Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pebrero 5, 2018

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


Araling Asyano

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas; at
2. Naihahayag ang sariling saloobin sa naging pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga kanluranin
II. NILALAMAN
Paksa: Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya (Pilipinas)
Sanggunian: Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral (pp.324-325)
Kagamitan: laptop (powerpoint presentation)/printouts/batayang aklat sa AP 7
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Maikling Panalangin
2. Balitaan (Lokal, Pambansa, at Pandaigdigang Balita)
3. Kwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas
>Ano ang ginawa ng dayuhan nang siya ay magpunta sa Pilipinas?
B. Gawain
1. Pag-uulat sa Klase- Iulat ang mahahalagang impormasyon na nakalap hinggil sa pagsakop ng mga kanluranin sa
Pilipinas
C. Paunlarin
1. Panel Discussion- Magpapalitan ng mga kuro-kuro ukol sa mga inihayag na impormasyon sa pag-uulat.
>Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan?
>Ano ang kaugnayan ng relihiyong Islam sa tagumpay ng mga Muslim?
>Paano nakatulong ang Kristiyanismo upang mapasunod ang mga Pilipino?
> Tama ba ang pakikipagkaibigan ng mga lokal na pinuno sa mga Español? Bakit?
>Alin sa mga patakaran ng mga Español ang makikita pa rin ang epekto sa kasalukuyan? Patunayan.
D. Pagnilayan at Unawain
1. Pangunahing dahilan ng mga Español sa pagsakop sa Pilipinas ay ang yaman sa ginto at mahusay na daungan nito.
>Ano ang ibig iparating ng pahayag na ito?
2. Sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan, paggamit ng dahas at pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo
nasakop ng mg Español ang Pilipinas.
>Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit ng mga Español.
E. Isabuhay
1. Sa isang malikhaing paraan gaya ng pagguhit, paggawa ng maikling tula, o kaya ay skit, ipakita kung paano tumugon
ang mga Pilipino sa pananakop ng mga Español sa bansa.
2. Pagkatapos ay gumawa ng isang maiksi at komprehensibong pagpapahayag ng sariling pananaw ukol sa pagtugon
ng mga Pilipino sa mga mananakop. Sundan ang guide sa ibaba:
Sa katatapos pa lamang na aralin ay nabatid ko ang pakikipagkaibigan, paggamit ng dahas at
pagpapakilala sa isang relihiyon upang masakop ang ating bansa. Nagkaroon din ng pagpapatupad ng
iba’t ibang patakaran sa pangkabuhayan, pampolitika, at pangkulturang aspeto. Nakita kong hati ang
naging pagtugon ng ating mga ninuno sa mga kalakarang hatid ng mga banyaga. Bilang isang Pilipino,
napukaw ang aking _________________________________. Sa aking palagay ang pagtugon sa
pagsakop ng mga Español ng ating mga ninuno ay
_______________________________________________ sapagkat
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________. Kung sakaling nabuhay na ako sa mga
panahong iyon maaaring ang gagawin kong pagtugon sa pagsakop ng mga Español ay
________________________________________ upang
_____________________________________________________________________________________
________________________________.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.
1.
2. Dahilan ng pananakop ng mga Español sa Pilipinas
3.
4. Paraan ng pagsakop sa Pilipinas
5.
6.
Epekto ng pananakop sa Pilipinas
7.
8-10. Sang-ayon ka ba sa naging pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Español? Bakit?
V. KASUNDUAN
1. Alamin ang dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa bansang Indonesia.
2. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito sa bansang Pilipinas.

Inihanda ni:

MA.GRACE N. BENDAL
AP TEACHER (SEF)

You might also like