Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 02
Division of Quirino
Distrito ng Nagtipunan
SANGBAY INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


Pangalan:_____________________ Iskor:_________________
Panuto: Itiman ang titik ng iyong sagot.
A B C D

Aytem 1-2.

(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2)

Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya

nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito

siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral

ang mahasikan niya ng karunungan.

O O O O 1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang __________


a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
O O O O 2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan

O O O O 3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.


a. manghikayat b. magpaliwanag c. magbigay-parangal d. magbigay-kaalamaN
Aytem 4-8

Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating


napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga
dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng
mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang
nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at
mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan
ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng
mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong
kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang
hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang
natatanging kasagutan.

O O O O 4. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo


upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal?
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.
O O O O 5. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda?
a. walang masyadong iniisip
b. hindi mapasisinungalingan
c. walang katotohanan
d. hindi angkop sa sitwasyon
O O O O 6. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha sa pahayag?
a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.
O O O O 7. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________.
a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan
b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito
c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan
d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema

O O O O 8. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling
talata?
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.

Aytem 9-

Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner!


Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang
pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas
na ‘yan!
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang
bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh.
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang
buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak
dahil dito.
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor
Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil
marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho.
Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist
na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan!
Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser
sa baga, manalo lang sa eleksyon!
Komentaista 2: Tumpak!

O O O O 9. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?


a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY!
c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill.
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng
sigarilyo.
O O O O 10. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo?
a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak
b. Pagpasa sa Sin Tax Bill
c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill
d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill
O O O O 11. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?
a. Pati na rin b. Dahil dito c. Ayon kay d. Kaya naman
O O O O 12. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano
ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?
a. upang b. dahil sa c. nang sa gayon d. Kung
O O O O 13.. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill.
d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas.
O O O O 14. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?
a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon.
b. Maging malinaw sa pagtatanong.
c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam.
O O O O 15. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?
a. komiks at magasin b. radyo at telebisyon c. pelikula at telebisyon d. aklat at pahayagan
O O O O 16. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan?
a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan.
b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid.
c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito.
d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz.
O O O O 17. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang
ipinahihiwatig na opinyon sa pahayag?
a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko
sa parating na eleksiyon.
c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas.
d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo.
O O O O 18. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________.
a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan
b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila
c. manood palagi ng mga dokumentaryo
d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran
Aytem 19-23

Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap
pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi
maitatangging maging sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang
ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay
hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga magulang. Marami
rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase
kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral.
Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na
paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa
kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilang mga anak.

O O O O 19. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ___________.
a. sanhi at bunga c. paraan at resulta
b.paraan at layunin d. kondisyon at kinalabasan
O O O O 20. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying?
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
O O O O 21. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na
paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na
ipinapahiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi c. paraan + resulta
b. sanhi + bunga d. resulta + paraan
O O O O 22.Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
O O O O 23. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang
panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.
Aytem 24-26

(1) “Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin. Ako’y
wala ginagawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa.
Tama kayo. (2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil
sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang
saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil
may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang
nagbalita sa inyo nito. (4) Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na
taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging
kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na
mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong
paglilinaw ni Mokong Talangka.

O O O O 24. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?


a. 1 c. 3
b. 2 d. 4

O O O O 25.Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________.


a. paghanga c. pag-asam
b. pananabik d. kasiyahan

O O O O 26. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ___________________.


a. manghikayat c. magbigay-parangal
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman
Aytem 27-31
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang
Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan
ang nahuling baboy-ramo...Doon nagwika ang kaniyang Apo Bisen “Hindi na ako bomoto,
sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking
pagkatao”.

Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at


ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga
katagang “Babangon ang
Pilipinas”

O O O O 27. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging nabasa?


a. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas.
b. Ipakita ang kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago.
(Close-Up Shot ng Camera)
c. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging maunlad.
Natapos d. naDarating
ang pagdiriwang...ubos na din
ang panahon na uunlad rinang
angating
inihaing
bansa.baboy-ramo.
O O O O 28. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit?
a. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng pagboto.
b. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat.
c. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan.
d. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa.
O O O O 29. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong pampelikula?
a.pananaliksik c. pag-eedit
b. pagdidisenyo ng produksyon d. lahat ng nabanggit
O O O O 30.Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa?

a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng mga mamamayan.


b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat.
c. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas.
d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila ng kahirapan.

O O O O 31. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga manonood batay sa
bahaging nabasa?
a. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay.
b. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat.
c. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo.
d. Nakasulat sa likuran ng mga bata ang katagang Babangon ang Pilipinas

II. Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang.

___________32. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
___________33. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita.
___________34. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
___________35. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw- araw na usapan.
___________36. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo
upang maiakma sa paggamit.
III. Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat bilang.
37.Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan.
D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _

38. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak.
S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.

39. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo
ng mga tauhan at artista.
I___I_

40. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng Indie Films.


**************************************************************************************************
Inihanda ni:
Sinang-ayunan ni:
BERNADITH M. BABALO
Guro sa Filipino PETER J. PATRICIO
Punong-guro
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 02
Division of Quirino
Distrito ng Nagtipunan
SANGBAY INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


Pangalan:_____________________ Iskor:_________________
Panuto: Itiman ang titik ng iyong sagot.
A B C D
O O O O 1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng
pangunahing tauhan. Inilalarawan din ang kaniyang pakikipagsapalarang
pinagdaanan at binibigyang diin ang katangiang supernatural ng tauhan.Nagtataglay
siya ng pambihirang lakas hindi kapanipaniwala.
a. elehiya b. awit c. epiko d. tanaga
O O O O 2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing
gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang
pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A. pabula b. anekdota c. parabula d. talambuhay
O O O O 3. “Nagtanong ang pulis kung sino ang kumakatok at sinabi ng babae na iyon ang
kanyang asawa.”Alin ang pandiwang ginamit na nasa aspektong imperpektibo?
a. nagtanong b. sinabi c. kumakatok d. ginamit
O O O O 4. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.
a. pandamdamin b. pasalaysay c. tulang dula d. patnigan
O O O O 5. “ Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___.
a. nakikiusap b. nagmamakaawa c. nag-uutos d. nagpapaunawa
O O O O 6. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.
“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana.
Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay
nangangahulugang ________.
a. Natatakot
b. Mahal ang kanyang asawa
c. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto
d. Naniniwala sa milagro
O O O O 7. Ang pahayag na, “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay
nangangahulugang ________.
a. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. lahat ay may pantay- pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
c. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
d. mahalaga ang oras sa paggawa.
O O O O 8. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ito ay isang
_______.
a. pangangatuwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan
O O O O 9. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang
pangaral ng kaniyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang
B. Habang may buhay, magpakasaya ka
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak
D. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
O O O O 10. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit
naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa mga huling
dumating na isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
a. tatanggapin ang ibinigay na upa
b. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa
c. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
d. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
O O O O 11. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang?
a. magiging sikat sa pamayanan
b. bibigyan ng medalya ng pagkilala
c. mapapaabuti ang buhay
d. hindi masasangkot sa anumang kapahamakan
O O O O 12. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano
ang nais ipahiwatig nito?
a. huwag pakialaman ang buhay ng iba
b. huwag magtitiwala sa iba
c. huwag sasama sa hindi kauri
d. iwasan ang pakikipagkaibigan
O O O O 13. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.” Ang
unang linya ng tula ay nagpapahiwatig ng____
a. pag-iisa c. pagpanaw ng isang tao
b. paglubog ng araw d. panibagong araw na darating
Basahin at unawain ang kasunod na teksto.
May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa ba ng tao o pantulong sa ating
pangangailangan ang enerhiya? Napakalaki ng maitutulong ng agham at teknolohiya sa pagkakaroon ng
maunlad na pamumuhay kung magagamit ito sa mabuting kaparaanan na may maganda at makataong
hangarin. Hindi lamang ang pag-unlad na pisikal ang mahalaga kundi pagsasaalang-alang ng sosyal na
kalagayan ng tao kaalinsabay ng mga teknolohiyang dumarating. Sa hangaring mabuti, ang agham at
teknolohiya ay ilaw na magbibigay- liwanag at nag-uugnay sa lahat ng mga bansa sa mundo.

O O O O 15. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


a. nagsasalaysay b. naglalarawan c. naglalahad d. nangangatuwiran
O O O O 16. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
a. enerhiyang nukleyar c. pisikal na pag-unlad
b. pumupuksa ng tao d. makataong hangarin
O O O O 17. Ano ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa atin ayon sa teksto?
a. naging makabago tayo c. maunlad na pamumuhay
b. bumubuti ang serbisyo d. nag-uugnay sa mga bansa sa mundo
O O O O 18. Bukod sa pag-unlad na pisikal, ano pa ang dapat isaalang-alang?
A. sosyal na kalagayan ng tao C. emosyonal na kalagayan ng tao
B. moral na aspekto ng tao D. pinansiyal na kalagayan ng tao
O O O O 19. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang
“bihagin”?
a. ikulong b. bitagin c. hulihin d. akitin
O O O O 20. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang
paratang?
a. bintang b. maltrato c. akala d. palagay
O O O O 21. “Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng higante.” Ano ang kahulugan
ng salitang nahagip?
a. nasagasaan b. natamaan c. nadaplisan d. nasugatan
O O O O 22. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan. Ang salitang
nakumbinsi ay nangangahulugang ____.
a. napaniwala b. napasunod c. napasubaybay d. napapayag
O O O O 23. Ang ebidensiyang inihain laban sa kanya ay walang bisa. Ang salitang ebidensiya
ay nangangahulugang ____.
a. papeles b. patunay c. paratang d. paniwala
O O O O 24. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Ang salitang masaklap ay
nangangahulugang______.
a. hindi malilimutan b. masama c. hindi maganda d. kawalang pag-asa
O O O O 25. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin ng
lumisan ay_________.
a. lumayo b. lumikas c. humiwalay d. umalis
O O O O 26. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin
ng upa ay _____.
a. pautang b. bayarin c. utang d. kaukulang bayad sa paggawa
O O O O 27. Sanlibong punglo ang naubos sa kaniyang pakikipagbakbakan. Ang ibig sabihin ng
punglo ay______.
a. bala b. pera c. itak d. baril
O O O O 28. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng
nagsasalita?
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magturo d. mang-aliw
O O O O 29. “ Sa mga taong naghahasik ng kaguluhan, lumiliit na ang inyong mundo at may
kalalagyan kayo.” Ano ang damdamin ng nagsasalita?
a. naiinis b. nagagalit c. nalulungkot d. nalulumbay
O O O O 30. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “ Banal na araw noon sa Herusalem”.
a. Pista ng Pangilin c. Araw ng mga Santo
b. Mahal na Araw d. Pasko
O O O O 31. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo
rito na detalyeng pangungusap?
A. Iwasan ang masamang bisyo
B. Ingatan natin ang ating kalusugan
C. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay
D. Lahat ay tama
O O O O 32. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni
na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay.
a. pasalaysay b. pangkalikasan c. elehiya d.tulang oda
O O O O 33. Elemento ng sanaysay na pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan
itong sumasagot sa tanong na "tungkol saan ang akda?" Ito ang pinakapayak na
antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang sentro ng ideya ng buong akda.
a. tono b.paksa c.kaisipan d.ideya
O O O O 34. Ito ay ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga espesipikong
wika na ginamit ng may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa.
a. tono b.kaisipan c. paksa d.ideya
O O O O 35. Nakapaloob dito ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, ditto
umiinog ang malilit na himaymay ng akda. Maaaring ito ay hindi tuwirang
binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda para mailahad ito.
a. tono b.kaisipan c. paksa d.ideya
Para sa Blg. 36-37
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang kong likmuan sa pagsusulat. Sa
gilid ng isang mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga
kakailanganing gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ng aking sarili isang gabing hindi ako
makatulog.Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit wala namang masabing may
. masamang namumuong panahon. Wala namang mapakinggang anunsyo sa telebisyon o
radio.Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha
habang pinanonood ko si Ishaan.Siya ang bida sa aking puso… at si titser…Napukaw agad ang
aking interes sa pinanonood kong pelikula. Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako
habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro.
Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang
O O O O 36 . Anong uri ito ng teksto?
a. Nagsasaysay b.naglalarawan c. naglalahad d. nangangatuwiran
O O O O 37. Ano ang tono ng teksto?
a. naiinis b. nagagalit c. nakauunawa d. nahahabag
O O O O 38. Ang Talinghaga Tungkol sa May –ari ng Ubasan ay nagmula sa Bagong Tipan ng
Bibliya. Ito ay mula sa Ebanghelyo ni:
a. Mateo 20: 1-16 b. Lucas 15:11 c. Juan 14:6 d. Mateo 21:1-15
O O O O 39. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng
Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” Ito ay
hinango sa parabola ng:
a. Parabula ng Banga c. Parabula ng Isang Lapis
b. Talinhaga ng Butil ng Mustasa d. Alibughang Anak
O O O O 40.. Lalong maunlad ang ang Saudi Arabya sa India. Ang salitang lalo ay salitang
naghahambing sa paraang:
a. magkatulad b. komparatibo c. palamang d. pahambing
O O O O 41. Ito ay pagbibigay- kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
A.pagpapakahulugang semantika
B. pagpapakahulugang gramatika
C.pagpapakahulugang retorika
D.pagpapakahulugang ponemiko
Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3 para
sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi, at 1 sa di-masidhi.
___ pagkamuhi __ nasisiyahan __ pangamba __suklam __ sigaw
___ pagkasuklam __ natutuwa __ kaba __ yamot __ bulong
___ pagkagalit __ masaya __ takot __inis __ hiyaw

**************************************************************************************************
Inihanda ni:
Sinang-ayunan ni:
BERNADITH M. BABALO
Guro sa Filipino PETER J. PATRICIO
Punong-guro
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 02
Division of Quirino
Distrito ng Nagtipunan
SANGBAY INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IV


Pangalan:_____________________ Iskor:_________________
Panuto: Itiman ang titik ng iyong sagot.
Aytem 1-6. Basahing mabuti ang talataan. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan

Happy Together
Mabuting pagkakaibigan ang paksa ng pelikulang Happy Together. Matalik na magkaibigan
sina Lian; hiwalay sa asawa’t may dalawang anak sa magkaibang lalake at Osmond na isang bakla.
Ideyal ang kanilang pagkakaibigan kahit paminsan-minsa’y nagkakaroon sila ng tampuhan. Sa mga
problemang pinansyal ni Osmond, si Lian ang lagging tumutulong sa kanya sapagkat higit na
nakaririwasa siya sa buhay. Nagkahiwalay silang magkaibigan nang magpasya si Lian na manirahan
sa ibang bansa kasama ang dalawang anak.
Nang magbalik sa bansa si Lian, nalaman niyang may-sakit si Osmond. Siya angnag-alaga sa
kaibigan. Ibinuhos niya ang panahon sa pag-aasikaso sa may sakit hanggang sa ito’y mamatay.
Nangtumanggap ng parangal si Lian dahil sa matagumpay nitong negosyo, si Osmond ang taong
kanyang pinaghandugan ng karangalang nakamit.
Kapuri-puri ang pagganap ng mga tauhang sina Kris Aquino at Eric Quizon. Si Kris bilang
mayaman ay talaga namang dalang-dala ang papel na ginagampanan. Mula sa pag-aayos, pagsasalita
at pananamit, kahit di yata umarte ay iyon na talaga ang kanyang personalidad. Si Eric naman bilang
bakla, kuhang-kuha ang mga kilos at pananalita ng isang tunay na bakla. Tilamsik ng mga daliri,
kembot ng baywang, ekspresyon ng mukha ang agad na tatatak sa iyong isipan, siya na yata ang tunay
na tauhan.
Tama lamang ang dilim at liwanag ng mga ilaw. Umayon ito sa mga eksenang kailangan nang
madilim na mga tagpong malulungkot at maliwanag sa mga tagpong masasaya.
Naging matagumpay ang pagkakabuo ng pelikula sapagkat natutukan ang bawat bahagi mula
sa maliliit hanggang mabibigat na eksena.
A B C D
O O O O 1. Matapos mabasa ang kuwento, nakadama ka ng
a. pagkaawa b. paghanga c. pagkainggit d. pag-iimbot
O O O O 2. Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula samakatuwid, ito ay masasabing
a. talambuhay b. replica c. kathang-buhay d. makatotohanan
O O O O 3. Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe ng pelikula dahil sa
a. maigsing pagpapaliwanag ng mga detalye
b. maayos na pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan
c. detalyado ang mga pangyayari
d. mahabang pagpapaliwanag ng mg konsepto
O O O O 4. Sa kabuuan, ang mensahe ng pelikula ay tungkol sa
a. pagpapakasakit sa kapwa c. pagiging tapat na kaibigan
b. pagtulong sa iba d. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
O O O O 5. Kung ibubuod ang ika-2 talata, ang pinakamalapit ay
a. Inalagaan ni Lian si Osmond nang magkasakit ang kaibigan. Inihandog niya ang
karangalang natanggap sa alaala ng yumaong si Osmond.
b. Nagbalik si Lian sa Pilipinas upang alagaan ang may-sakit na kaibigan. Hindi niya ito
iniwan hanggang sa mamatay. Inihandog niya ang karangalang nakamit sa kaibigan
upang maipakita ag taos-puso niyang pagmamahal.
c. Bumalik sa Pilipinas si Lian. Sa habag sa kaibigang may-sakit na si Osmond, hindi
niya ito iniwan. Namatay si Osmond na maligaya. At nang tumanggap ng karangalan
si Lian, inihandog niya ito sa kaibigang si Osmond.
d. Namatay si Osmond kaya nang parangalan si Lian, ang parangal ay inihandog niya sa
kaibigang si Osmond.
O O O O 6. Batay sa pagkakabuod ng istorya, masasabing ang manonood ng pelikulang Happy Together
ay
a. mamamangha b. matutulala c. masisiyahan d. malilinawan
O O O O 7. Sa kanya nakasalalay ang kabuuan ng pelikula. Siya ang nakaaalam kung paano patatakbuhin
ang istorya at pakikilusin ang mga artista.
a. prodyuser b. manunulat c. artista d. direktor
O O O O 8. Tawag sa mga kagamitan, kasuotan at background ng pelikula
a. desenyong pamproduksyon b. editing c. props d. iskrip
O O O O 9. Binubuhay nito ang eksenang malulungkot at masasaya. Ito ang dahilan kung bakit
naaapektuhan ang manonood ng pelikula
a. musika b. tunog c. diyalogo d. tono
O O O O 10. Karaniwan nang naaapektuhan ng mga pandramang pelikula ang bisang
a. pangkaisipan b. pandamdamin c. pangkaasalan d. pangangatwiran
O O O O 11. Masasabing mabisa ang isang pelikula kung
a. natuwa ang mga manonood
b. naantig ang damdamin ng mga manonood
c. maganda ang istorya ng pelikula
d. malinaw na naipahatid ang mesaheng nais sabihin
O O O O 12. Maganda ang mga pelikulang nagtatampok sa magagandang tanawin at kultura ng ating
bansa. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na binaggit?
a. Hindi mauubusan ng paksa ang mga manunulat
b. Higit itong nauunawaan ng manonood
c. Napupukaw nito ang damdaming makabayan ng manonood
d. Ibang-iba ang ating kultura

O O O O 13. Nilalayon ng pelikulang ipabatid sa mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaisa. Ang


pahayag na maaaring idugtong dito ay
a. upang matuto silang makibagay sa isa’t isa
b. at pagtutulungan sa pagtatamo ng minimithing tagumpay
c. sapagkat wala nang inisip ang tao kundi ang kapakinabangang pansarili
d. dahil sa napag-iiwanan na ang bansa sa di-pagkakasundu-sundo
O O O O 14. Ang unang dapat isulat sa suring-pelikula ay
a. may-akda b. prodyuser c. pamagat d. artista
O O O O 15. Pagkatapos banggitin ang paksa, dapat na isunod ang pagsulat ng
a. kaisipan b. buod c. layunin d. dahilan
O O O O 16. Ang huling talata sa suring-pelikula ay tungkol sa
a. aral / mensahe b. paglalagom c. kongklusyon d. paglalahat
Aytem 17-23

Mumbaki
Buong ningning na naipakita sa pelikula ang kagandahang taglay ng mgakatutubong ritwal ng
mga Ifugao. Ang mga ritwal na kanilang isinasagawa upangmakipag-usap sa kanilang mga ninuno at
anito ay animo mga buhay na larawangnaikulong sa malaking telon. Ang pelikula sa biglang tingin ay
tila isang paglalahad ngpaghihiganti subalit sa isang masusing pagtingin ay makikita ang pusong may
taglay na pakikipagkapatiran. Bagamat nagawan ng kalapastanganan ay patuloy pa ringtinulungan ni
Joseph ang kanyang mga kalaban. Naipakita ito nang sunduin ng mgakaaway si Joseph upang gamutin
ang kanilang mga kababayang biktima ng isangepidemya. Naipakita rin ito nang bigyan ni Joseph ng
mga gamot ang kanyang kaibigang duktor upang gamutin sa pagsugpo sa epidemyang kumakalat sa
tribung pumatay sa kanyang ama at kapatid.
Malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa. Ang tungkuling sinumpaan ng
isang tao, partikular ng isang duktor, ay di-dapat matalo ng mga pansariling kagustuhan. Mahusay ang
pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula. Magkagayon man, lutang na lutang ang kahusayan ni Joel
Torre bilang isang duktor na dumanas ng malaking kabiguan dala ng kawalan ng suporta ng
pamahalaan. Bagamat kakaunti lamang ang kanyang eksena, nagpakita rin ng kahusayan sa pagganap
bilang dalagang katutubo si Angel Aquino. Konsistent din ang ipinakitang pagganap ni Raymart
Santiago bilang isang duktor na nalito sa pagitan ng katapatan sa kanyang lahi at sa kanyang propesyon.
Magaling ang pagkakasulat ng iskrip. Lutang na lutang ang mga pagpapatotoong may kinalaman
Buhay na kaugalian
sa matatandang buhay angngpelikula.
ating mgaWala ang sa
kapatid mahahabang
kabundukan. dayalog na animo’yinilahad
Ang kasaysayang nangangaral. Maraming
ng malalim
eksenang buhay na
na pananaliksik at buhay na naipakita partikular yaong tagpo sa patay. Tunay na nakatulong nang malaki
pag-iisip.
Buhay
ang na buhay
lamyos ang pelikula.
ng musika upang Wala
magingang madula
mahahabang dayalogtagpo.
ang bawat na animo’y
Ang kulay ay angkop na angkop sa
kapaligirang
nangangaral. kinunan
Maraming ng kamera upang
eksenang maipakita
buhay na buhaysa na
telon bagama’t
naipakita hindi rin
partikular maiwasan
yaong tagpo ang pagkakaroon ng
larawang
sa patay.kulang
Tunaysanailaw.
nakatulong nang malaki ang lamyos ng musika upang maging
madula Saang
kabuuan,
bawat ang pelikulang
tagpo. Ang kulayMumbaki ay isang
ay angkop napakagandang
na angkop pelikula.
sa kapaligirang Sa pamamagitan
kinunan ng ng
kamera upang maipakita sa telon bagama’t hindi rin maiwasan ang pagkakaroon ng
pelikulang ito ay lalo lamang nating hahangaan ang ating mga ninuno na may sariling kakanyahan bilang
isang lahi. kulang sa ilaw.
larawang
Sa kabuuan, ang pelikulang Mumbaki ay isang napakagandang pelikula. Sa Hango sa “komposiyon…
pamamagitan ng pelikulang ito ay lalo lamang nating hahangaan ang ating mga ninuno Sumulat ka” ni:
na may sariling kakanyahan bilang isang lahi. Arturo S. Cabuhat
Hango sa “komposiyon…
Sumulat ka” ni:
O Arturo
O O S.OCabuhat17. Ang paksa ng pelikulang Mumbaki ay
a. katutubong ritwal ng mga Ifugao
b. pakikipag-usap sa mga ninuno at anito
c. kagandahang taglay ng mga Ifugao
d. paghihiganti sa kalabang tribu
O O O O 18. “Bagama’t nagawan ng kalapastanganan ay patuloy pa ring tinulungan ni Joseph ang
kanyang mga kalaban.” Ang pahayag ay nagpapatunay na si Joseph ay
a. di-mapagtanim sa kapwa c. maaasahan sa gawain
b. walang kinatatakutan d. takot sa kalaban
O O O O 19. Ang ikatlong talata ay nagsasaad ng
a. pagpaparangal sa mga artista
b. pagpuri sa mga artistang nagsiganap
c. paglalahad ng papel ng tauhan
d. paglalarawan sa mga artista
O O O O 20. Ang ikalawang pangungusap sa ikalimang talata ay tungkol sa
a. direksyon b. sinematograpiya c. editing d. tunog
O O O O 21. Ang huling pangungusap sa ikalimang talata ay tungkol sa
a. paglalagay ng tunog c. desenyong pamproduksyon
b. paglalapat ng musika d. sinematograpiya
O O O O 22. Ang huling talata ay nagpapahayag ng
a. paglalahat b. kongklusyon c. pagbubuod d. hinuha
O O O O 23. Ang mga salitang “malakas, mahusay, magaling , buhay na buhay” na ginamit sa pagsusuri
ng pelikula ay masasabing
a. walang katiyakan b. ekspresyon c. positibo d. payak
Aytem 24-27
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang
bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo, doon sa tabi ng
gulod. Ilan sa taga nayon na nakatanda sa sakiting bata’y dumating upang makiramay. Sa ama na buong
araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay, dahil alam nilang nawalan ito
ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang ibang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-
kawasa, puno ng awa sa sarili; ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na
noon di’y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng
kagandahang loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti
nitong iabot ito sa asawa ng lalaki imbes na sa lalaki mismo). Nang Makita niya ang dati niyang amo at
marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay
napaiyak at kinakailangan uling libangin.
O O O O 24. Malinaw na ipinakita sa akda ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Alin sa mga
sumusunod ang may ganitong kaisipan?
a. Nakiramay at nag-abuloy ang mga taganayon.
b. Napaiyak ang lalaki nang marinig ang sinabi ng amo.
c. Iniabot ng babae ang abuloy sa asawa ng lalaki sa halip na sa lalaki mismo.
d. Madaling nakarating ang balita sa kanyang among may matigas na loob, bagamat
mabait naman.
O O O O 25. Hindi man tahasang humingi ng tawad ang ama sa nagawang pagkakamali, ipinapakita naman
ang kanyang pagsisisi sa pamamagitan ng ________.
a. Pagdarasal b. Paghagulgol c. Pagmumukmok d. Pananahimik
O O O O 26. Ikinamatay ng anak ang labis na pambubugbog ng ama. Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing
paalala sa lahat ng magulang. Ito ay _______.
a. Pagtuturo b. Nagbabanta c. Nangangatwiran d. Nagbibigay-aliw
O O O O 27. Ang “Ama” ay maikling kuwentong Singaporean. Ang paksang diwang nakapaloob dito ay
makatotohanan saan mang panig ng mundo. Ito ay tungkol sa ________.
a. Pagtupad sa tungkulin c. Paggalang sa karapatan ng iba
b. Pagmamahal ng magulang sa anak d. Pagsasaalang-alang sa damdamin ng kapwa
Panuto: Itiman ang letra ng kahulugang napapaloob sa pahayag sa bawat bilang.
O O O O 28. Takot ang kambal na hipuin ang laman ng supot nang walang ano mang senyas mula sa
ama.
a. Hindi gumagalaw ang kambal ng ano mang dala ng ama kung walang pahintulot ito.
b. May disiplina ang kambal
c. Takot sa ama ang kambal
d. Lahat ng nabanggit
O O O O 29. Sinuntok ng ama si Mui Mui at ito’y nawalan ng ulirat. Nahimasmasan naman ito ng ina
sa pamamagitan ng malamig na tubig, subalit pagkaraan ng dalawang araw, namatay ito.
Ang ikinamatay ni Mui Mui ay ____
a. malamig na tubig. c. suntok ng ama
b. himas ng ina d. lahat ng nabanggit
Isulat ang refleksyon sa lipunan ng mga sumusunod na pangyayari. Titik lamang ng tamang sagot ang
itiman.
O O O O 30. Kahit buntis ay kinarga ni Lian-Chiao sa pingga ang dalawang balde ng tubig pauwi. Ang
lipunang kinabibilangan ni Lian-Chiao ay walang _____
a. katarungan b. kaunlaran c. kagandahan d. kapayapaan
O O O O 31. Si Li Hua, ang asawa ni Lian-Chiao ay larawan ng tunay na manghihitit ng opyo.
Namamayani sa lipunan ang _____
a. bisyo b. trabaho c. edukasyon d. lahat ng nabanggit
Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay pahiwatig sa nais ipakahulugan ng bawat pangungusap.
O O O O 32. Matapos maglaba nang napakaraming damit sandaling napapikit si Lian-chiao,
naramdaman niyang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya. Si Lian-chiao ay;
a. inaantok b. nagugutom c. nahihilo d. napapagod
O O O O 33. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan! Ang taas na ng naaakyat mo, ha?
Gusto mo na bang dalawin ang hari ng kadiliman?
Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kay Ah Yue?
a. Mahulog at mapilayan.
b. Madapa at mapaupo.
c. Mahulog, mamatay at mapunta sa impiyerno.
d. Mahulog, mamatay at mapunta sa langit.
O O O O 34. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-
chiao, naglalakbay ang kanyang isip.
Ano ang nangyayari kay Lian-chiao?
a. nag-iisip nang malalim c. natatakot sa paligid
b. hindi makatulog d. lahat ng nabanggit
O O O O 35. Parang hiniwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya.
Ano ang nararamdaman ni Lian-chiao?
a. nahihilo b. nasasaktan c. nagugutom d. lahat ng nabanggit
O O O O 36. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa ng madyong. Ang mga tunog ng pitsa ay;
a. nagdulot ng ingay sa paligid
b. tahimik ang gabi
c. tulog na ang mga ito
Itiman ang letra ng kahulugang napapaloob sa bawat pahayag sa bawat bilang.
O O O O 37. Bagamat batang-bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng mabibigat na bagay at gumagawa
ng mga trabahong para lamang sa mga matatanda.
a. Si Ah Yue ay matulungin sa pamilya.
b. Gusto ni Ah Yue na magtrabaho ng para sa matatanda.
c. Takot lamang si Ah Yue na mapalo.
d. Lahat ng nabanggit.
O O O O 38. Isa man sa mga perang abuloy ay hindi niya gagastahin sa alak.
a. iipunin b. itatago c. titipirin d. lahat ng nabanggit
O O O O 39 . Ang renta ng kotse na gagamitin sa pagdadala kay Lian-chiao sa ospital ay
dalawang dolyar tuwing isang oras at doble naman kung sa gabi.
a. Ang lipunan ay puno ng bisyo.
b. Ang lipunan ay abala sa iba’t ibang gawain.
c. Ang lipunan ay binubuo ng mga taong walang pagpapahalga sa kapwa.
d.Namamayani sa lipunan ang pagpapahalaga sa pera at materyal na bagay.
Aytem 40-45.

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot ay sa isang lasing na suntok sa bibig at ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y iniuuwi
ng ama na malaking supot ng mainit na pansit. Ngunit isa o dalawang okasyon lamang iyon na
O O O O 40. Ang unang pangungusap sa unang talata ay
a. Ang ama ay pinanabikan ng mga anak
b. Laging may takot ang mga anak sa aman
c. walang katiyakan ang pananakit ng ama
d. aping-api ang mga anak sa ama
O O O O 41Ang pahayag na “ umuwi ang amang masamang-masama ang timpla ay nangangahulugang
a. Masakit ang ulo c. masama ang katawan
b. Wala sa kondisyon d. may karamdaman
O O O O 42. Ang akda ay gumamit ng
a. Maraming talinghaga c. maliligoy na mga salita
b. Payak na salita d. maraming simbolismo
O O O O 43. Ang nagsasalita sa akda ay________________.
a. Nangangaral c. nagkukuwento
b. nagpapaliwanag d. nakikipagtalo
O O O O 44. Ang tauhang bilog sa kwento ay _________________.
a. Ina b. Mui-mui c. ama d. Kapitbahay
O O O O 45. Ang yamang dala ng ama’y ipinatong sa mesa. Ang may salungguhit ay sumisimbolo sa ___________.
a. Alahas b. pera c. pansit d. Damit
**************************************************************************************************
Inihanda ni:
Sinang-ayunan ni:
BERNADITH M. BABALO
Guro sa Filipino ELEAZAR G. TESORIO
Punong-guro
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 02
Division of Quirino
Distrito ng Nagtipunan
DISIMUNGAL INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV


Pangalan:_____________________ Iskor:_________________

A. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi.
_____1. Ang pagiging dalaga ay minsan lang dumarating sa babae, kaya ang puri ay pinahahalagahan.
_____2. Magpaalam sa magulang tungkol sa panahon kung kalian maaaring manligaw o ligawan.
_____3. Ang panonood ng X-rated na pelikula ay natural lang sa mga tinedyer.
_____4. Magkaroon ng limitasyon sa mga lugar na papasyalan kung may kasama na nasa katapat na
kasarian.
_____5. Ang disco ay para sa lahat ng nais magsayaw kaya maaari kang makisayaw sa kahit na sino na
nasa sayawan.
_____6. Karaniwan na sa mga tinedyer na tumakas sa bahay kung hindi sila pinayagang sumama sa
kanilang kabarkada.
_____7. Ang pagsasabi ng totoo sa kapwa ay maaaring ikagalit niya subalit dapat pa rin itong gawin.
_____8. Ang pag-aasawa ay nasa takdang panahon kaya kung tinedyer ka at nabuntis ay maaaring
masira ang iyong kinabukasan.
_____9. Marami ang gumagawa ng mali sa ating paligid kaya kung gumawa na man ng hindi tama
ngayon, hindi na ito mapapansin.
_____10. Kung husto lamang ang iyong pamasahe at nakasakay mo ang iyong boss, huwag mahiyang
magbayad para sa iyong sarili lamang.
B. Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang titik na may tamang sagot.
_____11. Tumunog ng malakas ang cellphone ni Ana habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang
pari. Nagtinginan ang mga tao at napahiya si Ana. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang
hindi tama?
a. Ang partikular na kilos o gawain
b. Ang layunin o intensyon ng kilos
c. Ang sitwasyon o kondisyon
_____12. Nagugutom na si Luisa kaya nang makita niyang may pagkain sa mesa kinain niya ito kahit
alam niyang hindi ito sa kanya. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama?
a. Ang partikular na kilos o gawain
b. Ang layunin o intensyon ng kilos
c. Ang sitwasyon o kondisyon
_____13. Gusto ni Mario na makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit kaya habang wala ang guro ay
tiningnan niya ang susi sa pagwawasto na nasa ibabaw ng mesa ng kanyang guro. Anong
bahagi ng moralidad ng kilos ang hindi tama?
a. Ang partikular na kilos o gawain
b. Ang layunin o intensyon ng kilos
c. Ang sitwasyon o kondisyon
_____14. Nakita ni Paula na dumarating ang pinagkakautangan ng kanyang nanay kaya nagmamadali
niyang isinara ang lahat ng bintana at pinto ng kanilang bahay. Anong bahagi ng moralidad ng
kilos ang hindi tama?
a. Ang partikular na kilos o gawain
b. Ang layunin o intensyon ng kilos
c. Ang sitwasyon o kondisyon
_____15. Nais ni Diana na manalo sa paligsahan sa pag-awit kaya kinausap niya ang isa sa mga
magiging hurado upang masigurong mananalo siya. Anong bahagi ng moralidad ng kilos ang
hindi tama?
a. Ang partikular na kilos o gawain
b. Ang layunin o intensyon ng kilos
c. Ang sitwasyon o kondisyon
Tukuyin kung anong prinsipyo ng pagsagip sa kalikasan ang tinutukoy ng mga pahayag.
16. Ang Diyos ang maylikha ng lahat ng bagay. Siya ang pasimula ang lahat.

17 Ikaw ay bahagi ng hindi mapapatid na pagkakaugnay na ito. Kapag ginalaw mo ang isang
bagay, ang lahat ng nakakabit dito ay maaapektuhan.

18. Mula sa habilin ng Diyos kina Adan at Eba, ang tao ay katiwala ng Diyos sa kanyang mga nilikha.
Siya ang may kakayahan, isip at kaloban na gawin ang gawain.
19. Ang lahat ng uri ng naninirahan dito ay kailangang manatili sa sapat na antas ng pamumuhay at
pagpaparami.

20. Ang konserbasyon at tamang pamamalakad ng pinagkukunang yaman ay dapat pagtuunan ng pansin
at pagpapahalaga.

Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa Hanay B.


Hanay A Hanay B
_____21. Piling pagputol ng mga puno A. Total log ban
_____22. Pangkalahatang pag-iinit ng temperatura B. Environmentalist
ng mundo C. Selective Log ban
_____23. Pagiging mapagmahal sa bayan D. Global Warming
_____24. Lubusang pagtigil sa pagputol ng puno E. Reforestration
_____25. Ipinagbabawal ang pangingisda F. Erosion
_____26. Dito nangingitlog ang mga isda G. Ozone Layer
_____27. Pagguho ng lupa H. Coral reef
_____28. Sanhi ng pagkasira ng kalikasan I. Kasakiman
_____29. Muling pagtatanim ng mga puno J. Naturalist
_____30. Pananggalang ng daigdig sa K. Dynamite Fishing
Ultraviolet rays
**************************************************************************************************
Inihanda ni:
Sinang-ayunan ni:
BERNADITH M. BABALO
Guro sa EP PETER J. PATRICIO
Punong-guro
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 02
Division of Quirino
Distrito ng Nagtipunan
DISIMUNGAL INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan:_____________________ Iskor:_________________
A. Tukuyin kung sino ang nagsasalita sa bawat bahagi at ibigay rin ang katangiang taglay nito saka mo
patunayan.(3pts each)

Bahagi ng Akda Posibleng Nagsasalita at Katangian Niya Patunay


“Senyorito, ipinatatanong ni
Senyorita kung ano ang ulam
natin ngayon...”
“E, Pa, uso kasi ang braces
ngayon e, gusto ko lang
maging ‘in’...”

“Gusto ng anak kong magpalagay


ng braces kahit walang
sungki ang ngipin n’ya...”

“Puro utang na tapos maghohost


pa sa Miss Universe!!!”

“Baliktad ano? Dapat,’We are a


poor country pretending
to be rich.”

“Sa Tagalog, Hindi bale nang


magutom, basta’t makaporma
lang. Pwe!”

Aytem 18-22 Sa anong pamagat ng komiks hango ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng iyong
sagot.
a. Braces
b. The gwapigs
c. pimple

_____18. “Senyorito, ipinatatanong ni Senyorita kung ano ang ulam natin ngayon...”
_____19. “E, Pa, uso kasi ang braces ngayon e, gusto ko lang maging ‘in’...”
_____20. “Gusto ng anak kong magpalagay ng braces kahit walang sungki ang ngipin n’ya...”
_____21. “Puro utang na tapos maghohost pa sa Miss Universe!!!”
_____22. “Baliktad ano? Dapat,’We are a poor country pretending to be rich.”
_____23. “Sa Tagalog, Hindi bale nang magutom, basta’t makaporma lang. Pwe!”
Aytem 23-32. Ibigay ang bagong salitang mabubuo.
23. mang+ bilog=
24. mang+ daya=
25. pang+laba=
26. pang+regalo=
27. araw+araw=
28. pang+palo=
29. labing+isa=
30. pang+linis=
31. pang+bahay=
32. pang+takip=

Aytem 33-44 Piliin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A titik lamang ang isulat.
Hanay A Hanay B
_____33. syntax a. pagkakaayos ng salita sa loob ng pangungusap
_____34. articulate b. pagiging matatas sa paggamit ng wika
_____35. sensibility c. bilis o talas ng kamalayan
_____36. superficial d. pakunwari lamang
_____37. intellectual e. taong matalino
_____38. sarcastic f. nanunuyang pahayag
_____39. profound g. mayroong malalim at dakilang kaalaman, kung sa tao;
bagay na nangangailangan ng malalim na pag-aaral,
kung sa ideya o konsepto
_____40. unawa h. pag-intindi
_____41. matatas i. mahusay sa paggamit ng wika
_____42. malimit j. hindi madalas, minsan
_____43. hangad k. kagustuhan
_____44. nagsisikap l. nagsisipag
**************************************************************************************************
Inihanda ni:
Sinang-ayunan ni:
BERNADITH M. BABALO
Guro sa Filipino PETER J. PATRICIO
Punong-guro

You might also like