LP NG Salitang Hiram

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON IV-A (CALABARZON)
SANGAY NG BATANGAS
TAYSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
TAYSAN, SAN JOSE BATANGAS

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
A. F7PT Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram.
II. Pamantayang Pangnilalaman
Paksa: Salitang Hiram
Sanggunian:
Kagamitan: PowerPoint Presentation, video clip.
III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
H- anay ng upuan ay isaayos.
I- ligpit ang mga bagay na hindi naaayon sa
ating asignatura.
R- aise your hand and clap clap
raise your hand and snap snap
raise your hand and tap tap
to have a better life.
A- ng sarili ay ihanda para sa kaalamang
matatamasa
M- agandang umaga! - Magandang umaga po!
c. Pagtatala ng liban
d. Pagsisiyasat ng Takdang aralin.

B. Aktibiti
Bago tayo dumako sa ating bagong
araling ay maglalaro muna tayo. Ito ay ang
larong “Salita!Salita! Saan ka nagmula?”. Ang
gagawin nyo lang ay huhulaan kung saang
lugar o bansa nagmula ang mga salita.
Maliwanag ba? - Opo

Salita Bansa
- America
1.Basket
- America
2. keyk
- Espanya
3. kwarta
- Espanya
4. kobyertos
- Espanya
5. hikaw

B. Analisis
Base sa mga naging kasagutan ninyo:
1. Ano ang mapapansin ninyo sa mga salitang
- Mga salita po na nagmula sa ibang
ito?
bansa.
Tama!
2. Kung sila ay mga salita na nagmula sa ibang
lugar at atin itong ginagamit sa pang-araw-
araw na buhay, ano ang tawag sa mga salitang
- Ito po ay mga salitang hiram.
ito?
Mahusay!
Ang hiram na salita ay kinuha mula sa
katutubong salita ng ibang bansa. Karamihan
ng mga salita ay my katumbas na salita sa
ingles o kastila.

Ano-ano ba ang mga hiram na salita na


ating ginagamit araw-araw? Mabigay ka nga
ng halimbawa at ano ang kahulugan nito sa
- Silya ang kahulugan po nito ay salung
filipino?
puwet.
Mahusay!
Ngayon ay gamitin mo nga ito sa isang
pangungusap. - Ang mga bata ay naka-upo sa silya.
Tama!
Iba pang hlimbawa?
Mahusay!
Ngayon ay gamitin mo ito sa isang - Kwarta ibigsabihin ay pera
pangungusap.
- Si Maria ay nawalan ng kwarta.
Maliwanag ba ang kahulugan ng
- Opo!
salitang hiram?

My inihanda ako ditong dula ng


“Mutya ng Saging” ni Leoncio P. Deriada.
( magpapapanuod ng video)
Ayon sa akda, ano ang mga pangyayari
na nangyayari o pinaniniwalaan pa rin sa
- Ito po ay yung pagkakaroon ng kapre.
kasalukuyan?
Hanggang ngayon ay pinaniniwalaan
na sila ay totoo.

C. Abstraksyon
Mula sa dulang inyong napanuod ay
itala ang mga salitang hiram na nabanggit ng
mga tauhan sa isang malinis na papel.

D. Aplikasyon
Magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain.
Pangkat 1: Bakata (batang makata)
- Bumuo ng maikling tula na
ginagamitan ng mga salitang hiram
tungkol sa mga paniniwala ng mga
Pilipino.
Pangkat 2: Arte mo! Show mo!
- Gumawa ng maikling salitaan na
ginagamitan ng mga hiram na salita
paniniwala ng mga Pilipino.
Pangkat 3: Balitaktakan
- Pagbabalita na ginagamitan ng mga
hiram na salita paniniwala ng mga
Pilipino.
Pangkat 4 : Hugot eh!
- Hugot lines na ginagamitan ng mga
hiram na salita.
Pangkat 5 : Birit!
- Bumuo ng maikling kanta na
ginagamitan ng mga salitang hiram
paniniwala ng mga Pilipino.

E. Ebalwasyon
Salunguhitan ang salitang hiram na
ginamit sa pangungusap.

1. Mabilis magpatakbo ng ssakyan ang


drayber.
2. Alas diyes na ng gabi. 1. drayber
3. Bilib din ako sa lakas ng iyong loob. 2. alas diyes
4. Tara maglaro ng basketbol. 3. bilib
5. Ikaw ang may kontrol sa lahat ng 4. basketbol
nangyayari. 5. kontrol
6. Tumagas ang likido ng langis. 6. likido
7. Edukasyon ang susi sa pag-asenso. 7. edukasyon
8. Pakipalitan ng tseke sa banko. 8. tseke
9. Bumili ka ng bihon sa palengke. 9. bihon
10. Magbigay galang ka kay ingkong. 10. ingkong

IV. Takdang Aralin

1. Ano ang proyektong panturismo?


2. Hakbang sa pagbuo ng proyektong panturismo.

Inihanda ni:

RICA G. MACARAIG
Gurong nagsasanay

Iniwasto ni:

CARINA MACATULAD
Gurong tagapagsanay

You might also like