalalan.
Ang mapatatag ang institusyonal na ugnayan ng ibat ibang organisasyon ng mga
Mga impormasyon tungkol
mamamayan para sa pagsasama-sama, kolaborasyon at pakikipagkomunikasyon ng
mga proyekto at gawain. sa pagrerehistro ng
 Subaybayan ang pagsasagawa ng eleksiyon.

TAWAGAN O PUNTAHAN KAMI SA: SUNDAN KAMI:


botante
Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa
Address: Rm. 303, Ateneo Professional www.lente.ph
Schools Bldg., #20 Rockwell Drive, mayo 2016
@lente_ph
Rockwell Center, Makati City
Landline: (02) 403-2249 @lente_ph
Globe: 0917-602-3228 lentephilippines
Smart: 0939-352-4295 lente.philippines@gmail.com

24
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

TALAAN NG NILALAMAN INCLUSION O EXCLUSION NG MGA BOTANTE

MGA NILALAMAN Pahina Ano ang petisyon para sa inclusion?


Mga Dapat Tandaan 3
Ito ang proseso kung saan ang isang botante na hindi tinanggap
Ang Karapatan sa Pagboto 4 ang application o tinanggal mula sa listahan ay maaaring humingi ng
tulong sa korte na tanggapin o isama ang kanyang pangalan sa perma-
Tungkol sa Pagpaparehistro 5
nent list of voters sa kanyang presinto. (Seksyon 34, R.A. No. 8189)
Paano magparehistro? 6
Para sa halalan sa 2016, ang petisyon ay kailangang maihain ng
Pagpaparehistro ng mga may kapansanan, 8
matatanda at mga katutubo hindi lalampas sa Enero 25, 2015. Ito ay kailangang suportado ng certifi-
cate of disapproval ng kanyang aplikasyon at katibayan ng service of no-
Pagpaparehistro ng mga bilanggong botante 9 tice ng kanyang petisyon sa ERB. Ang petisyon any dedesisyunan sa
loob ng labinlimang (15) araw matapos ito maihain. (Seksyon 49, COME-
Pagpaparehistro ng mga botanteng nasa ibang 10 LEC Resolusyon No. 9853)
bansa
Ano ang petisyon ng exclusion?
Paglilipat ng Rekord ng Pagkakarehistro 13

Pagwawasto sa Rekord ng Pagkakarehistro 14 Ito ay ang petisyong inihahain ng isang rehistradong botante,
kinatawan ng isang partidong pulitikal, o ng EO sa isang bayan o lung-
Pagsasawalang Bisa ng Pagkakarehistro 15
sod upang tanggalin ang isang botante sa permanent list of voters sa
Pagpapanumbalik ng Bisa ng Pagkakarehistro 16 pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan, tirahan, at presinto ng botan-
teng hinahamon (Seksyon 35, R.A. No. 8189)
Notice at Hearing ng Aplikasyon 17

Batas tungkol sa Mandatory Biometrics 18 Para sa halalan sa 2016, ang petisyon kailangang maihain ng
hindi lalampas sa Enero 30, 2015. Ang petisyon ay kailangang kasama
Validation ng mga rekord 19 ang proof of notice sa Board at ang any dedesisyunan sa loob ng labin-
limang (10) araw matapos na ito ay maihain.
Pag-a-update ng mga record para sa mga may 22
kapansanan, matatanda at mga katutubo
Sino ang nakakasakop sa petisyon para sa inclusion o exclusion ng
Petisyon para sa Inclusion at Exclusion 23
mga botante?
Tungkol sa LENTE 24
Ang petisyon para sa pagsasama o pagtatanggal ng mga botante
ay dapat ihain sa municipal o metropolitan na korte. (Seksyon 33, R.A.
No. 8189)

Updated August 2014

2 23
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

PAG-A-UPDATE NG MGA RECORD MGA DAPAT TANDAAN

Abbreviations
APP Accessible Polling Place
ARMM Autonomous Region for Muslim Mindanao
BEI/BET Board of Election Inspector/ Board of Election
Teller

BP 881 Batas Pambansa Bilang 881 or Omnibus

Election Code
COMELEC Commission on Elections
EO Election Officer
ERB Election Registration Board
ICC Indigenous Cultural Communities
IFES International Foundation for Electoral Systems
IP Indigenous Peoples
LENTE Legal Network for Truthful Elections
MTC Municipal Trial Court / Metropolitan Trial Court
OAV Overseas Absentee Voting
PES Provincial Election Supervisor
PWD Persons with Disability
RED Regional Election Director
SBEI/SBET Special Board of Election Inspector/ Special
Board of Election Teller
VRM Voter Registration Machine

22 3
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

ANG KARAPATAN SA PAGBOTO Magpa-Validate o Hindi Magpa-Validate?


Ano ang kahulugan ng karapatan sa pagboto? Kung hindi ka sigurado sa inyong estado ng BIOMETRICS, tingnan ito online
gamit ang mga sumusunod na hakbang:
Ito ay ang karapatang maghalal at maihalal sa isang tunay at regular na halalan.
(Artikulo 25 (b), International Covenant on Civil and Political Rights)

Sino ang may karapatang bumoto?

Ayon sa Art. V, Sek. 1 ng Saligang Batas ng 1987 ang karapatan sa pagboto


ay maaaring gampanan ng:
 mga mamamayan ng Pilipinas;
 hindi inalisan ng karapatan ng batas;
 Labing-walong taong gulang;
 naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon at anim na buwan sa lugar ng
pagbobotohan bago maghalalan;
 walang dapat ipataw na antas ng edukasyon, ari-arian o iba pang substan-
tial requirement sa karapatang bumoto.

Kailan ka pwede bumoto?

Upang makaboto ang isang kwalipikadong botante, siya ay kailangang rehistra-


do sa permanenteng listahan ng mga botante sa lungsod o munisipyo kung
saan siya nakatira (Seksyon115, Batas Pambansa Blg. 881). Dapat ang
kanyang tala ng pagkakarehistro ay hindi nawalan ng bisa dahil hindi siya naka-
boto sa dalawang (2) magkasunod na nakaraang regular na halalan (Seksyon
27 (d), R.A. No. 8189). Partikular para sa eleksyon ng Mayo 2016, kailangang
sumailalim siya sa validation—pagkuha ng kanyang biometrics bago ang huling
araw ng pagpaparehistro sa Oktubre 31, 2015 (Seksyon 7, R.A. No. 10367).

Aling mga kandidato ang dapat mong iboto sa eleksyon sa Mayo 2016?
 Pangulo
 Ikalawang Pangulo/ Bise-Presidente I-Rehistro ng COMELEC
 Labindalawang Senador
Maari kang kumuha ng application form para sa bagong magpapare-
 Kongresista histro, pagbabalik bisa ng rehistro, pagbabago, pagpalit ng pan-
 Mga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay galan, paglipat ng rehistro o kumuha lamang ng blanking porma.
officials” Subalit kailangan pa ring tumungo sa pinakamalapit na Opisina ng
COMELEC upang kumpletuhin ang pagpaprehistro.

Para sa mga taga-Quezon City, maari niyong kumpletuhin ang por-


TANDAAN! ma para sa pagpaparehistro at isumite ito online, subalit kailangan
pa ring tumungo sa Opisina ng COMELEC ayon sa iyong iskedyul.
Ang Pagpaparehistro ay LIBRE!
Puntahan lamang ang www.comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/
Walang bayad para magpa-rehistro. iRehistro

4 21
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

BIOMETRICS DATA TUNGKOL SA PAGPAPAREHISTRO


Ano ang pagpaparehistro?

Ano ang maaaring gawin kung may sira ang Voter Registra- Ang pagpaparehistro ay ang proseso ng pagsusumite ng sinumpaang aplikasyon ng
tion Machine (VRM)? pagpaparehistro ng isang kwalipikadong botante sa Election Officer (EO) ng lungsod o
bayan kung saan sya naninirahan at pagsasama nito sa talaan ng mga rehistradong
botante matapos aprubahan ng Election Registration Board (ERB). (Seksyon 3, R.A. No.
(a) Kung ang VRM o ang mga gamit nito ay magkaroon ng sira sa 8189)
panahon ng pagrerehistro, ang mga nakumpletong application form ay
Sino ang maaaring magparehistro?
tatanggapin subalit hindi ito ipoproseso.
Para makarehistro, kailangan siya ay:

(b) Kaugnay nito, kailangang masabihan agad ng EO ang Information  Labingwalong taong gulang pataas bago mag ika 9 ng Mayo 2016
Technology Department (ITD) at ang Election and Barangay Affairs De-  Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon
partment (EBAD) na may sira ang VRM o ang mga gamit nito upang  Naninirahan sa lugar kung saan nais nyang bumoto na hindi bababa ng anim na bu-
wan
maayos o mapalitan agad.  Hindi inalisan ng karapatang bumoto ng batas

Sino ang mga hindi maaaring magparehistro?


(c ) Kailangang masabihan ng EO sa pamamagitan ng isang liham ang
 Nahatulan sa pinal na desisyon nang di bababa sa isang taong pagkakakulong
mga nagparehistro kung maayos na ang VRM upang makuhanan ang  Nahatulan sa pinal na desisyon sa krimen na may kinalaman sa pagtataksil sa pama-
mga ito ng larawan at BIOMETRICS. Kung ang nagparehistro ay di halaan (rebelyon, paglaban sa gobyerno, o anumang krimen na may kinalaman sa
pambansang seguridad)
nakapunta sa kabila ng liham na ipinadala, ang kanyang aplikasyon ay  Dineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayanan ng kinauukulan liban na
ikokonsiderang hindi kumpleto sa gayon ay hindi ito dapat ipasa sa ERB lamang kung sabihin na magaling na o may kakayahan nang bumoto ang nabanggit
(Seksyon 9, R.A. No. 8189)
para sa kaukulang aksyon. Ang EO ay kailangang maglimbag at
magpaskil ng listahan ng mga pangalan ng mga aplikanteng hindi naka- Kailan maaaring magparehistro para sa eleksyon sa 2016?
punta para makuhanan ng BIOMETRICS sa bulletin board ng munisipyo  Ika-6 ng Mayo, 2014 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2015, Ikawalo ng umaga hanggang
ikalima ng hapon tuwing Lunes hanggang Biyernes, kasama ang mga araw na walang
at sa kanyang tanggapan. (Section 8, COMELEC Resolution No. pasok (holiday). (COMELEC Resolution No. 9889, inilabas noong Agosto ika-2, 2014)
9853) maliban sa NCR at Highly Urbanized Cities (Baguio City, Angeles City, Olongapo City,
Lucena City, Puerto Princesa City, Ilo-ilo City, Bacolod City, Cebu City, Mandaue City,
Lapu-lapu City, tacloban City, Zamboanga City, Cagayan De Oro City, Iligan City, Da-
vao City, Gen. Santos City at Butuan City), kung saan ang pagpaparehistro ay mula
Linggo hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Saan maaaring magparehistro para sa eleksyon sa 2016?


 Sa opisina ng opisyal na panghalalan sa lugar na iyong tinitirhan
 Sa mga sangay na opisina para sa pagrerehistro
Iwasan ang ugaling “Mamaya Na”! Magparehistro ng maaga.
Pumunta sa inyong Office of the Election Officer para sa iskedyul
ng satellite na pagpaparehistro kung plano mong
samantalahin ang serbisyong ito.

20 5
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

PAANO MAGPAREHISTRO? VALIDATION NG MGA REKORD


ANO ANG VALIDATION?

Ito ang proseso ng pagkumpleto ng mga impormasyon ng isang


rehistradong botante na wala o kulang ng biometrics data. (Seksyon 38,
COMELEC Resolution No. 9853)

Sino ang Kamag-anak sa ikaapat na antas ng


pagkakaugnay?

Ang kaanak hangang sa ikaapat na antas ng


pagkakaugnay ay mula sa mga magulang, lolo
at lola, tito at tita hanggang sa PINSANG BUO.

6 19
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

MANDATORY BIOMETRICS ACT PAANO MAGPAREHISTRO?


Ano ang MANDATORY BIOMETRICS VOTER REGISTRATION
(Republic Act 10367)?

Ito ang batas na naguutos na ang bawat rehistradong botante at/o magi-
ging botante pa lamang ay makuhanan ng kanilang biometrics upang makaboto
sa Pambansa, lokal at Pangrehiyong ARMM na eleksiyon sa Mayo, 2016.

Ano ang BIOMETRICS?

Ang Biometrics ay ang pag-aanalisang nagbibigay ng positibong pagka-


kakilala sa isang indibidwalgaya ng boses, larawan, fingerprint, pirma, iris at iba
pang makikilalang katangian na kukunin ng Data Capture Machine (Seksyon 2(b)
& ( c), RA 10367).

Sino ang kailangang magpakuha ng Biometrics?

Ang mga rehistradong botante na hindi pa nakukuhanan ng biometrics ay


kailangang isumite ang kanilang sarili para sa validation. (Sek. 3, RA 10367)

Ano ang pangunahing gamit ng Biometric Database?

Ang database na mabubuo mula sa biometrics registration ay pangangalagaan


ng Komisyon at hindi maaaring gamitin sakaling kailanganin sa anumang dahilan
maliban sa pagsasagawa ng pagboto (Sek 9, RA 10367)

Ano ang mga gawaing hindi pinahihintulutan sa Mandatory Biomet-


rics Act?

Ang sumusunod na Gawain na may karampatang kaparusahan ayon sa


Seksiyon 263 at 264 ng Batas Pambansa Bilang 881, ayon sa pagbabago, at
kilala din sa tawag na "Omnibus Election Code":

a. Sinumang magbawal, magpabagal, humarang o pumigil ng pagrerehistro ng VRM


botante o bagong botante ng pag-capture ng kanyang biometrics sa pamamagi-
tan ng pagpwersa, pananakot o panunuhol; at ay nangagahulugang
b. Sinumang pampublikong opisyal o sinuman, na sa pagpapakita ng pagpapatu-
“Voter Registration Machine”
pad ng batas na ito ay magpawalang bisa o magpanumbalik ng bisa ng pagka-
karehistro ng botante nang walang basehan at di dumaan sa proseso.(Sec. 9,
RA 10367)

18 7
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

PAGPAPAREHISTRO NG MGA MAY KAPANSANAN, NOTICE AT HEARING SA MGA APPLICATION


MATATANDA AT MGA KATUTUBO

Kailangang magtakda ng isang sistema


ang EO upang mapabilis ang proseso ng
PAUNAWA:
pagrerehistro. Dapat ay maglaan din ng Matapos magparehistro, ang iyong aplikasy-
express lanes na para lamang sa mga on ay dadaan sa proseso ng pag-aapruba
may kapansanan, matatanda at mga
katutubo. mula sa Election Registration Board (ERB)
para maging ganap na rehistradong botante.

8 17
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

PAGBABALIK BISA NG PAGKAREHISTRO PAGPAPAREHISTRO NG MGA BOTANTENG BILANGGO


Sinu sino ang mga bilanggo na may karapatang bumoto?
Ano ang maaaring gawin kung ang iyong pagkakarehistro ay
tinanggal na? (Reinstatement) Sinumang rehistradong botanteng bilanggo na ang record ay di
pa naililipat, nawawalang bisa o nabubura. (Seksyon 1, COMELEC
Sinumang rehistradong botante na tinanggal ang pangalan sa Resolusyon Bilang. 9371)
listahan ng mga botante sa presinto sa nakaraang eleksiyon ay maaaring
maghain ng application para sa pagpapanumbalik ng bisa ng pagkare- Sino ang mga bilanggo?
histro. (Section 21, COMELEC Resolution No. 9853)
Sinuman na:
 Nakakulong, pormal na nasampahan ng kaso ngunit naghihintay pa o
sumasailalim sa isang paglilitis ng korte;
 Nahatulang makulong nang mas maikli sa isang taon
 Nahatulan sa krimen na may kinalaman sa pagtataksil sa pamahalaan
(gaya ng rebelyon, paglaban sa pamahalaan, paglabag sa batas sa
mga armas o anumang krimen laban sa pambansang kaligtasan o anu-
mang krimen na kasalukuyang inaapila) (Sek 2(a), COMELEC
Resolusyon Bilang. 9371).

Kailan maaaring magparehistro ang bilanggo?

 Ang mga bilanggo ay maaring magparehistro kung may gulang na la-


bingwalong (18) taon sa araw ng halalan at/o nakakulong nang anim
na buwan man lamang bago ang halalan
 Ang mga bilanggo na nakarehistro na ay maaaring humiling ng paglipat
ng kanilang pagkakarehistro kung pahihintulutan ng pagkakataon
(Seksyon 6, COMELEC Resolusyon Bilang. 9853).

Saan dapat magparehistro?


Ang bilanggo ay maaring magparehistro sa satellite registration sa mga
bilangguan (Seksyon 6, COMELEC Resolusyon Bilang 9853).

Sino dapat ang manguna sa pagrerehistro?


Ang mga EO ay kailangan magsagawa ng
pagpaparehistro sa mga kulungan na nasa lugar na
sakop ng kanilang pamamahala. (Seksyon 5 na may
kinalaman sa Seksyon 6, COMELEC Resolusyon
Bilang. 9853).

16 9
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

PAGPAPAREHISTRO PARA SA MGA BOTANTENG NASA IBANG BANSA KAWALAN NG BISA NG PAGKAKAREHISTRO
Maaari bang bumoto ang mga botanteng nasa ibang bansa? Ang pagkarehistro ng sumusunod ay mawawalang bisa, tatanggalin sa
kaukulang talaan ng mga botante sa presinto at ilalagay sa hindi aktibong lista-
Oo. Lahat ng mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa, na hindi inalisan ng han na may maayos na tanda at petsa gamit ang indelible ink, matapos magka-
batas ng karapatang bumoto, na may gulang na labingwalong taon sa araw ng roon ng mga dahilan ng pagwawalang bisa:
halalan ay maaaring maghalal ng Pangulo, Ikalawang Pangulo, mga Senador at
mga kinatawan ng Party-List , gayundin ang mga pambansang referendum at  Sinumang nahatulan sa pinal na desisyon ng korte ng Pilipinas ng pagkaka-
mga plebisito. (Sek.4 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago) bilanggo nang hindi bababa sa isang taon at ang nasabing nawalang bisa
ng pagboto ay hindi pa naaalis sa pamamagitan ng parol o amnestiya.
Sino ang mga hindi maaaring bumoto sa ibang bansa? Gayunman, ang sinumang taong nawalan nga karapatang bumoto sa ilalim
ng talatang ito ay makapagpapanumbalik ng kanyang karapatang bumoto
(a) Sinumang hindi na kinikilalang mamamayang Pilipino sang-ayon sa batas; matapos ang limang taog pagkakabilanggo sa pagsesertipika ng clerk ng
(b) Sinumang hayagang isinuko ang pagka Pilipino at nanumpa ng paglipat sa korte ng lungsod/bayan Circuit/Metropolitan/Pangrehiyon na hukuman o ng
ibang bansa, maliban sa mga muling nakakuha o nagpanatili ng kanilang Sangdiganbayan;
pagka Pilipino sa ilalim ng Citizenship Retention and Reacquisition Act ng
 Sinumang nahatulan sa pinal na desisyon ng korte o tribunal na nagdulot o
2003;
nagsagawa ng anumang krimen na may kinalaman sa pagtataksil sa pama-
(c) Sinumang gumawa at nahutulan sa pinal na desisyon ng hukuman o korte
halaan gaya ng rebelyon, paglaban sa pamahalaan, paglabag sa batas la-
ng Pilipinas ng kasalanan na may kaparusahang pagkakakulong nang hindi
ban sa pagtanggal sa kapangyarihan ng pamahalaan at sa mga armas, o
bababa sa isang taon at ang nasabing kawalang bisa ng pagboto ay hindi
anumang krimen laban sa pambansang seguridad, liban na lamang kung
pa naaalis sa pamamagitan ng parol o amnestiya;
pinahihintulutan ng batas para sa kanyang sibil at pilitikal na karapatan kung
(d) Sinumang mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa na idineklarang may
maibabalik ang kanyang karapatan sa pagboto matapos ang limang taong
problema sa pag-iisip o walang kakayahan ng awtoridad na may kaalaman
pagkakakulong;
maging nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa at bineripika ng embahada
ng Pilipinas, konsulado o anumang pandayuhang opisina na may kinalaman  Dineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayanan ng awtoridad
liban na lamang kung sabihin ng kinauukulan na magaling na o may na may kaalaman liban na lamang kung sabihin ng kinauukulan na magaling
kakayahan nang bumoto ang nabanggit. (Sek.5 of R.A. Bilang. 9189, na o may kakayahan nang bumoto ang nabanggit
ayon sa pagbabago)
 Sinumang hindi bumoto sa loob ng dalawang magkasunod na regular na
eleksiyon ayon sa record ng pagboto. Kaugnay nito, hindi kasama ang ele-
Sa ilalim ng titik C, sinumang mawalan ng ksiyon ng sangguniang kabataan sa regular na eleksiyon;
karapatang bumoto ay agad na mababalik ang
karapatan na bumoto pagkatapos ng limang taong  Sinumang ang pagkarehistro ay iniutos na ipawalang bisa ng korte; at
serbisyo ng sistensiya  Sinumang nawalan ng kanyang pagka Pilipino (Seksyon 27, RA 8189).

Paano mapanunumbalik ang bisa ng pagkakarehistro?


Saan maaaring magparehistro ang kwalipikadong mamamayan?
Ang kahit sinong rehistradong botante na nawalan ng bisa ang
Maaari silang magparehistro sa:
pagkakrehistro ay maaring mag-apply para sa panunumbalik ng bisa ng
(a) Saanmang opisina sa ibang bansa - anumang embahada ng Pilipinas, kon-
sulado, anumang pandayuhang opisina at ahensya ng gobyerno na nag- kanyang tala ng pagkakarehistro sa EO sa personal na pagkumpleto ng tatlong
oopisina sa ibang bansa at nakakasakop sa lugar na pinaninirahan ng (3) kopya, sa magkabilang bahagi ng application form kung saan kailangang
botanteng magpaparehistro. isalaysay bakit wala na ang mga dahilan ng pagsasawalang bisa ng pagrehistro
(b) field at mga mobile registration center na gagawin sa labas ng mga emba-
(Seksyon 17, COMELEC Resolution No. 9853 na may kinalaman sa Section 28,
hada, konsulado o sa Pilipinas, na aprubado ng COMELEC (Sek. 6 ng R.A.
Bilang. 9189, ayon sa pagbabago). R.A. No. 8189).
10 15
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

PAGWAWASTO SA REKORD NG PAGKAKAREHISTRO PAGPAPAREHISTRO NG MGA BOTANTE SA IBANG BANSA


Kailan maaaring isagawa ang pagwawasto ng libro ng mga botante Anu ano ang mga kailangan upang magparehistro?
sapresinto at talaan ng mga rehistradong botante?
(a) Pasaporte ng Pilipinas o sertipikasyon mula sa DFA na kanilang nasuri
Kung ang rekord ng pagkakarehistro ay may pagkakamali sa pangalan ang mga dokumentong ipinasa at napatunayang sapat ang mga ito
o pagbabaybay ng pangalan, kaarawan, lugar ng kapanganakan o pagkaka-
upang mabigyan ng pasaporte ang nagpaparehistro, o sya ay tunay na
maling tipograpikal. (Section 19, COMELEC Resolution No. 9853)
may pinanghahawakang pasaporte ngunit sa ilang kadahilanan ay hindi
niya ito maipakita.
(b) Sinagutang registration form na ibinigay ng Komisyon;
(c) Ang nagpaparehistrong gumamit ng “Citizen Retention and Reacquisition
Act” (Republic Act No. 9225) ay kailangang magpakita ng orihinal o certified
true copy ng order of approval ng kanilang kahilingang manatili o maibalik
ang kanilang pagka Pilipino na ibinigay ng tanggapan o identification certifi-
cate mula sa Bureau of Immigration (Sek.12 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa
pagbabago).

14 11
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

Ano ang dapat gawin ng isang botante sa ibang bansa kung siya ay rehis-
trado sang ayon sa Voter’s Registration Act ng 1996(R.A. No. 8189)? PAGLILIPAT NG REKORD NG PAGKAKAREHISTRO
Ang isang mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa ay kailangang kumuha Ang prosesong ito ay para lamang sa mga rehistradong botante na lumipat ng
ng certification bilang botante sa ibang bansa at pagkakasama sa National Registry of
tirahan at sumunod sa alintuntunin na kelangang tumira sa loob ng anim (6) na
Overseas Voters (NROV). Kung maaprubahan, lalagyan ng EO ng anotasyon ang
pagrerehistro o sertipikasyon bilang botante sa ibang bansa bago ang pangalan ng
buwan sa nilipatan ayon sa batas. (Section 15, COMELEC Resolution No. 9853)
botante ayon sa pagkakatala sa listahan ng mga botante at sa talaan ng mga rehistra-
dong botante (Sek 9.3 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago).

Ano ang dapat gawin ng isang botante sa ibang bansa sakaling magbago
ang lugar ng kanilang pagbobotohan?

Ang botante sa ibang bansa sa pamamagitan ng Chairperson ng Office for


Overseas Voting (OFOV), ay kailangang magsumite ng aplikasyon para sa paglipat sa
loob ng 180 araw man lamang bago ang simula ng panahon ng pagboto sa ibang bansa.
(Seksyon 10 of R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago)

Ano ang dapat gawin ng botante sa ibang bansa sakaling mangyaring sya
ay boboto sa Pilipinas?

Ang aplikanteng boboto sa Pilipinas ay kailangang magparehistro sa loob ng


itinakdang panahon para sa lokal na pagpaparehistro sa munisipyo, lungsod o distrito
kung saan nila balak bumoto. Ang mga aplikanteng nagparehistro sa bayan, lungsod o
distrito kung saan sila dating naninirahan bago mangibang bansa ay di na kailangang
magparehistro muli.

Ang mga lumipat kailangan magbigay-alaw sa OFOV sa kanilang paglipat balik


sa Pilipinas as loob ng 180 na araw bago ang susunod na nasyunal na halalan para
maalis ang kanilang pangalan sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) at pag-alis ng
kanilang overseas voter’s registration mula sa book of voters. (Seksyon 10 ng R.A. No.
9189, ayon sa pagbabago)

Maaari bang mawalan ng bisa ang pagkakarehistro bilang botante sa ibang


bansa?

Oo. Ang RERB ang magwawalang bisa at magtatanggal ng record ng pagkakarehistro ng


sumusunod na tao mula sa talaan ng mga botante:

(a) Sinumang nahatulan sa pinal na desisyon ng korte ng Pilipinas ng pagkakabilanggo


nang hindi bababa sa isang taon at ang nasabing kawalang bisa ng pagboto ay hindi
pa naaalis sa pamamagitan ng parol o amnestiya;
(b) Sinumang idiineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayanan ng awtoridad
na may kaalaman liban na lamang kung sabihin ng kinauukulan na magaling na o may
kakayahan nang bumoto ang nabanggit;
(c) Sinumang hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan ayon sa record ng
pagboto; at
(d) Sinumang ang pagkakarehistro ay pinawalang bisa ng korte (Sek.14 ng R.A. 9189,
ayon sa pagbabago)

12 13

You might also like