Professional Documents
Culture Documents
Reading g7 - Filipino
Reading g7 - Filipino
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Karapatang Sibil
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa
kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang
sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at
paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa.
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-
makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang
mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda
(Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay.
Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang
hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond
reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na
paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa
kasabihang “justice delayed is justice denied.”
3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferntial)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.
10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Critical)
a. Pagkilala sa Ating Karapatan
b. Mga Halimbawa ng Karapatan
c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan
d. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa
12. Alin sa sumusunod ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa hukbong paggawa? (Literal)
Lahat sila ay _______________________________ .
a. walang pagod sa paghahahanapbuhay
b. walang tigil ng pagpapalakas at pagsasanay
c. nangangarap maghanapbuhay sa ibang bansa
d. may kasanayan at kakayahan na makibahagi sa produksyon
18. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa.
d. Nagbigay ito ng mga halimbawa sa seleksyon.
19. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. Lakas-Bisig ng ating Bansa
b. Mga Manggagawa ng Ating Bayan
c. Mga Suliranin ng mga Manggagawa
d. Pinagmulan ng Hukbong Paggawa sa Pilipinas