Misa NG Bayang Pilipino - Text and Rubrics

You might also like

You are on page 1of 23

MISA NG BAYANG PILIPINO

Text and Rubrics of the Rite as published in the


Supplement to the Roman Sacramentary for the Dioceses of the Philippines (1999)

PAMBUNGAD

PRUSISYON
The Presider, carrying a large cross and preceded by a minister carrying the Book of the Gospels and by
two candle bearers, processes toward the altar, while the assembly sings the entrance song. If there is a
deacon, he performs his functions as indicated in the Sacramentary. On Solemn Occasions flower petals
may be strewn on the aisle to honor the cross. Upon reaching the sanctuary the Presider hands the cross to
an acolyte and with the ministers performs the customary signs of reverence. The candles in the sanctuary
are not yet lighted.

PAGPAPARANGAL
After the song the Presider blesses the people with the cross, as he chants:

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

The Presider raises the cross high, while the people sing:

B: Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagka’t sa krus na banal


ni Hesus na Poong Mahal
nalupig ang kamatayan,
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 1


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PAGHAHANDA
After the song the Presider greets the people:

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.

Then one of the following Introductory Rites (1, 2, or 3) is used or two of them may be combined (e.g. 1 and
3, or 2 and 3) under one introduction.

1. PAGPAPAKUMBABA
The penitential rite is recommended especially during the Seasons of Lent and Advent. The people kneel.
The Presider will address them with the following words.

P: Mga kapatid,
buong pananalig at kababaang-loob
halina’t dumulog
sa Panginoong ating Diyos.

B: Nais naming dumulog


sa Panginoong ating Diyos,
subali’t di kami karapat-dapat.
Kaya ang hiling sana namin,
kami ay iyong ipanalangin,
nang ang mga nagawang kasalanan
pati na ang mga pagkukulang
ay hindi maging hadlang
sa aming pagdulog sa maawaing Diyos.

P: Ipanatag ninyo ang inyong loob:


iginawad ng Diyos ang kapatawaran
sa mga taong nagsisisi sa kasalanan.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 2


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
2. PAGWIWISIK NG AGUA BENDITA
The sprinkling with holy water is suited for Sundays in Ordinary Time and the Easter Season. The priest
introduces the rite in these or similar words:

Mga kapatid,
sa pagwiwisik ng tubig na binasbasan
manatili nawang sariwa sa ating kaisipan
kung paanong minarapat ng Poong Maykapal
na angkinin tayo bilang mga anak na tunay
sa bisa ng tubig at Espiritung banal.

If the water has not been blessed, the presider adds the following prayer:

P: Manalangin tayo.

Amang mapagmahal,
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo
pabanalin mo + ang tubig na ito
na nagpapaalala ng iyong biyaya
sa mga hinirang mo at kinakalinga,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
B: Amen.

The priest sprinkles holy water on the people. They make the sign of the cross.

3. AWIT NG PAGPUPURI
The Gloria is suited for Christmas Day, Easter Sunday, Easter Season, and other solemn occasions. It is
not said on Sundays of Lent and Advent. The presider introduces in these or similar words:

P: Mga kapatid,
sa ating maringal na pagdiriwang
ng kapistahan ng (ni) N.,
halina’t galak na magpugay
sa Diyos Amang makapangyarihan,
kay Kristong nagligtas sa sanlibutan,
at sa Espiritung dakila at banal.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 3


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
B: Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN
After the introductory rite, the presider addresses the people in these or similar words:

Mga kapatid,
yamang tayo ay hinirang ng Maykapal
at tinipon niya bilang isang angkan,
halina’t malugod na magbigayan
ng tanda ng pagkakaisa at kapayapaan.

The people give the sign of peace to one another according to local custom. The younger ones may make the
mano po to their elders, while others may shake hands or make some other appropriate sign of peace and
fellowship.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 4


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

P: Manalangin tayo.

The opening prayer is taken from the Sacramentary.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

PAGPAPARANGAL
The presider introduces the Liturgy of the Word in these or similar words:

Mga kapatid,
halina’t ipagdangal
ang Banal na Kasulatan,
at taimtim na pakinggan
ang Salita ng Poong Maykapal,
nang sa puso’t diwa ay makintal
ang Aral na liwanag ng buhay.

The presider raises the Book of the Gospels high, while the people sing:

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagka’t sa ating tanan


ay kanyang ipinaalam
kalooban n’ya at aral
na siyang gabay at tanglaw
sa landas ng ating buhay.

PAGBASA
The lectors go to the presider and make the mano po. The presider addresses them, saying:

P: Bilang mga katiwala ng Diyos,


pakaingatan ninyo at ipahayag

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 5


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
ang kanyang Banal na Aral.
Sa ngalan ng Ama
at ng Anak + at ng Espiritu Santo.
B: Amen.

The readings are proclaimed in the usual manner. The responsorial psalm is chanted following the
arrangement found in the Lectionary.

The people stand to sing the Gospel acclamation while the Gospel book is carried in procession to the lectern.
One of the following acclamations may be sung.

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo ang buhay
at ikaw ang tanging daan
patungo sa kaligtasan.
Aleluya! Aleluya!

During Lent:
At si Hesus ay tumanyag:
bait, dunong niyang lakas
sa buong baya’y nahayag
ang pag-ibig niyang wagas
sa tana’y ipinamalas.

The Gospel is read following the indications in the Sacramentary. At the end of the reading, the deacon
(or priest) says:

D/P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

In place of the above response, the people may sing:

B: Papuri’t pasasalamat
aming ipinagtatapat
sapagkat kami’y namulat
sa katotohanang hayag
at naakay sa liwanag.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 6


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PANGARAL

PAGLUHOG NA PANGKALAHATAN
At the general intercessions the people kneel.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA
The people sit. The Presider addresses them in these or similar words:

P: Mga kapatid,
minarapat ng Poong Maykapal
na ilahad sa atin ang Banal na Aral
at anyayahan tayo sa Hapag ng buhay.
Halina’t makibahagi nang buong kagalakan
sa isasagawang pagdiriwang
ng Huling Hapunan.

While the bread and wine for the Eucharist are carried in procession, instrumental music may be played.
Other gifts may be brought along; these are placed on a side table in the sanctuary. The offerors make the
mano po to the Presider.

One of the offerors or the Commentator addresses the Presider with these words:

Narito ang aming tanging handog


na nagmula sa aming pawis at pagod.
Harinawang pagdamutan
itong abang nakayanan.

Then the presider answers:

Maraming salamat, mga kapatid,


piangpapala ang taos-pusong nag-aalay
at bukas-palad na nagbibigay.

Then the offertory song is sung, while the presider prepares the altar and the eucharistic gifts, according
to the indications in the Sacramentary.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 7


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
The people stand. The presider says:

Manalangin tayo.

The prayer over the gifts is taken from the Sacramentary.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT 1

PAANYAYA
The Presider opens the eucharistic prayer with the following dialogue:

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At Sumaiyo rin.

P: Mga kapatid,
halina’t ipaubaya
ang ating mga alalahanin sa Diyos;
lahat ng papuri at pasasalamat
sa kanya ay ating ihandog.

The altar candles are lighted, and the bells are rung festively, while the people sing:

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagka’t karapat-dapat
na magdiwang tayong lahat,
sumamba’t magpasalamat
magbunyi at magpahayag
ng pag-ibig niyang wagas.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 8


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
Then the Presider and the people make the sign of the cross to indicate that the solemn prayer of the Church
is about to begin.

P: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen.

With hands outstretched the Presider prays:

Ama namin,
ikaw ang tanging kapuri-puri
at siyang dapat pasalamatan.
Kapos ang aming dilang magpahayag
ng iyong kapangyarihan
at walang hanggang awa.

Kaya nga ikaw na lumikha sa lahat


ay amin ngayong ipinagbubunyi:

The people sing:

Banal ka, Poong Maykapal!


Banal ang iyong pangalan!
Banal ang iyong kaharian!
Langit, lupa’y nagpupugay
sa iyong kadakilaan!

With hands outstretched the Presider prays:

Nilalang mo ang tao na iyong kawangis


at inihabilin mo sa kanya ang sanlibutan.
Subalit muli’t muli siyang nagtaksil sa iyo:
ang iyong kagandahang-loob at pagtitiwala
ay sinuklian niya ng kawalang-utang na loob.

Amang maawain,
walang sawa kang nagdalang-habag sa kanya
at nagpuno sa kanyang kakulangan.
Inalok mo pa nga siya sa isang kasunduan:

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 9


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
siya ang iyong magiging lingkod
at ikaw ang kikilalanin niyang Diyos.

Kaya nga ikaw na tigib ng awa


ay amin ngayong ipinagbubunyi.

The people sing:

Amang maawaing Diyos,


nabagbag ang iyong loob
sa nakitang pagtalikod
ng nilikha mo’t kinupkop
na tao sa sansinukob.

With hands outstretched the Presider prays:

Amang mahabagin,
sa takdang panahon nilubos mo
ang iyong pangako:
isinugo mo ang iyong Anak na si Hesukristo.
Kinalugdan mo ang Birheng Maria
at bukod mo siyang pinagpala sa babaeng lahat,
upang sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
siya ay maging Ina ng iyong bugtong na Anak.

Si Hesukristo ay nakisama
at nakiramay sa tao.
Nilibot niya ang bawat bayan
nang ang aral niya’y maipahayag.
Hindi siya nag-atubiling makituloy sa bahay
at sumalo sa hapag ng taong makasalanan.

Kaya nga dahil sa kanyang aral at gawa,


ikaw ngayo’y aming ipinagbubunyi:

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 10


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
The people sing:

Dinadakila ng lahat
ang naparito mong Anak
na siyang nagmulat sa bulag,
sa pilay ay nagpalakad,
at nakiramay sa lahat!

ANG HULING HAPUNAN


After the last song the people kneel. The Presider holds both hands outstretched over the eucharistic
offerings until the words “ng aming Panginoong si Hesukristo”.

Amang makapangyarihan,
ipagkaloob mo sa iyong Simbahan
ang Espiritu ng kabanalan:
isinasamo namin na lukuban niya
at italaga ang tinapay at alak na aming alay
upang ang mga ito’y maging katawan + at dugo
ng aming Panginoong si Hesukristo.

Sapagkat tandang-tanda pa namin,


noong gabi bago siya magpakasakit,
habang siya at ang kanyang mga alagad
ay nagsasalu-salo sa huling pagkakataon,

He takes the bread, and raising it a little above the altar, continues:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

He bows slightly.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

He places the consecrated host on the paten and continues without interruption.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 11


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

He takes the chalice, and raising it a little above the altar, continues:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:

He bows slightly.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT,
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

He takes the consecrated host, holds it over the chalice, and raises them high for the adoration of the people.
The church or sanctuary bells are rung festively, while the people sing the doxology. The sacred species may
be incensed.

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagka’t si Kristong mahal


bayan niya ay kinalugdan
at hindi pinabayaan
bagkus kusang inialay
sariling dugo’t katawan.

He places the sacred species on the altar and genuflects.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 12


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PAG-ALAALA AT PAG-AALAY
With hands outstretched the Presider continues:

Dakilang Ama,
bilang pagtupad sa habilin ni Kristo
magiliw naming inaalaala ngayon ang kanyang
pagkamatay at muling pagkabuhay.
At samantalang pakumbaba naming iniaalay
ang haing nagbibigay-buhay,
hinihintay at pinananabikan namin
ang kanyang pagbabalik.

The Presider holds both hands outstretched toward the people:

Ipagkaloob mo, Amang makapangyarihan,


na kaming inaanyayahan mong sumalo
sa hapag ng katawan at dugo ni Hesukristo
ay lukuban ng Espiritu Santo,
nang kami’y magkaisa sa puso, diwa at gawa.

PAGLUHOG
The Presider or one of the Concelebrants joins his hands and says:

Amang mapagmahal, patnubayan mo


kaming sumasampalataya sa iyo, lalo na ang
mga namumuno at gumagabay sa amin,
si N., ang aming Santo Papa,
si N., ang aming kagalang-galang na Obispo,
ang lahat ng mga pari at mga diyakono,
at ang mga laykong kabalikat ng Simbahan
sa paglilingkod sa iyong bayan.

The last phrase of the petition and the response of the people are sung.

P: Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 13


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
P: Imulat mo kami
sa aming pananagutan sa isa’t-isa,
lalo na sa mga sawimpalad, api at dukha,
upang kaming lahat ay mamuhay
nang may pagsusumikap
at sariling paninindigan
ayon sa iyong banal na kalooban.
Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

P: Loobin mong kami ay makasalo


sa biyaya ng lahat ng mga pinagpala mo,
lalo na ang Kalinis-linisang Birheng Maria,
kasama nina San Jose, San Pedro, San Pablo,
San Lorenzo Ruiz, San (Santa) N.,
at lahat ng mga anghel at mga santo.
Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

P: Makasalo rin naman sana sa kanila


ang aming mga minamahal na kapatid
na nahimlay taglay ang iyong pag-ibig.
Sa kabila ng kanilang pagkukulang,
marapatin mong sila’y iyong makapiling.
Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

PAGPAPARANGAL
The people stand. The Presider raises the paten and the chalice (if a deacon is assisting, the deacon holds the
chalice) and says:
Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya at sa kanya,
ang lahat ng parangal at papuri
ay sa iyo Diyos Amang Makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

The people sing: Amen.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 14


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT 2

PAANYAYA
The Presider opens the eucharistic prayer with the following dialogue:

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At Sumaiyo rin.

P: Mga kapatid,
halina’t ipaubaya
ang ating mga alalahanin sa Diyos;
lahat ng papuri at pasasalamat
sa kanya ay ating ihandog.

The altar candles are lighted, and the bells are rung festively, while the people sing:

B: Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagka’t karapat-dapat
na magdiwang tayong lahat,
sumamba’t magpasalamat
magbunyi at magpahayag
ng pag-ibig niyang wagas.

Then the Presider and the people make the sign of the cross to indicate that the solemn prayer of the Church
is about to begin.

P: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 15


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
With hands outstretched the Presider prays:

Ama namin,
sa mula’t mula pa’y hindi mo itinuring na iba
ang tao na nilikha mo sa anyo ng iyong kadakilaan.
Sa kanya mo pa ipinagkatiwala
ang lahat ng bagay sa sanlibutan.
Kaya nga hindi kami makapagwawalang-imik:
ang aming pagtanaw ng utang na loob
ay lagi naming bibigkasin,
maumid man ang dilang namin.

Dahil sa iyong mga biyayang kaloob


ikaw ngayo’y aming ipinagbubunyi:

The people sing:

Banal ka, Poong Maykapal!


Banal ang iyong pangalan!
Banal ang iyong kaharian!
Langit, lupa’y nagpupugay
sa iyong kadakilaan!

With hands outstretched the Presider prays:

Subalit, dakilang Ama,


nagsamantala ang tao sa iyong pagtitiwala
at ang utos mo ay kanyang binaliwala.
Gayun pa ma’y nagbakasakali ka pa rin:
Isinugo mo ang iyong bugtong na Anak,
na si Hesukristong Panginoon namin

Bilang pagsunod sa iyong kalooban


isiniwalat niya sa lahat ang banal na aral
at nakiramay siya sa mga api at dukkha.

Dahil sa idinulot niyang kaligtasan,


ikaw ngayo’y aming ipinagbubunyi:

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 16


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
The people sing:

Dinadakila ng lahat
ang naparito mong Anak
na siyang nagmulat sa bulag,
sa pilay ay nagpalakad,
at nakiramay sa lahat!

ANG HULING HAPUNAN


After the last song the people kneel. The Presider holds both hands outstretched over the eucharistic
offerings until the words “ay maging katawan at dugo ni Kristo”.

Amang makapangyarihan,
ipagkaloob mo sa iyong Simbahan
ang Espiritu ng kabanalan:
ibukod tangi nawa niya at lukuban
ang tinapay at alak na aming alay
upang ang mga haing ito
ay maging katawan + at dugo ni Kristo.

Sapagkat tandang-tanda pa namin,


noong gabi bago siya magpakasakit,
habang siya at ang kanyang mga alagad
ay nagsasalu-salo sa huling pagkakataon,

He takes the bread, and raising it a little above the altar, continues:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

He bows slightly.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

He places the consecrated host on the paten and continues without interruption.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 17


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

He takes the chalice, and raising it a little above the altar, continues:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:

He bows slightly.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT,
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

He takes the consecrated host, holds it over the chalice, and raises them high for the adoration of the people.
The church or sanctuary bells are rung festively, while the people sing the doxology. The sacred species may
be incensed.

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagka’t si Kristong mahal


bayan niya ay kinalugdan
at hindi pinabayaan
bagkus kusang inialay
sariling dugo’t katawan.

He places the sacred species on the altar and genuflects.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 18


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PAG-ALAALA AT PAG-AALAY
With hands outstretched the Presider continues:

Amang makapangyarihan,
sa paghahain ng mga banal na alay
dito sa hapag nagdudulot ng buhay,
aming ginugunita ang iyong bugtong na anak.
Para sa aming kapakanan
siya ay nagpakasakit at muling nabuhay.
Ngayo’y sabik naming hinihintay
ang kanyang pagbalik sa dakilang araw.

The Presider holds both hands outstretched toward the people:

Amang mapagmahal,
itulot mong mapasaamin ang Espiritu Santo
upang kaming makikinabang
sa katawan at dugo ni Hesukristo,
ay kanyang kupkupin at pag-isahin
sa diwa at damdamin.

PAGLUHOG
The Presider or one of the Concelebrants joins his hands and says:

Amang mapagmahal,
patnubayan mo ang iyong Simbahan,
kasama ni N., na aming Papa,
ni N., na aming Obispo,
ng mga pari at mga diyakono,
at ng mga pinunong-layko.

The last phrase of the petition and the response of the people are sung.

P: Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 19


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
P: Turuan mo kaming makiramay sa isa’t isa
lalo na sa mga kapus-palad at nagdurusa,
at maglingkod nang taat sa sambayanan
sa ikauunlad ng aming pamumuhay.
Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

P: Loobin mong makamit namin


ang mga biyayang makalangit,
kasama ng Birheng Maria, Ina ng Diyos,
ni San Lorenzo Ruiz, ni San (Santa) N.,
at ng lahat ng mga banal mong lingcod.
Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

P: Alalahanin mo rin
ang lahat ng aming yumaong kapatid:
marapatin mong sila’y iyong makapiling.
Iniluluhog namin.
B: Sapagkat lubha kang maawain.

PAGPAPARANGAL
The people stand. The Presider raises the paten ad the chalice (if a deacon is assisting, the deacon holds the
chalice) and says:

Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya at sa kanya,
ang lahat ng parangal at papuri
ay sa iyo Diyos Amang Makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

The people sing: Amen.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 20


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PAKIKINABANG

PAGHAHANDA
The Presider introduces the communion rite in these or similar words:

Mga kapatid,
halina’t pagsaluhan
ang mga haing banal
nang tayo’y ganap na magkapisan
sa masaganang hapag ng buhay.

At sa tagubilin ni Hesukristo sa atin,


manawagan tayo nang buong pananalig
sa ating Amang nasa langit.

At the singing of the Lord’s Prayer the people may raise their hands or, according to local custom, hold
hands with those beside them if it is possible.

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 21


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
The Presider raises the chalice, saying:

Mga kapatid,
hindi ba’t ang pag-inom natin
sa kalis ng pagpapala
na ating ipinagpapasalamat,
ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo?

He breaks the bread, saying:

At ang pagkain natin ng tinapay


na ating pinaghahati-hati,
ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan?

Halina’t pagsaluhan ang mga banal na hain


kalakip ang pagpapakumbaba at pananalig.

The people say:

Panginoon,
‘di kami karapat-dapat,
subalit sa iyong awa
sarili’y ipinauubaya.

The communion song is sung. The Presider together with the Concelebrating Priests and the special
ministers of communion (if needed) distributes communion to the people. After the communion of the people
the Presider distributes communion to the other ministers. He takes communion last.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
After some moments of silence, the presider and people stand. The presider says:

P: Manalangin tayo.

The prayer after communion is taken from the Sacramentary.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 22


FOR STUDY PURPOSES ONLY.
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

PAGBIBILIN
After the concluding prayer, announcements may be made. Then the Presider addresses the people in these
or similar parting words:

Mga kapatid, bago tayo maghiwa-hiwalay


bilin ko sana’y huwag kalilimutan:
lahat ng tao’y matapat na paglingkuran
at sa kapwa’y ipadama ang wagas na pagmamahal.

PAGBABASBAS
The Presider continues in these or other words recalling the theme of the celebration:

Pagpalain kayo ng Poong Maykapal


na inyong gabay sa landas ng buhay.

Then the Presider blesses the people with the cross, as he chants:

P: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen.

The Presider raises the cross high, while the people sing:

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na bukal ng buhay,
Anak na siya nating Daan,
Espiritung ating tanglaw.

Sapagkat ang kanyang atas


at habilin sa ‘ting lahat:
pag-ibig n’yang inilahad
sa salita’y isiwalat
at sa gawa’y ipahayag.

The Presider kisses the altar and together with the other ministers, make the customary reverence. On
returning to the sacristy the Presider may pass through the aisle to greet the people.

Prepared by: Jose Mari Y. Javato July 26, 2018 Page 23


FOR STUDY PURPOSES ONLY.

You might also like