Lesson Plan Sa Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mala-Masusing Banghay-Aralin(PANGHALIP)

I-LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;
Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.
Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip.
Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.
ll-Paksang aralin
a. Paksa: Ang Panghalip
b. Sanggunian: Daloy ng Mithi lll sa pahina 96-99
c. Kagamitan: tsart, teyp ng papel, plaskard
d. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap
lll-Pamamaraan (Pamaraang Pabuod)
1. Paghahanda
Panalangin
Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw”
Pagganyak
2. Paglalahad
Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang
kaalaman sa kahulugan ng panghalip.
Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay na kahulugan
nito.
Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar,
pangyayari, o pangngalan.
Mayroong apat na uri ang panghalip:
Panghalip Panao
-Panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao. Mayroon itong tatlong kaukulan.
Kaukulang palagyo
Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang pinangungunahan ng ang at ginagamit bilang simuno ng
pangungusap.
Hal.
Ang ina ni Paulo ay si Melai. Siya ang nag-aalaga kay Paulo mula pagkabata.
Kaukulang Paukol
Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong ng o ni. Ito ay nag-uukol.
Hal.
Nais ni Pet bumawi kay Paul.
Nais niyang bumawi kay Paul.
k. Kaukulang Paari
Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong sa o kay. Ito’y nagpapakita ng pag-aari.
Hal.
Kay Paulo ang asong pumanaw.
Kanya ang asong pumanaw.
Panghalip Pamatlig
– panghalip na ipinapalit sa pangalan ng lugar o pangngalang nagpapahayag ng layo o distansya ng mga bagay sa
nagsasalita o nakikinig.
Hal.
Ito ang hinahanap niyang artikulo kanina. (malapit)
Iyan ang silid na sinasabi nilang may multo. (malayo)
Iyon ang bahay na lilipatan natin sa Agosto. (malayung-malayo)
Panghalip Pananong
– panghalip na ginagamit sa pagtatanong.
Hal.
Sino ang kumain ng pagkain sa mesa?
Saan patungo ang langay-langayan?
Magkano ang asong nakadungaw sa bintana?
Panghalip Panaklaw
-ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng iba, kapwa, isa, lahat, marami, at kaunti. Kasama rito ang mga salitang may
hulaping –man tulad ng saanman, sinuman, anuman, at alinman.
Hal.
Dahil sa pagsabog ng bulkan, marami ang nawalan ng trabaho.
Kailanman ay hindi ako susuko sa iyo.
Iba ang iyong iniisip.
3. Paghahambing at Paghalaw
Ipaghahambing ng guro sa mga mag-aaral ang panghalip panao at panghalip pananong.
Matapos maipaghambing ng guro ang dalawang panghalip, ipaghahalaw naman nito sa mga mag-aaral ang
panghalip pamatlig at panghalip panaklaw.
4. Paglalahat
Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang malaman kung naintindihan o
nauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.
5. Paggamit
Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain.
Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral. Hahatiin ang klase sa 5 grupo at
magdaos ng isang paligsahan sa pag-awit gamit ang panghalip.
Panuto: Mag-isip ng mga awitin na may mga panghalip sa dulo nito gaya ng:
Kami
Iyo
Dito
Heto
Kailan
IV- PAGTATAYA
Matapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga ilang mga panghalip na ibinigay ng
guro, magbibigay ang guro ng isang pagsusulit upang ganap na masubukan ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
mga uri ng panghalip.
Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.
Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutin ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat
pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri ito.
_________1. Saan ka magtutungo?
_________2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.
_________3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.
_________4. Akin ang pantasang iyan!
_________5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.
_________6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan.
_________7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?
_________8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.
_________9. Sila ay sama-samang magsisimba sa Linggo.
_________10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.
V- TAKDANG-ARALIN
Isulat sa isang buong papel.
Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng mga panghalip. Salungguhitan ang mga panghalip.

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG PANITIKANG FILIPINO III


I. Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang sanaysay ayon sa mga sangkap nito,
2. Nakabubuo ng mga hinuha ukol sa mga pangyayari sa sanaysay,
3. Naiuugnay ang mgta konsepto’t diwang nakapaloob sa paksa.
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Panitikan; Nagbabagong Daigdig, Luho vs. Pagpapakasakit ni Fr. Ben Correon,OMI
B. Kagamitan: Kopya ng Aralin at larawan
C. Sanggunian: Avena, Lorenza et.al. Wika at Panitikan, Batayang Aklat sa Filipino III. Pahina 315-316.
III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan at magtatanong
tungkol sa:

1. Ano ang pagkakaiba ng larawan? Ito ay nagpapakita ng kaibahan ng


dalawang mag-aaral na ang isa ay
2. Kung kayo ang nasa larawan, alin ang Depende po, dahil may kanya-
gagayahin mo? kanya tayong hilig sa pag-aaral.

B.Paglalahad:
Pagbabalik Aral
Pag-aalis ng Sagabal;
Hanapin sa Kahon ang mga salitang Kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Nagpapakatusak Maghasa Makipagtalad
Pananalasa Nagpakataas Deposito
Nagpakabusog Pagninilay Pakikihamok
Pagbubulay Nag-iisip Makikibaka
Paunang-Bayad Sagana Pagkukuro
1. Tinurang makipagtagis sa pagsubok ang magkakapatid na Kennedy ng
kanilang magulang.Pakikihimok
2. Ang nagkabundat ay siyang gugutumin. Nagpakabusog
3. Ang nagpakasasa ay bababa. Nagpakataas
4. Nakapatinga sa bangko. Deposito
5. Sa bait at muni, sa hatol ay salat. Pagninilay

C.Pagtalakay:
Pagtatanong sa mga sumusunod:

“Tulad ng Batas langit ang pag-aaral, ang Tulad ng halos ng langit ang pag-
nagpaunay mahuhuli, ang nagpakataas ay aaral dahil ang lahat ng mag-aaral ay
bababa at ang nagpakabundat ay siyang pantay-pantay sa pagtrato ng mga guro
gugutumin”

1. Bakit sa pag-aaral ay walang gintong Lahat tayo aya pantay-pantay,


kutsara sa pagsusubuan ng karunungan? mahirap ka ma o mayaman ay pantay
2. Ano ang aral o mensahing dapat tayo sa pagharap sa karunungan.
maisapuso ng isang mag-aaral tungkol sa Paghahanap ng problema sa ating
magkakapatid na Kennedy? Saan buhay, hanggat maaari na sagana ang
Pamumuhay sila nabibilang? buhay natin ay huwag tayong titigil sa
3. Ano ang layunin ng may akda sa pagtatrabaho. Ang magkapatid ay
pagsulat ng sanasay na iti? nabibilang sa mayamang lipunan.
Layunin ng may akda na mapabatid
na dapat nating pahalalagahan ang pag-
aaral na kabilang banda tayo rin naman
4. Ano ang mensahe ang nais iwan ng ang makikinabang sa bagay na ito.
may akda sa mambabasa? Hanggat maari ay pagbutihin natin
ang pag-aaral at huwag tayong aasa sa
5. Ano ang kaugnayan ng pamagat sa kung anong mayron tayo.
nilalaman ng akda? Akma ba ang konsepto Ipinapakita rito ang kaibahan ng
nito sa bawat isa? dalawang mag-aaral na sadyang salungat
sa kanilang tungkuling ginagampanan.
Mga sangkap ng mga Sanaysay at Akma lamang ang pamagat sa nilalaman
pagtatanong tungkol sa: ng Akda.

1. Mabisa ba ang ginawang


paglalahad?Maayos ba ang balangkas na
nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng Oo, mahusay ang pagkakalahad ng
kaisipan?Pili ba ang mga salitang ginamit? sanaysay. Dahil sa gumamit ang may akda
ng pagpapakahulugan na mga salita ay
nagiging mabisa ang paglalahad at nag-
iiwan ng kakakintalan sa mambabasa.
2. Ang magandang sanaysay ay may Piling-pili ang mga salitang ginamit .
kaisahan sa tono, maayos ang pagkakabuo Mabisa ang paglalahad ng
at may matalinongpagpapakahulugan. sanaysay na ito sapagkat may maayos na
Nasa akda ba ang pagkakaugnay ng tatlong pagsasalaysay. Nasa Akda ang tatlong
sangkap na ito? Patunayan. sangkap ng sanaysay sapagkat maayos at
3. Masining ba o karaniwan ang piling-pili ang salitang ginagamit.
ginawang paglalahad?Basahin ang Masining at masusi ang ginawang
masining na pahayag. paglalahad dahil itoy naglalarawan ng
natural na pagyayari sa buhay ng tao.
4. Gumamit ba ang may akda ng mga Opo!
kasabihan at mahahalagang kaisipan
na nakatulong sa pagpapakahulugan sa
paksang tinalakay?

D.Paglalahat:

IV. Ebalwasyon:
Sumulat ng ilang pahayag kung paano ka nagpapakasakit sa pag-aaral at kung bakit mo
ito isinasagawa.

V. Takdang Aralin:
Basahin at siyasatin ang Akdang “Tatlong mukha ng kasamaan” ni Salvacion M. Delas
Alas. At ipaliwanag kung bakit mahalaga ang karunungan sa isang bansang maunlad.
Ilagay sa buong papel ang pagpapaliwanag.

Inihanda ni :
Emmar C. Flojo
BSEd 3A

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO (PAGGAMIT NG MGA PANG ANGKOP)

I. Layunin
Nagagamit sa pangungusap ang pang angkop na na, ng at g.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Paggamit ng mga Pang-angkop
b. Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino pp.197-202
Hiyas sa Wika, pp.164-168
c. Kagamitan: tsart, mga larawan ng Heneral Santos
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante
1. Magdasal
Tayo ay magdasal, Maaari bang tumayo si Ivy para
mangulo sa ating pagdadasal
Thank you Ivy. Tayo ay magdasal. Almighty God… (Pupil’s Prayer)
Magandang Umaga sa lahat!
Bago maupo ang lahat, maaari bang pakitsek kung Magandang Umaga din po binibining Mariz!
merong mga basura sa ilalim ng inyong upuan,
pulutin ito at iayos ang inyong mga upuan.
(Kukunin ng mga estudyante ang mga papel at
uupo ng maayos sa upuan)
2. Checking of Attendance
Ngayon, I tse-tsek natin ang attendance, mga
liders sa bawat pangkat meron ba tayong mga
absent?
Pangkat 1. Wala pong absent sa pangkat namin binibining
mariz!
Pangkat 2. Wala pong absent sa pangkat namin binibining
mariz!
Pangkat 3. Wala pong absent sa pangkat namin binibining
mariz!
Pangkat 4. Wala pong absent sa pangkat namin binibining
mariz!
Mabuti at walang umabsent ngayong araw na ito.
a. Balik- Aral
Noong Miyerkules, napag-usapan natin ang Ito ay ang circle grap, line grap, pictograp at bar
tungkol sa iba’t-ibang klase ng grap. grap.
Ano-ano ang mga ito?
Tama! Meron pa ba kayong mga tanong tungkol sa
pakikibahagi ng mag anak at ng paaaralan sa Wala na po maam
barangay.
Kung wala, maaari na tayong magpatuloy sa ating
susunod na paksa.
b.Pagganyak
a. Paano natatawag na bayani ang isang tao? Natatawag na bayani ang isang tao kung meron
siyang nagawang kahanga-hanga para iangat ang
moral ng bawat Pilipino.
b. Ang mga atleta ba ay maaaring tawaging Opo ma’am, kasi nagbibigay sila ng karangalan sa
bayani? Bakit kaya? kanilang pinanggalingan.

b. Sinu-sino ang mga Pilipinong nakilala sa (Ang mga bata ay sasagot)


larangan ng isports?

c. Paglalahad
a. Kilala niyo ba ang itinuturing na mga bagong Si Manny Pacquiao
bayani? paano?
b. Pagbasa ng pangganyak na tanong:
1. Bakit hinangaan si Manny Pacquiao? Dahil sa galing niya sa pangboboksing.
2. Bakit siya tinawag na bagong bayani? Tinawag siya na bayani dahil sa inangat niya ang
3. Basahin ang buhay ng ating pambansang kamao. bandila ng Pilipinas sa ibang lugar para mas maging
Tatak Pinoy kilala pa tayo sa ibang bansa.
Sino ba namang hindi makakakilala sa pambansang
kamao ng Pilipinas na si Emmanuel Dapidran
Pacquiao o mas kilala sa tawag na Manny
Pacquiao. Siya ay pinanganak sa Kimbawe,
Bukidnon. Mahirap ang buhay niya noong siya ay
bata pa. Naghiwalay ang kanyang mga magulang
noong siya’y nasa ika-anim na baitang. Natapos Meron mga bata na magbabasa ng sa buhay ng
niya ang kanyang elementarya, ngunit nahinto pambansang kamao.
naman sa hayskul dahil sa kahirapan. Iniwan niya
ang kanyang buhay sa lungsod ng Heneral Santos
upang makahanap ng trabaho sa Maynila sa edad
ng labing-apat.
Sinimulan niya ang kanyang karera sa boksing
bilang isang miyembro ng Philippine National
Amateur Boxing Team. Hanggang sa napanalunan
niya ang pinakaunang World Title niya sa larangan
ng boksing. Kinuha niya itong oportunidad na
maging kilala sa buong mundo at labanan pa ang
ibang mga boksingero sa tulong ng kanyang trainor
na si Freddie Roach. Natalo niya sina Shane
Mosley, Antonio Margarito, Erik Morales, Joshua
Clottey.
Maliban sa kanyang pagboboksing ay coach na din
siya ngayon sa basketball, umaawit, isang
kongresista at isa ng senador ngayon. Talagang
hindi na mapipigilan ang pagsikat ng dating
mahirap na taga Heneral Santos. Isa siya tunay na
halimbawa na matapang, masipag at may takot sa
Panginoon. Tunay na dapat hangaan ngayon ng
mga batang Pilipino.

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat
ay may nakalaang gagawin.
Gawain 1:
Gumawa ng dula na nagpapakita ng pagboboksing
ni Manny Pacquiao at kong sinu-sino ang natalo
niya.
Gawain 2:
Pumili ng kanta ni Manny Pacquiao at kantahin ito
sa klase.
Gawain 3:
Iguhit ang mga nagawa ni Manny Pacquiao sa
bansa.
Bibigyan ang bawat pangkat na10 minuto para
e. Pagtatalakay ihanda ang nakalaang gagawin nila.
Pagkataposng oras ay ipakikita ito sa mga kaklase.
A. Pagsagot sa mga tanong at paggawa ng mga
nakalaang gawain.
1. Sino ang tinutukoy sa sanaysay?
2. Sa anong larangan sikat si Manny Pacquiao? At
sinu-sino ang mga nakaaway siya sa larangan ito?
Pangkat 1 ipakita ang inyong pagsasadula. Ang tinutukoy sa sanaysay ay ang pambansang
3. Maliban sa pagboboksing ano pa ang ginagawa kamao na si Manny Pacquiao.
ni Manny Pacquiao? Pangkat 1 ipapakita ang kanilang pagsasadula.
Pangkat 2 at 3 ipakita ang nagawa ni Manny Pangkat 2 at 3 ipapakita ang mga nagawa ni
Pacquiao. Manny Pacquiao.
4. Sino ang tumulong kay Manny Pacquaio sa
larangan ng pagboboksing?
5. Bakit karapat dapat na hangaan ng mga batang
Pilipino si Manny Pacquiao? Ang tumulong kay Manny Pacquiao ay si Coach
Freddie Roach.
Karapat dapat siya na hangaan sapagkat siya ay
mabuting ehemplo para sa mga kabataan na wag
isuko ang mga pangarap at kung naabot na ang
mga pangarap ay manatiling nakaapak sa paa at
marunong parin tumingala sa taas para
magpasalamat.
Basahin at suriing mabuti ang pangungusap sa
bawat bilang.
1. Mahirap ang buhay niya noong siya ay bata pa.
2 Kinuha niya itong oportunidad na maging kilala
sa buong mundo at labanan pa ang ibang mga
boksingero.
3. Talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng
dating mahirap na taga Heneral Santos.

Sa unang bilang sa anong letra nagtatapos ang


salitang noon?
Sa pangalawang bilang naman anong dalawang
salita ang pinag-uugnay ng kataga o pantig na na?
Sa anong titik nagtatapos ang oportunidad? Sa unang bilang nagtatapos sa letrang n ang
Sa pangatlong bilang naman sa anong letra salitang noon.
nagtatapos ang talaga at dati? Sa pangalawang bilang naman ang dalawang salita
na pinag-uugnay ng kataga o pantig na na ay
oportunidad at maging kilala.
Ano kaya sa tingin ninyo ang natutulong Ang salitang oportunidad ay nagtatapos sa titik d.
ng g, ng at na sa pangungusap? Anong tawag sa Sa pangatlong bilang naman nagtatapos ang sa
kanila? kailan kaya ginagamit ang g, ng at na? letrang a ang sa talaga at i naman sa dati.

Paglalahat
Pang-angkop ang tawag sa mga kataga,
pantig o titik na g, ng at na na ginagamitupang pag
ugnayin ang isang salita sa iba pang salita sa
pangungusap nang maging tuluy-tuloy at madulas
ang pagbigkas sa mga ito.
Ang pang-angkop na na ay ginagamit sa pag
ugnay ng mga salitang nagtatapos sa katinig
maliban sa titik n.
Halimbawa: oportunidad na maging kampeon
mataas na pangarap
Ang pang-angkop na ng ay ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salitang nagtatapos sa patinig (a, e,
i, o, u).
Halimbawa: Talagang matapang
muling sumibol
Ang pang-angkop na g ay ginagamit sa pag
uugnay ng mga salitang nagtatapos sa titik n.
Halimbawa: noong siya ay bata pa
kaugaliang Pilipino

. Pagsasanay
Pag-ugnayin ang dalawang salita gamit ang tamang
pang-angkop.
1. inakay___sisiw
2. marahas___hakbang
3. mapula____mata
4. ibon___maliit
5. maganda___pangarap

1 inakay na sisiw
Pangwakas na Gawain 2. marahas na hakbang
Basahin ang sumusunod na pangungusap at 3. mapulang mata
salungguhitan ang mga pang-angkop na ginamit. 4. ibong maliit
1. Sa ulang tikatik, daa’y nagpuputik. 5. magandang pangarap
2. Ang tubig na maingay ay mababaw.
3. Ang malinis na puso ay pinagpapala.
4. Pagkalipas ng dilim, laging may umaga
5. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.

1. Sa ulang tikatik, daa’y nagpuputik.


2. Ang tubig na maingay ay mababaw.
3. Ang malinis na puso ay pinagpapala.
4. Pagkalipas ng dilim, laging may umaga
5. Walang mang-aalipin kung walangpaaalipin.

IV. Pagtataya
Salungguhitan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop. Bilogan naman ang mga pang-angkop na ginamit.
1. Marunong sumayaw ang bata.
2. Mabuting anak ang mga iyon.
3. Masayang-masaya ang mag-anak.
4. May dalawang anak si Aling Ester.
5. Laging nangunguna sa klase si Dinah.
6. Nakatapos ng pag-aaral ang mga anak nila.
7. Gayundin ang nadaramang ligaya ng mag-anak.
8. Umuwing masayang-masaya ang mga panauhin.
9. Naghahanda ng munting salu-salo ang mag-anak.
10. Sinasabitan ng medalyang ginto ang matatalinong mag-aaral.

V. Takdang Aralin

Lagyan ng wastong pang-angkop ang patlang.

Ang klorina na isa___kemikal ___ipinananlinis ng inumin___ tubig ay mahalaga___ pantab_____pagkain ng mga niyog
na makakatulong ng lahi ng ani at pinangangalagaan ang mga dahon ng niyog sa impeksyon at pinatitibay din ang
halaman___ ito laban sa tagtuyot.

You might also like