Good Guy PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Billy Graham

Si Billy Graham ay ipinanganak noong Nobyembre 7, 1918 sa

Charlotte, North Carolina. Siya ay naatasang magbahagi ng salita

ng Diyos sa L.A. revival at naging isa rin siyang panauhin sa Stuart

Hamblen’s radio show na naging dahilan kung bakit mabilis na

naging kilala ang kanyang mga sermon sa buong mundo. Sa kabila

ng maraming pagtuligsa sa kanya dahil sa kanyang mga liberal na

pangangaral at pagtanggi sa pulitika, siya ay kinilala bilang “Pope

of Protestant America”. Nakilala rin si Graham sa kanyang

pakikipaglaban sa komunismo sapagkat para sa kanya ito ay laban

sa pagitan ng mga maka-Diyos at mga taong laban sa Diyos. Dahil

dito, maraming tao ang nakakilala sa Panginoon. Naging kontra rin

siya sa aborsiyon na naging dahilan ng pagbatikos sa kanya. Subalit

dahil sa integridad na mayroon si Graham milyong tao ang lumapit

at nakakilala sa Diyos. Sa edad na 99 siya ay pumanaw sa kanyang

tahanan sa North Carolina.


Smith Wigglesworth
Si Smith Wigglesworth ay isang mangangaral

na may pananampalatayang nakapagpakita ng

mga kamangha-manghang himala. Siya ay hindi

lumaki sa isang mayamang pamilya subalit mayroon

siyang mapagmahal na ina at ama at isang kristiyanong lola na humulma sa

kanya, nagbukas ng kanyang isip at nag-engganyo sa kanya upang

maglingkod sa Diyos. Si Wigglesworth ay nagsimula bilang isang tubero subalit

sa halip na ang kanyang suweldo ay para sa kanya, ito ay inilaan niya upang

pakainin at damitan ang mga mahihirap na bata. Dito nagsimula ang una

niyang pagmiministeryo, nakapagdala siya ng daan-daang tao na tatanggap

sa Panginoong Hesus bilang Panginoon at sariling tagapagligtas. Naniniwala si

Smith sa kapangyarihan ng banal na Espiritu kaya naman madalas siyang

nananalangin at nag-aayuno. Minsa’y may isang babaeng naghihingalo,

pinahiran niya ito ng langis, subalit walang nangyari. Hanggang sa dumating si

Hesus sa kwartong iyon at pareho nilang nakita ang kamangha-manghang

pagpapagaling ng Panginoon. Dahil sa pananampalataya ni Smith, siya ay

kinilala bilang “Apostle of Faith” na naging pundasyon ng paglago ng mga

modernong simbahan. Libo-libong tao ang napagaling at maraming patay ang

nabuhay, subalit para kay Smith ang salvation o kaligtasan ang pinakadakilang

himala sa lahat.
\

Derek Prince
Si Derek Prince ay ipinanganak sa Bangalore India at mula sa isang “British

Military Family”. Sa paghahanap niya ng tunay na kahulugan ng buhay, inilaan

niya ang kanyang oras sa pag-aaral ng pilosopiya. Binasa niya ang mga akda

ni Plato subalit wala pa rin siyang nahanap na malinaw na kasagutan.

Hanggang sa bumili siya ng Bibliya (King James Bible) at doon niya napagtanto

na ang Diyos pala ang matagal na niyang hinahanap na kasagutan.

Hanggang sa isang araw, habang nasa kuwartel siya, naisipan niyang

manalangin sa unang pagkakataon at doo’y naengkwentro niya ang Diyos.

Kahit walang pastor o sinumang lingkod ng Diyos sa tabi niya noon ay nakilala

ni Prince ang Panginoon sa tulong ng Bibliya. Naririnig rin niya ang Banal na

Espiritu at sinusunod rin niya ang kalooban ng Panginoon. Dahil sa ginawa ng

Panginoon sa buhay ni Prince, nakapagsulat siya ng 40 libro at nakapaggawa

siya ng daan-daang video at audio teaching tapes na naisalin sa iba’t ibang

wika.
\

Hudson Taylor
Hindi pa man ipinapanganak ay ipinanalangin na ng mga magulang ni

Taylor na nawa isang araw ay makapaglingkod siya sa pamamagitan ng

pagbabahagi ng salita ng Diyos sa bansang China. Dumating ang panahong

natupad ito at nagtungo siya sa Huangpu River sa China upang mamigay ng

Bibliya. Nakilala siya sa pagsasalin ng Bibliya sa wikang Mandarin at pagkuha

ng maraming misyunero upang mabahaginan ang mga taga-China. Minsa’y

nagtalo ang kanyang isip dahil sa pagpapadala ng mga misyunerong wala

man lang proteksyon subalit ayaw rin naman niyang may mga Tsinong

namamatay na hindi man lamang nababahaginan ng Salita ng Diyos. Subalit

doo’y may itinuro ang Panginoon sa kanya: bilang isang tagasunod ang

kailangan lamang niyang gawin ay ang sundin at gawin ang ipinapagawa ng

Diyos. Dahil kay Taylor ay naitatag ang China Inland Mission (CIM), mga

misyunerong nagbabahagi ng Salita ng Diyos na walang inaasahang suweldo

at umaasa sila sa biyayang ipagkakaloob ng Panginoon.

You might also like