Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

JMJCh Sarmiento, Gabriel

Filipino 12 12 - Le Rosey

Munting Ngiti na naging Motibasyon

“Nabuhay ang isang tao upang maging masaya” Nakakabuhay ng loob ang pahayag na

ito dahil napakaraming dahilan upang lumabas ang ating mga ngiti sa ating mga mukha.

Maraming tao ang hindi masaya dahil parang nabuhay sila na napakaraming problema na

dadalhin nila habang buhay. Dapat lagi nating tatandaan na kahit anumang pagsubok ang

darating, wag natin kakalimutan ngumiti.

Isang masaya na nangyari sa akin ay nang nagtapos si kuya sa kolehiyo. Nagtapos ang

aking kuya sa paaralang San Beda University na may kursong BS Accountancy. Nakita ko ang

kanyang kasipagan at paghihirap tuwing gabi upang mag-aral dahil isa siyang iskolar sa San

Beda University. Ako mismo ay namotivate sa kanyang pagsisikap dahil ang saya sa

pakiramdam na ang sarili mong kapatid ay pasok sa Top 10 ng lahat ng kumuha sa kursong BS

Accoutancy. Pagtapos ng kanyang graduation ay pumunta kami agad sa kainan upang mag salo-

salo bilang isang pamilya.

Ang aking natutunan sa buhay ay kahit anumang problema at pagsubok ang dumaan sa

iyong buhay ay wag kakalimutang ngumiti at magdasal upang humingi ng gabay sa Diyos dahil

ito ang tutulong sayo upang bumangon sa iyong sariling kalungkutan.

You might also like