Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kahulugan ng Pagsulat

Ano ang pagsulat?

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al.,
1998).

Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang


pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang
salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga
salita.

Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang


mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat.
Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya
tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa
pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa
interes mo.

Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang


maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

http://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
pagsulat.html

glory ann molina

Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan


sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala
bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-
guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal
na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.

Ang pagsusulat ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng


pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng
maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon,
pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga
pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4
na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay
humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang
mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap
ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian. Sa
kapwa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika, ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at
umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos
(kalendriko) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga
kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang
paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal
na korte.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusulat

Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na gamit ang letra o alpabeto.

Ang paggsulat ay isang proseso ng pagtatala ng karakter sa isang midyum na


may layuning makabuo ng mga salita.

https://myschoolworks.wordpress.com/2010/06/26/kahulugan-ng-pagsulat/
ANGELO O. MARIANO JUNE 13, 2018

Gr. 12 STEM 1- CASSIOPEIA GNG. REGALADO

Ang Pag-ibig (Talumpati)

Pag-ibig ? Ano nga ba ang Pag-ibig ?


Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig ?
Ano bang dulot nito sa isang tao ?
Bakit ba natin ito nararamdaman ?
Kayo ? Naranasan nyo nabang umibig ?

Ang Pag ibig ay isang Pakiramdam na Napakahirap ipahiwatig.


Nararamdaman mo ito, ngunit napakahirap bigyang kahulugan.
Pakiramdam na Nakakapagpabago sa Damdamin ng isang tao.
At Nagdudulot ng Iba't ibang Emosyon.

Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti,


Lutang Ang Isip. Wari Ba'y Nasa ibang daigdig !
o sa madaling sabi "May Sariling Mundo",
Kinikilig. Pagnaiisip ang iniirog lalo na Pagka kasama !
Madalas Masaya, kasi nga "iN-LOVE" !

Ang Pag-ibig ay Napakahirap ipaliwanag,


Na kahit ang Sciencia ay hindi maibatid
kung Ano nga ba Ang Pag-ibig.
Kaya Sigurado Ako, na Lahat Kayo,
ay Naka-Relate sa Talumpati ko !

Sa Mga Taong Umiibig, Iniibig at iibig ..


Ang Pag-ibig ay Isang Unibersal na Pakiramdam.
Lahat nakakadama, Lahat nakakaranas.
Kaya Huwag ipagkait ang Pagmamahal.
Tayo'y Magmahalan

http://crimsonletters.weebly.com/stories/ang-pag-ibig-1st-made-tagalog-maikling-
talumpati-for-fil-subj
Estephanie May Venerayan
Bakit Ako Nagsusulat?

Mangilan-ngilan na rin ang nagtanong sa akin kung ano ang punto ng aking pagsusulat.
Matagal kong ring pinagnilay-nilayan ang katanungang iyan at dumating sa sitwasyong
kinuwestiyon ko hindi lamang ang sarili kundi maging ang pagsusulat mismo. Oo nga,
“bakit nga ba ako nagsusulat?”.

Una, ni sa hinagap ’di ko naisip na makikita ko ang aking sarili isang araw
mamahalin ang pagsusulat. Maaring sitwasyon ang nagtulak sa akin. Paano ba
naman, hindi ako iyong tipo ng tao na mula pagkabata apat na ang mata at libro ang
tahan. Lalong hindi rin ako iyong tipong athletic o ‘di kaya’y may taglay na linang
sa arte. Ako iyong tipong tipikal.

Tipikal ang ugali kong mas binibigyan ko ng pansin ang mga nakakubli sa madilim na
eskinita kaysa sa nagtatayugang gusali. Mas hinahangaan ko ang mamang puno ng
kalyo kaysa sa may mga magagarang sasakyan. Tipikal sa akin ang ugaling gayoon.

Kung bakit ako gayoon? Marahil dulot ‘to ng kakulangan ko ng kapasidad sa larangan
ng palakasan kaya minabuti kong mas pag-ibayuhin ang kalinangang mental. At ang
pagsusulat ay isa lamang sa mga kaparaanan upang maitaas ko ang antas ng aking
mentalidad.

Para sa akin, hindi lang basta medyum ang pasusulat para makapag-ekpres kundi ang
pagsusulat mismo ang humuhubog sa sarili, kaakibat na nito ang paghubog sa
kakayanang mag-ekpress. Mas napag-iibayo nito ang kakayanang lohikal ng isang
indibidwal. At dahil sa pagsusulat, nagkaroon ako ng mas mainam na perspektiba sa
buhay.

” Mas napagtuunan ko ng pansin ang lumahok sa mga usaping makabuluhan. Natuto


akong makialam sa mga usaping pampulitikal at pambansa. Nagbago ang ugali kong
mapanghusga at hindi na ako naging katulad ng dati na mas nauunang magsalita sa
halip na mag-isip. Naranasan ko ring manindigan sa panahon na may kumikwestyon sa
aking mga naisulat.”

Ngunit, epektibo nga ba ang pagsusulat? Napatunayan na sa kasaysayan ng bansa,


isang mahusay na sandata ang papel at pluma upang kalabanin ang mga kaaway, mula
sa mga walang kamatayang obra ni Jose Rizal na ang Noli at Fili na umimpluwensya
kina Del Pilar, Bonifacio at sa iba na tahakin ang parehong antas ng pakikibaka. Ang
kanilang mga tahasang pagtuligsa ang siyang nagmulat sa karamihang kumilos para
ipaglaban ang idependensya ng bansa. Sa kasalukuyan naman, nariyan ang mga
kontemporaryong manunulat tulad nila Bob Ong, Ricky Lee, Eros Atalia, Tado Jimenez
at ilan pa na patuloy na binuhay ang kahalagahan ng mga titik at letra at ipinapabatid
ang esensyal ng pagsasalin ng mga makabuluhang kaisipan, damdamin at papanaw sa
paghubog ng isang nasyon.

Dito sa ating pamantasang QCPU, malaki ang signipekanteng ambag ng mga


artikulong nailalahtahala sa publikasyon. Nagsisilbi itong giya para sa mga estudyante
na mabatid kung ano ang kanilang mga tungkulin at karapatan. Gayundin, ito ay
nagsisilbing mata ng karamihan maging empleyado o estudyante man upang matukoy
ang mga pangyayaring lumalabag sa mga panuntunan. Ang mga artikulo ay pumupuna
hindi upang makapaglikha ng kaguluhan kundi upang maging lulan ito ng mga solusyon
sa pamamagitan ng paglalantad ng totoong sitwasyon. Ang papel ng isang publikasyon
ay magmulat at siguraduhing mulat ang kanyang mga mambabasa sa kanyang
kapaligiran.

Kaya naman; hinihikayat ko ang mga kapwa ko estudyante na linangin ang


kanilang mga kakayahan (pagsusulat ma o hindi) at iaalay ang kagalingang iyon para
sa unibersidad. Makiisa at i-alay ang potensyal para sa mga progresibong bagay.
Huwag gamitin para sa pansariling gratipikasyon ang angking talino upang
makapanlamang sa kapwa. Dahil sa huli, saka lang dadako sa totoong tagumpay ang
ating pamantasan kung lahat ng kanyang mga empleyado at mag-aaral ay mag-
aambag ng kanilang sariling galing.

Sa pagsusulat, mainam kong naibabahagi ang pagmamahal ko sa unibersidad. Ito


ang tangi kong ambag na kaylanman ay ‘di kukupas at malilipasan ng panahon. Kaya,
hanggang batid ko ang kahalagaan ng bawat artikulong progresibo, patuloy na mag-
aalab ang pagmamahal kong iyon.

https://kathapinoy.wordpress.com/2012/10/21/bakit-nga-ba-ako-nagsusulat/

ni: Kathapinoy

You might also like