Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

VIII FILIPINO TALASALITAAN

PANUTO: Piliin and letra ng sagot na pinakamalapit ang kahulugan sa mga salitang may salungguhit

1. Si Lito ang napipisil ng kanyang mga magulang para maging kabiyak ng kanyang puso.
a. Napapakinabangan
b. Nagugustuhan
c. Nauunawaan
d. Nakakasundo
e. Nakakagaanan ng loob
2. Nasukol ng mga pulis ang magnanakaw sa bunganga ng lawa.
a. Nahabol
b. Nadakip
c. Napatay
d. Naabutan
e. Nakulong
3. May bikig ang kanyang lalamunan kaya hindi siya makapagsalita nang maayos tulad nang dati.
a. Sipon
b. Pangangati
c. Bara
d. Tinik
e. Sugat
4. Umiinoim siya ng gamot nang hindi muna sumasangguni sa mga doctor kaya mas lumalala pa
ang kanyang sakit.
a. Nagpapakita
b. Nagpapainiksyon
c. Nagpapatingin
d. Nagpaparamdam
e. Nagpapaalam
5. Maraming bata ang kadalasan ay kumain nang nakakamay nang hindi muna naghihinaw
a. Nagpupunas ng kamay
b. Nagsasabon ng kamay
c. Naghihilod ng kamay
d. Naghuhugas ng kamay
e. Nagpapainit ng kamay
6. Ipinamanhik ng mag-asawa ang kanilang anak sa isang mayamang lalaki upang mapasok sa
trabaho.
a. Ipinakilala
b. Ipinasama
c. Ipinakausap
d. Ibinigay
e. Ipinakiusap
7. Madali siyang nakatulog matapos maghapunan dahil pagal ang kanyang katawan sa maghapong
trabaho
a. Hirap
b. Masakit
c. Ngawit
d. Pagod
e. Nangangati
8. Isang supot na tinapay ang ibinigay ng matandang lalaki sa isang batang namamalimos dahil ang
tingin nya’y kumakalam ang sikmura nito.
a. Nauuhaw
b. Nagugutom
c. Sumasakit
d. Nangangasim
e. Naninigas
9. Tanging impit na sigaw ang lumabas sa bibig ng babae dahil sa matinding takot sa lalaking may
hawak ng patalim.
a. Pigil
b. Takot
c. Malakas
d. Paiyak
e. Malat
10. Hindi nagkabula ang kanilang hinala na ang kanilang among lalaki ay may kinalolokohang ibang
babae.
a. Nagkamali
b. Nagkataon
c. Nasira
d. Nagkaiba
e. Nagkapareho
11. Nakahinga sila nang maluwag dahil naihinto nila ang sasakyan bago sila bumub sa matarik na
bangin.
a. Malalim mabato
b. Mataas
c. Malamig
d. Mahalaman
12. Maputio at mestisahin ang kalaguyo ng kanyang asawa.
a. Kaibigan
b. Kamag-anak
c. Kinalolokohan
d. Kasamahan
e. Kasosyo
13. Upang makaligtas sa bintang sa kanya, ang bata ay naglubid ng mga kasinungalingan nang
tanungin ng mga pulis
a. Gumawa ng lubid
b. Nag-imbento
c. Nagpatawa
d. Nagmakaawa
e. Nagkunwari
14. Galit ang kanyang amo kaya katakot-takot na Singhal ang inabot niya rito nang ipatawag siya sa
kuwarto nito.
a. Sermon
b. Sampal
c. Bulyaw
d. Mura
e. Irap
15. Hindi niya magawang umalis sa kanyang puwesto dahil hindi pa dumarating ang kanyang
kahalili.
a. Kapalit
b. Kapatid
c. Kasosyo
d. Kasamahan
e. Kamag-anak
16. Hindi napatunayan ang mga paratang sa kanya kaya siya napawalang-sala sa hukuman
a. Napagusapan
b. Kasalanan
c. Bintang
d. Sumbat
e. Patotoo
17. Nabighani siya sa mabangong sanghaya ng mga bulaklak kaya siya namimitas ng mga ito.
a. Halimukay
b. Talulot
c. Tangkay
d. Dahon
e. Kulay
18. Ang kanyang yaya ang kinamulatan niyang magulang kaya mahal na mahal niya ito.
a. Inari
b. Pinasalamatan
c. Minahal
d. Kinagisnan
e. Kinilala
19. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay humantong sa altar.
a. Nagsimula
b. Nawasak
c. Naudlot
d. Napatunayan
e. Natuloy
20. Mas kinatigan ng punong-guro ang batang umiiyak kaysa sag alit nag alit na guro.
a. Kinampihan
b. Kinaawaan
c. Kinamayan
d. Kinasuhan
e. Kinagalitan
21. Kinumpiska nilang lahat ang mga paninda ng tinderang nahuling nandadaya sa kiluban.
a. Tiniombang
b. Tinipon
c. Kinuha
d. Itinapon
e. Ipinagbili
22. Naubusan sila ng mantika kaya umamot sila nang kaunti sa kapitbahay.
a. Nagtanong
b. Humingi
c. Umutang
d. Nagnakaw
e. Nangupit
23. Inabutan nila ang dalawang batang nangangatal sa takot dahil sa malaking aso.
a. Umiiyak
b. Kinakabahan
c. Tumatakbo
d. Nanginginig
e. Nagdarasal
24. Hindi nila masikmura ang maanghang na salitang sinabi sa kanila ng kanilang amo.
a. Mahina
b. Malakas
c. Mabagal
d. Mabilis
e. Matagal
25. Masasal ang tibok ng kanilang dibdib dahil sa nakikita nilang galit sa mukha ng kanilang amo
a. Mahina
b. Malakas
c. Mabagal
d. Mabilis matagal
26. Matagal na nilang inaantabayanan ang pagdating ng mga magliligtas sa kanila
a. Ipinagdarasal
b. Hinihintay
c. Inaasam
d. Inaasahan
27. Maraming bilanggo ang nakapuga nang makatulog nang mahimbing ang nagbabantay sa kanila.
a. Nakatulog
b. Nakapagpahinga
c. Nakatakas
d. Magsaya
28. Ang lahat ay tamilmil sa pagkain dahil hindi masarap ang ulam.
a. Nakatulog
b. Nakapgpahinga
c. Nakatakas
d. Nagsaya
29. Hindi siya kinumbida ng kanyang kasamahan sa trabaho sa pabinyag nito kaya hindi siya dumalo.
a. Niyaya
b. Pinilit
c. Inanyayahan
d. Pinasabihan
30. Nagtungo siya sa daungan upang kaunin ang asawang dumating mula sa malayong lugar.
a. Puntahan
b. Kausapin
c. Alalayan
d. Sunduin
31. Nagawa naman nilang kalmahin ang nagwawalang baliw dahil binigyan nila ng pagkain.
a. Patahimikin
b. Patahanin
c. Patulugin
d. Sawayin
32. Naparam ang lahat ng kanyang hinanakit sa kapatid nang dumating itong may dalang maraming
pasalubong para sa kanya.
a. Nabawasan
b. Nawala
c. Lumambot
d. Natigil
33. Hindi siya mapakali sa loob ng bahay dahil masyadong maalinsangan.
a. Malamig
b. Mausok
c. Maalikabok
d. Mainit
34. Ang maliit na isla na maraming tanim na niyog ay saklaw ng Pilipinas.
a. Pag-aari
b. Sakop
c. Probinsya
d. Karugtong
35. Ang mag-iina ay sakbibi ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng ama ng tahanan
a. Puno
b. Dinapuan
c. Ginapi
d. Binalot
36. Ang tsuper ng dyip ay agad nagtungo sa kinauukulan upang ipagbigay-alam ang nangyaring
sakuna
a. Kapitan ng barangay
b. Konsehal
c. Maykapangyarihan
d. Pulis
37. Muling pinahanga ng pinagpipitagang guro ang mga mag-aaral sa kanyang mahusay na
pagtalakay sa suliranin ng bansa sa mga basura.
a. Iginagalang
b. Hinahangaan
c. Iniibig
d. Kinikilala
38. Ang kanyang nililiyag ang nakuhang mutya ng kanilang barangay
a. Kinakapatid
b. Kinababaliwan
c. Iniibig
d. Sinasamba
39. Dahil sa sobrang pagkain, siya ay lumobo na nang husto
a. Tumaba
b. Lumaki
c. Bumilog
d. Tumangkad
40. Para sa kanya ay sisiw lamang ang kinuha nilang eksamin para makapasok sa kolehiyo
a. Maliit na manok
b. Simple
c. Mababa
d. Madali
41. Ang nagbibigay sa kapwa ay binibigyan din anang higit pa, siksik, liglig at umaapaw pa.
a. Maliit na manok
b. Simple
c. Mababa
d. Madali
42. Kailangan niyang umalis nang maaga patungong paliparan upang hindi siya magahol sa oras.
a. Mabuti
b. Maiwanan
c. Maabala
d. Kulangin
43. Masidhi ang kanyang pagnanais Manalo sa timpalak kaya naghanda siyang Mabuti
a. Malaki
b. Matindi
c. Maayos
d. Malakas
44. Ang batang malikhain ang nanalo sa kauna-unahang patimpalak sa paggawa ng poster.
a. Malikot ang imahinasyon
b. Madaling matuto
c. Maraming alam
d. Mahusay gumuhit
45. Ang kanyang anak ang nahirang na musa sa kanilang barangay dahil sa angkin nitong
kagandahan
a. Nakuha
b. Nagustuhan
c. Napili
d. Nanalo
46. Ang kanyang iwing kagandahan at kainosentihan ang malaking kalamangan niya sa ibang
kandidata sa timpalak ng kagandahan
a. Angkin
b. Simple
c. Nakakahalina
d. Nakakaakit
47. Ang batang ayaw mag-aral ng kanyang aralin ay bumagsak sa eksamin
a. Nahulog
b. Lumagpak
c. Hindi pumasa
d. Nadapa
48. Inabot nang dalawang oras ang pagsusulit kaya siya ay nahilo ay hindi nasagot ang ibang tanong.
a. Panayam
b. Pagtatanong
c. Eksamin
d. Talakayan
49. Palibhasa’y walang nag-aasikasong magulang, ang bata ay nasadlak sa masasamang bisyo.
a. Nawili
b. Nalulong
c. Napunta
d. Natuto
50. Ang batang babae ay napalungi sa mga kamay ng apat na kabataang lalaki na gumagamit ng
ipinagbabawal na gamut.
a. Napahamak
b. Napasama
c. Nagaya
d. Nasaktan

IX MGA KAWIKAANG FILIPINO

PANUTO: Piliin ang letra ng sagot na pinakamalapit ang kahulugan sa mga salitang may salungguhit.

1. Di mahulugang karayom ang mga nagtipon sa liuwasang bayan upang makisaya sa mga nanalong
kandidato.
a. Napakagulo
b. Napakingay
c. Napakrami
d. Napaksaya
2. Ang klanyang kaguwapuhan ay totoong makalaglag-salawal.
a. Mapang akit
b. Nakakainggit
c. Pambihira
d. Nakakatakot
e. Nakakaligaya
3. Siya ay nagtengang kawali upang hindi marinig ang masasakit na salita mula sag alit na kaibigan.
a. Nagtakip ng tenga
b. Pumikit
c. Nagtulug-tulugan
d. Nagbingi-bingihan
e. Umalis
4. Nang Makita niya ang mukha ng bata, lumukso ang kanyang dugo.
a. Nagulat
b. Namangha
c. Nakaramdam ng kakaiba
d. Napaiyak
e. Napasigaw
5. Napilitang magsara ang kanyang negosyo dahil maikli ang kanyang pisi
a. Maraming kalaban
b. Kokonti ang puhunan
c. Kulang sa tauhan
d. Kulang sa kakayahan
e. Kulang sa suki
6. Hindi ka makakautang sa taong kinakain ang kanyang tinga
a. Maramot
b. Walang awa
c. Kuripot
d. Matipid
e. Sarado ang isip
7. Ilista mo na lamang sa tubig ang mga hiniram sa iyo ng mag-inang pulubi
a. Hindi na mababayaran
b. Kalimutan
c. Ituring na Nawala na
d. Patubuan
e. Tinangay na ng agos
8. Ang lalaking magbubukid ay magalas ang mga kamay
a. Maraming kalyo
b. Maraming peklat
c. Marumi
d. Masipag
e. Batak sa trabaho
9. Hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil alam nilang bukas, mahahawi rin ang mga ulap
a. Matatapos din ang hirap
b. Sisikat na ang araw
c. Magliliwanag na ang buwan
d. Magsisimula ang bagong buhay
e. Gaganda na ang panahon
10. Itinuturing niya ang mahirap na asawa na isang basahang ginto
a. Isang kayamanan
b. Isang mabuting asawa
c. Isang masunuring babae
d. Pulubi
e. Isang kaawa-awang tao
11. Kapag nagsimula nang dumilim, naglalabasan na ang mga kalapating mababa ang lipad
a. Mga babaing bayaran
b. Mga ibong mahina ang mga pakpak
c. Mga babaing mapuputi
d. Mga babaing masasaya
e. Mga babaing maiingay
12. Dadalhin ko ang galit ko sa taong iyon hanggang sa magpantay ang aking mga paa.
a. Gumaling
b. Makalakad na muli
c. Mamatay
d. Hindi na makalakad
e. Mawala ang pilay
13. Dumarami ang mga masasamang-loob sa siyudad kaya dapat na mag-ingat ang lahat
a. Dayuhan
b. Nakikipagsapalaran
c. Namamasyal
d. Masasamang tao
e. Mararahas na tao
14. Ang kinuha niyang ninong at ninang ng kanyang anak ay pawang matataas na tao.
a. Matatangkad
b. Malalaki ang katawan
c. Mga kilala
d. Taga-ibang lugaw
e. Dayuhan
15. Malungkot ang mga sumama sa paghahatid sa kanilang alcalde sa huling hantungan.
a. Simbahan
b. Bakasyunan
c. Tirahan
d. Ospital
e. libingan
16. Sa kanyang pag-aasawang muli, para siyang kumuha ng batong ipupukpok sa kanyang ulo.
a. Malaking bato
b. Dagdag na problema
c. Dagdag na pakinin
d. Aasikasuhin
e. Aalgaan
17. Dapat kang lumingon sa iyong pinanggalingan upang pagpalain ang iyong mga ginagawang
pagsisikap.
a. Bumalik sa simula
b. Tumanaw ng utang na loob
c. Magbayad ng utang
d. Makipagkasundo sa kagalit
e. Tuparin ang pangako
18. Binate na ang kanyang anak ngunit para itong isang punong walang lilim
a. Tamad
b. Walang silbi
c. Payat
d. Matangkad
e. Mahirap utusan
19. Huwag kang maglaro ng apoy, at baka ikaw ay mapaso.
a. Makipagrelasyon pa sa iba
b. Makipagkaibigan
c. Kumampi sa ibang tao
d. Makiramay sa kasawian ng iba
e. Sumama ng iba
20. Kapag namangka ka sa dalawang ilog, baka ikaw rin ang matalo sa bandang huli
a. Magtaksil
b. Maglangoy sa malalim
c. Maging salawahan
d. Manatiling tapat
e. Huwag tumingin sa iba
21. Malakas lang ang kanyang bibig pero pag Nakita na ang kalaban, nababahag ang buntot
a. Ninenerbiyos
b. Kinakabahan
c. Nanginginig
d. Tumatakbo
e. Naduduwag
22. Alam niya ang totoo nguinit pilit niyang ipinipikit ang mga mata sa katotohanan
a. Ayaw tumingin
b. Nagbubulagbulagan
c. Hindi makakita
d. Nanlalabo ang mga mata
e. Hindi makapaniwala
23. Kapag yumaman siya titiyakin niyang luluhod ang mga tala
a. Babagsak ang mga bituin
b. Susuko ang mga kaaway
c. Lalagpak ang mga matataas
d. Makikipagkasundo ang mga kaaway
e. Magsisisi ang may kasalanan
24. Sa sobrang hirap ng dinaranasan, naitanong niya sa sarili kung darating pa kaya ang umaga?
a. Sisikat pa ang araw
b. Mawawala ang dilim
c. Magliliwanag na ang buwan
d. Matatapos na ang ulan
e. Darating na ang pag asa
25. Hindi ka mananalo sa kanya, malapit siya sa manuhan.
a. Mahusay gumawa
b. Mabilis at malakas
c. Matipuno ang katawan
d. Malapit sa kinauukulan
e. Mahusay sa pulitika
26. Masyadong matalim ang kanyang dila kaya takot sa kanya ang kanyang mga kapitbahay
a. Masakit magsalita
b. Malakas ang bunganga
c. Mapanumbat
d. Mahusay manisi
27. Basta naramdaman kong mainit ang kanyang hininga, tumatahimik na lamang ako.
a. May lagnat
b. Masama ang pakiramdam
c. Mainit ang ulo
d. May ubo
28. Binata na nga ang kanyang anak, marunong nang maningalang-pugad
a. Maghanap ng pugad ng ibon
b. Manligaw
c. Manghuli ng ibon
d. Makipagkaibigan
29. Masyado siyang mahangin kaya naman marami ang naaasar sa kanya kapag nagsimula na siyang
magkuwento
a. Mayabang magaslaw
b. Sinungaling
c. Mapagtahi-tahi
30. Ang tawag sa kanya ng mga kapitbahay ay makati dhail iba’t ibang lalaki ang naghahatid sa
kanya.
a. Palakaibigan
b. Maganda
c. Mapang-akit
d. Malandi
31. Napaiyak na lamang siya dahil ang mga ibinibintang sa kanya ay pawang hubad sa katotohanan.
a. Nakakasakit
b. Nakakapanliit
c. Kasinungalingan
d. Nakakagalit
32. Muli siyang nag-asawa dahil naniniwala siya na mayroong ikalawang glorya.
a. Maaari pang lumigaya uli
b. Maaari pang magpakasal
c. Maaari pang magkaanak
d. Maaari pang magbago ang buhay
33. Matagal din siyang nagluksa sa pagkawala ng kasintahan pero muli niyang binuksan ang puso
nang makilala si Lito.
a. Nag-asawang muli
b. Nakipagkaibigang muli
c. Muling tumanggap ng mga manliligaw
d. Nakipagtanan
34. Nakakatuwang tingnan ang bagong mag-asawa dahil para silang kape at gatas.
a. Matamis at mapait
b. Maitim at maputi
c. Maganda at pangit
d. Mataas at pandak
35. Marami ang galit sa kanilang kapitbahay na tumama sa lotto, nagkaroon lang ng konting pera ay
hindi na nakakilala.
a. Yumabang nang husto
b. Nagkaroon ng sakit na limot
c. Nagging mapagmataas
d. Nagging mapanghusga
36. Nag-aaral siyang Mabuti upang makaahon sa putikan.
a. Yumaman
b. Magtagumpay
c. Mahango sa kahirapan
d. Makakuha ng karangalan
37. Kapag siya’y naglalakad at may tumitinging kapitbahay sa kanya, wala siyang naririnig at
nakikita.
a. Bulag at bingi
b. Ayaw tumingin at making
c. Hindi gusto ang nakikita at naririnig
d. Walang pakialam sa nakikita at naririnig
38. Hindi siya lumapalit sa kapatid kahit kailangan niya ng tulong dahil kuyom ang palad ng kanyang
kapatid.
a. Magagalitin
b. Maramot
c. Matipid
d. Kuripot
39. Natagpuan ng mga pulis ang biktima na nakahandusay sa lupa at nag-aagaw-buhay.
a. Umiiyak
b. Naghihirap
c. Naghihingalo
d. Nagagalit
40. Pumasok siya kahit alilang-kanin upang hindi magpagala-gala sa kalsada.
a. Utusang walang suweldo kundi pagkain
b. Katulong sa pagluluto
c. Tagapaglaba
d. Tagapag-alaga ng matatanda
41. Hindi siya mahilig making sa mga sinasabi ng lalaking iyon dahil alam niyang mga balitang
kutsero lamang ang dala nito.
a. Nakakatakot na balita
b. Tsismis
c. Nakagagalit na balita
d. Balitang hindi totoo
42. Hindi nila binibiro ang bagong kasamahan sa trabaho dahil ito’y balat-sibuyas.
a. Maselan
b. Magagalitin
c. Maramdamin
d. Sinungaling
43. Nagkakagulo ang mga taga-barangay kapag dumarating si Don Pepe dahil makapal ang bulsa
nito.
a. Maraming pera
b. Mapagbigay
c. Maawain
d. Bukas-palad
44. Humahanga siya sa mga lalaking nagbabatak ng buto kahit mababa lamang ang uri ng trabaho.
a. Nagtatrabaho nang higit sa kailangan
b. Malakas ang katawan
c. Matitibay ang mga buto
d. Malakas kumita ng pera
45. Binigyan ng pagkilala ang empleyadong may kusang-palo.
a. Masipag at mahusay
b. Nagtatrabaho kahit hindi utusan
c. Hindi nagpapalaya sa trabaho
d. Lagging nakakatapos nanag maaga
46. Laging nakatago sa kanyang bag ang kanyang wallet kapag nasa biyage siya dahil maraming tao
ang mabibilis ang mga kamay.
a. Mahusay magmadyik
b. Mahusay kumumpas
c. Mahusay mandukot
d. Masyadong magalaw ang mga kamay
47. Dasal niya ay magdilang-anghel ang babaing nagsabing maaring siya ang manalo sa patimpalak.
a. Manalo
b. Magkatotoo sana
c. Magkaroon ng pag-asa
d. Magtagumpay
48. Hindi madaling maniwala sa mga sinasabi ng kanilang kasamahan sa trabaho dahil alam niyang
matamis ang dila nito.
a. Bolero
b. Sinungaling
c. Mapanloko
d. Masakit mangusap
49. Basta nakikita niya ang kalaban niya sa klase ay kumukulo ang kanyang dugo.
a. Nagkakasakit
b. Mahihirapang huminga
c. Tumataas ang presyon
d. Naiinis
50. Malungkot ang kanilang bahay kapag hindi umuuwi nang maaga ang ilaw ng tahanan dahil
madalas itong inaabot nang gabi
a. Ina
b. Ate
c. Kapatid
d. Tatay

X PAGKILALA SA MALI

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang letra ng bahaging may mali. Isulat
ang dapat na tamang sagot. Kung walang mali, piliin ang letran E.

1. Ang mga batang namumulot ng basura ay tumakbo ng mabilis nang makitang dumarating ang
mga barangay tanod.
a. Namumulot
b. Ng mabilis
c. Mga
d. Walang mali
2. Kahit walang masyadong benta ay masaya pa din ang mga tindera sa
Palengke dahil marami naming tao
a. Walang masyadong
b. Pa din
c. Sa palengke
d. Marami namang
e. Walang mali
3. Kahit sino ang nakakakita sa kanila ay natutuwa dahil sila’y parehong maganda
a. Sino
b. Nakakakita
c. Ay matutuwa
d. Parehong maganda
e. Walang mali
4. Pinutungan siya ng korona sa ulo dahil siya ang pinakamaganda sa lahat ng mga kandidata
a. Pinutungan siya
b. Sa ulo
c. Ang pinakamaganda
d. Mga kandidata
e. Walang mali
5. Inabot na siya ng hatinggabi sa pagpila sa harap ng munisipyo dahil naparaming tao
a. Inabot na
b. Ng hatinggabi
c. Sa harap
d. Napakraming tao
e. Walang mali
6. Kinukumutan siya ng kanyang nanay bago ito lumabas ng kanyang siulid upang matulog na rin
a. Kinukumutan
b. Ng kanyang
c. Ito lumabas
d. Upang matulog
e. Walang mali
7. Hindi na daw kakain ang kanyang itay dahil kumain na sa labas bago umuwi
a. Na daw
b. Ang kanyang
c. Dahil kumain
d. Bago umuwi
e. Walang mali
8. Si Rosa ang mas maganda sa lahat ng mga kalahok sa timpalak ng kagandahan kaya siya nanalo
a. Mas maganda
b. Sa lahat ng mga kalabok
c. Timpalak ng kagandahan
d. Nanalo
e. Walang mali
9. Kumukuha siya ng mga pako sa bukid para gawing ensalada ng abutan siya ng malakas na ulan
a. Kumukuha
b. Ng mga pako
c. Para gawing
d. Ng abutan
e. Walang mali
10. Maraming gawain ang dapat siyang tapusin upang makapagrepaso ng kanyang mga aralin
a. Maraming Gawain
b. Siyang tapusin
c. Makapagrepaso
d. Mga aralin
e. Walang mali
11. Marami siyang dalang pasalubong para sa mga anak na nag-aabang sa kanyang pagdating
a. Marami
b. Dalang pasalubong
c. Na nag-aabang
d. Kanyang pagdating
e. Walang mali
12. Pinagsaluhan nila ng kanyang mga anak ang dala siyang pansit na galling sa handaang kanyang
dinaluhan.
a. Ang kinukuha
b. Sa paaralang
c. Pinapasukan
d. Ng kanyang trabaho
e. Walang mali
13. Abugasya ang kinukuha niya sa paaralang kanyang pinapasukan pagkatapos ng kanyang trabaho
a. Ang kinukuha
b. Sa paaralang
c. Pinapasukan
d. Ng kanyang trabaho
e. Walang mali
14. Sa kanilang lahat na magkakaklase, mas marami ang nakuha niyang bayabas nang lusubin nila
ang bakuran ng iskuwelahan.
a. Kanilang lahat
b. Mas marami
c. Nakuha niyang
d. Nang lubusin
e. Walang mali
15. Hindi siya nakatitiyak kung tatanggapin ng kanilang ina ang kanyang paliwanag tungkol sa pag-
uwi niya nang gabi na.
a. Nakatitiyak
b. Kung tatanggapin
c. Kanilang ina
d. Pag uwi niya nang gabi
e. Walang mali
16. Maaga siyang umaalis ng bahay upang makarating ng iskuwelahan sa oras dahil naglalakad lang
siya sa pagpasok.
a. Maaga
b. Umaalis ng bahay
c. Ng iskuwelahan
d. Naglalakad lang siya
e. Walang mali
17. Ayaw niyang mapagalitan ng kanilang guro kaya palagi siyang nag-aaral ng kanilang aralin bago
matulog.
a. Mapagalitan
b. Kaya palagi
c. Nag-aaral
d. Bago matulog
e. Walang mali
18. Mahusay siyang tumutula kaya palagi siyang nakakuha sa mga koronasyon para tulaan ang
musa.
a. Mahusay
b. Tumutula
c. Palagi siyang
d. Tulaan
e. Walang mali
19. Kailangan niyang panatilihing gising ang sarili upang hindi mapasok ng mga magnanakaw ang
binabantayan niyang bodega.
a. Panalitihing
b. Hindi mapasok
c. Mga magnanakaw
d. Binabantayan niyang
e. Walang mali
20. Mahusay niyang napangatwiranan ang kanyang ginawa kaya hindi siya tumangap ng parusa.
Napangitwaranan
a. Ginawa
b. Hindi siya
c. Ng parusa
d. Walang mali
21. Ang mga nakapasa sa pagsubok at mapapasali sa bubuuing school choir ay si Rosalie at Fermina.

a. Mga nakapasa
b. Mapapasali
c. Bubuuing
d. Si Rosalie at Fermina
e. Walang Mali
22. Ang gusto ng kanilang guro ay mag-aaral silang mabuti upang tumaas ang kanilang mga marka
na kailangan nila sa pag-aaral sa kolehiyo.
a. Gusto
b. Ay mag-aaral
c. Upang tumaas
d. Kailangan nila
e. Walang mali
23. Gusto ng magalit ng kanilang guro dahil marami ang hindi gumawa ng gawaing-bahay kaya
mabababa ang nakuha sa pagsusulit.
a. Ng magalit
b. Marami ang
c. Ng gawaing-bahay
d. Nakuha sa pagsusulit
e. Walang mali
24. Bumili si Minda nang mansanas sa lalaking laging naglalako ng mga purtas at gulay sa kanilang
barangay.
a. Bumili
b. Nang mansanas
c. Laging naglalako
d. Sa kanilang barangay
e. Walang mali
25. Kung marunong lamang siyang making sa payo ng kanyang mga magulang, hindi siya
nagpapalabuy-laboy sa kalsada.
a. Kung marunong
b. Makinig sa payo
c. Mga magulang
d. Nagpalabuy-laboy
e. Walang mali
26. Madalas niyang Makati ang babaeng iyon na namimili ng mga sirang kasangkapan sa bahay-
bahay.
a. Madalas
b. Ang babaeng iyon
c. Namimili ng mga
d. Sa bahay-bahay
e. Walang mali
27. Natakot sina Rosa at Minda sa lalaking may bigote kaya tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa
makalayo sila rito.
a. Natakot sina
b. Lalaking may bigote
c. Tumakbo sila ng tumakbo
d. Makalayo sila
e. Walang mali
28. Pumasok si Lito at Dino sa bakuran ng kanilang kapitbahay nang walang pahintulot kaya sila
ipinahabol sa aso.
a. Si Lito at Dino
b. Bakuran ng
c. Nang walang pahintulot
d. Ipinahabol sa aso
e. Walang mali
29. Hindi nila nakilala ang taong pumasok sa kanyang bakuran sapagkat nakatakip ng itim na panyo
ang mukha nito.
a. Hindi nila nakilala
b. Pumasok
c. Kanyang bakuran
d. Nakatakip ng itim
e. Walang mali
30. Nakakita siya nang malaking ibon sa malaking puno sa kanilang bakuran.
a. Nakakita
b. Nang malaking
c. Malaking puno
d. Kanilang bakuran
e. Walang mali
31. Mahilig siyang kumain ng maaasim na pagkain dahil sa kanyang pagdadalang-tao.
a. Mahilig
b. Nang maaasim
c. Dahil sa
d. Pagdadalang-tao
e. Walang mali
32. Malaki ang tiwala niya sa sariling kakayahan kaya palaging matataas ang nakakuha niyang marka
sa mga pagsusulit.
a. Malaki ang
b. Sariling kakayahan
c. Palaging matataas
d. Ang nakukuha niyang marka
e. Walang mali
33. Ang mga Alitaptap na nagkakagulo sa puno ng Kakawate ay tila mga Christmas lights na
nagliwanag sa gabing madilim.
a. Na nagkakagulo
b. Sa puno ng kakawate
c. Na nagliwanag
d. Gabing madilim
e. Walang mali
34. Marami daw ang nalalason ngayon sa mga suso na nahuhuli sa maruruming patubig ng mga
palayan.
a. Marami daw
b. Nalalason
c. Suso nahuhuli
d. Ng mga palayan
e. Walang mali
35. Ang mga batang mag-aaral ay hindi pinayagan ng kanyang mga magulang para sumama sa
educational tour.
a. Mga batang mag-aaral
b. Hindi pinayagan
c. Kanyang mga magulang
d. Sumama
e. Walang mali
36. Gusto na niyang bumuo ng sariling pamilya kaya lang ay wala naman siyang makitang babaing
tama sa kanyang panlasa.
a. Gusto na
b. Bumuo ng sariling pamilya
c. Makitang
d. Sa kanyang panlasa
e. Walang mali
37. Handa siyang ibigay ang lahat nang nasa kanya mabawi lamang niya ang kanilang lupa na
isinangla ng kanyang ama.
a. Handa siyang
b. Nang nasa kanya
c. Ang kanilang lupa
d. Isinangla ng kanyang ama
e. Walang mali
38. Hindi pa sumisikat ng araw ay nagtatrabaho na si Loida para marami siyang maiuwing pera sa
pamilya.
a. Sumisikat ng araw
b. Nagtatrabaho
c. Para marami
d. Maiuwing pera
e. Walang mali
39. Tulad ng dati ay hindi pa rin maiwasan ni Rosa ang gumastos nang Malaki kapag nagdiriwang ng
kaarawan ang anak na bunso.
a. Tulad ng dati
b. Rin maiwasan
c. Ang gumastos
d. Nagdiriwang
e. Walang mali
40. Maraming mag-aaral sa mababang paaralan ang pinauwi ng maaga dahil sa paparating na
malakas na bagyo.
a. Maraming mag-aaral
b. Pinauwi ng maaga
c. Paparating
d. Malakas na bagyo
e. Walang mali

You might also like