Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG PAGHULI SA IBONG ADARNA (Kwentong Bayan)

Halos tumigil ang paghinga ni Don Juan nang matanawan ang ibong
lumilipad na papalapit. Ito na marahil, naisaloob niya, ito na ang ibong
hinahanap niya.

Mula nang umalis siya sa sariling bayan upang hanapin ang Ibong
Adarna ilan na bang bundok ang nilakbay niya? Hindi na halos mabilang
ni Don Juan. Ang tanging alam niya, kailangang matagpuan niya at
maiuwi ang ibong ito.

Parang hapung-hapong dumapo ang ibong sa isang malabay na sanga

ng puno ng Piedras Platas. Sa pagkakaupo sa ilalim ng punong ito, na
tahanan ng Adarna, muling nagbalik sa isip ni Don Juan ang mga
pangyayaring naghatid sa kanya sa pook na iyon. Malubha ang kanyang
amang hari at ayon sa manggagamot ng kanilang kaharian, tanging ang
awit ng Adarna ang makapagpapagaling dito.

Unang naglakbay ang panganay niyang kapatid na si Don Pedro.

Pagkalipas ng ilang buwan, nang hindi bumabalik si Don Pedro, si Don
Diego naman ang naglakbay. Hindi rin nakabalik si Don Diego, kaya’t
siya, ang bunsong si Juan, ang lumisan upang maghanap sa ibon, at sa
dalawang kapatid na naunang umalis. Ilanga raw siyang naglakbay
hanggang sa nakatagpo siya ng matandang pulubi na pinakain niya at
pinainom ng kanyang baon. Bilang pabuya sa kanyang kagandahang
loob, tinulungan siya ng matanda-sinabi nito kung saan matatagpuan
ang ibong hanap niya.

Di nagtagal, narinig ni Don Juan ang malambing na awit ng ibon.

Napakatamis ng awit ng ibon, parang hinihila siyang matulog. Kinuha ng
binata ang kutsilyo sa kanyang bulsa at sinugatan ang sariling palad.
Pagkatapos, gaya ng bilin sa kanya ng matandang ermitanyo, pinatakan
niya ng katas ng dayap ang sugat. Halos maiyak ang prinsipe sa tindi ng
kirot kaya’t biglang napalis ang kanyang antok.

Matapos umawit, nagbago ang kulay ng balahibo ng ibon. Ang kanina’y

parang perlas na balahibo ng ibon ay nagkaroon ng iba’t ibang
masisiglang kulay na higit na maganda kaysa una.

Tama ang sabi ng ermitanyo, naisaloob ni Juan. Ayon sa matandang

ermitanyo, pitong beses na await ang ibon, at pitong beses ding mag-
iiba ang kulay ng balahibo. Nakapagpapaantok ang matamis na awit ng
ibon, kaya’t upang di siya makatulog, sinunod ni Don Juan ang bilin ng
matanda. Ang kutsilyong ibinigay sa kanya ang ipinanghiwa niya sa
sariling palad at katas ng pitong dayap ang ipinatak niya sa sugat.

Magmamadaling-araw na nang makatapos ng pitong awit ang Ibong

Adarna. Gaya ng sinabi ng matandang ermitanyo, ugali ng ibon na
magbawas bago matulog. Alam na ni Don Juan ang kanyang gagawin.
Umilag siya nang makitang pabagsak na sa kanya ang dumi ng ibon-
kung di siya nakaiwas, tiyak na naging bato siya.

Naghintay-hintay pa ng ilang sandal ang prinsipe at nang inaakalang

mahimbing na ang ibon ay dahan-dahan niyang inakyat ang puno at
biglang sinunggaban sap aa ang ibon. Dali-dali niyang inilabas ang
gintong paneling kaloob ng ermitanyo at itinali ang ibon na tulog na
tulog pa rin-nakabuka ang mga pakpak at dilat na dilat ang mga mata na
parang gising.

Tuwang-tuwa si Don Juan. Hawak ang nakataling ibon ay masiglang

nilandas ng prinsipe ang daang pabalik sa kubo ng ermitanyo. Noon
pa’y nakikini-kinita na ng binata ang muling paglusog ng kanyang amang
hari sa sandaling maiuwi niya ang Ibong Adarna.

You might also like