Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Methodologies in Teaching Filipino

ANG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO

KONTEMPORARYONG PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

Kasanayang Komunikatibo

nagbibigay halaga sa paggamit ng wika sa mga angkop na sitwasyon, awtentikong kagamitan, pag-uugnay
ng karanasang pangklasrum sa aktwal na sitwasyon at pagpapahalaga hindi lamang sa produkto ng pag-
aaral kundi sa proseso ng pagkakagamit nito.

May apat (4) itong elemento:

1. Kakayahang linggwistika- kaalaman sa morpolohiya, sintaks, at bokabolaryo.

2. Kakayahang sosyolinggwistika -taglay ang kaalaman sa kontekstong sosyal kung saan nagaganap ang
talastasan.

3. Kakayahang istratejik- Nagagamit ang kaalaman para punan ang nawawalang kaalaman.

4. Kakayahang pandiskors- gumagamit ng indibidwal na interkoneksyon para malaman ang buong


teksto. Nalilinang nito ang kahalagahan ng wika sa akademik na gamit ( Cognitive-Academic Language
Proficiency o CALP ) at batayang kasanayan sa interpersonal na komunikasyon ( Basic Interpersonal
Communication Skills o BICS )

MGA DAPAT TANDAAN NG GURO SA PAGTUTURO NG WIKA

1. Pokus ng pagtuturo ang mag-aaral.


2. Iayon ang sitwasyon sa klasrum sa tunay na kapaligiran.
3. Gawing lubusan ang palitan ng interaksyon.
4. Bigyan ng mas maraming pakikisamuha o lahukang gawain ang mag-aaral.
5. Gumamit ng multi-media na kagamitan.
6. Bigyan ng regular na feedback at pagtataya ang mga mag-aaral.
7. Sanaying maging responsable ang mag-aaral sa sarili niyang pagkatuto.

MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA SA BAWAT KASANAYANG MAKRO

1. PAKIKINIG

a. Pinatnubayang Pakikinig

Bago Makinig

batayang impormasyon sa gawain


layunin ( ipaliwanag )

hahawiin ang sagabal

Habang Nakikinig

-aktwal na pagsasagawa ng pakikinig para

-sumagot ng patnubay na tanong,

-pagtukoy sa maling impormasyon,

-pagsusuri ng berbal na pahiwatig,atbp

Pagkatapos Makinig

-gawaing panlapatang ibibigay ng guro ( ibang akda pero katulad ng nilinang na kasanayan )

b. Kritikal o Mapanuring Pakikinig

- Simulan sa pakikinig ng isang komersyal. Ipasuri ang:

uri ng materyal na ginamit

epekto ng napakinggan

pagkikip ng impormasyon

layunin ng patalastas

pamamayani ng opinyon

2. PAGSASALITA

Paradaym ng Pagtuturo ng Pagsasalita ayon kay Tompskin.

Pagpapakilala- mga gawain sa pakikinig, pasasalita, pagbasa at pagsulat na naglalahad sa klase ng


wikang pag-aaralan

Paggamit - mga gawaing magbibigay ng pagkakataon sa klase na gamit ang wika

Demonstrasyon – mga pagkakataon sa pagmomodelo ng guro ng paggamit ang pangkatang gawain.

Responsibilidad- pakikilahok ng mag-aaral sa proseso ng pagkatuto (pangkatang gawain)

Ekspektasyon- pagkabatid ng inaasahang natutuhan.

Pamaraang makalilinang sa kakayahan sa PAGSASALITA

1.Pagsasalaysay/Pagkukwento
2.Reader’s Theater

3.Talakayan ( Diskusyon )

4.Tsart na ANA ( KWL sa Ingles )

5.Interbyu

6.Debate

7.Pag-uulat

3. PAGBASA

Sa elementarya nagsisimula ang mekanikal na pagkilala ng mga salita ang bata tungo sa maunawang
pagbasa ng mga lipon ng salita, pagpapakahulugan ng mahihirap na talasalitaan, pagkilala ng iba’t ibang
uri ng ugnayan, matalinghagang pananalita, kasanayan pampag-aaral (study skills) at gamit ng mga
sanggunian.

Panimulang Pagbasa

Dulog Marungko

- Tuklas nina Nooraihan Ali at Josefina Urbano ng Bulacan

- Tagubilin sa Guro

1.Bigyan muna ng sapat na kakayahan sa pagbasa bago turuang bumasa.

2.Mahalaga na sa bawat tunog na ituturo ay kasama ang lahat ng mga tunog na naituro na sa iba’t ibang
kombinasyon.

3.Iniiwan sa pagpapasiya ng guro ang pagtuturo ng malaking titik. Iminumungkahing ituro ito kapag
master na ang lahat ng malilit na titik.

4.Pagbigkas ang mga tunog sa kwento, bugtong, tula, atbp at ganoon din ang mga panuto.

5.Gumamit ng mga tunay na bagay, larawan, plaskard, tsart,cut-outs, mga laro, atbp para maging kawili-
wili at mapanatili ang interes ng mag-aaral.

6.Ituro ang isang tunog isang araw para lubusan at nang matutuhan.

Mungkahing Tunog na Ituturo Bawat Markahan

Unang Markahan : m, s, a, i, o, at b

Ikalawang Markahan : e, u, t, k, l, y, n, at g

Ikatlong Markahan : ng, p, r, d, h, at w


Ikaapat na Markahan : c, f, j, n, q, v, x, at z

Mga Antas/Hakbang ng Pagbasa

Unang Antas

-Pagpapakilala ng tunog

-Pagpapakita ng hugis ng tunog

-Pagpapakita ng titik

-Pagpapakilala ng mga larawan/bagay na nagsisimula sa tunog na pinag-aaralan.

-Pagsulat ng hugis ng titik sa hangin, palad, sahig, at pisara

-Pagsulat ng hugis sa papel

-Pagsulat ng simulang tunog

-Pagbibigay ng mga halimbawang bagay na nagsisimula sa tunog na pinag-aralan.

Ikalawang Antas

Pagsasama ng mga tunog upang makalikha ng isang makabuluhang salita

Hal. m, s, a –ama sasama

mama sama aasa masama

Ikatlong Antas

Pagpapakilala ng mga pantulong na kataga/salita tulad ng: mga, ang, ay, si, ng, sa, kay, at nang

Ikaapat na Antas

Pagbubuo ng parirala at pangungusap.

Pagbasa sa mga nabuong salita, parirala, at pangungusap

Pagkilala ng mga detalye sa patnubay ng guro.

Dulog Four Prong

Binubuo ng apat na prong.

-Bawat Prong ay ituturo sa loob ng isang araw

Prong 1 ay ituturo sa unang araw;


-Sakop nito ang mga gawain Bago Bumasa at Habang Bumabasa

Bago Bumasa

Paghahawan ng sagabal

Pagganyak

Pagbubuo ng pagganyak na tanong

Prong 2 sa ikalawang araw, atbp.

Prong 1-4 ay ituturo mula Lunes hanggang


Huwebes

- Ikalimang araw, ay ilalaan sa pagpapayamang gawain o kaya sa paglunas na gawain

You might also like