Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WALANG MALAKING NAKAPUPUWING

Sa lumang simbahan, may nakatirang isang maya. Ito’y malayo sa


kabayanan. Ang pugad niya’y nababalot ng tuyong dahon at dayami. Wa-lang
sinumang nakagagalaw nito sapagkat halos nasa tuktok na ng kampanaryo.
Kasama niya rito ang dalawang inakay.
Minsan sa paghahanap ng pagkain ay nakasalubong niya si Kalapati.
“Maghahanap ako ng pagkain baka nagugutom ang mga anak ko,” sabi ni Maya.
Niyaya ni Kalapati si Maya upang mamasyal sa may palayan at tiyak daw na
mayroong makukuhang pagkain doon.
“Kailangang makapitas ako ng marami para masiyahan naman ang aking
mga anak,” dagdag pa ni Maya.
“Mabuhay mo kaya sila ngayon wala na ang iyong asawa?” tanong ni
Kalapati.
“Kaya ko silang buhayin!” pagmamalaking tugon ni Maya.
At mabilis nang nagpatuloy sa paglipad si Maya. Naiwan si Kalapating
ngingiti-ngiti.
Dumating si Loro. “Mukhang panay ang drama mo at nag-iisa ka na
naman?”
“May naiisip lamang ako. Sino ang higit na makagagawa ng bagay na
maipagmamalaki sa ating lipunan, ang isang Maya o ang mag tulad nating
malalakas, malalaki, at matatalino?” tanong ni Kalapati.
“Ano naman ang magagawa ng Maya? Higit tayong makabuluhan!”
pagyayabang ni Loro.
Nawili sa pagkekwento ang dalawa kaya hindi namalayan ang pagdililim ng
langit. Isang malakas na ulan ang bumagsak at nabasa sila nang husto. Halos hindi
magamit ang kanilang mga pakpak. Anupat gabi na nang sapitin ni Kalapati ang
kanyang tirahan. Gayon na lamang ang kanyang gulat nang makita niya ang
kanyang bunsong inakay na patay na dahil nadaganan ng tabla na nalaglag mula sa
nagibang bahay. Nabalitaan ni Maya nag nangyari at dumalaw ito.
“Patawarin mo ako!” ang sabi ng Kalapati. “Ang akala ko, ang malalaki ang
higit na nakaalam sa anumang bagay.”
Ang mukha ni Maya ay may halong lungkot at saya. “Nakatutuwa naman at
ikaw na rin ang nakatuklas ng iyong pagkakamali. Alam mo may dahilan si
Bathala sa paglalang sa ating lahat, malaki man o pangit, maganda man o maliit
lahat tayo ay may kani-kaniyang ginagampanan dito sa mundong ibabaw. Kung
tayo ay magkakatalungan, higit tayong magiging kabuluhan.”
Ang Pag-ibig
ni: Estephanie May Venerayan

Pag-ibig ? Ano nga ba ang Pag-ibig ?


Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig ?
Ano bang dulot nito sa isang tao ?
Bakit ba natin ito nararamdaman ?
Kayo ? Naranasan nyo nabang umibig ?

Ang Pag ibig ay isang Pakiramdam na Napakahirap ipahiwatig.


Nararamdaman mo ito, ngunit napakahirap bigyang kahulugan.
Pakiramdam na Nakakapagpabago sa Damdamin ng isang tao.
At Nagdudulot ng Iba't ibang Emosyon.

Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti,


Lutang Ang Isip. Wari Ba'y Nasa ibang daigdig!
o sa madaling sabi "May Sariling Mundo",
Kinikilig. Pagnaiisip ang iniirog lalo na Pagka kasama!
Madalas Masaya, Walang Problema.

Ang Pag-ibig ay Napakahirap ipaliwanag,


Na kahit ang Syensya ay hindi maibatid
kung Ano nga ba Ang Pag-ibig.
Kaya Sigurado Ako, na Lahat Kayo,
ay Naka-Relate sa Talumpati ko!

Sa Mga Taong Umiibig, Iniibig at iibig ..


Ang Pag-ibig ay Isang Unibersal na Pakiramdam.
Lahat nakadadama, Lahat nakararanas.
Kaya Huwag ipagkait ang Pagmamahal. :)
Tayo'y Magmahalan!

You might also like