Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan X Ekonomiks
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan X Ekonomiks
Grade 10
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang sekondaryang sektor ng ekonomiya kung saan nakapalob ang
transpormasyon ng mga produkto.
B. Nakapagbibigay ng ideya sa mga bagay na may kaugnayan sa Sektor ng Industriya.
II. Nilalaman
A. Paksa: Sektor ng Industriya (Alamin)
B. Sanggunian: LM Ekonomiks
nina Bernard R. Balitao, et. al
pp. 386 – 388
C. Kagamitan: aklat, LCD Projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na gawain
Pagdarasal at pagbati
Pagpuna sa kaayusan ng kapaligiran
Pagtala ng liban
B. Paglinang sa Aralin
1. Pagganyak
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng larawan sa klase.
Pamprosesong tanong:
● Ano ang napapansin niyo sa larawan?
2. Mga Gawain Batay sa Modyul:
Gawain 1: PRIMARYA – SEKONDARYA HALA!
Gawain 2: PINAGMULAN, ALAM KO!
3. Talakayan
Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa mga larawan, ano ang inyong mabubuong hinuha?
2. Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas at furniture o muwebles? Ipaliwanag.
3. Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon ng mga
produkto ?
4. Ano ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang “industriya”?
5. Bakit mo napili ang mga isinulat mong produkto?
6. Paano mo ito maiuugnay sa Sekor ng Industriya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
Panuto: Sasagutin ng mag-aaral ang tanong ng guro.
IV. Takdang-aralin
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ibigay aang 4 na subsector ng industriya.
2. Kahalagahan ng sector ng industriya.
3. Kahinaan ng sector ng industriya.
4. Epekto ng industriyalisasyon.
5. Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya