Epp Agri Quiz 2

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

UNANG MARKAHAN

Ikalawang Lagumang Pagsusulit

I. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang itinutugon ay wasto at Mali naman kung hindi.

_____1. Ang basket composting ay isa rin paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng

compost pit.

_____2. Sa pangangalaga ng halaman tiyaking angkop ang kasangkapan sa gawaing paggagamitan.

_____3. Hindi kailangang regular ang pagtanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng halaman upang hindi nito maagaw

ang pataba at tubig na ibinibigay para sa halaman.

_____4. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo na kung may mga alagang hayop sa paligid.

_____5. Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan nang maayos ang amga ito.

_____6. Magkamot o kaya magkusot ng mga mata habang nagbubungkal ng lupa o naglalagay ng abonong organiko.

_____7. Puksain ang mga peste o salot ng mga halaman sa pamamagitan ng pagpapausok sa mga puno at halaman

gamit ang mga tuyong dahoon o damo.

_____8. Hindi kailangan alisin kaagad ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon ng mga halaman.

_____9. Sa pag-aani ng gulay, mahalagang isaisip ang kasabihang “Iwasan ang pag-aaksaya.

_____10. Maaari nang gamiting pataba ang mga nabubulok nab asura pagkaraan ng dalawang buwan o higit pa.

II- PANUTO: Hanapin sa hanay B ang sagot na tinutukoy sa hanay A. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

___11. Iayos ang mga paninda ayon sa uri nito. Siguraduhing A. Pagpapaketa
nakaayos sa kanya-kanyang paraan upang maakit ang
isang mamimili.
___12. Ang maayos na paglalagay sa lalagyan ng inaning gulay B. Pagtatakda ng Presyo
ay kailangan bantayan.
___13. Pakyawan na Pagtitinda. C. Pagsasaayos ng Paninda
___14. Pagbukurin ang mga bungangkahoy na hinog at hilaw. D. Paraan ng Pagtitinda
___15. Pag-aralan ang kasalukuyang kalakaran o halaga ng mga E. Pag-akit sa Mamimili
ipinagbibiling produkto.
___16. Ang mga dahon na may ganitong insekto ay nagkukulay- F. Armored Scale
balat at nalalagas.
___17. Naninirahan ang kulisap na ito sa ilalim ng mga dahoon G. Ladybug
na nagiging sanhi ng pagkulot ng mga ito.
___18. Ang ganitong uri ng peste ay mapaminsala sa mga punongkahoy. H. Webworm
___19. Dapat puksain sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng I. Plant Hoppers
sapot na kasama ang uod.
___20. Gumagapang ang mga ito sa mga damuhan at nangingitlog sa J. Melon Aphid
malagong tanim.
III-PANUTO: Basahin ng maigi ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___21. Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin upang maging maayos at matagumpay ang

kanyang pagtitinda?

A. bilanging mabuti ang bayad ng mamimili C. makipagtalo sa mamimili

B. magsuot ng lumang damit D. bawalan ang bumibili na hawakan ang paninda

___22. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin upang ang mamimili ay patuloy na bibili ng iyong produkto ng

gulay maliban sa isa.

A. maging magalang C. mali ang pagsukli

B. kausapin ng nakangiti D. tama ang timbamgan

___23. Ito ay ang tawag sa perang iyong kinita sa pagbenta ng iyong produkto.

A. ginastos B. puhunan C. utang D. tubo

___24. Gusto ni Maria na marami ang bumili sa kanyang mga panindang gulay. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Iayos ang paninda ayon sa uri nito C. maging masungit sa mga mamimili

B. maging magiliw sa mamimili D. maging tapat sa pagsukli.

___25. Si mang Kanor ay mag-aani na ng kanyang mga gulay na tanim. Ano ang kanyang mga dapat gawin?

A. talian ang mahahabang halamang-gulay tulad ng sitaw.

B. ang mga bungang-ugat ay dapat linisin muna ng tubig o basing basahan.

C. isama ang sobra sa pagkahinog

D. anihin lamang ang mga bunga na nasa tamang gulang at panahon.

___26. Ano ang gagamitin mo sa pagdidilig ng halaman?

A. regadera B. piko C. asarol D. tinidor

___27. Paano inaani ang petsay?

A. binubunot B. hinuhukay C. binubungkal D. wala sa nabanggit

___28. . Kailan dapat nag-aani ng gulay?

A. tanghali B. gabi C. pagsikat ng araw D. hapon o madaling-araw

___29. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagbibili ng mga produkto maliban sa isa.

A. Pagbibiyahe B. Pagtatakdang Presyo

B. Paraan ng Pagtitinda D. Pagpapakete

___30. Si Aling Lucy ay mamimili para sa sa kanyang tindahan, para malaki ang kanyang tutubuin siya ay mamimili

ng____?

A. tingian B. pakyawan C. patubuan D. patalinohan

You might also like