Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa Pakikipagrelasyon ng Guro sa kanyang Mag-aaral

Kapag relasyong guro at estudyante na ang pag uusapan, maraming


konserbatibong kilay ang nagtataasan at mayroon din namang mga
pusong pilit na maghahanap ng pamamaraan para ito ay mabigyang
katarungan na maaari man itong mangyari.
Ang mga guro ay tumatayong loco parentis ng mga menor de edad. Ang
mga batang nasa paaralan ay protektado din ng batas sa ilalim ng RA 7610
(Child Abuse Law) at RA 7877 (Anti- Sexual Harrasment Act).
Ang guro ay may direktang impluwensya at "moral ascendency" sa mga
mag-aaral kahit pa sila ay BOLUNTARYONG pumasok sa love affair sa
kanilang guro. Ang ganitong "sweetheart theory" ay hindi kailanman
tumatalab sa korte lalo pa at menor de edad ang isa sa kanila.
Sa RA 7610, para maiturung na menor de edad, ang bata o mag aaral ay
dapat na mababa sa 18 taong gulang. Sa panahon ngayon na halos
magkakaedad na ang teacher at ang mga estudyante lalo na sa mga Senior
High Schools, hindi maiwasan na may mamagitan na love affair sa pagitan
nila.
Kapag sobra na sa 18 ang edad ng estudyante, hindi na ba ito isang
krimen? Alalahanin natin na mayroon pa rin tayong Child Protection Policy
(DepEd Order 40, s. 2012) na kung saan, kasama sa mga itinuturing na bata
ang mga may edad na 18 pataas basta sila ay mag aaral sa paaralan na
kinabibilangan.
Marami nang guro sa ating bansa ang nakasuhan ng sexual harassment,
qualified seduction, child abuse, o rape na nagsimula lamang sa tinatawag
na pag iibigan. Hindi lang pagkakulong ang kaparusahan kundi pati na rin
ang perpetual disqualification from the public service.
Ayon po sa Code of Ethics for Professional Teachers of the Philippines, art.
VIII, sec. 7:
"Where mutual attraction and subsequent love develop between teacher
and learner, the teacher shall exercise utmost professional discretion to
avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner."
Tayo ay may kalayaang umaksyon at magbigay ng judgement tungkol sa
ating responsibilidad bilang guro ng mga mag aaral na itiniwala sa atin ng
kanilang mga magulang at ng buong lipunan. Pwede ba tayong pumasok
sa ganitong relasyon? Tayo na po ang humusga.

If the two eventually fell in love, despite the disparity in their ages and academic levels, this only lends substance to
the truism that the heart has reasons of its own which reason does not know. But, definitely, yielding to this gentle
and universal emotion is not to be so casually equated with immorality.

G.R. No. L-49549 - LawPhi

You might also like