Karl

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

507 “Anuman ang kasapitan

ito’y di ko uurungan,
ang malaking kabiguan
ay bunga ng karuwangan.”
508 “Nasimulan nang gawain
ang marapat ay tapusin,
sa gawing pabimbin-bimbin
wala tayong mararating.”
509 At sa kanyang pagsasakit
sa lalim ng balo’y nasapit,
hindi isang tuyong yungib
kundi pook na marikit.
510 Buong lupang yayapakan
ang kristal na kumikinang!
Pook na tago sa araw,
ngunit daig ang may ilaw.
511 Mahalama’t mabulaklak
bango’y humahalimuyak!
May palasyong kumikislap
na yari sa ginto’t pilak!
512 Ang prinsipe, sa paghanga’y
parang namamaliknata…
at ang sabi: “o, hiwaga…
ito’y sa engkanto gawa!
513 Lalo syang nanggilalas
at ang puso ay nabihag
nang tamaan na ng malas
si Donya Juanang marilag.
514 Sumisikat na bituin
sa bughaw na panginorin,
nakangiti at magiliw
sa pagsabog ng ningning!
515 “O,marilag na prinsesa,
ang sa araw na ligaya’t
kabanguhan sa sampaga
sa yapak mo’y sumasamba.”
516 “Sa matamis na bati mo’y
nagagalak ang puso ko
ngunit manghang-mangha ako
sa iyong pagkaparito!”
517 “Ako’y isang pusong aba
na kayakap ng dalita,
inihatid ditong kusa
ng pagsinta kong dakila.
518 “Ininbulong sa itaas
ng malabay niyang pakpak,
saka dito inilapag
maglingkod sa iyong dilag.
519 “Ako’y iyong kahabagan
oh, prinsesang minamahal
at kung ito’y kasalanan
sa parusa’y nakalaan.”
520 Sa pagsamong anong lungkot
ni Don Juang nakaluhod,
ang prinsesang maalindog
, ay tinablan ng pag-irog.
521 Sa puso ay naramdaman
ang pagsinta ay namahay,
at ang hanap na bubuhay
ang pagsinta ni Don Juan.
522 Gayon pa man ay tinimpi
ang pagsintang ngumingiti
saka siya nagkunwari
sa prinsipe’y namumuhi.
523 Sa laki ng kapanglawan
ang prinsipe’y nanambitan;
“Kung wala kang pagmamahal
kitlin mo na yaring buhay,
524 “Ano pa yaring halaga
kung sawi rin sa pagsinta,
mahingan o, Donya Juana,
hininga ko’y malagot na.
525 “Sukatin mo yaring hirap
ng sa iyo ay paghanap
balong lihim ay di tatap
nilusong kong walang gulat.
526 “Hinamak ang kadiliman
at panganib na daratnan,
ngayong kita’y masilayan
sawi pa rin yaring buhay!...
527 “A… sa aba nitong palad,
waring ako’y inaanak
na katali na ang hirap,
ang ligaya’y mawakwak!..”

528 Sa lungkot ng panambitan,


si Donya Juana’y nalumbay,
mga mata’y luhaan
itininindig si Don Juan.
529 At ang wikang buong suyo:
“Tangapin mo yaring puso,
pusong iyan paglaho
nagtaksil ka sa pangako.”
530 “Magtaksil?pagtaksilan
ang buhay ng aking buhay?
Prinsesa kong minamahal,
panahon ang magsaysay.
531 “Ngayon ang aking panganib
saan kita ililingid
nang maligtas sa pasakit
ng higanteng sakdal lupit?
532 “Higanteng ito’y siya na nga
sa akin ay may alaga,
katapanga’y di kawasa,
taong datna’y sinisila.
533 “Kung datnan kaniig ko
galit niya ay susubo,
mapanganib ang buhay mo
baka ikaw ay matalo.”
534 “Prinsesa kong minamahal,
ang matakot ay di bagay;
manghawak sa kapalaran
sa Diyos na kalooban.”

535 “Di naglilipat ilang saglit


ng masayang pagniniig
ang higante ay naririnig
sa hagdana’y pumapanhik.
536 Tinawag si Donya Juana
nagniningas yaong mata…
”Amoy manunsya,”anya,
dito’y may tao kang iba!
537 Prinsesa’y di nakasagot,
kinilabutan sa takot,
higante sa kanyang poot
sumisigaw parang kulog!
538 At ngumiti nang pakutya,
humalakhak pa sa tawa:
“Di laki ko ngayong tuwa
dito’y may nagsisila!
539 “Di na pala kailangan
mamundok pa at mamarang
dito man sa aking bahay
lumapit na ang pindang.
540 “Salamat nga’t narito na
sa tiyan kong parang kweba
ang kay tagal ko nang pita
ang tatlo man ay kulang pa.”
541 Sa mga kutyang narinig
si Don Juan ay nangalit:
“Higante, tikom ang bibig,
ako’y di mo matitiris.
542 “Kung ikaw ma’y kilabot
sa pook mong nasasakop
sayang iring pamumundok
pag di kita nailugmok.”
543 “At matapang,may lakas pa
na tumawad sa aking kaya?
,pangahas, ha ha ha ha.
ngayon mo makikilala.
544 “Nang sa inyo ba’y umalis
nangako ka ba bang babalik?
nasayang ang panaginip
dito kita ililigpit.
545 “Ayoko nang angay-angay
lumaban ka kung labanan!
kung hangad mo yaring buhay
hangad kong ikaw’y mapatay!”
546 Nagpamook ang dalawa
nagpaspasang parang sigwa,
sa pingkian ng sandata
ang apoy ay bumubuga.
547 Sa mabuting kapalaran
sa Diyos na kalooban,
ang higante ay napatay
ng Prinsipeng si Don Juan
548 Nang patay na at sa lupa
ang higante ay bulagta,
saka ganap na natuwa
si Donya Juanang mutya.

549 Wala na ang kanyang takot,


sa galak at pagkalugod,
inaliw ang kanyang irog
na nanghina rin sa pagod.
550 Ang prinsipe,kahit pagal
masigla rin ang katawan,
lalo na ang matitigan

551 At masayang nagmahayag:


“Prinsesa kong niligayang
kung ako man ay naghirap
ikaw naman ay katumbas.

552 “Sukat na ang ikaw’y akin


Ako nama’y iyong giliw,
Maging dusa man ang lagim
sa akin ay aliw rin.

553 “Kaya,halika na, hirang


At ang balon ay panawan
tayo na sa kaharian
ng aking mga magulang.”
554 “O, Don Juang aking sinta
diyata’t aalis kita
dito ay maiiwan pa
ang bunso kong si Leonora?

555 “Si Leonora’y kapatid kong


kasama sa balong ito
naririyan sa palasyong
dito’y tanaw na tanaw mo

556 “Paroonan mo’t sundin


sa ngalan ko ay sabihin
siya’y parito ngayon din
at ibig kong kausapin

557 “Ngunit irog may pangamba


ang pagsundo mo sa kanya:
may tangkilik kay Leonora
ay serpyente at palamara.
558 “Ang serpyente ay matapang
sanay siya sa pagpatay,
pitong ulo maputol man
nasusugpong pagka kuwan.”

559 “O,Don Juan, laking lunos


ang sa aki’y lumuhod,
muli ka pang makihamok
ay di ko na itutulot.

560 “Pangamba kong masawi ka’t


pagkaawa kay Leonora,
laso’t tinik na . . . ewan ba
kung paano kong mababata…?
561 “Bakit baga yaring buhay
saliwa sa kapalaran:
lumigaya’y mamamanglaw,
manglaw, ay kamatayan?”

562 Hinagpis ni Donya Juana


sa prinsipe’ynnagpasigla
takot ay di nakilala’t
sa sakuna’y tumalaga.

563 Nagpaalam, at ang wika


“Prinsesa kong kasi’t mutya,
yaring buhay kong maaba
palad ko na ang mawala.

564 “Ano’t ako’y masisindak


kung ito ang aking palad?
Ipaglingkod yaring lakas
mahamak kung mapahamak.”

565 “Anong tamis ng mamatay


kung lungkod ng minamahal!
Anong saklap ng mabuhay
kung duwag na tuturingan!

566 “Huwag maghiinahil


may awa ang Inang Birhen,
sa magandang nasa natin
ay di niya hahabagain.”

You might also like