Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

LABANAN ANG
KONTRAKTWALISASYON
MGA KAWANING KONTRAKTWAL,
MAGKAISA AT MAG-ORGANISA!
Praymer hinggil sa
LABANAN ANG NEOLIBERAL NA ATAKE SA SAHOD, CSC - COA - DBM
TRABAHO AT KARAPATAN! Joint Circular
IPAGLABAN ANG KASIGURUHAN SA TRABAHO!
No. 1, series of 2017

LABANAN ANG KONTRAKTWALISASYON!

IBASURA ANG CSC-COA-DBM


JOINT CIRCULAR NO.1 SERIES OF 2017!

Inihanda ng:

Social Welfare Employees Association of the Philippines


(SWEAP)

Contract of Service Employees Association - NAPC


Para sa mga kontraktwal na kawaning (COSEA-NAPC)
nangangailangan ng tulong,
maaari kayong makipag-ugnayan sa Kawani Kontra Kontraktwalisasyon (KALAKON)
KALAKON - COURAGE
Confederation for Unity, Recognition and Advancement of
sa telepono bilang 9295342
Government Employees (COURAGE )
o sa email couragenational@yahoo.com
8 Hulyo1 2017
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

2. Maglunsad ng mga pulong - pagaaral upang higit na maunawaan ng


“Contractualization must be stopped.” mga kontraktwal ang kaibuturan ng problemang kontraktwalisasyon.
Mahigpit na ugatin ito sa imperyalistang pagsasamantala sa mga
Ito ang mga katagang tinuran ni Pangulong Duterte noong manggagawa upang kumamal ng super-tubo.
panahon ng pangangampanya. Marami ang nagkaroon ng pag-asa
na mareregular sa kani-kanilang trabaho sa pribado man o gobyerno. 3. Mag-organisa ng mga malalaking pagkilos upang mapilitan ang mga
Taliwas sa kaniyang mabulaklak na pangako ay higit na pasasamain mambabatas na ibasura ang mga batas na nagliligalisa sa
ng gobyernong Duterte ang kalagayan ng mga kontraktwal sa mga kontraktwalisasyon.
polisiyang inilabas nito kapwa sa pribado at publiko sektor. Minsan
pang pinaaalala sa atin na walang ibang masasandigan ang mga 4. Mahigpit na makipagkaisa sa mga manggagawa sa pribadong sektor
kawani at manggagawa kundi ang sarili nitong organisadong lakas. upang higit na mapalakas ang laban.

Ano ang kontraktwalisasyon? 5. Makipag-alyansa at kunin ang simpatya ng simbahan, akademya,


estudyante, politiko at iba pang sektor ng lipunan upang mapalapad
Ang kontraktwalisasyon ay bahagi ng mga patakarang neoliberal ang suporta sa adhikaing mabasura ang kontraktwalisasyon.
na polisiyang dikta ng imperyalismo. Layunin nitong maiangkop ang
kaayusan sa empleyo sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan
sa tanging layuning makapagkamal ng dambuhalang tubo ang mga
kapitalista. Pangkalahatang estratehiya nito ang pagpapalaganap ng
pleksibleng paggawa na may iba’t ibang porma tulad ng pagtanggap
ng mga kaswal o kontraktwal na manggagawa, sub-contracting,
outsourcing, labor-only contracting at agency hiring.

Iskema ito ng pag-eempleyo kung saan ang mga manggagawa ay


papasok sa isang kontrata sa employer o agency na mag-eempleyo sa
kanya upang magkaroon ng trabaho. Sa sistemang ito ay
magtatrabaho ang isang manggagawa nang hindi regular sa isang
maikling panahon. Ang ganitong iskema ay pilit na nilulunok ng mga
manggagawa dahil sa napakahirap hmakahanap ng trabaho .

Sa ganitong iskema ay natatanggal ang obligasyon o pananagutan


ng mga employer sa mga manggagawa at napapababa ang sahod tungo
sa mas mataas na kita ng mga employer. Sa ganitong paraan ay lalong
nasasadlak sa pagsasamantala ang mga manggagawa at nababaon sa
hirap na kalagayan.

Sa ilalim ng kontraktwalisasyon ay binubuwag ang mga unyon


upang alisin ang karapatan sa pagbubuo ng unyon at sama-samang
pakikipagtawaran. Sa halip na kolektibong tinuturing ang buong
2 7
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Ayon dito, kahit nakalagay pa sa kontrata ng COS o JO ang NO


workforce sa balangkas ng collective contract, indibidwal na kontrata
EMPLOYEE-EMPLOYER RELATIONSHIP, by de-facto empleyado pa
na lamang ang pinaiiral. Wala ng representasyon bilang buong
rin ang mga COS ng kagawaran o ng gobyerno.
workforce na kinikilala ang kapitalista o employer.
Ang Joint Circular No. 1 kung gayun ay pamamaraan ng gobyerno
Kasabay ng pambabarat sa sweldo ay ang pag-alis sa mga
upang makaiwas sa pananagutan sa mga kawani ng gobyerno at
benepisyo o kondisyon sa pagawaan na napagtagumpayan ng
maipatupad ng mabuti ang neoliberal na polisiya na dikta ng mga
paggawa, halimbawa, CNA incentive, meal allowance, medical
imperialistang bansa.
benefits at leaves.
Ano ang epekto ng palibot-sulat na ito sa mga kawani? Gaano kalala ang kontraktwalisasyon sa gobyerno?
Pasasahulin ng batas na ito ang kalagayan ng mga kontraktwal at Ayon sa tala ng CSC noong 2013, mayroong halos 800,000 ang
magreresulta sa malawakang tanggalan. Ang nakababahala, ayon sa mga COS, JO, casual at contractual sa 2.3 na milyong kawani ng
Circular, ay sa pagpasok ng 2019 hindi na magha-hire ng COS at JO gobyerno mula sa 281,586 lamang noong 2008. Mahigit doble ang
ang gobyerno. Lahat ay dadaan na sa private agency o sub- inilaki nito sa loob lamang ng limang taon. Di hamak na mas malaki
kontraktwalisasyon. na ito ngayon dahil sa patuloy na pag-hire ng maraming ahensya ng
mga COS at JO. Ang DSWD ang isa sa mga may pinakamalaking bilang
At para tiyaking maipatutupad ang neoliberal na batas na ito ay ng kontraktwal sa mga ahensya ng gobyerno. Sa tala ng CSC noong
tinakot pa ng batas ang mga ahensyang hindi susunod na mananagot 2013, sa 25,589 kabuuang empleyado ng DSWD, 20,840 dito ay
sa Office of the Ombudsman, Office of the President or Civil Service kontraktwal.
Commission.
Marami sa mga kontraktwal ay tumagal na ng 20 taon o higit pa
Mahirap namang asahan na lilikha ng sapat na plantilla positions ang sa trabaho subalit hindi nareregularisa. Marami rin sa kanila ang
mga ahensya gayung plano din ng gobyernong Duterte ang panibagong pinapagampan ng mga regular functions ng mga ahensya. Isang
reorganisasyon sa pagtutulak nito ng Rightsizing sa buong burukrasya. pagpapatunay ito na ang GOBYERNO ang unang tagalabag ng batas
o labor code.
Dapat ding bantayan na magamit ang batas na ito para kalaunan ay
gawing subcontract maging ang mga regular na kawani tulad ng ginawa Ano ang kalagayan ng mga kontraktwal na kawani?
sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan inilipat sa agency
ang employment ng mga regular na kawani. 1. Walang kasiguraduhan sa trabaho o security of tenure;

Ano ang dapat gawin para malabanan ang 2. Walang benepisyo katulad ng SSS/Philhealth/Pag-ibig at 13th
kontraktwalisasyon? month pay;

1. Dapat organisahin ng mga kontraktwal ang kanilang mga sarili 3. Walang Leave o hindi maaaring lumiban kahit may sakit sapagkat
upang magkaroon ng kolektibong lakas. Buuin sa lahat ng ahensya NO WORK, NO PAY;
ang mga balangay ng Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon
(KALAKON). Ang mga may balangay na ng KALAKON ay dapat 4. Walang karapatang mag-organisa o magtayo ng unyon na
umabot sa iba pang ahensya para magbuo ng panibagong balangay. proprotekta sa mga manggagawa;
6 3
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . L ABANAN ANG KONTRAKT WALISASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

5. Walang bayad ang overtime o paglagpas sa oras ng paggawa; Ang Joint Circular No. 1 ay inilabas upang pagtibayain ang Labor
Code Articles 106-109 na nagliligalisa sa kontraktwalisasyon sa ating
6. Hindi maaring ma-promote ang mga manggagawa; bansa. Ito ay pagtalima sa mga neoliberal na patakaran ng imperyalismo
para sa kapakinabangan ng mga dayuhan at lokal na namumuhunan.
7. Mataas ang withholding tax ng mga COS/JO kaysa sa mga regular Sa sistemang ito ay tinitiyak na kikita ng malaki ang mga kapitalista sa
ng empleyado, hindi naipapatutupad ang RA 9504 o exemption ng pamamagitan ng pambabarat sa sahod ng mga kontraktwal at pagkakait
mga minimum wage earner (MWE) sapagkat may NO employer- sa kanila ng mga benepisyong tinatadhana ng batas.
employee relationship; at
Sa halip na iregularisa ay ipapasa ang
8. Laging target ng diskriminasyon sa loob ng mga opisina. mga kawani sa mga contractor o service
provider at magiging subcontractual ang
Ano ang CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1 series of 2017? istatus sa ahensya. Masahol pa, walang
binabanggit sa Joint Circular No. 1 na
Ang CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1 series of 2017 ay hinalaw mabibigyan ng security of tenure o
mula sa Department Order 174 (Rules Implemeting Articles 106 to kasiguruduhan sa trabaho ang mga kawani
109 of the Labor Code as Amended) ng Department of Labor and sa ilalim ng mga contractor at service
Employment para diumano wakasan na ang kontraktwalisasyon sa provider.
Pilipinas. Ito ay bilang tugon sa pangako ni Pangulong Duterte na
wawakasan ang sistemang “ENDO” sa pribadong sektor. Ang ipinipilit ng gobyerno na NO
E M P L O Y E E - E M P L O Y E R
Sa ilalim ng D.O. 174 ay hindi naman talaga inalis ang
RELATIONSHIP na sistema ay lubhang
kontraktwalisasyon sa halip ay lalo lamang pinagtibay nito ang
nagpasahol sa kalagayan ng mga
kontraktwalisasyon. Nakasaad sa batas na ito na mareregular lamang
ang mga manggagawa sa isang sub-contractor o agency at hindi sa kontraktwal na kawani. Dahil dito ay hindi
prinsipal na may-ari ng kumpanya. Samakatuwid, walang sila nagiging regular sa trabaho kahit
pananagutan ang prinsipal na may-ari ng kumpanya sa mga napakatagal na nila sa serbisyo at walang
manggagawa. tinatamasang mga benepisyo kahit na gumagampan sila ng mga regular
function sa mga ahensya.
Ang CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1 series of 2017 ay inilabas
ng gobyerno dahil sa napansin diumano nito ang mabilis na paglobo Ang usapin ng NO EMPLOYEE-EMPLOYER RELATIONSHIP ay
ng mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) employees sa nadesisyunan na ng korte, ayon sa jurisprudence G.R. 154472 na laban
mismong bakuran nito at nabahala ito na gumagawa ng regular agency ng MWSS at mga COS employees noong June 30, 2005, kung saan
functions ang mga nasabing kawani gayung malabo ang pananagutan nanalo ang mga COS employees laban sa MWSS sa pamamagitan ng
nito dahil sa kawalan ng employee-employer relationship. Anila, ito “four-fold test”:
din ang nagbibigay ng kundisyon para sumulpot ang kawalan ng
proteksyon panlipunan at hindi pantay ng benepisyo sa mga 1. Sino ang tumanggap sa COS?
kontraktwal. Idinidiin ng batas na ang mga JO at COS ay hindi 2. Sino ang maaaring magtanggal sa COS?
empleyado ng gobyerno at walang karapatan makakuha ng kahit 3. Sino ang nagpapasahod sa COS?
anong benepisyo mula gobyerno. 4. At sino ang may control sa COS?
4 5

You might also like