Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Niyebeng Itim

Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na, ay bilanggo parin ang kaniyang
isip at damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha
siya ng labinglimang litrato kasama si Tiya Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa
kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi ito naaprobahan dahil puno na ang kota. Mayroon na
lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan
kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.

Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng
Li. Yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang
paggalang at pagsunod.

Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan niya para sasakyan ng
kaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng natatanging sasakyan para sa kanyang
paninda na naging sentro ng atensyon dahil ito’y kakaiba.

Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan
niya ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago mag bagong taon. At dahil narin
sa lakas at ingay ng mga paputok ay iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang
mga sandaling kasama pa niya ang kanyang ina.

At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang pwesto niya at nagsimula na
siyang magtinda ng mga damit. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa.
Nakabenta siya ng dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla siya.
At dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng kontrol sa isang bagay at paakiramdam niya ay
makapangyarihan siya.
Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang araw nakapagbenta siya ng
kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog.
Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng
inspirasyon sa kanya.
“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang
ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang
makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas
ka, hindi ba ?” Nag-iisip si Huiquan.
Pambansang Pintor

"Anak," malumanay at wari'y bantulot na wika ng ina kay Fernando. "Kaiiangang


makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Ang iyong tiyo Iamang ang makatutulong sa atin para makapag-
aral ka. Papayag ka ba na tumira sa Tiyo Fabian mo?"

“Opo, Nanay," walang atubiling tugon ni Fernando. "Kayo po ang masusunod; kaya lang
magkakalayo po tayo."

"Hindi bale, Anak, madadalaw naman kita paminsan-minsan," wika ng ina na pilit pinasasaya ang
mukha.

Maglalabindalawang taon na si Fernando Amorsolo nang magsimulang tumira siya sa kanyang


Tiyo. Pinapag-aral siya sa Liceo de Manila. Sa isang paligsahan sa pagguhit, nagkamit siya ng
unang gantimpala at pangatlong gantimpala naman sa aritmetika.

Ang kanyang angking talino sa pagguhit ay lalong naging matibay pagkat sa tuwi na'y namamasid
niya ang mga paraan sa pagguhit ng kanyang Tiyo Fabian na may pangalan na rin sa larangang ito.

Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Pamantasan ng Dilipinas at isa siya sa kauna-unahang nagtapos


ng

sining sa pagguhit noong 1914. Nakita ng isang pilantropo na 51 G. Enriquez Zobel ang
kakayahan ni Fernando sa pagguhit, kung kaya‘t siya‘y pinagkalooban ng libreng pag-aaral sa
Espana.

Ang iba't ibang pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa ay nabuksan sa kanya dahil sa
kaakitakit na mga Iikha niya. Ang karaniwang paksa niya ay ang mga tanawing bukid,
makasaysayang pangyayari at iba't ibang mga larawan ng tao tulad ng isang matanda o mayuming
dalagang nayon.

Kapuri-puri ang kasanayan niya sa pagbibigay pansin sa pinanggalingan ng Iiwanag sa mga


iginuguhit niya. Ito ang dahilan kung bakit naiiba ang kanyang mga Iikha at ipinahayag na siya
ang pintor noong mga pandalampuang taon (1920's) hanggang sa sumunod na mga taon pa.

Naging director siya ng School of Fine Arts ng Pamantasan ng Pilipinas hanggang sa kanyang
pagreretiro noong 1957. Ang kanyang naiwang mga alaa|a na bunga ng sipag at pagtitiyaga ang
siyang susi sa pagiging isang Pambansang Pintor.
Buod ng Bidasari

Note: Ang Bidasari ay isang epiko na sikat sa mga Muslim, ngunit hindi ito orihinal na kanila Ito
ay nagmula sa mga Malay

Sa Kembayat. masaya ang lahat sa balitang nagdadalantao ang sultana, nang biglang sumalakay si
Garuda, Isang higanteng ibon na salot 5a kaharian. Dahil sa takot at pagkakagulo napahiwalay ang
sultan at sultana sa mag tao at inabutan ng panganganak ang sultana sa tabing ilog. Sa
pagmamadali, nawvan nila ang sanggol sa isang bangka Di naglaon ay napulot ni Diyuhara ang
sanggol at iniuwi niya ito sa lndarapura. Pinangalanan niya ang sanggol na Bidasari at Iumaki siya
bilang isang magandang dalaga sa pagmamahal nIla.

Samantala ang selosang sultana ng lndarapura na si Lila Sari ay alalanga-Iala na Iwan siya ng
asawa niyang si sultan Mongindra lnutusan niya ang mga kawal niya na maghanap ng babaeng
mas maganda sakanya. Ang kinuha ng mga kawal ay si Bidasari na sumama sa pag-aakala na
gagawin siyang dama ng sultana. Pinakulong ng sultana si Bidasari, at sa tuwing wala ang sultan
ay pinahihirapan niya ito. Sa sobrang paghIhlrap, sinabi na ni Bidasari kay Lila Sari na kung nais
niyang mamatay na siya, kunin niya ang gintong isda sa hardin ni DIyuhara, isuot ito bilang
kuwintas sa umaga at iballk sa tubig sa gabi. Ginawa ito ni Lila Sari at hinayaan na niyang umuwi
si Bidasari.

Kapag suot ni Lila Sari ang isda, namamatay si Bidasari at binuburol sa isang palasyong pinatayo
ni Diyuhara para sakanya. Kapag binalik naman ni Lila Sari ang isda sa tubig, nabubuhay ulit si
Bidasari.

Hindi nagtagal, natuklasan ito ni sultan Mongindra nang mapadpad siya sa kinalalagyan ni
Bidasari habang siya'y nangangaso. Binalikan niya ito muli ng sumunod na araw at naabutan niya
ang pagbangon ni Bidasari nang gumabi na. Ipinagtapat ni Bidasari ang lahat ng nangyari at dahil
dito, at pati na din sa labis na pagkabighani sa kagandahan ni Bidasari, pinakasalan siya ng sultan
at 5Iyang pinaupo sa tabi ng trono.

Lumipas ang maraming taon at ang isang anak na lalaki ni Diyahara (na akala ni BIdasari ay tunay
niyang kapatid) ay nagtungo sa Kembayat. Nakilala niya Si Sinapati na napuna niyang kamukhan
kamuka ni Bidasan’. Si Sinapati ay_pinasama ng ama niya sa lndarapura para alamin kung si
Bidasan na nga ang nawawala myang

kapatid. Doon, ipinagtapat ni Diyuhara kung saan talaga niya nakuha si Bidasan' at nakumpirma
na nila na 51' Bidasari ay kapatid nga ni

sinapati at isa siyang tunay na prinsesa sa Kembayat.

You might also like