Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________________ Petsa: _________________

Taon at Seksyon: _____________________________ Iskor: __________________

FILIPINO 9
UNANG PAGSUSULIT

Pagsasanay 1. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig o transitional device upang mabuo ang pahayag.
Bilugan ang tamang sagot.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya
lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na
kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga
darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang
maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Pagsasanay 2. Punan ng angkop na pangatnig o transitional device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng
kuwento. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Krus

Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang
paghahanda sa SEA Games. _____________ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya.
_______________ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-
eensayo. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya _____________ matalik na kaibigan ng
kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral
________________ pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato.

Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa
covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.

_________________, habang siya’y nakatayo sa spring board ng pool na may taas na tatlumpung
talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, _____________ umaayos nang nakadipa
bilang paghahanda sa pagtalon. _________________ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa
kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. _____________ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang
kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang spring board at umusal.

“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin N’yo po ako.
Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”

Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at
nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.

Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya
dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.

Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po Panginoon.”

You might also like