Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Inaalay ko ang tulang ito sa mga taong gusto ng magpa-alam, magpa-alam sa mga larong

pambata. Gusto ng magpa-alam sa mundo ng friendzone, larong pambata friendzone anong


connect nun. Yan yung dahilan kung bakit isa pang sangkap ng aking tula. Mahilig akong
gumamit ng mga metapora na yung dalawang bagay na malabong magkakonekta ay pilit kong
ipagsasama. Kaya ako nasasaktan eh. So ang title ng tula ito ay laro tayo.

Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap, magbilang ka nang tatlo,
magtatago na ako. Isa, Dalawa, Tatlo, Teka, magtatago pa ba ko? Nung nasa harapan mo nga
ko, hindi mo na ko makita? Pano pa kaya pag nagtago pa ko? Walang saysay ang nahanap
kong liblib na taguan, kung wala naman sa plano mo, ang ako'y matagpuan. Para saan pa ang
pagtatago ko, kung iba naman ang hinahanap mo? Matanong ko lang2x, Ayaw mo bang talaga
sa larong tag-taguan. Hindi ka ba talaga interesado sa larong tagu-taguan? O sadyang ayaw
mo lang sa kalaro mo, kaya biglang kang nagbubulag-bulagan? Kung ayaw mo ng larong tagu-
taguan, sabihin mo lang para mapalitan natin ng habol-habulan. Wag kang magalala ako na
ang taya, hahabulin kita, habang hinahabol mo sya. Pero bakit pati sa larong habol-habulan,
hindi mo parin ako makita? tapos na ang tagu-taguan pero bakit bulag ka parin? Ay oo nga
pala, Oo nga pala, Pano mo nga naman ako makikita? Kung ayaw mo naman akong lingunin?
Kung sa bagay, lagi ka lang naman kasi sakanya nakatinggin. Kaya hindi na ko magugulat na
kahit sa larong ito, hindi mo parin ako mapansin. Ilang laro pa ba ang kailangan nating gawin
pakiramdam ko kasi nagkakabayang na tayo eh Siguro nga't kelangan ko lang tanggapin, na sa
laro ng pag-ibig, malabo mo kong mahalin.

You might also like