Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

8

Panitikang Pilipino
Filipino
Modyul para sa Mag-aaral

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Panitikang Pilipino – Ikawalong Baitang
Filipino – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-85-7

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari
upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon
.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
P angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat


(DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex


Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
PAUNANG SALITA
“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang
mamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.”

Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang


pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang
Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa
makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay
maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanang
angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.

Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mga


kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa
pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang
Filipino.

Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang


higit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunit
na ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay
at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang
Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang
henerasyon.
PASASALAMAT
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga
manunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran ang
naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan
na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlan
ng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais
naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.

Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong


Tugma at Sukat ng Tulang Tagalog
Lamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-ani
Virgilio Almario Agahan
Edgar Calabia Samar Panaginip
Fray Francisco de San Jose Santa Cruz
Gaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong
Panginoon Natin
Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Emilio Jacinto Pahayag
Severino Reyes Walang Sugat
Genoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
Jose Corazon de Jesus Bayan Ko
Alejandro G. Abadilla Ako ang Daigdig
Teodoro Gener Pag-ibig
Alejandro G. Abadilla Erotika 4
Jose Corazon de Jesus Pag-ibig
Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan
Gonzalo K. Flores Tahimik
Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan
William Rodriguez II Tabloid: Isang Pagsusuri
Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks
Jeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng Bituin
Lualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?
Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at Daigdig
Howie Severino, Sine Totoo,
At GMA Network Papag for Sale
Talaan ng Nilalaman

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON............................................. 84

Tungkol sa Kuwento...................................................................................... 84
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes............................................ 85

Tula................................................................................................................ 92
“Tahimik” ni Gonzalo K. Flores........................................................... 92
Ilang Halimbawa ng Haiku.................................................................. 93
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

Mga Aralin

􀂃Maikling Kuwento
o Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
􀂃Tula
o Tahimik ni Gonzalo K. Flores
o Ilang Halimbawa ng Haiku
Kaligirang Pangkasaysayan

Noong Disyembre 8, 1941, apat na oras pagkatapos bombahin ang Pearl


Harbor sa Hawaii, pinasabog din ng mga eroplanong Hapon ang Davao.
Sumunod ang Tuguegarao, Baguio, Iba, Tarlac, at Clark Field. Ganoon
nagsimula ang marahas na pagpasok ng mga Hapon sa ating bansa upang
itatag ang kanilang Greater East Asia Co-prosperity Sphere (Zaide 1956,
338).

Sinusugatan ng mga babae ang kanilang mga mukha para hindi maging
kaakit-akit sa mga sundalong Hapon (Fernandez 2013). Bayong-bayong na
pera ang kailangan para bumili sa palengke dahil sa baba ng halaga ng
Mickey Mouse Money. Pagtatanim ng kangkong sa mapuputik na lugar ang
nagligtas sa buhay ng libo-libong Pilipino dahil sa hirap ng buhay at
kakulangan ng pagkain (Agoncillo 1977, 460).

Kaligirang Pampanitikan

Ipinalaganap ang kultura at wikang Hapon sa pamamagitan ng mga paaralan


at media. At upang mabura ang mga bakas ng Kanluran, sinuportahan din
nang husto ang panitikang Tagalog. Iisa na lang ang naiwang pahayagan sa
wikang Ingles—ang Tribune. Namayagpag naman ang diyaryong Taliba at
ang magasing Liwayway sa tulong ni Kin-ichi Ishikawa, ang pinamahala sa
mga palimbagan nito (Pineda et al. 1979, 371). Nabayaran nang maayos ang
mga manunulat at kumalat ang kanilang mga akda sa pamamagitan ng
Liwayway. Dito lumabas ang mga maikling kuwento at tulang Tagalog na
kaestilo ng mga haiku ng Hapon (Agoncillo 1977). May mga kumikilala sa
panahong ito bilang Gintong Panahon ng Maikling Kathang Tagalog.

Tungkol sa Kuwento

Ang susunod na kuwento ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa patimpalak


sa maikling kuwento ng Liwayway at inilathala sa kalipunang Ang 25
Pinakamabuting Katha ng 1943. Muli itong inilathala nina Abadilla, FB
Sebastian, at ADG Mariano sa kalipunang Maikling Kathang Tagalog noong
1954.

56
Gabay sa Pagbabasa

Pansinin mo ang pamagat - Lupang Tinubuan. Sa kuwento, dalawa ang


tinutukoy nito:

1. Ang Pilipinas. Pinaaalala rin ng pamagat ang pakikipaglaban ng mga


bayani para sa bayan.

2. Ang mas tiyak na lugar kung saan lumaki ang isang tao o kung saan
nanggaling ang kaniyang pamilya.

Habang nagbabasa ka, pansinin mo kung ano-anong detalye sa kuwento ang


tungkol sa Pilipinas, at kung ano-ano ang para sa lugar ng pamilya.

Gabay Tungo sa Mensahe ng Kuwento

Ikaw, saan ka lumaki? Ano ang probinsiya ng nanay mo? Ng tatay mo?
Mahalaga ba sa iyo ang mga lugar na ito? Bakit?

Ano naman ang kasaysayan ng mga lugar na tinukoy mo? Naging lugar ba
sila ng labanan laban sa mang-aapi? Alin-alin? Pinagmulan ba sila ng mga
taong namatay nang dahil sa bayan? Sino-sino?

Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes (1943)

1 Ang tren ay tumulak22 sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan


ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune 23, mama,
Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas.

2 Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong


kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang
istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan.
Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka
Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang
pases24 mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng.
Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon
at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam.
Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. Hs-
s-ss.Tsug, tsug, tsug.

3 Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y


napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.

______________________________________________________________
22 tulak—pag-alis
ng barko o tren patungo sa pupuntahan
23 Tribune
(diyaryong Ingles), Taliba (diyaryong Tagalog), at Liwayway (magasing pampanitikan)—mga
babasahin noong Panahong Hapon.
24 pases—Tagalog na ispeling ng passes

57
4 Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi,
“Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang
kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at
halaman sa dinaraanan.

5 Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig


ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni
Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng
kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya
Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola
Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y
nabubuhay pa.”

6 Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita


kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa
kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit
sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa
Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling
siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong
iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At
samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay
nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at
umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.

7 Sa unang malas, ang Malawig25 ay walang pagkakaiba sa alinmang


nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko,
natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng
kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang
karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit,
isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito,
nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa
ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang
bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit.

8 “Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero
ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng
pagkabigo sa kanyang dibdib. “Hindi po naman,” ang marahan niyang
tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki
sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid
nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa
mgaKastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng
bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.

9 Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid


angpagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo,
at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya
at

______________________________________________________________
25 lawig—tagal o haba ng panahon

58
rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo,
tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao
sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa
nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. “Mabuti na lamang
at likas na sarat ang ilong ko,” ang naisaloob niya. “Kung hindi ay
pulpol na marahil ngayon.”

10 Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong


iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang
kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang
lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na
lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng
kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong.
Bantád na26 siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at
alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talúsalíng27 na sugat sa
puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila
magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga
kamag-anak na ngayon lamang nakilala.

11 Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa


bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng
patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang
panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim,
ay walang tigil ang pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga
namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok
ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang
pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang
katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong,
at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang
bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan.
Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap
ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig
sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.

12 "Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng


kanyang Tita Juana. “At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong
pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at
naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno
ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ngisang
album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang
mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod
ng mga tao.

______________________________________________________________
26 bantad na—sanay na, sawâ na
27 talusaling o talosaling—labis na maramdamin; balat-sibuyas; sensitibo

59
13 Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid
sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at
naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa
init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga
punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.
14 Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo
Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas
na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si
Lolo Tasyo ang unang nagsalita.
15 “Kaparis ka ng iyong ama,” ang wika niya.

16 “Bakit po?”

17 “Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.”

18 “May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.”


19 “Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.”
20 “Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”

21 “Nasaksihan!” Napahalakhak si Lolo Tasyo. “Ang batang ito! Ako ang


nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang
laruan. Naulila agad siya sa ama.”

22 Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng


bukid. “Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa
siyang munti. Sa kabilang pitak28 siya nahulog sa kalabaw, nang
minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang
akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.”
23 Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang
likuran. “Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo
isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may
mga huramentadong29 Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo
kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula—isang
maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya
sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.”
24 Napangiti si Danding. “Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng
pagkakaluwas niya sa Maynila?”

25 “Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga


nangyari. “Nahuli sila sa tabi ng isang mandala30 ng palay.”

26 “Nahuli po?”
______________________________________________________________
28 pitak—bawat
hating lupang naliligid ng pilapil; bawat hati ng tubigan
29 huramentado—sinumang nadidiliman ang isip at gusto lang pumatay nang pumatay
30 mandala—malaki at mataas na bunton ng gapas na katawan ng palay na may uhay pa

60
27 “Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.”

28 Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at
ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol
niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga
alaala nito.

29 “ Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga


bagong tuklas niyang pinsan.

30 “Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang
naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong
sa bahay.

31 Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay


Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng
malungkot at batbat-sakit31 na pagkakawalay nila, na kamatayan
lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na
bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang
ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig,
lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na
siyang pamana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak
ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling
maging ang pinakamaliit na halaman.

32 Handa na ang hukay. Wala nang nalalabi kundi ang paghulog at


pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli
ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang
masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang
impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na
makadurogpuso kaysa maingay. Nabasag ang katahimikan at naghari
ang impit na mga hikbi at ang mga pag-iyak. Pinagtiim32 ni Danding
ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay
naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

33 Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang


kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na
siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at
nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang
lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.

34 Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan
sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang
araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay
ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa
tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang
mukha at liig.
______________________________________________________________
31 batbat-sakit—puno ng sakit
32 tiim—pagtutuong mariin ng ngiping itaas at ibaba sa pagtitimpi ng galit o sama ng loob

61
35 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos
sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa
lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang
mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang
maglaro sa ligalíg33 niyang mukha ang banayad na hangin.

36 Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan


ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa
kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag
ang kanyang puso.

37 Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at


kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga
kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti
nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa
kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa
kanyang gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang
lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon
doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na
minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng
kanyang ama.

38 Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng


tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung
bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at
kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at
baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling
naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.

39 Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga


pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni
Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga
tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa
kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan.
Muli siyang napangiti.

40 Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang


tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi
na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may
kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga
kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at
ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito.

______________________________________________________________
33 ligalig—di-mapakali; naguguluhan

62
Pagpapayaman
Talakayan

1. Saan mula at saan patungo ang tren sa simula ng kuwento?


2. Ilarawan si Danding—ilang taon na siya? Anong klase siyang tao?
Ano ang importante sa kaniya? Magbigay ng mga patunay mula sa
kuwento.
3. Alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang pinagugatan
ng pamilya ni Danding?
4. Alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang bayang
ipinaglaban ng mga bayani?
5. Paano nagkaisa ang dalawang kahulugang ito ng Lupang Tinubuan?
Pansinin ang talata 31.
6. Ano ang sinasabi ng kuwento tungkol sa pagmamahal sa bayan?
Kompletuhin ang pangungusap na ito: “Ayon sa kuwento, mahalaga
ang Lupang Tinubuan dahil...”
7. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko.” (talata 9) Ano pa ang
kahulugan ng hirit na ito kung titingnan ang mensahe ng kuwento?
8. “Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam
ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at
umalingawngaw sa mga halakhak ng kaniyang ama.” (talata 37) Bakit
makasining ang pangungusap na ito? Anong larawan ang binubuo at
ano ang ipinakikita nito tungkol sa relasyon ni Danding sa Lupang
Tinubuan ng kaniyang ama?
9. Basahing muli ang talata 29-30. Bakit “araw” raw ang tinitingnan ni
Danding? Ano ang ibig sabihin nito? May kaugnayan ba ito sa mga
“bituin” sa talata 27?
10. Basahin nang malakas ang talata 15-27. Paano dapat bigkasin ang
“Nasaksihan!” sa talata 21—sigurado? sarkastiko? nakukulangan sa
salita?
11. Inilarawan ang tunog ng tren bilang “pintig ng pusong wala nang
alinlangan” (talata 5). Angkop ba ang paglalarawang ito sa mensahe
ng kuwento? Bakit?
12. Balikan ang talata 35. Bakit angkop ang paglalarawan sa kapayapaan
ng bukid dito?

13. Ano ang paborito mong bahagi at bakit?

14. May karanasan ka bang katulad ng kay Danding? Ano ang naiisip mo
ngayon tungkol sa Pilipinas at sa sarili mong pinag-ugatan dahil sa
kuwento?

63
Tula
Nagpatuloy noong Panahon ng Hapon ang tulang:

1. matalinghaga;
2. makabayan; at
3. sumusunod sa tradisyonal at modernong anyo.

Ang sumusunod ay tulang lumabas sa Liwayway noong 22 Enero 1944.


Isinulat ito ng isa sa grupo ng mga manunulat na nagpauso ng malayang
taludturan (free verse) sa Pilipinas. Nailalathala rin ang kaniyang mga
maikling kuwento sa mga kalipunan na Mga Piling Katha (1948) at Maiikling
Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1962).

Gabay sa Pagbabasa:

1. Maikli lang ang tula, kaya mahalaga ang bawat salita. Namnamin ang
mga ito.
2. May kakaiba rin sa porma nito.
3. Ano ang damdamin/mensaheng binubuo ng mga salita at ng porma?

Panitikan
Tahimik
Gonzalo K. Flores (1944)

tinitigan
ng palabàng34 buwan
ang kuwago
sa kalansay na kamay
ng punong kapok35

Pagnamnam sa Akda:

1. Ano ang larawang nililikha ng tula? Idrowing.

2. Ano ang pakiramdam na nililikha ng tula? Anong mga salita ang


lumikha nito?

3. Ano ang kapansin-pansin sa porma ng tula? Ano ang naidagdag nito


sa mensahe at pakiramdam ng tula?

4. Bakit gabi ang nakalarawan sa tula? Bakit masasabing “gabi” rin sa


Pilipinas noong panahong iyon?

______________________________________________________________
34 palábà—mabilog na liwanag na nasa paligid ng buwan
35 kapok—bulak

64
5. Ano ang literal na inilalarawan ng “kalansay na kamay?” Bakit angkop din
ang salitang “kalansay” para sa Panahon ng Hapon?

6. Anong klaseng buwan ang tinutukoy ng salitang “palaba?” Ano ang


sinisimbolo ng ganitong klaseng buwan?

7. Puwede ring isipin na ang salitang-ugat ng “palabang” ay “palaban.”


Sinadya kaya ito ng may-akda? Nakatutulong ba sa tula ang posibleng
dalawang kahulugan ng salitang ito?

8. Noong Panahon ng Amerikano, isa sa pinakakilalang tawag sa mgan


mananakop ang “aves de rapiña” o ibong mandaragit (Agoncillo 1977,
298). May kaugnayan kaya ito sa tula? Ipaliwanag ang simbolismong ito
kung Panahong Hapon ang pinag-uusapan.

9. Nagutom ang mga Pilipino noong panahon ng Hapon. Isa sa mga dahilan
ay bulak ang tinanim sa mga dating palayan. Mas kailangan daw ito ng
mga Hapong nakikipaggiyera (Agoncillo 1977, 459). May kaugnayan kaya
ito sa tula?

10. Buwan ang nakatitig sa kuwago, hindi ang mga hayop na dinadagit ng
ibon. Paanong masasabi na panahon ang humahatol sa sitwasyon ng
Pilipinas noong Panahong Hapon? Paano naging pagbabadya ng
mangyayari noong 1945 ang tulang ito na isinulat isang taon bago noon?

11. Sa kasalukuyan, sino ang kuwago, saan ito nakaupo, at ano ang buwan?

Ilang Halimbawa ng Haiku

Noong panahong ito, itinakdang ituro at dakilain ang kultura at wikang Hapon
sa Pilipinas. Bilang epekto nito, nauso rin ang pagsusulat ng haiku—isang
tradisyonal na pormang tula sa bansang Hapon.

Ang haiku ay isang uri ng tulang Hapon na (sa simpleng pakahulugan ay):

1. may 3 linya;
2. 5 pantig ang una at ikatlong linya, samantalang 7 pantig naman ang
pangalawa; at
3. may larawang mula sa kalikasan.

Isa sa mga pinakakilalang halimbawa ay mula kay Matsuo Basho (1686):

furu ike ya
kawazu tobikomu
mizu no oto
old pond . . .
a frog leaps in
water’s sound
(salin ni Higginson 2003)

65
Matandang batis:
may palakang tumalon--
tunog ng tubig.

Pansinin naman ang mga halimbawa mula kay Gonzalo K. Flores mula
sa edisyong Hunyo 1943 ng Liwayway:

Anyaya

Ulilang damo
sa tahimik na ilog.
Halika, sinta.

Talakayan

1. Ano ang sukat ng tula?


2. May tugma ba?
3. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap?
4. Ano ang kaibahan nito sa berso ni Basho?
5. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo?
6. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit?

Tutubi

Hila mo’y tabak ...


ang bulaklak nanginig
sa paglapit mo.
Talakayan

1. Nasunod ba ang sukat ng haiku?


2. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap?
3. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito
sa iyo?
4. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit?
5. Bukod sa insekto, may iba pa kayang posibleng paksa ang tula? Ano?
At ano ang bagong kahulugang nabubuo dahil sa bagong
interpretasyon?
6. Ano ang epekto ng haiku dahil sa ikli nito kung ihahambing sa mas
mahahabang tula?

66
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng


Amerikano

1. Mag-isip ka ng mga kuwento/sitwasyon/larawan ng pag-ibig.


Alin sa mga ito ang posibleng may sinasabi tungkol sa bayan?

Hal. Natalo ko na ang karibal ko sa iyo. Akala ko akin ka na. Iyon pala
gusto mo lang akong gamitin para sa sarili mong hangarin.

2. Puwede rin ang kabaliktaran. Mag-isip ka ng sitwasyon ng bayan.


Paano ito katulad ng isang kuwento ng pag-ibig?

Hal. Ipinaglaban ng mga Pilipino na magkaroon sila ng sariling


gobyerno. Naging malaya na tayong mamahala sa sarili. Pero ang
gobyernong Pilipino mismo ang nanloloko sa taumbayan.

3. Gumawa ng maikling tula tungkol dito. Malaya kang gumamit ng anumang


porma. Maaaring may sukat at tugma tulad ng tradisyonal na tula at awit.
Maaari ding malayang taludturan tulad ng modernistang tula.

Halimbawang tradisyonal:
Mga kamay ko, marumi’t duguan,
Anong tagal kitang ipinaglalaban,
Ngunit nang akalang ika’y akin lamang,
Hangad mo lang pala’y aking kayamanan.

Halimbawang Modernista:
Noong nasa Malate ka pa,
inagaw kita sa kanila.
Hindi ka na babalik, nangako ka,
ako lang ang lagi mong kasama.
Pero bakit halik mo, katumbas ng pera?
Sa regalo ka lang lumiligaya?
Hanggang ngayon ba
isa ka pa ring
kalapating mababa ang lipad?

4. Puwedeng bigkasin sa klase ang naisulat.


Puwede ring ilagay sa isang blog. Puwede ring idaan sa maraming
pagpapakinis—sa tulong ng kaklase, sa tulong ng guro, sa tulong ng
grupo ng mga editor.

67
Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng Hapon

Parehong tungkol sa kalikasan ang mga haiku at ang kuwentong binasa mo.
Nakita mo rin kung paanong may simpleng paglalarawan at mayroon ding
paglalarawan na may ibang kahulugan.

Mag-isip ng isang larawan mula sa kalikasan sa paligid mo o isang eksena sa


probinsiya ng pamilya mo, isang larawang may sinasabi tungkol sa bayang
Pilipinas at ilagay ito sa pormang haiku.

68
Puwedeng may pamagat, pero mas magaling ang wala at buo pa rin.
Halimbawa:

1
Sa Katipunan
sa gilid ng bangketa—
tumubong damo.

2
Alay kong rosas...
mula pa sa halamang
bigay ni nanay.

3
Cellphone—nahulog.
Walang signal sa bundok.
Puso’y tumibok.

Ano ang larawan sa mga halimbawa?


Ano ang posibleng sinasabi ng mga ito tungkol sa bansa?
Puwede mong gamitin ang gabay na ito:

Maaaring kolektahin sa isang kalipunan ang mga tula ng klase (parang sarili
ninyong Liwayway).

Maaari ding samahan pa ng drowing o letrato.

Maaari rin namang gawing poster at ilagay sa paligid ng klase, sa paaralan,


sa Facebook, o sa Instagram.

69
70

You might also like