Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pebrero 17, 2016

Grade 10

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X


Ekonomiks

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang kaibahan at pagkakapareho ng 2 klasipikasyon ng manggagawa.
B. Nakapagbibigay ng ideya sa mga bagay na may kaugnayan sa Sektor ng Paglilingkod.
C. Nakagagawa ng isang presentasyon patungkol sa paksang tatalakayin.

II. Nilalaman
A. Paksa: Sektor ng Paglilingkod (Alamin)
B. Sanggunian: LM Ekonomiks
nina Bernard R. Balitao, et. al
pp. 410 - 411
C. Kagamitan: aklat, LCD Projector, laptop

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na gawain
 Pagdarasal at pagbati
 Pagpuna sa kaayusan ng kapaligiran
 Pagtala ng liban

B. Paglinang sa Aralin
1. Pagganyak
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng 2 manggagawa na pumapatungkol sa 2 klasipikasyon
ng manggagawa; ang manggagawang pisikal o blue collar job at manggagawang mental o
white collar job.
Pamprosesong tanong:
● Ano ang napansin na pagkakaiba / pagkakatulad sa larawan?
● Pareho bang mahalaga sa ekonomiya ang mga manggagawa na nasa larawan?

2. Gawain:
Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa 4 na pangkat at ang bawat lider ng pangkat ay
bubunot ng papel na naglalaman ng iba’t-ibang bagay na madalas ginagamit ng particular na
manggagawa. Iisipin nila kung sino ang mga tao na puwedeng gumamit nito at gagawin nila
ito sa pamamagitan ng isang tableau at pipili sila ng isang miyembro na magpapaliwanag
kung ano ang kanilang tableau.

3. Talakayan
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano nga ulit ang salik ng produksiyon?
2. Alin sa mga ito ang pinakamahalaga?
3. Batay sa mga larawang inyong nakita, saan kaya ito pumapatungkol?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Panuto: Punan ang graphic organizer na inihanda ng guro.

PAGGAWA

MANGGAGAWA

2. Pagpapahalaga
Panuto: Sasagutin ng mag-aaral ang tanong ng guro.

10 taon mula ngayon, ano sa palagay mo ang iyong trabaho na magiging


gampanin mo sa lipunan?
IV. Takdang-aralin
Panuto: Ibigay ang mga sumusunod at isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ano-ano ang bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod?
2. Ano-ano ang katangian ng mga manggagawang Pilipino?
3. Mga Ahensiyang tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod
4. Mga Batas para sa mga Manggagawa

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Kyna Rae C. Sta. Ana Gng. Ana Leah L. Wenceslao


Nagsasanay na Guro Cooperating Teacher

You might also like