Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HALAMANG GAMOT: DALANGHITA

KAALAMAN TUNGKOL SA DALANGHITA BILANG


HALAMANG GAMOT
Scientific name: Citrus deliciosa Ten.; Citrus nobilis Lour.; Citrus papillaris Blanco; Citrus
reticulata Blanco
Common name: Dalanghita, Sintores (Tagalog) Tangerine orange, Mandarine onrange (Ingles)

Ang
dalanghita ay isang uri ng citrus fruit na kilala ng mga Pilipino. Ang bunga nito na bilugan at
may kulay berde na balat ay karaniwang nakikita sa mga pamilihan kapag napapanahon.
Karaniwang kinakatasan at iniinom na pampalamig ang maasim-asim at manamis-namis na
bunga. Ang puno ay may katamtamang taas lamang at ang mga dahon ay may karaniwang itsura.
Madaling tumubo sa mga mabababang lugar sa rehiyong tropiko gaya ng Pilipinas.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA
DALANGHITA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang dalanghita ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng
kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
 Ang balat ng bunga ay may taglay na volatile oil, limonene, methylanthranillic acid, at
methyl ester
 Ang katas ng bunga ay makukuhanan ng citric acid,vitamins A, B, at C at hesperidin
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO
GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
 Bunga. Ang bunga ay karaniwang kinakatasan upang mainom o kaya’y kainin lamang
 Ugat. Maaari namang ilaga ang ugat at ipainom sa may sakit.
 Dahon. Karaniwan namang pinapatuyo sa araw ang dahon upang pulbosin at ihalo sa
inumin. Maaari ding ilaga ang sariwang dahon upang magamit sa ilang kondisyon
 Balat ng bunga. Maaari namang ilaga ang balat ng bunga at ipainom sa ilan pang
kondisyon
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG
DALANGHITA?

1. Ubo. Mabisang panglunas sa ubo ang mga citus fruit gaya ng dalanghita. Ang bunga ay
maaaring katasan upang mainom o kaya ay kainin lamang. Mabisa din para sa ubo ang pag-inom
sa pinaglagaan ng ugat ng halaman. Minsan pa, pinapainom din sa may ubo ang pinaglagaan ng
balat ng bunga.
2. Pananakit ng sikmura. Ang pinulbos na dahon ng dalanghita ay maaaring ihalo sa inumin
upang maibsan ang pananakit ng tiyan.
3. Sugat. Mahusay na panlinis sa bagong sugat ang sariwang katas ng dalanghita.
4. Pamamanas. Ang pamamaga o pamamanas na nararanasa sa ilang bahagi ng katawan ay
maaaring pahiran ng tubig na pinaglagaan ng dahon ng dalanghita.
5. Pagkahilo. Maaaring pirisin ang balat ng bunga ng dalanghita sa butas ng ilong para maibsan
ang pagkahilong nararanasan.
6. Pagsusuka. Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng balat ng bunga na hinaluan ng
hiniwang luya para matulungan ang kondisyon ng pagsusuka.
7. Pagdudumi. Matutulungan din daw ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ang kondisyon ng
pagdudumi at dysenteria.
8. Rayuma. Maaaring matulungan ang kondisyon ng rayuma sa tulong ng pagbababad ng paa sa
pinaglagaan ng dahon at balat ng bunga ng dalanghita. Maaari ding pahiran ng langis na nakuha
mula sa balat ng bunga ang bahaging nananakit.

You might also like