Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Matigas na Ulong Sisiw

May isang inahing manok ang may anim na sisiw. Kung nasaan ang inahing manok ay
naroon ring nakasunod ang mga sisiw nito. Palagi silang sagana sa pagkain kaya sila'y
palaging masaya.

Sa isang isang bakuran naroon sina inahing bibi at ang kanyang anim ring mga maliliit
na bibi na nagsisipaligo at naglalaro sa isang maliit na balon.

Natanaw ng mga sisiw ang mga nagsisipaglangoy na mga bibi. Lumapit sila sa gilid ng
balon at doo'y pinanood ang masasayang mga bibi.

"Umalis kayo sa gilid ng balon!", sigaw ni inahing manok.

Waring walang narinig ang mga sisiw sa sinabi ng inahing manok. "Masdan n'yo ang mga
sisiw na nagsisipaligo sa balon," ang sigaw ng isang sisiw.

"Hindi iyon mga sisiw. Sila'y mga bibi. Hilig nila talaga ang tubig. Umalis na kayo sa
gild ng balon dahil baka kayo'y mahulog at malunod. Halina kayo't tayo'y aalis na." ang
wika ng inahing manok.

Patungo na ang inahing manok sa kanilang pugad kasunod ang limang sisiw. Ang isang
sisiw ay nagpaiwan at nanatiling nakamasid sa mga nagsisipaligong bibi.

Naisip niyang kung kayang lumangoy ng mga maliliit na bibing iyon sa tubig ay kaya rin
niyang isang sisiw. Kaya't siya'y tumalon sa tubig, ngunit huli na ang lahat nang
mapag-isip-isip ng matigas na ulong sisiw na hindi niya kayang lumangoy, kaya't siya'y
nalunod.

You might also like